Bad Scarlet

By jos-iah

3.8K 131 12

❝Yes, it's bad. But it's not wrong.❞ (Mature/R+18/SPG) -- Shiloh was a young eighteen-year-old girl with an a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

189 6 0
By jos-iah

Friend

I was breathless. We were breathless. Seryoso ang mukha niya ngunit hindi ko naman maunawaan ang ngiting gumuguhit sa mga labi ko. Nakaawang ang mga labi niya nang nagsalubong ang mga kilay.

"Damn, girl," aniya bago akong tuluyang pinakawalan. Pula at basa ang mga labi niya. Hinawakan ko ang akin at pinakiramdam ang bahagyang pamamaga noon.

"Do you usually kiss your friends?" I asked out of curiosity. I guess the delight was because of my enthusiasm to be considered as someone's friend except for Caddy.

Nanliit ang mga mata niya. Umiwas ng tingin at marahas na pinunasan ang labi gamit ang braso. Ngumuso ako.

"Stay away from me from now on before you regret it."

"I doubt it," mabilis kong sagot, bakas ang determinasyon sa tono ko. Kunot noo siyang nagbalik ng tingin sa akin. "I have you as my friend now, why would I regret it? And what? Ako lang ang magsisisi, ikaw hindi?"

Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. Akmang tatayo ngunit mabilis kong hinawakan sa braso upang pigilan. Subalit kasabay ng paglapat ng palad ko sa kanya ay ang marahas din niyang paghawi sa akin. Bumagsak ang mga kamay ko sa espasyong iniwan niya.

Startled, I stared down at the soft cushion.

"I'll leave as soon as I... healed," he announced. I blinked and looked up at his glowering face. Kuyom ang panga habang dinudungaw ako.

I straightened in my seat and nodded. "Ayos lang sa 'kin. You're always welcome here as my friend, too—"

"We're not—"

"You kissed me twice now. Hindi mo lang siguro masabi but your kisses meant you like me. Sometimes, our actions speak for ourselves. Kapag may mga bagay rin akong gustong sabihin kina mommy at hindi ko alam kung paano, I either kiss or hug them. Ganoon din sa'yo. You see me as your friend now and—"

He scoffed. His eyes wide with utter disbelief. Nagkibit balikat ako tumayo para lumipat sa computer desk ko.

"I have my classes for today. Kumain ka muna nang kumain d'yan o matulog kung gusto mo. Don't worry, Yaya Let will knock and will not get in without my permission again."

Hindi siya sumagot. Kalaunan ay naging abala rin ako. Hindi ko na namalayan ang oras nang isuot ko ang headphone at nag-focus sa klase.

The class ended with a question we must answer in an essay form. I was busy typing my output when the green apple came into my view. Marahan iyong inilapag ni Elias sa mesa ko. Binalingan ko ang camera at hindi naman siyang nahahagip dahil nakatayo sa gilid.

I smiled and bit my lower lip as I looked up at him. Nakabusangot naman siya bago ako tinalikuran para bumalik sa kinauupuan niya. Hindi ako pwedeng kumain habang nasa klase kaya mabilis kong tinapos ang gawain. The class soon ended once everyone was done. Masigla akong nagpaalam sa lahat bago nag-out. I turned off the computer and stood to get to Elias. Ang green apple ay nasa kamay ko. Nang magtama ang paningin namin ay kumagat ako sa mansanas. Pabagsak na naupo sa tabi niya.

"Nainip ka ba? You can borrow my laptop and watch some movies. Just use the other headphones."

Hindi siya sumagot. Hindi na niya ginalaw ang ibang pagkain. Tanging iyong sandwich at chips lang. Siguro ay bumawas din ng saging.

Mabigat siyang bumuntong hininga at isinandal ang ulo sa sofa bago pumikit. Ngumuso ako. Kinuha ko ang remote at sumandal din sa sofa. I turned on the TV and searched for a better channel when suddenly, his hand wrapped around mine. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Nang lingunin ko ay nakapikit na muli, ang remote ay inilagay sa kanyang tabi at malayo sa akin.

