Optimasksus (Zombie Apocalyps...

By ataraxiri

5.6K 343 8

This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infec... More

READ THIS FIRST!!!
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
Epilogue

XVIII

114 10 0
By ataraxiri

Kinakabahan ako sa bawat hakbang na ginagawa ko papasok sa bahay nila tita Jess. Nanlalamig na rin ang kamay ko sa hindi malamang dahilan. Makikita ko na din sila.

Kumatok ako ng ilang beses. Nagpapawis na ang kamay ko. Nasa tabi ko si Don-don habang nasa likod namin ang ibang kasamahan.

Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Don-don sa kamay kong nanlalamig at namamawis.

Ngumiti ito. "It's gonna be alright, trust me."

Dahan dahan ang pagbukas ng pintuan animo'y nag-iingat. Si manang Regine. Bakas ang takot sa mukha niya ngunit ng makita kami ay napahinga siya ng maluwag. Yumakap siya saakin at pagkatapus ay kay Don-don na.

"Kayo pala, mabuti at nakapunta kayo ng maayus. Pasok, kasamahan niyo ba sila?" Tumango kaming dalawa. Naunang pumasok si Don-don kaya sumunod na kami.

Dahan dahan lang ang lakad ko, kinakabahan parin. Hanggang ngayon ay nakahawak pa rin ako sa kamay ni Don-don. Nauunang lumakad siya kaya ito at nagpapati-alon lang ako sa kaniya.

"Magbibihis muna ako, ikaw?" Aniya niya, umiling ako. Gusto kong makausap muna sila mama. Tumango siya ng ilang beses.

"Manang ipaghanda niyo po ng ipangmamalit na damit ang mga kasamahan namin. E sabay niyo na din ang kay Kate." Agad namang sumunod si manang Regine. Inaya na din niya sila Zel para isa isang makapagpalit.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, ang haba ng hallway nila. Hindi pa kami nakakapunta sa center ng bahay. May pinasukan kaming pinto papunta iyon sa hagdan papuntang second floor. Sa left side ay ang kitchen and dining room, sa right side ay ang living room.

Nakita ko naman sina mama kasama sila tita sa living room. Tumakbo ako palapit sa kanila, mama spread her arms to welcome me. Oh how i miss to be hug by her. Niyakap naman ako ni papa mula sa likod ko. Dahil sa mahaba ang braso ni papa ay nasali pati si mama sa pagyakap niya.

Tahimik akong umiyak sa bisig ni mama. Naririnig ko naman ang mga hikbi nila.

"Oh my God! Son!" Rinig kong sambit ni tita Jess. Nagpatuloy lang ako sa pag iyak, didn't mind anything. Gusto kong gawin lahat ng gusto ko. At ito iyon, ang mayakap sila.

"A...nak..." sambit ni mama, mas lalo akong naiiyak. Si papa na sobrang higpit ng yakap. Sobrang na miss ko sila.

"Mabuti at... ayus ka lang! Jusko pinag-alala mo kami!" Aniya ulit ni mama. Wala akong masabi dahil mas naiiyak ako.

"Mama...." mas isiniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya. "Papa..." Sambit ko at saka hinarap si papang pulang pula na ang mukha dahil sa iyak. Niyakap ko siya at doon umiyak ng umiyak.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin ako kumakalma. Pinaupo pa nila ako sa sofa dahil baka mangalay daw ako kakatayo. Natawa pa ako saglit ng banggitin ni papa na siya mismo ang nangangalay dahil nakalambitin daw ako sa kaniya.

May inilapag si tito Sherwin'g pitsel na puno ng tubig. "Thank you, rin." Pasalamat pa ni mama sa kaniya. Agad namang nagsalin si tita Jess sa baso at inabot kay mama. Si mama na mismo ang nagpainom sa akin dahil ang kamay ko ay nanginginig na.

Tinalian din ni mama ng pa-pony tail ang halos basa kong buhok dahil sa pawis. Para akong batang inagawan ng candy.

Huminga ako ng malalim, pinunasan ko ang pisnge kong basang basa dahil sa luha. Nakita ko pang papalapit si Don-don sa amin. Nakabihis na siya.

Agad siyang umupo sa kaliwa ko, bakante ang pwesto. Bakit nandoon si papa kay mama? Bakit hindi nalang siya dito? Hindi ko tuloy sila mayayakap ng sabay.

Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang baba ko. Dahan dahan niya ding pinunasan ang pisnge ko ng paniyong dala dala niya. Napasinghot singhot na lang ako baka kasi lumabas na lang 'yong sipon nakakahiya! Sa harapan pa talaga niya! Pinunasan niya din 'yong leeg kong pawisan.

"Nakahanda na daw 'yong damit mo sabi ni manang, magbihis kana. Baka matuyo 'yang pawis mo at baka ubuhin ka pa." Aniya niya, tumango naman ako. At nagpilit ng ngiti. Tumayo na siya dala dala ang panyo. Sinundan ko pa siya ng tingin patungo sa kusina.

"Ayus... na...po...ako..." Humina ng humina ang boses ko ng makita ang hindi makapaniwalang mga mukha nila. He? Heee?!! Nakalimutan ko!! Balak pala nilang ipagkasundo kami!!

Hinawakan ni tita Jess ang balikat ko habang si mama naman ay ang dalawa kong kamay.

"Kayo na? Kelan pa? Saan kayo nagkita? Saan at kailan kayo nagkakilala? Matagal na ba kayo? Sumagot ka Kate!" Hindi man nila sabihin ay halata naman sa mga mukha nilang masaya. Nag-aabang din sila ng sasabihin ko. Sa daming tanong hindi ko alam saan magsisimula.

Niyugyug ni tita ang balikat ko baka daw sumagut ako. Si mama'ng hinihila ang kamay ko papunta sa kaniya.

"Wag po kayong.... maingay... baka... marinig po kayo...!" Hindi ko masabi ng maayus ang sasabihin ko dahil sa pagyuyugyug ni tita. Idagdag pa ang paghihila ni mama.

Mabuti pa sila tito at papa tahimik lang. "Papa, tito... tulong..!" Nahihirapang sabi ko. Pero kung under ka talaga sa asawa mo, hindi mo magagawang makipagsatsatan sa kaniya. Hayy lalaki!

Nagpatuloy lang iyon, tita!! Gusto ko na talaga maiyak, huhu!! Kita kong kadadating lang nila Zel.

"Zel!! Tena!! Asani!! Tulong!!" Sigaw ko sa kanila, nagdadalawang isip sila kung lalapit ba sila o hindi. Ano ba 'yan!? Jusme!

"Love baka may alam 'yong ibang bata. Sa kanila ka nalang kaya mag tanong?" Papa tenku bere mats!! "Baka masagut pa kayo, nahihiya ata si Kate magsabi e." Tito! Tenku bere bere mats!

"Tahimik. Gusto naming siya mismo ang magsabi! Walang hiya-hiya sa pamilya natin!!!" Ano 'to?! Synchronized lang?

"What's happening here?" Gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses niya. Tumingin naman ako sa kaniya na may humihingi ng tulong. Agad niya nakuha ata 'yon.

Lumapit siya saakin at pinaupo ni si tita Jess sa sofa at mahinang tinanggal niya ang kamay ni mama sa kamay ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinatak palayo.

"This is mine, mom. Bibihisan ko lang po anak niyo mama!" Nagulat ako sa tinawag niya kay mama!! Hoyyy!! Anong!?! Hoyy anak ng tinapa ka!!! Anong mama mo?!! Omg ka!!

Umakyat kami sa second floor at naglakad sa mahaba nilang hallway. Sa pinakadulong pintuan kami pumasok. Plain black ang theme ng kwarto niya. Itim na kama, organize na mga gamit.

Lumapit kami sa kama, may damit doon. Kinuha niya at ibinigay saakin. Itinuro niya ang isang pinto, bathroom niya ata.

"Maligo ka muna, hihintayin kita dito." Ngumiti siya ng matamis. Huwaw naman!! May ibig sabihin 'yong ngiti niya e! Hindi katulad ng mga normal na ngiti niya lang.

"Go, baka hindi na ako makapagpigil at halikan kita dit—" Hindi pa natatapus ang sinasabi at tumakbo na agad ako patungo sa bathroom.

Nang makapasok ay ni-lock ko na ang pinto, malakas ang bawat pintig ng puso ko. Nakasandal ako sa pinto habang pinapakalma ang sarili. Kalma lang, wag kang mag-isip ng kung ano ano. May naghihintay sayo!

