Queen of Section A |✓ (Part t...

By KimTaetae569261

24.8K 815 126

Masaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa ar... More

PART TWO
CHARACTER:)
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115
CHAPTER 116
CHAPTER 117
CHAPTER 118
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
CHAPTER 142
CHAPTER 143
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170
CHAPTER 171
CHAPTER 172

CHAPTER 152

259 10 0
By KimTaetae569261


Matapos ang klase ay.....Walang nagyari , Ganun pa din naman!. Mga loko pa din,Maingay,Makalat, Suske para kaming nasa perya lahat!.Para kaming isang truck nang pamilyang first time lumabas sa bahay dahil sa quarantine!.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa study chair ko. Katatapos kong lang gumawa nang kung anong kememe! Nag drawing nang stick man at bahay kubo!. Wala akong magawa eh!. Mas masama kung mang lalaki ako o mag bingo sa kanto!.DIBA!.

Subukan ko kayang mag langoy sa dagat?, Ano kayang feeling malunod?.
O kaya naman umakyat sa puno nang walang dahilan!.Bakit parang naisip kong mag alaga nalang nang baboy?, O kaya mag hanap nalang ako nang mangingisda para sulit! Puro fish ulam!.

Napatigil ako sa pag iisip at napanguso!. Ganto siguro ang epekto nang mga mag isa sa bahay!,May sariling buhay!. Mabilis akong tumayo bago lumabas sa kwarto.


Lonely! Im so lonely!........∆^∆. huhu.


Bumungad sakin ang kusina at sala na walang tao, Wala sina kuya at gowon ngayon dahil nag ka problema daw sa kompanya. Nasabi din nila sakin na bibisita sina mama at papa next week kaya kailangan kong ayusin ang lahat nang dapat kong gawin.



Araw nang sabado ngayon!...Horrayyyy!!.Dapat masaya eh! Kasi walang pasok! walang loko! Walang sir na mag tatanong nang kung ano anong ikakasira nang pananaw namin sa utak!...Pero wala naman akong kasama dito!.....Baka mamaya mag uwi nalang ako nang lalaki-----Charot.



Kinuha ko ang wallet at cellphone ko bago lumabas sa bahay, Kinuha ko ang bike ni gowon sa gilid para bumili nang bond paper sa seven eleven dahil naubusan ako!,Ayoko sana lumabas pero nakaramdam din ako nang gutom!, kawawa naman ang tyan ko nan!..


Mabilis akong humarurot sa seven eleven bago nag park sa gilid nila. Nakita kopa yung manok sa gilid na masama makatingin sakin! Akala mo naman nangangain nang buhay!.

Tsk. Baka gawin kitang tinola!.

Pagpasok ko sa loob ay napayakap agad ako sa sarili ko nang makaramdam nang lamig. Para akong tanga dito! Yung feeling mong First time Mong makalanghap nang aircon!.


Mabilis akong lumapit sa school supplies at doon nag mukmok--De joke lang. Sumingkit ang mata ko habang nag hahanap nang short bond paper....Pero wala!, Walang short!Long lang ang meron!.


"Hi miss, Can I help you? ?" Tanong sakin nang staff ata nang seven eleven kaya napatingin agad ako sa kanya.

Ngumuso naman ako. "May short bond paper po ba kayo?" Tanong ko dito.

"Long po ma'am mas maganda" sagot naman nito.


Umiling agad ako. "Hindi po ma'am, Short bond paper po ang hanap ko....Meron po ba kayo?" Tanong ko ulit.


"Mas maganda po ang long bond paper ma'am, Marami po kami nun" sagot nya ulit bago ngumiti.

0_0 Feeling ko puyat to.

"Hindi nga po ma'am" umiling ako sa kanya. "Short bond paper po ang hanap ko,Hindi long" sagot ko dito.
Kapag nag long ako! Uulitin ko lahat nang ginawa ko! Dapat iisang size lang daw sabi ni sir at baka mag mukhang pangit!. Pangit na nga gumawa! Pangit pa ang gawa!.


"Meron po kami ma'am long, Buy one Take one po, Mas makakamura po kayo doon ma'am" pangungulit ni ate kaya napakamot ako nang ulo sa kanya.