I wanted to offer him the bed but knew he would refuse again. Kaya naman tumagilid na lang ako para panoorin siya. Caddy is beautiful and kind. Elias is beautiful and indifferent. I wanted to be Caddy's friend for as long as he wanted to. I wanted to be Elias' friend and know more about him. It could be because he's a stranger or a complete mystery to me. Kaya siguro may kung ano sa kanyang nagtutulak sa akin na malaman pa.

Bahagyang nakaawang ang mga labi niya. Pinakatitigan ko ang sarado niyang mga mata at makapal na pilikmata. Hindi iyon kumikibot. Madalas akong mahuli ni Yaya Let na nagpapanggap na tulog dahil doon.

"Are you asleep?" I whispered. Itinapat ko ang palad sa kanyang bibig. May hangin naman ngunit hindi ako nakuntento at lalong inilapit. "You're still alive, are you? Tiyak na nabitin ka sa tulog dahil sa pagpasok nina mommy. Puyat ka lang, 'di ba? Matutulog ka lang saglit?"

Wala pa ring sumagot. Mas lumapit ako.

"Elias... buhay ka pa, 'di ba? Humihinga ka pa naman e."

Napakamot ako sa sarili. Siguro nga ay napuyat siya. Nanatili na lang akong nakasandal sa sofa at nakatitig sa kanya.

Hanggang unti-unti ay hinila na rin ako ng antok. Nang muling magmulat ay nahuli ko siyang matamang nakatitig sa akin. Marahan akong ngumiti at muling pumikit, gusto pa sanang matulog ulit pero tiyak na hahanapin na ako ni Yaya Let para sa pananghalian.

I peeled my eyes opened and smiled at Elias again. When he realized I was completely awake, he blinked and looked away. Tuwid siyang naupo kaya ginaya ko. Napangiwi ako sa ngalay na naramdaman sa leeg. I groaned as I caressed it.

"Mahigit isang oras din pala tayong nakatulog. It's lunchtime already. Hahanapin na ako ni Yaya Let kaya—" akmang tatayo ako nang hinawakan niya ako sa braso.

"She knocked about five minutes ago."

"Oh? Sumagot ka? I mean, hindi ka pwedeng sumagot dahil ayaw mong malaman nilang nandito ka pero...," I glanced at the closed door, "she didn't use the spare key? She usually do it."

"You said she promised she won't barge in here again," kalmado niyang sagot.

Mabagal akong tumango. "Yeah, but... in times of emergency—anyway, nagugutom ka ba? Kakain lang ako nang mabilis sa baba at pagkatapos ay susubukan kong mag-akyat dito para sa'yo. Stay here, okay?"

Sinubukan ko muling tumayo ngunit humigpit ang hawak niya sa akin. Nagtatakang nagbalik-balik ang tingin ko roon at blangko niyang mukha.

"May... iba ka bang gustong kainin? Yaya Let prepares healthy food. She doesn't repeat the same dish for a day, too, kaya hindi ka mananawa."

He shifted on his seat and turned his body completely to me. Pigil ang paghinga ko nang bahagya siyang lumapit at mataman akong tinitigan.

"You said we're friends," mabagal niyang sinabi, tila nag-iingat sa bawat salita. His eyes roamed around my face intently.

Malaki kaagad ang ngiti ko. "Oo naman!"

He cleared his throat. Umangat ang isa niyang kamay at marahang inayos ang takas kong buhok. Halos mapapikit ako sa rahan ng pagdampi ng kanyang daliri sa balat ko. In fact, I barely felt it against my skin.

"Can you... do your friend a small favor?"

I blinked.

"Hmm?"

"Hindi mo gusto ang luto ni Yaya Let? Do you want us to order lunch outside? We cannot have fast food, though. Not even pizza."

"Hindi ako gutom." He jerked his chin to the snacks on the table. "I want something—I need it."

I thought I understood what he meant. Ngumisi ako at inilapit ang mukha sa kanya. Kitang-kita ang pamimilog ng mga mata niya sa gulat. Sobrang lapit namin na halos maduling ako. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha.

"You want another kiss?" I asked confidently. "I told you, right? Sometimes—"

His jaw clenched. Ang kamay na malapit sa tainga ko ay lumipat sa aking baba. His thumb pressed against my lips.

"Pwede ka bang makinig muna? Hmm?"

He raised a brow. Ngumuso ako bago tumango.

"You have access to your parents' room, right?"

Nagtataka man ay marahan pa rin akong tumango. I usually slept with them. Ngunit bago sumapit ang eighteenth birthday ko ay gusto ko sanang baguhin ang nakasanayan. I wanted to let them see I'm growing old independently somehow. Kaya rin nagkaroon kami ng ganoong kasunduan ni Yaya Let.

"Do you... know a few things about your... father's work?" He let go of my lips so I could speak.

Nagkibit balikat ako. "My Dad's a hardworking man. He's the director of the Esquivel Group. Have you heard about that? Ang sabi ni Yaya Let ay wala raw tao dito sa Pilipinas ang hindi pamilyar doon. That they may not know well enough about the company but the people surely heard the name somewhere. Amazing, right? Alam mo rin ang tungkol doon, 'di ba?"

His eyes narrowed.

"That's the company my grandfather build. Ang sabi ni Daddy, kapag malaki na ako ay ako rin ang magpapalakad noon. Although Mom seems quite against it. I visited the company a few times. Gusto ko ring doon magtrabaho. Dad said I should keep its name on top. Kaya kailangan ko ring magpalakas... Bakit mo pala natanong? You want to have my father's autograph? Palagi rin kase siyang maraming pinipirmahan na papeles."

Tipid lang siyang ngumiti. His thumb absentmindedly caressed my chin. "I cannot let them know I'm here. How am I supposed to get his... autograph?"

"Hmm. I can get it for you."

"You will?"

"Oo naman. Magkaibigan tayo."

"Right. Tell me more about the company. Have you... seen some papers?"

"Papers?"

"Uh... he's hardworking, right? He needs to sign lots of papers like you said."

"His desk is always piled with folders and papers." Tumango-tango ako sa sarili.

He cleared his throat once more and deliberately nodded. "I'm sure the papers are filing. He has his study room here?"

I nodded.

"And you can get in there?"

I nodded again.

Isang beses niyang pinisil ang baba ko bago pinakawalan. Hinarap niya ang mga pagkain sa harapan. "Can you... sneak out some folders from there for me?"

Sinundan ko ang tingin niya sa TV. Nakapatay naman iyon ngunit tila may napapanood pa rin siya. O malayo ang tingin. That look almost made me think he wasn't talking to me.

"Why?"

Yumuko siya at mariing pinagsalikop ang mga palad. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero halos maramdaman ko ang bigat na dala-dala niya.

"I can do it," anunsyo ko sa kagustuhang matulungan siya. Ngumiti ako nang lingunin niya ako. "If you can give me a name. You see, there's too many folders there. Ano bang klase ng folder ang gusto mong dalhin ko rito? Make sure it's not something my father will notice missing. I'll also make sure he won't notice someone has gone through his works."

"Shiloh,"

"Hmm?"

"You're... You will do that?"

I eagerly nodded. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba? We're friends. I have one condition, though."

Bumakas ang gulat sa kanyang mukha. Napanguso ako.

"You need to bring it back. Hindi ka pwedeng maglabas ng kahit anong folder ni Daddy dahil alam ko na mahalaga ang lahat ng iyon sa kanya. You're just going to see his signature, right?"

"Shiloh," he repeated in a restrained voice.

"Yeah?"

"You're too innocent... uh, kind. You're too kind." I think he tried to smile at me. But it didn't reach his eyes. Ako na lang ang ngumiti nang malaki para sa kanya.

Ipinatong ko ang kanang kamay sa kanyang balikat. Ang kaliwa naman ay inilapat sa kamay niyang nasa hita. "You're my friend, Elias. I will try to give you anything you want—so, anything you want for lunch?"

Matagal bago siya nakasagot. "Anything will do. I'm sure you'll give me healthy food."

I could go anywhere in the house. Malinaw iyong sinabi nina mommy. There's no other place I could go to but our house kaya naman hindi na nila ako binibigyan ng limitasyon. Pero syempre, kapag alam kong abala at maraming ginagawa si daddy sa study niya ay hindi ako pwede roon.

I took a bath before going down for dinner. Nakabalik na rin sina mommy at daddy gaya nang nakasanayan ay sabay-sabay kaming kumain. I spent some minutes in the living room until Yaya Let left the house to throw the garbage.

Dala ang panghapunan ni Elias ay umakyat ako sa kwarto at naglock ng pinto. He was nowhere but I heard the shower running. Inayos ko ang pagkain sa mesa at naghintay sa kanya.

I secretly borrowed Dad's pair of extra pajamas for him. Hindi naman siguro niya mapupuna na nagkulang ng dalawa. Iyon ang inaasahan kong suot ni Elias ngunit nagkamali ako. He's wearing my loose mickey mouse pullover and pajamas. It fitted around his body ngunit hindi naman masikip na halos nakakasakal. I preferred wearing nightgown at night kaya hindi ko na rin gaanong nasusuot ang mga ganoon.

"Why...?" my voice trailed off. Hindi niya sinuot ang damit ni daddy ngunit bagay rin naman sa kanya ang damit ko.

"I don't wear anyone's clothes, Shiloh. I won't mind wearing yours because you're... my friend. Right?"

Unti-unting lumaki ang ngiti ko. "Of course."

Tumango naman siya at naupo sa sofa habang pinupunasan ng towel ang basang buhok. Dinungaw niya ang pagkaing nakahain. Nanatili naman akong nakatayo at iminuwestra siyang simulan ang hapunan.

"What about you?" aniya nang hindi ako tinitingnan. Kinuha niya ang kubyertos.

I sat on the chair across from him. I couldn't help but smile excitedly. "I'm done. You should finish them. May gift ako sa'yo pagkatapos."

It got his attention. Nagtaas siya ng kilay nang tuwid na naupo. "What is it?"

"Kumain ka muna. I'll give it to you later... Sige na. Kumain ka na!" pag-aalok ko at kinuha ang kubyertos at ibinigay sa kanya.

Nag-aalangan naman niya iyong tinanggap. "I... I see you have underwears in your drawer."

"Oh? You borrowed them, too? Walang kakasya sa'yo." Hindi ko mapigilan ang matawa. Ngunit halos mabakasan ng iritasyon ang kanyang mukha.

"Get something to cover your chest, Shiloh, or damn...," malalim siyang humugot ng hininga.

Kunot noong dinungaw ko ang sarili at tuwid na naupo. "What? May suot akong damit. Hindi mo ba nakikita itong—"

He muttered another curse. Binitawan ko ang pagkakahawak sa dibdib dahil matalim ang tingin niya roon. I uncomfortably chuckled.

"Oh! You mean the bra? I don't wear them at night, Elias. Sa totoo nga n'yan, I wear nothing at night. Nandito ka lang kaya—"

"Fuck!" he exclaimed and stood. Diretso siya sa nakasaradong glass door patungo sa balcony kaya mabilis akong sumunod.

"Sa'n ka pupunta? Elias? Hindi pa tapos ang pagkain mo."

He unlocked the door. Medyo nahirapan siyang kalikutin iyon ngunit nagawa naman. He was about to step out but I grabbed his arm and pulled him back. Mabilis din akong bumitaw nang matalim niya akong titigan. Marahil ay ngumiwi rin dahil hindi pa lubusang gumagaling ang sugat niya.

"Sa'n ka pupunta?"

He only threw me a glare. Hindi na ako nagtangka pang pigilan ulit siya. Seeing him out there and looking down, assessing the surrounding, that's when it dawned in on me. Plano na niyang umalis. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Sa ganitong oras naghahapunan ang gwardya n'yo," aniya. "The night guard comes at around seven pm and comes home at six in the morning. Seven to six naman ang pang-umagang gwardya."

"I don't even know about that," I murmured.

Salubong ang kilay niya akong nilingon.

"Is it tonight? Are you leaving now? Hindi ba... Hindi ba pwedeng bukas na lang?"

"I should leave at dark. I cannot walk out through the gates."

Napakurap ako. "Aakyatin mo ang pader, kung ganoon?"

Hindi siya sumagot. Muling dumungaw sa baba. Hindi ko maisip kung paano siya aalis. Maaaring kung paano rin siya nakapasok kahit pa delikado.

"Stay for a while, Eli. Delikado pa. Hindi pa naghihilom ang sugat mo."

Hindi siya kumibo.

"I promise I won't talk much. Hindi ako mangungulit. You can have this room as your own, and I can pretend I'm the one who's secretly staying here. You can have all my clothes, too, if you want. Basta iyong mga kasya lang sa'yo," pangungumbinsi ko.

Lumipat siya sa sulok at akmang sasampa sa barandilya ngunit hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang pullover.

"Sandali." Hindi ko hinintay ang sasabihin niya. Pumasok ako sa loob at kinuha ang nakatuping papel na tinabunan ko ng unan sa kama. I handed it out to him.

"What is it?"

I sighed and opened it for him. Sa gitna ng blangkong espasyo ng papel ay ang signature ni daddy. "I asked him for it after dinner."

Hinablot niya iyon sa akin at pinakatitigan. "Ano'ng sinabi mo?"

"Na gusto kong makita ang signature n'ya. Ano ba'ng gagawin mo diyan?"

"Nothing," matigas niyang sagot. Matagal kaming nagkatitigan bago siya nagpakawala ng hininga. I knew he was about to say something but he kept it to himself and walked past him. Bumalik siya sa loob at sa gulat ay medyo natagalan akong nakasunod. He was devouring his dinner when I returned to the bedroom. Tahimik kong isinarang muli ang pinto at ang kurtina.

Naupo ako sa kama at nanood sa kanya. The paper is on the table, too.

Is he my father's fan? Ganoon ba ang paghanga niya kay daddy para gustuhing makuha ang autograph niya? Iyon ba ang dahilan kaya siya pumunta rito? Ang sabi niya ay hindi ang birthday party ko ang dahilan? Kung ganoon ay si daddy? At ang paghanga niya rito?

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. I'm proud of my dad. I'm glad that he has a fan as devoted as Elias.

Kalaunan ay unti-unti rin akong hinila ng antok. I laid on the bed, covered myself with the comforter, and continued to watch him. Gising pa ako nang matapos siya. Parang naglaho ang antok ko nang natanaw siyang nakatayo malapit sa kama at nakadungaw sa akin. I sat upright on the edge of the bed.

"What is it? May kailangan ka?"

He barely shook his head. Nilingon ko ang mesa at maayos naman niyang ipinatong ang mga pinggan at baso sa tray.

"Bukas ko na lang ibababa 'yan, ha? Inaantok na kase ko. Goodnight."

"Will you get me the folder next time?"

"Huh?"

Ipinakita niya ang hawak na papel. "This is not what I want. I want the folder."

I innocently blinked and soon nodded. "Okay."

"Tomorrow. Can you bring it tomorrow?"

I shrugged. "I don't know. But I will try." Bumagsak akong muli sa kama. Akmang pipikit na nang may maalala. "Aalis ka rin ba agad?... Kapag nakita mo na ang folder?"

"It should have my name on it. Elias. Search for it in his confidential file," pagpapatuloy niya. Nakaramdam ako ng pagkabigo ngunit binalewala ko na lang.

I frowned. Lumapit siya at naupo sa tabi ko. Once again, he tenderly put strands of my hair on the side. Marahan akong napapikit ngunit pinilit ang sarili na titigan siya.

"I should reward you for it, Shiloh."

"Hmm. What will I get?"

"Anything."

It was tempting. Marami akong gustong gawin sa buhay. Subalit nang subukin ko iyong alalahanin sa mga oras na iyon ay wala akong matandaan. I just knew I wanted something.

"What about a kiss?"

Kumunot ang noo niya. Ngumiti naman ako habang bumibigay ang mga mata. He covered my body with the comforter. Lumaki ang ngiti ko as I murmured my 'thank you'. My eyes closed.

"I want you to kiss me before you leave, Eli. You're my friend now. You should give me a goodbye kiss before leaving." At hindi iyong basta na lang aalis kung maisipan. Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung hindi na kami magkita ulit?

Hindi ko na narinig ang sagot niya, o kung sumagot man siya nang tuluyan na akong nakatulog. 

Continue Reading

You'll Also Like

171K 10.2K 25
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
168K 3.9K 49
TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATIONS - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, s...
200K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.3M 38K 52
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...