Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

6K 200 28

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 1
Epilogue | Part 2

Chapter Twelve

84 2 0
By Moonillegirl

"Galit ka?"

Basag ko sa katahimikang namamayani sa amin ni Seven habang nasa daan ang tingin. Pinagsiklop ko ang kamay ko sa aking likuran at pasimple siyang sinulyapan.

Napanguso ako noong makitang diretsyo lang ang tingin niya sa daan at wala pa rin siyang imik. Tila ba ayaw niya talaga akong kausapin o pansinin man lang.

"Hey, bakit ba ang tahimik mo? Wala naman na akong atraso sa'yo, hindi ba?" pangungulit ko pa pero nanatili pa rin siyang tahimik at walang kibo, mas binilisan pa nga niya ang paglalakad, e.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Kaninang lunch pa niya ako hindi pinapansin, e.

Galit ba siya dahil inaya ko si Nadia?

Napailing ako sa naisip. Hindi naman ganoong klase ng tao si Seven. Pero ano ba kasing dahilan niya at hindi niya ako pinapansin? Nilibre ko naman na siya pambayad sa huling atraso ko, ah?

"Teka lang, hoy! Maliit lang ang biyas ko, Seven. Hintayin mo naman ako." habol ko sa kaniya no'ng mapansing malaki na ang agwat namin sa isa't-isa. Mabilis akong tumakbo upang masabayan siya sa paglalakad.

Nakakunot na ang noo niya ng maaninag ko ang maamo niyang muka.

I groan in frustration. Ano bang problema nito? Bigla-bigla na lang hindi namamansin ang loko.

"Seven Icarus Villaroman? What's wrong with you?" may inis sa tonong tanong ko at marahang hinigit ang braso niya para pabagalin siya sa paglalakad.

"Bakit ba ayaw mo akong pansinin?" dagdag ko pa at mas hinigpitan ang kapit sa braso niya. Napahinto na rin kami sa paglakad.

Humarap siya sa akin at medyo lumambot ang ekspresiyon niya sa muka ng makita ang inis kong ekspresyon.

"Nandito na tayo." mababa ang tono ng boses na sabi niya kaya napatingin ako sa bahay na hinintuan namin.

Napatanga ako at napakalas nang hawak sa braso niya ng dahan-dahan. I was so caught up on pestering him para sabihin niya kung anong problema at bigla-bigla niya na akng akong hindi pinapansin. Ni hindi ko man lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.

I stood there quietly. Inalis ko ang tingin ko sa bahay namin na wala man lang kahit isang ilaw ang nakasindi. Wala pa kasi si mama at nasa maynila pa siya dahil nandoon ang trabaho niya. She's a helper there. Ang ama ko naman ay matagal ng namaalam. Five years old pa lang ako ay kinuha na siya sa amin kaya hindi talaga maiiwasan na magtrabaho ni mama sa malayo para buhayin ako at tustusan ang pag-aaral ko. Hindi naman kasi kami mayaman, e.

"Pumasok ka na." mahinang sambit niya na bumasag sa katahimikan.

Imbis na maglakad papasok ay nanatili akong nakatayo roon sa harapan niya. Napayuko ako at napahigpit ang kapit sa sukbitan ng bag ko.

"G-galit ka ba?... " nakagat ko ang pang-ibabang labi ko noong mautal ako habang tinatanong ko 'yon sa kaniya.

Katahimikan...

Katahimikan lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. Ramdam ko ang panunubig ng gilid ng mga mata ko dahil do'n. Kabang-kaba ako at rinig na rinig ko ang lagabog ng puso ko.

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. He knows that I'm sensitive. Mababaw akong tao at ang hindi niya pagka-usap sa akin ang nag-trigger sa pagiging self conscious ko.

Did I offend him? May nasabi ba akong hindi maganda sa kaniya o may nagawa ba akong hindi kaaya-aya?

"Iiyak ka na niyan?" rinig kong sabi ng mapanudyong boses ni Seven kaya naluluha akong napaangat ng tingin para tingnan siya.

May maliit na ngisi sa labi niya pero ang ikina-atras ng luha ko ay ang tumatawa niyang mata.

I stomped angrily towards him at malakas siyang hinampas sa braso na kaagad naman niyang ikina-daing.

"Buwisit ka talaga, villaroman! Kabang-kaba na nga ako, e. Ang lakas mo naman mangtrip. Nakakainis ka!" parang batang sabi ko at nagsimula ng umiyak.

Nakaka-inis!

Tinakpan ko ang muka ko gamit ang dalawang kamay ko para itago sa kaniya ang umiiyak kong muka. Nakakahiya dahil baka ang pangit ng itsura ko. Kasalanan din naman ng loko-lokong 'to kung bakit ako umiiyak, e.

"H-hey, ito naman. Binibiro lang kita, e." pag-aalo niya sa akin kaya naman tinanggal ko ang pagkakatakip ng palad ko sa muka ko at sinamaan siya ng tingin kahit luhaan ang mga mata ko at basang-basa ang pisnge ko ng luha.