Ate ang kulit!...Ikaw ba bibili?..

"Ate short po talaga hana---"


"Mas maganda nga po ma'am ang long, Mas mahaba mas madaming magagawa....." Singit talaga ni ate sakin!.

"Ate...Sabihin mo nalang kung meron o wala kayong short bond paper,Para mas madali" bored na sabi ko sa kanya.Baka mamaya bibili lang ako nang paper pero umabot ako sa kay sir tulfo!, Naku naku!.

Si umano.....Ang ganda ko!!.

"Wala po ma'am" mabilis na sagot ni ate. "Pero meron po kaming long bond paper" singit ulit ni ate sa bond paper na yan!.

Umiling agad ako at awkward na ngumiti sa kanya. "Hindi na po, Salamat nalang sa lahat ate" mabilis na sabi ko dito bago lumabas nang seven eleven.

Nakahinga ako nang maluwag. Phew! Akala ko pasko na ako makakalabas!,Ang tagal ni ate!.


At ako?....Wala akong nagawa kungdi ang pumunta sa aking nakaw na bike sa gilid namin at umandar na,Joke lang talaga.


Humarurot ako sa kung saan habang nag eemote. Nag ikot muna ako dahil wala naman akong kasama sa bahay, Multo siguro meron pero hindi nag paparamdam! May sarili din silang buhay!.


Nang tingnan ko ang paligid, Kumunot ang noo ko nang makita ang mansion nina Nicholas sa hindi kalayuan.Mabilis akong nakaramdam nang kaba pero mabilis din ang mga paa kong nag pedal papunta doon.

Susko!....Paano ako nakarating dito?.


Aabot na ata nang mag apat na buwan ang hindi paramdam nang gagong yun!. Pero para akong nag aalala dahil wala naman syang sinasabi sakin. Ni hindi sya nag papakita sakin. Simula nang makita ko si Veronica, At malaman ang ibang sikreto nila ay doon na sya nag simulang hindi Pumasok, ni hindi nya manlang ako dinalaw sa hospital,Hindi nya ako tinatawagan,O kaya naman nirereplayan!.

Kusang huminto ang bike sa harap nang gate nila, Napalunok ako nang ilang beses bago ipinarada ang bike sa gilid bago dumeretso sa gate nila.

Bobo zen! Anong gagawin mo dyan?!, Hah!. Papasok ka nang walang dahilan! Baka makita mo lang ang lalaking yun at masuntok kopa nako!..


Ayoko sana, ayoko na makita sya!Pero nakakaramdam ako nang kaba dahil alam kong may dahilan sya. Ayoko namang may pinag dadaanan pala sya tapos itataboy kopa...


Walang alinlangang pinindot ko ang door bell at huminga nang malalim. Kung nandyan sya, adi kakausapin ko sya, Kung ang katulong naman ang nandyan, Adi mag tatanong ako kung nasaan sya....Para makausap ko din sya.


Ang hirap naman kasi nang ganto.

"Yes po?"


Umangat ang ulo ko nang mag bukas ang gate at bumungad sakin ang isang lalaki.... Ngumiti agad ako.


"A-ano.......Nandyan ba si Nicholas?, Ako kamo si Zen, Kaklase nya" panimula ko.



Mabilis naman itong ngumiti sakin bago malawak pang binuksan ang gate kaya nakita ko ang loob nito.


"Ay oo miss, Kilala ko po kayo..."sabi nya sakin. "At si sir po ay nasa kwarto nya....Ilang Linggo nanga po doon eh"  dagdag pa nya kaya Kumunot agad ang noo ko.

"Ilang linggo?"


"Opo miss,ilang linggo na po si sir sa kwarto nya, Lalabas lang po iyun kapag gutom pero maputla naman.....Hindi naman po namin alam ang dahilan eh" sagot nya sakin.



Para akong nakaramdam nang kaba at takot sa narinig... Nicholas, Anong nangyayari sayo?.


