The Woman: INDEBTED

By AnyasaintVilla

75 0 0

Rorscha La Guardia only wanted one thing in her life. It was not for her, but for someone else whom her famil... More

SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14 (SPG)
KABANATA 15
KABANATA 16

KABANATA 7

4 0 0
By AnyasaintVilla


 Kabanata 7: Foreign

Two days ago, we were anticipating to win the case. Ano na ngayon ang mangyayari kung ang lahat na nagsampa ng kaso ay wala na?

I tried to call Val, but it would only go straight to her voicemails. It was the same for everyone... except for Dale na hindi ko pa natawagan.

I rang his number.

"Ano iyon, Scha?!" Sobrang lakas ng kanyang boses. Magulo rin ang background.

"Nasaan kayo?" I'm starting to get worried. "Hindi ko sila macontact. Nasaan kayo?" Inulit ko ang tanong nang hindi siya agad sumagot.

"Dito sa pabrika. Pauwi na rin kami. Doon ka na dumiretso."

I was not able to talk again. Agad niyang pinutol ang tawag. What he said was clear and loud, but to ease my worriment, instead of going to the office, I went to the factory's address.

Sa ibang address muna ako nagpahatid sa driver namin gaya ng nakasanayan. I only told him na sunduin nalang ako mamaya. From there, I took a cab. Even from a distance, the agonizing cries of the family could be heard.

Matapos magbayad ay agad akong lumapit sa kanila. Nasa labas lang ang mga pamilya ng biktima.

Mga ilang minutong paglilibot at pagtatanong-tanong, nakita ko si Dale. I walked to him and tapped his back. His eyes lingered on me, with a hint of annoyance.

"Bakit ka narito? Diba sinabihan na kita na sa opisina ka nalang dumiretso? Delikado rito."

I ignored his sermon. "Sila Val?" tanong ko.

"Nasa opisina na. Ang tigas talaga ng ulo mo." His brows furrowed. Imbes na matakot sa galit na ipinapakita niya, I was amazed.

Hindi ako makapaniwala na ang maamo niyang mukha ay kayang maging mabagsik sa simpleng pagkunot ng kanyang noo. His soulful eyes should be blamed for that. Pero hindi naman ito ganoon lagi. Noong nagkakilala kami, kahit anong galit ang kanyang ipinakita, maamo pa rin ang kanyang mukha.

Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin ang naging reaksyon ko. Nahiya tuloy ako.

"Umuwi na tayo."

With that, he held my wrist as we parted from the crowd. Kaya lang, bago kami tuluyang makaalis doon. Biglang nagkagulo. I did not know what happened. Ang alam ko lang, tumatakbo kami ngayon at hinahabol ng kung sino.

Sa suot kong mahabang palda at heels, sobrang nahihirapan ako sa pagtakbo. And another bad news, I am also asthmatic! Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tumatakbo hanggang sa lumiko kami sa isang eskinita.

Unti-unting kinakapos ang aking hininga nang tumigil kami.

"I...can't...breathe..."

Paputol-putol na sambit ko. Nagusot ang t-shirt ni Dale doon dahil sa higpit ng kapit ko.

I saw panic in his eyes. And I was also panicking, too! Hindi iyon nakatulong.

I thought I was going to lose my consciousness at that moment. Suddenly, I felt a rough paper against my mouth. Ang paper bag na hawak niya kanina ay naroon sa aking bibig. I inhaled then exhaled. I repeated the process hanggang sa naging maayos ang aking pakiramdam.

"Are you okay now?"

His face was close to mine. Ang kanyang kamay naman ay nasa aking pisngi. Tumango ako bilang sagot, habang unti-unting nalulunod sa isang banyagang pakiramdam.

Wala ako sa sarili habang pabalik kami sa opisina. Pagpasok pa lang namin doon, agad akong napasalampak sa sofa, nanginginig ang tuhod.

Lumapit si Dale kay Atty. Constantino at may ibinulong. Sila Val naman ay agad dumalo sa akin.

"Are you okay now?"