"Bahala ka sa buhay mo. Bwisit ka!" naiinis na singhal ko sa kaniya at saka mabilis na naglakad papasok sa gate ng bahay namin ngunit bago pa man ako makalayo ng ilang hakbang ay nahuli niya na ang palapulsuhan ko sabay higit sa akin ng malakas.

Napasinghap ako ng tumama ang muka ko sa matigas niyang dibdib dahil sa paghila niya sa akin.

"B-bitawan mo nga ako. Umuwi ka na." may tampo sa boses na bulalas ko sa dibdib niya na ikinabuntong-hininga naman nito.

"Sorry okay? Wala lang ako sa mood kaya ikaw ang napag-trip-an ko." hingi niya ng tawad at halata namang sinsero 'yon dahil sa ginamit niyang tono.

"Alam mo namang mababaw ako, e. Ang pangit mo namang ka-bonding!" muryot ko pa at nagtatanpo pa rin sa kaniya.

"I said I was sorry. Nakabawi naman na ako dahil ginawa mo na akong punasan ng sipon mo." pagbibiro niya sa mapanlarong tono na ikina-layo ko ng mabilis sa kaniya.

I glared at him na ikinatawa naman niya ng malakas.

"Luha 'yon hindi sipon, impakto ka!" pikon na turan ko at inirapan siya.

"Bati na tayo, ah? Naka chansing ka naman na sa akin, e." natatawang sabi niya na ikina-ismid ko.

"Anong chansing ka riyan? Ikaw ang humila sa akin, no?! Para-paraan ka din, e. " irap ko sa kaniya bago ako mapa-ismid.

"Says the one who enjoy resting her face on my chest. Halatang enjoy na enjoy ka kanina , e." panunudyo pa niya sa akin kaya naman napasinghal ako sa kaniya upang pigilana ng pamumula ng muka ko.

I mean, oo, na-enjoy ko nga ang dibdib niya. Ang bango niya kasi, e. Masisisi niya ba ako? Siya naman ang nanghila, sinulit ko lang ang opportunity. Ikaw nga nila 'masama ang tumanggi sa grasiya' masunurin lang talaga akong tao.

"Napaka asyuming nito." atungal ko na habang nakasambakol ang muka habang nakatingin sa kaniya.

He just laugh at me wholeheartedly. Everything went back to normal. Parang walang nangyari. Kanina lang ay hindi niya ako pinapansin at kinikibo ngayon naman ay napaka mapang-asar ng loko.

"Anong balak mo? Tatayo na lang tayo rito sa labas ng bahay namin? Wala ka bang balak umuwi?" masungit na tanong ko sa kaniya na ikina-ngisi naman nito bahagya.

Kinunutan ko siya ng noo matapos kong mahuli ang mapaglarong ngisi sa labi niya at ang mata niyang parang may binabalak siyang kalokohan.

I took a deep breath para ihanda ang sarili sa sasabihin niya. Kilala ko na ang mga ganoong galawan niya, e. Sigurado akong may kalokohan nanaman ang isnag 'to.

"Baka ma miss mo ako kapag umalis kaagad ako, e." he said before smiling cheekily na bahagyang ikina-pula ng pisnge ko.

"Kapal muks!" insulto ko. "Umuwi ka na nga. Kumukulo lang ang dugo ko sa'yo." dagdag ko pa at pinagtulakan na siya papalayo sa bahay namin upang maka-uwi na siya.

Dumidilim na rin kasi at isang kanto pa ang dadaanan niya upang maka-uwi siya sa kanila.

"Oo na, uuwi na. H'wag ka na manulak, ami." he sigh in defeat kaya naman hininto ko na nag pagtaboy sa kaniya.

"Ingat sa pag-uwi. Text mo ko kapag naka-uwi ka na, ah?" may maliit na ngiti sa labing sambit ko sa kaniya.

"Tunog girlfriend, ah? Pero sige, text kita. Pumasok ka na sa bahay niyo." nakangiting turan niya at napangisi ng maliit.

Napailing-iling na lang ko dahil sa sinabi niya saka ako kumaway sa kaniya.

"Goodnight!" sigaw ko at tumalikod at naglakad papasok aa gate nh bahay namin.

"Goodnight ami. Agahan mo bukas, ah. Susunduin kita." rinig kong sigaw niya noong makapasok ako s agate namin.

I face his direction at nag thumbs up sa kaniya.

"Sige, ingat, sev. Ikamusta mo ako kay Lola esme ah. Pasabi na rin thank you sa cupcakes." sigaw ko pabalik na ikinatango naman nito bago tukuyang maglakad na palayo at pauwi sa kanila.

I watch his back before he disappeared. Noong mawala siya sa paningin ko ay saka na ako pumasok sa bahay namin at nag bukas ng ilaw.

Napabuntong hininga na lang ako ng bumungad sa akin ang walang katao-tao naming bahay. Bagsak ang balikat kong tinungo ang sofa at umupo ro'n matapos mai-locked ang pinto ng bahay namin.

I smiled bitterly to my self.

Mag-isa nanaman ako.


Moonillegirl🌷

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
11.2M 160K 47
A typical love story of Eiren Castillo, isang simpleng empleyado sa Vitonvouge Group of Companies. She is one of the marketing group and definitely a...
135K 6.2K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...