Naligo na ako, sa loob na rin ako ng bihis. Ano ka?? May tao 'no!! Nanalamin muna ako, damit ni tita Jess ang suot ko ngayon. Sobrang sikip naman nito yumayakap sa kakurbadahan ko. Wala bang ibang damit diyan? 'Yong malaki laki? Hee! Okay na 'to! Lalabhan ko na lang 'yong damit ko para may ipangmamalit ako.

Lumabas na ako ng bathroom, ang akala ko ay wala na siya dahil feeling ko ay ang tagal ko sa banyo! Pero nasa kama parin siya. Nang makitang tapus na ako ay tumayo siya't nilapitan ako.

Agad na yumakap ang kanang braso niya sa kakurbahan ko! Ewan pero nakaramdam ako ng init! Ano 'to?!

"You look hot," aniya niya at hinawakan ang baba ko. Walang pasubaling hinalikan agad ako. Mas lalong nag-iinit ang katawan ko. Kaliligo ko lang ah?!

Gaganti na sana ako sa halik ng bumitaw na siya, may nakakaasar na ngiti siya sa labi. Umirap ko, hinila niya naman ako papuntang kama. T-teka? H-hoy! Hindi pa a-ako handa!

Pinaupo niya ako sa kama, "Your nervous. Don't worry it won't hurt you." Nakangiting sambit nito! Jusme! Perstaym and ever anong hindi masasaktan?!

May kinuha siya sa drawer, hindi ko makita dahil nakatalikod siya saakin. Nangunot nuo naman ako. Humarap siya at nakita kong blower ang hawak niya.

Utak mo Leiarhha linisin mo na! Puno na ng alikabok! Napabuga naman ako ng hininga, mabuti naman.

"You look disappointed, anong inaasahan mo?" I know that he's teasing me. "I don't, patuyuin mo na buhok ko." Utos ko sa kaniya.

Matapus patuyuin ay bumaba na kami. Naabutan namin nasa sofa parin sila kasama sila Zel. Lumapit kaming dalawa doon.

"Ang tagal niyo naman, gumawa na ba kayo ng bata?" Nakangiting sambit ni tita, umirap ako. Sorry tita huhu. Umupo ako sa tabi ni mama.

"I haven't seen Anton, tulog ba siya?" Tanong ko, naramdaman ko namang natigilan sila. Kinabahan naman ako bigla. Ano??

"He's missing anak since yesterday." Ani ni papa.

"What?!" My brows intersected, anong nawawala? Hindi naman 'yon gagala kong alam niyang delikado! I know my brother, because he is my brother!

"Nawawala siya anak." Ulit ni mama, nakakainis naman.

"Alam ko po, pero paanong nawala? Ano bang nangyare?" Tanong ko, nagsisimula na akong hindi kumalma. Paanong kakalma e, kung kapatid mo na ang pinag-uusapan!

"Anak kalma lang, ganito kasi iyon." Huminga si Tito ng malalim bago magpatuloy. "Tumulong kasi kami kahapon nila papa mo at Anton sa may gate para ubusin ang mga nagbabalak pumasok na mga bounts. Nang matapus ay nawala na lang siya sa paningin namin. Lumabas pa kami ng gate baka natanggay siya pero wala. Ang ibang guard naman ay naghahanap na rin sa kaniya kaya kakaunti lang ang naka duty ngayon doon." Kwento ni tito Sherwin. Nakakainis naman!

Saan ka ba naglalalayag Anton!! Pag ako ang makahanap sayo, tignan mo!!

Continue Reading

You'll Also Like

565K 14.4K 47
Highest rank: #14 in Fantasy [COMPLETED] [UNDER EDITING] #41 in Fantasy 11/29/18 Ziara Nicole Andrea Alcantara her name, a girl who lives in the mort...
9.4K 3.1K 20
C O M P L E T E D What the hell is happening? Totoo ba ang mga nakikita ko? Ito na ba ang paraan ng katapusan ng mundo? Nung una gulay lang at mga k...
6K 345 33
It's been more than a thousand years since the world changed. The civilization changed, people were gone, and the past became history. In the world t...
20.9K 989 55
Zenaya Smith is the daughter of the high - end people, Dr. Alexia Smith and Dr. Leon Smith. Her parents owned lots of business around the world, and...