Aster's POV
"6 p.m. bukas ang contract signing natin sa network at bukas na rin natin makikilala ang bago nating manager." tuloy tuloy kong eksplika kay pareng Kan as I was putting away my phone. Katatawag lang ng CEO ng G-Tv para sabihing interested pa rin sila samin.
"Yun ay kung may lead guitarist pa ang ForMad bukas." di ko alam kung nang-iinis ba tong si Kan o nang-uungas? Which one?!
Barubal kong ibinato sa kanya ang isang helmet. Nakasuot na ang sakin at nakamount na rin ako sa aking Ducati. Siya na lang talaga ang hinihintay ko. "Sakay na señorito!"
Yumapos siya sa bewang ko kaya tinampal ko ang mga kamay niya. "WAG KA NGANG YUMAYAKAP PAG AANGKAS KA NG MOTORBIKE! NAPAKA-GAY MO!"
"GAGO KA BA EH ANG BILIS BILIS MONG MAGPATAKBO NG MOTOR! SAAN MO AKO GUSTONG HUMAWAK?! DYAN SA STICK MO?!"
"TARANTADO! BASTA WAG KANG KUMAPIT SAKIN TAPOS!" pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa parking. Lagi na lang kaming nag-aaway pag ang transpo ay motorbike. Pakiramdam niya lagi ilalaglag ko siya sa umaandar na sasakyan. Man he had a poor center of gravity.
In the end, nagkasundo kaming sa balikat ko siya kakapit. Paglipas ng sampung minuto sa kalsada, biglang nawala si Kan sa likuran ko. I'm guessing nagteleport na siya sa isang mataas na tower building. Mula dun, tutulungan niya akong matunton ang kinaroroonan ng target ko.
"Aster, naririnig mo ba ako? After two blocks, turn left sa intersection. Drive straight hanggang sa isang exclusive bar. Zero Nine ang pangalan nung bar."
"Roger!"
What the hell was an ED doing inside a bar? Nagkakalat na naman ng lagim?
Pagdating ko sa Zero Nine, direcho kong binunot mula sa sheath ang katana ko. Hindi ko na hinubad ang helmet ko para walang makakilala sakin.
"Boss, tanggalin niyo naman yang helmet niyo bago kayo pumasok dito. At saka ano yang dala niyo?" hinarang agad ako ng dalawang bouncer na pumuputok sa muscle ang mga katawan.
"Ano tong dala ko?! GULO!" sinikmuraan ko yung unang bouncer gamit ang handle ng katana ko, while yung isa hinigh kick ko na lang. At nung may balak pa silang tumayo,
pinagtatadyakan ko sila sa ulo isa isa. "Babangon pa kasi eh!"
Nakarating ako sa loob na wala man lang may pakialam sa suot kong helmet o sa dala kong katana.
Nakisayaw pa ako sa dalawang chicks na kumembot sa magkabilang gilid ko.
Nasaan na ba yung ungas na yun?
Ayun! Ayun! Pasayaw sayaw si tanga sa dance floor! Kala mo sinong maganda sumayaw eh. Sumugod ako sa dance floor tas inamba ko sa kanya ang dala kong katana—
Pero natigilan ako nung ipangharang niya sa dulo ng espada ko ang isang chick na nahila lang niya. Plano niyang kagatin yun pero naagapan ko.
"Inner soul release." I whispered under my breath.
Pumasok sa bibig ng chick na yun ang isa sa mga inaalagaan kong inner soul, at dahil dun, kontrolado ko na ang katawan niya.
Tinapakan niya ang paa ng target ko. Yung takong talaga ng stiletto niya yung bumaon sa paa ni tanga, and then kinatok niya na parang pinto ang pagmumukha nun.
Itinulak sakin ng kalaban yung chick. Sinadya niya yun para makatakbo siya sa likuran. Sa may fire exit siya dumaan at prente ko siyang sinusundan.
Ang nilabasan niya ay isang open-space na walang katao tao. Pabor sakin ang lahat. Dito ko na wawakasan ang miserable niyang buhay.
"Any last words?" patuya kong tanong sa kanya habang nilalaro ko sa aking palad ang isang bola ng apoy. Pinatalbog ko yun sa lupa na automatic na kumalat at pumalibot sa kalaban ko. Ang sarap talaga mangtroll ng mga weak, lalo na pag may kasalanan sayo.
Isinawsaw ko sa apoy ang katana ko at wala pang ilang sandali ay nagliyab na yun. "KATAPUSAN MO NA—!"
"SANDALI LANG ECCLESIASTES!" disappointed kong nilingon ang umistorbo sakin.
Isang grupo ng mga friars ang dumating para lang pigilan ako! Ah... Sila ang mga moderator sa Area 1, pero anong pakialam nila samin dito?
I blew out my katana and the flame died away. "Anong ginagawa niyo dito? This is not Area 1."
"—Isurrender mo sa Black Church si Nehemiah at tinitiyak namin sayong magiging maayos ang lahat."
"—Ang mabuti pa patayin mo na lang ako! Alam kong isasailalim na naman nila ako sa isang eksperimento!" narinig ko si Nehemiah. Base sa tono niya, parang near panic na siya.
Wala kasing Evil Druid na hindi takot sa mga 'eksperimento' ng Black Church. Maaawa sana ako kung hindi lang niya sinabotahe ang concert ng ForMad.
"Well... good for you." nasabi ko na lang sa kanya. Tinanguan ko ang mga friar bilang pagpayag ko na ipaubaya na lang sa kanila si Nehemiah.