Similar question, but another person was asking. Surprisingly, the feeling it elicited is way different from a while ago. Both warmed my heart, but with Dale, it was thawed... I wanted to melt in the arms of an angel.

"Hey..." Val nudged me, bringing my attention back to her. Ano ba itong naiisip ko?

"I'm okay now." Pilit kong tinatagan ang boses.

"Drink this." Dynna sat beside me and offered a glass of water. "Ubusin mo yan ha. Sobrang nag-alala kami sa iyo nang hindi ka namin nadatnan sa opisina."

"I'm so sorry. Akala ko kasi matatagalan pa kayo kaya pumunta rin ako doon."

"Sa susunod kasi, huwag matigas ang ulo. Nakita mo naman ang nangyari. Muntikan na tayong madisgrasya."

Lumipad ang aking mga mata kay Dale nang magsalita siya pero agad ko ring iniwas. I do not remember feeling this way towards anyone. Sa kanya pa lang... This uneasiness... It's foreign to me. 

"I'm sorry again. Hindi na mauulit." Muli akong humingi ng paumanhin sa kanila. Fortunately, Dale dropped the topic.

Matapos naming pag-usapan ang mga susunod na hakbang, hinatid ako nina Val sa kung saan ako nagpahatid sa aming driver. Hinintay nila muna akong masundo bago sila tuluyang umalis.

That night, I could hardly sleep. My thoughts were invaded by Dale. The times I spent with him kept recurring vividly. I did not put any colors into our interaction back then, but now... I don't know!

Ilang ulit akong nagpalit ng posisyon hanggang sa masilaw ako sa sinag ng araw.

I was expecting to look haggard the next morning. Tama nga ako. Right in front of the mirror, I saw how weary my eyes are. My eyebags are big and somehow dark. And I'm still very sleepy!

Several knocks at my door interrupted me. I contemplated whether I should open it or pretend I haven't heard it so I could go back to sleep. Eventually, I weakly opened the door. Baka mapagalitan pa ako kung si Lolo ito.

"It's good that you're awake. Get ready. We'll be attending the mass at 8 am."

My eyes widened in realization. Sunday ngayon!

"Opo, dad!" I answered cheerfully despite the lack of sleep.

Thirty minutes before 8, I was already prepared. Pilit kong ipinapakita na hindi ako inaantok pero habang nasa sasakyan kami, nakaidlip ako nang kaunti. I was thankful. Perhaps, I could endure the drowsiness later during the mass.

Being widely known, several heads turned to acknowledge our presence as soon as we entered the church. We sat in the first row along with other personalities.

The mass started and I really don't pay attention that much. Hindi ako relihiyoso pero nahagip ng aking pandinig ang sinabi ng pari. 

"Remember Corinthians 9:6, whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows generously will also reap generously."

"Ang pinagkakaiba ng perspective ng tao at ng Panginoon ay ganito. Sa atin, kung magbibigay tayo, iniisip natin na mawawalan tayo. Pero sa Panginoon, when we give, it will come back to us. Many people do not realize this." Dagdag pa niya.

Totoo naman. Among those people are sitting right beside me. Lord, guide me to the right path. I don't want to grow up like them.

Hindi ko na talaga malabanan ang unti-unting pagbigat ng aking talukap while I was chanting my own prayer to the Lord. Para akong hinihele kaya pinagbigyan ko na ang sarili. Isang minuto lang naman na naging hindi ko alam kung ilang minuto na.

Mahina akong siniko ni Dad kaya napabukas ang aking mata. Diretso ang tingin ko sa harap. Nang masiguro na hindi ako napansin ni Father, lumingon ako sa paligid.

To my surprise, I saw a pair of familiar eyes directed at me. Val who was sitting at the right portion of the priest smirked at my stupidity. I blinked before my eyes wandered to her company. Wala roon si Dale. Napahinga ako nang malalim. That's a good thing, I guess?

Atty. Constantino is planning to adopt Dale legally. He and Val must be getting along well. Bitterness crept into my being that I had to turn my gaze away from Val or else I could not help myself from rolling my eyes at her

Magkasala pa ako habang nasa simbahan!

