20th Madness

2K 77 0
                                    

Shall's POV

"Umalis na si Aster." ani Hio sakin. Pinuntahan niya ako dito sa may hardin. Kasalukuyan kong inisprayan ng tubig ang mga asul na rosas.

Bahagya ko siyang nilingon. "Kamusta na ang kanyang kalagayan? May magagawa ka ba?"

Nag-aalala ako sa batang yun. Halata sa kanya ang hindi magandang disposisyon. Pabago-bago ang aura at maya't maya nagpapalit ang kulay ng mata.

"Nalaman kong mas concentrated ang infection sa dugo ni Aster kesa dun sa batang nasa Area 1. Pero hindi ko yun sinabi sa kanya. Magagamot siya ngunit hindi kakayanin ng katawan niya kung isang session ko lang tatanggalin sa kanya ang virus, kaya naman napagpasyahan kong uunti untiin lang."

"Mabuti pa rin..." wika ko.

"—Tulungan mo ako. Maghanap tayo ng magiging kabiyak ng kanyang puso."

Di ko inaasahan ang aking narinig. "Patay na ang kanyang—?"

Marahang tumango ang aking asawa.

Napakabata pa ni Aster ah?

Isang natatanging bagay ang pag-ibig ng mga bampira. Sa masamang pagkakataon na mamatay ang aming iniibig, titigil sa pagtibok ang aming puso; na walang ipinagkaiba sa isang patay.

Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng ganun. Ang sabi ng ilan, magiging manhid daw at walang pakiramdam ang isang bampirang may patay na puso. May ibang nawawala sa sarili. At ang pinakamasaklap ay mawalan ng kontrol sa sariling kapangyarihan.

"—Hindi ko gagawin ang body dissecting technique sa kanya hanggat hindi tumitibok ang kanyang puso. Kapag ipinilit ko, matutuluyan siyang maging isang undead— na hindi ko papayagang mangyari.

Bilang paunang hakbang, susurveyin natin ang buong Area 2 para sa mga posibleng maging konsorte ng ating anak. Magdadaos tayo ng piging at iimbitahan ang mga mapipili natin upang makadaupang palad mismo si Aster."

Matrabaho ang naiisip ni Hio; at masyadong old school.

"Si Antigoné. Nasisiguro kong malaki na ang attachment niya kay Aster. Mapapanatag ako kung silang dalawa ang magpapakasal." suhestiyon ko. Yun na talaga ang plano ko dati pa.

"Hindi ko pahihintulutan. Magkapatid sila." kontra naman ni Hio.

I scowled at him. "Pwede ba Hio? Be practical! Isa pa, baka nakakalimutan mo na ampon lang natin si Aster—"

I swear it was the first time he gave me an awful look. Bigla na lang siyang nagwalk out!

Nabother ako. Alam kong may nasabi akong isang taboo para sa kanya— WHY DIDN'T I HOLD BACK?! I'm so stupid!

I need to talk to Hio. Hindi ako tatagal ng five minutes na galit siya sakin.

Forlorn Madness 2Where stories live. Discover now