Hindi na ako lumingon, but I must admit that I am so shaken. Pag nalaman kong isasubject din ako sa panibagong eksperimentasyon, I'll run for it. Sapat na ang kapangyarihan ko para lumaban sa kanila, basta hindi na ako magpapahuli ulit.
Hinubad ko na ang helmet ko pagpasok ko ulit sa bar.
Nasaan na ba si Kan? Bakit di na niya ako sinundan dito?!
"—Pogi, sayaw naman tayo!"
Nginitian ko lang yung chick na nag-aaya sakin. Okay sanang maghappy happy ngayon kung wala lang akong inaalalang bata. Makauwi na nga lang.
****
Cerylle's POV
Heh pinaglololoko ako ni Aster. Pwede ko namang sindihan yung flourescent light may 'masanay ka na sa dilim' pa siyang nalalaman.
Pasado alas kwatro na. Kakatulog lang ni baby girl pati ni Farfait. Naglaro kaming tatlo ng scrabble kanina nung gising pa sila.
Hindi ako dinadalaw ng antok. Hyper na hyper pa rin yata ang adrenaline ko sa dami ng nangyari overnight. Nagpasya akong pumunta ng kitchen para magtimpla ng gatas.
Nadaanan ko na naman ang sangkaterbang damit ng mga boys. Talaga bang pati sa sala dapat may damit sila? Sabagay anong say ko eh sampid lang naman ako sa pamamahay na to.
"Hwooy bakit di ka pa tulog?" malalim na pinakamababang bass ang tono ng pagkakabulong nun sa tenga ko. Sa sobrang takot ko, nabitawan ko ang hawak kong mug na may mainit na gatas!
Si Aster ang nanggulat sakin. Nasalo niya yung mug, PATI ANG LAMAN NG MUG! I don't have any idea how did he do such magic.
"Hahaha. Nakakaamuse ka talaga." he remarked.
Napakabipolar niya. One minute, ang seryoso niya. The second minute, ngiting-aso na siya. Ewan ko kung bipolarism na ba yun, or mas malala.
"B-Babalik na po ako sa kwarto ko." I'm very glad to excuse myself.
Nahigit niya ang braso ko. "Hindi ka pa naman inaantok di ba? Tara inom tayo."
"H-Ha?" ang totoo niyan hindi ako umiinom, mahirap lang talaga tumanggi sa amo kong pogi. Dejoke. Kasi di ba chance na to para makipagkaibigan sa kanya? I just know na may goodside pa rin siya, at yun ang gusto kong makita sa kanya.
Hinila niya ako papasok sa kwarto niya. Binuksan niya ang ilaw kaya dun ko nasipat kung gaano kalaki ang room niya! Kasya sa loob pati isang mini bar!
"Upo ka." pinaupo niya ako sa may stool. Siya naman ay sa likod ng bar pumunta. Naglabas siya ng isang bote ng whisky mula sa cupboard tas kumuha rin siya ng ice sa mini ref.
Naglagay siya ng mga ice sa dalawang glass tas sinalinan ng alak. "Oh eto."
Inabot ko ang baso ng alak. Nalanghap ko pa lang yung amoy nun, parang nahihilo na ako; samantalang yung sa kanya, inisang lagok lang niya! Di pa siya nakuntento sa ininom niya, tinungga pa niya ang bote!
Ano kaya ang pinagdadaanan nito?
Umalis siya sa mini bar. Kinuha niya sa isang mesa ang PC tab niya—
"ForMad, buhay pa ba kayo?! Hahaha~ nakakatuwa talaga tong mga fans natin! Too bad some of them became infected..."
Inilapag din niya yung PC tab nung mabaling ang atensyon niya sa electric guitar na nakadisplay sa isang sulok. Kinuha niya yun and then plugged it to its amplifier. Naupo siya sa tabi ko tas nagstrum ng wagas.
"You've got this new head filled up with smoke
I've got my veins all tangled close.
To the jukebox bars you frequent, the safest place to hide?"
Good thing I know he's a vampire. Atleast there could be some sort of explanation kung bakit he's intoxicating. Yung amoy pa ng whisky sa kanya, ang tapang. Nalalasing ako sa simpleng pagtabi niya lang sakin!
"A long night spent with your most obvious weakness
You start shaking at the thought 'you are everything I want, cause you are everything I'm not'
And we lay, we lay together just not too close too close.
(How close is close enough?)
We lay we lay together just not too close too close...
I just wanna break you down so badly...
Well I trip over everything you said—"
OH DIYOS KO, ANG MGA MATA NIYAAA!
Ginagayuma niya ako! Si ako naman, nagpapadala sa charm niya. Eh basta! Nahuhumaling na lang akong bigla sa mga mata niya pati na sa boses niya... Hanggang sa hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko—
Walang anu-ano'y bigla ko na lang naikawit ang mga braso ko sa leeg niya. At ako. AKO NGA! Ako nga mismo ang humalik sa kanyang mga labi!
Ugh... Nag-enjoy siya, nag-enjoy ako. Nag-enjoy kaming dalawa. NGUNIT ISA ITONG DISASTER!
Tiyak na itataunt ako ng kumag na to maya't mayaa!
"Looks like we have a little secret now." bulong niya sakin. SEE?! Hindi pa nga ako nakakarecover, inaasar na niya ako!
Diyan ka na nga!
Tinulak ko siya with all the strength I could muster.
Nabuksan ko na yung pinto nung marinig ko ulit siyang kumanta—
"I'm gonna make damn sure, that you can't ever leave...
No you won't ever get too far from me... You won't ever get too far..."
I can still hear him even when I shut his door.
Para kanino naman kaya niya sinasabi ang linya ng song na yun? Beats me.