Pero bakit naman ako maiinis? Ano naman ngayon kung close sila? We are all friends! And they are going to be siblings!

A newly opened restaurant — The Gourmet, was where we ate our brunch. Kakilala ni Lolo ang may-ari nito. He said the owner personally invited him during the opening, but he was not able to attend. Kaya ngayon nalang daw siya babawi sa kaibigan.

The interiors of the restaurant reminded me of one thing: a ranch house. Ang galing naman ng nakaisip nito! A ranch in the middle of a busy city. This is perfect for a breather.

Sa isang malaking mesa kami iginiya. Nakaserve na roon ang iba't-ibang putahe. Sa dulo ay nakaupo ang may-ari. Kaedad lang din yata ni Dad. Sa paglapit namin, tumayo ito at kinamusta si Lola. Nag-usap muna saglit bago kami naupo.

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng mga matatanda. From government projects to business, they talked almost everything about it.

"Sa susunod na meeting namin ay dito ko dadalhin ang mga kasamahan sa trabaho. Nakakawala ng pagod ang pagkain niyo rito," si Lolo matapos uminom ng tubig.

"Salamat, Mayor! Sabihan niyo lang ako para pagdating niyo ay ready na ang mga pagkain dito," kapansin-pansin ang tuwa sa boses ng Chef na siya ring may-ari ng The Gourmet.

Tuloy-tuloy pa rin ang kanilang kwentuhan, from food to business, and then politics.

Savoring the last taste of the mushroom soup, I closed my eyes. Muntikan ko nang mailuwa ang hinigop kong sabaw.

Talagang araw ko yata ngayon, Val's family is also here. Napansin ako ni Val. She waved at me, natatawa. Maging sina Tita at Atty. Constantino ay ganoon din. Nahihiya akong ngumiti sa banda nila. Nakita yata nila ang katangahan ko.

"Sino iyan, hija?" Lolo asked me. Nakaalis na pala si Chef.

Ano nga ulit iyon? Ah, he was asking about Val.

I thought it was just out of pure curiosity but when I focused on him. I saw recognition in his eyes. Kilala niya ang pamilya ni Val?

"Classmate ko po."

"Malapit ka ba sa kanya?"

"Opo. Umattend din po siya noong birthday ko."

"Ganoon ba... Felipe, you should add more men to guard your daughter. Napapalibutan siya ng mga hindi niya ka lebel."

"I will definitely do that, Dad," ani Daddy sa suhestyon ni Lolo. Kaming tatlo lang ang kumakain ngayon. Mom is outside the country again kasama ang kanyang mga amiga.

I will call her later tonight. Sana makumbinsi niya si dad na hindi na magdagdag. Nahihirapan na nga akong takasan ang lima.

Naging tahimik ang aming pagkain nang muling magsalita si Lolo.

"How about the guy, Rorscha? Kilala mo ba?" Napatingin ako sa tinuro ni Lolo. Biglang nagtakbuhan ang mga daga sa aking dibdib.

What the... Dale is here?! Nakita niya ba kami?

"Adopted po nila Atty."

I thought it was the safest answer, but it only prompted more questions from Lolo.

"Adopted? Ano bang background ng batang iyan?"

"I don't know po. I haven't interacted with him."

White lies. Sa panahong gipit, sa white lies ako kumakapit.

"And you should not." Dad and his never-ending warnings about men. I only nodded so they would not dig more on that. Less talk, less mistakes.

Pinili kong manatili sa bahay buong araw para maiwasan ang pagdududa nila Dad at Lolo. Tinapos ko ang aking mga assignments and I did an advanced reading on several topics.

Kinagabihan, pumunta ako sa gym sa third floor ng aming bahay. I decided to tire myself so I would be able to sleep well tonight. I should be refreshed by tomorrow!

Effective naman ang ginawa ko. Wala pang tatlumpong minuto ay tulog na ako.

Another week passed like lightning. Sabado na naman ulit. I received a text from Val and Dale. Una kong binasa ang kay Val.

Val:

Pupunta ka ba mamaya?


I typed my reply.


Me:

Yes. Anong gusto niyong snacks? I'll bring some!


Then, I checked Dale's message.


Dale:

Good morning. Anong oras ka darating?


Without thinking much about what to say, I replied.


Me:

Good morning, Dale! Around 8 siguro. Kumain ka na ba?


It was already sent when I read my reply. Napasabunot ako sa buhok. Para namang excited at concerned ako masyado sa naging reply ko. Gaga! Kahit naman noon, ganoon na ako magreply sa kanya at sa iba pang mga kaibigan namin.

My phone beeped. I was disappointed to see Val's name.


Val:

Our favorites, please! Thank youuu. Xoxo 💋


I typed "okay" then clicked send. Another beep came from my phone.


Dale:

Nagluluto pa lang. Ikaw ba?


Me:

Still on my bed. Anong niluluto mo?


Ito ang unang pagkakataon na parang excited ako na nagpalitan kami ng texts ni Dale. Tamad akong magreply noon at wala pang pake.


Dale:

Omelette lang. Kumain ka na.


Paano kung ayaw ko? Will you insist that I should eat breakfast now? I sighed. Ano ba itong pinag-iisip ko?


Me:

Tinatamad pa akong bumangon.


Dale:

Bangon na. Time is gold.


Me:

I don't want to.


Hindi na siya nagreply ulit. I was annoyed. Ayaw kong maging last reply!

Kaya naman bumangon nalang ako at naligo. I put on a light make up. Bagay sa crochet sleeveless top na suot ko. High-waisted jeans naman ang ipinares ko dito.

Ang pagbaba ko sa sala ay siyang pag-alis din ni Lolo. Si Daddy naman ay bumalik na sa trabaho. Ilang buwan ulit bago iyon makauwi. Ganoon naman talaga sa military.

"Mang Danny, pahatid po sa school. I'll do my paperwork again at the library."

In front of our university, may café doon na lagi naming tinatambayan nina Val. Doon na ako bumili ng mga snacks namin bago pumasok sa school. Lumabas naman ako sa secret passage na laging dinadaanan ng mga estudyanteng nagcu-cut ng klase. Mula roon, nagcommute ako papuntang opisina.

"Good morning people of the world!" I greeted everyone before I put the paper bags on the table.

"Thank you ulit sa snacks, baby girl!" Tita, Val's mom, spoke in a high pitch tone.

"No problem, Tita!"

Lumapit na ako kina Val na nakaharap sa laptop. Sa likod niya, naroon si Dale, Dynna, at Audrey. Akala ko kung anong pinapanood nila, funny videos pala.

Bumalik ako sa mesa at inayos ang mga pagkain doon. Nang ayos na ay tinawag ko sila. Nauna akong umupo, nakapatong ang mga paa sa sofa.

"Feeling at home ka na talaga!" Dinaganan ako ni Dynna.

"Stop it!" Naghagikhikan kami. Sa kakaiwas kong madaganan niya, nasagi ko si Dale na nasa likod ko pala. Muntikan na niyang matapon ang orange juice.

Pinakiramdaman ko si Dale. Parang wala namang bago sa pakikitungo niya sa akin. Hindi niya naman siguro kami nakita. Kakarating lang ba niya that time o ano?

My thoughts got interrupted by Dynna's animated voice.

"Hala sorry!" I made a face when I heard Dynna's voice bago nagsorry rin kay Dale. Tumango lang ito at ininom na ang kanyang orange juice.

"Anong gagawin natin ngayon?" I leaned on the sofa, stretching my arms. Dale, on my left, pulled my top down. Tumaas din pala iyon. It revealed a part of my stomach.

Since he's acting this way, siguro nga hindi niya kami nakita.

Continue Reading

You'll Also Like

605K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
3.8M 92.1K 54
Noreen Lorelai Mendiola a high profile socialite model who admires by everyone. She can make any man kneeled by just doing a stare. Her name always r...
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...