"Pumunta na po dito ang ilang kaibigan nya pero wala naman pong nangyayari...Halos alak nalang po ata ang kinakain ni sir mag hapon...Nag dadala naman po kami nang pagkain pero kapag kukunin namin ay wala manlang bawas"



"Sa madaling araw naman ay kalabog po" napabuntong hininga sya. "Papasok po sana kami pero pinag babantaan po kami ni sir na huwag....Tapos Lagi naming naririnig ang pangalan nya, "Zen" Habang nasa loob si sir"


Kusang pumatak ang luha ko sa narinig. Nanginginig ang mga kamay at Tuhod ko sa sobrang pag aalala sa lalaki.... Bakit ganto? Anong meron?.


"Miss ok lang p---"


"Please!Papasukin nyo ako!" Mabilis kong hinawakan ang balikat nang lalaki at doon nag makaawa.
"Kailangan ako ni Nicholas!" Kailangan nya ako! Alam ko yun!.



Walang nagawa ang lalaki kungdi ang tumango, Sumunod agad ako sa kanya papasok sa loob hanggang sa makarating sa loob nang mansion.



Hindi mawala ang kaba ko...Itong nag daang linggong wala sya,Ganan ba ang ginagawa nya?, Yung ilang linggong balak ko syang kalimutan tapos nagawa kopang mag saya,Ganan din ba ang ginagawa nya?.... Nu'ng balak ko syang taniman nang galit dahil hindi sya nag paparamdam..... Kailangan nya ba ako?.



"Kuya" tawag ko dito. "Ako na po ang Pupunta sa kwarto nya, Maraming salamat po sa pag intindi" nakangiting sabi ko dito.

"Ok po ma'am...Kapag kailangan nyo nang tulong, Tawagin nyo lang po kami" sabi naman nito bago ako iniwan sa hagdan.


Napabuntong hininga nalang ako bago nag simulang umakyat. Bawat hakbang ay parang ayoko nang pumuntahan. Ano kayang madadatnan ko?, Ayoko man mag isip pero natatakot ako. Alam kong malakas sya pero bakit ganto?.


Hindi ko alam na nasa tapat na pala ako nang kwarto ni nicholas. Ayoko kumatok, Dahil baka pag saraduhan nya ako kapag narinig nya ako. Baka hindi nya ako Papasukin kapag ginawa ko yun.....baka mag kulong sya lalo.


Kaya moto zen....Si Nicholas yan eh.


Nanginginig na hinawakan ko ang door knob at dahan-dahang pinihit iyun.Walang alinlangang binuksan ko ang pinto at dire diretsong pumasok sa kwarto ni nicholas.


"N-nicholas?" Nag babadya na ang luha kong lumabas.



Madilim ang kwarto. Lalo lang akong kinabahan nang wala manlang akong makita, Sarado ang bintana, Walang ka liwaliwanag na napasok manlang.


"Nicholas....Si Zen to" tawag ko muli dito bago naglakad pa para mahanap ang light switch.

"Z-zen"


Napahinto ako nang marinig ang boses nang ilang linggo ko nang inaantay. Kusang pumatak ang luha ko nang marinig yun...Mahina,Halatang pagod at sobrang tamlay....Mabilis akong nag kakapa sa pader hanggang sa mahanap ko ang light switch.



Doon....nakita ko ang buong kwarto,Makalat, Gulo gulo at hindi mo makikilala,  may bote sa gilid at sobrang dami. May basag na furnitures at mga larawan.... Nakita ko agad ang isang picture frame sa kama at ako na nandun... Walang kabasag basag manlang, Ang parang halatang tanging natitira sa lahat nang nasira.


Pero....

Sa isang tao lang na nasa gilid nang kama ang pumukaw nang lahat nang atensyon ko.

SUNSHINEWEB3178:)

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😊

ENJOY;)

Continue Reading

You'll Also Like

23.3K 684 33
Patricia Death Mauris is a Mafia Queen pero Patricia Death lang ang kanyang ginagamit na pangalan, diniya pwedeng sabihin ang kanyang apelyedo kundi...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
4.1M 259K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
9.6K 512 58
Okay, so this is not my story, I just found this on the Internet and thought this story is awesome to read and to share. All credits goes to "history...