11th Madness

2.2K 78 3
                                    

Hio's POV

BOOM!

BANG! BANG!

Tang ina Happy New Year!

Nagsisipagsabugan ang mga matataas na building dito sa Area 1 at tapos nagsisipagtumbahan.

Pag-snap ko ng mga daliri ko, may building na namang sumabog. Nagsimula na rin ang pagyanig nung pinagtatatapakan na ng mga undead ang landmines.

"HUY ITIGIL MO ANG PAGPAPASABOG SA AREA 1!"

Sa wakas may pumatol na rin sa pagpapapansin ko. Lumingon ako. "Magandang araw. Maaari ko bang malaman kung sino kayo?" tingin ko ay hindi bababa sa dalawampu ang dumating. Para silang mga prayle sa suot nila.

"KUNG HINDI KA ISANG EVIL DRUID, BAWAL KANG MANGGULO DITO! UMALIS KA NA. LUMIPAT KA SA AREA 2!"

Nalaman ko mula sa mga alaala ni Aster ang mga nangyayari ngayon. Fleeting na sa subconcious mind niya ang mga alaalang yun. Ibig sabihin, maaaring mawala na yun sa kanya.

Originally ay may labintatlong Evil Druid subalit ngayon ay aanim na lang ang natitira, kabilang na dun ang aking anak. Ang isa ko pang nalaman ay si Licorice ang master ni 

Aster.

"Nasaan ang mga Presbyter?" tanong ko habang nakangiti.

"—Sino ka ba? Bakit ba ang kulit mo?" halatang inis na sila.

"Isa lang akong hamak na Alchemist mga ginoo."

Pinagtawanan nila ang sinabi ko. Nakitawa rin ako. "Hahaha... Alam niyo ba? Kapag ang tatlong Nitrogen ay nicombine mo sa Toluene ay makakalikha ka ng Trinitro Toluene?"

"Wahaha—may sense ba yun? Eh pinagsama mo lang ang pangalan nila ah?"

"Eheheh... Ang Trinitro Toluene ay kilala sa tawag na TNT. Gets niyo na ba?! Gusto niyo ng demo?"

Nag-snap ulit ako. Sunud sunod na sumabog ang limang building na malapit lang samin.

"TARANTADO KA AH?! SINABI NANG WAG KANG MAGPASABOG DITO—!"

"—KAPAG HINDI NINYO SINABI KUNG SAAN NAGLALAGI ANG MGA PRESBYTER, NUCLEAR EXPLOSION NA ANG MANGYAYARI DITO! WAWASAKIN KO ANG AREA 1 NINYO!" pagbabanta ko.

"Aba't talagang—"

"Shaun, hindi siya kung sinong bampira lang! Nakita mo ba yung marka sa braso niya?"

Napatingin ako sa sarili kong braso kung saan nandun pa rin ang simbulo na nagpapatunay sa akin bilang ang pinakahuling hari ng lahing bampira.

Forlorn Madness 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon