Lit Candle in the Rain (Night...

By thefakeprotagonist

53.7K 1.3K 468

[FINISHED] Categories : Boys' Love ā€¢ Contemporary Romance ā€¢ LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily f... More

Author's Note
Playlist and Praises
Prologue
Episode 1 - Hate at First Meet
Episode 2 - Cupid's Squalling
Episode 3 - Enemyship [1/2]
Episode 3 - Enemyship [2/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [1/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [2/2]
Episode 5 - The Pitchfork Effect
Episode 6 - Worst-case Scenario
Episode 7 - Detention Room [1/2]
Episode 7 - Detention Room [2/2]
Episode 8 - Lit Candle in the Rain
Episode 9 - Show, Don't Tell
Episode 10 - Bare Your Heart
Episode 11 - Fake Dating
Episode 12 - Love Triangle
Episode 13 - Grumpy x Sunshine
Episode 14 - Forced Proximity
Episode 15 - Enemies to Lovers
Episode 16 - Fear Is a Liar [1/2]
Episode 16 - Fear Is a Liar [2/2]
Episode 17 - Hugs and Could'ves
Episode 18 - Out of the Blue
Episode 19 - Finding Kann [1/2]
Episode 19 - Finding Kann [2/2]
Epilogue - Social Butterfly Challenge
Author's Message
New Achievement Unlocked!
New Boys' Love Story!

Episode 20 - What Happened Yesteryear

718 14 0
By thefakeprotagonist

Content warning: This episode involves depictions of homophobia and mentions of death.

THIRD PERSON POV

“I like you, Clyve,” buong lakas na wika ni Hasna. At dahil masyadong nakahakot ng maraming atensyon ang pag-amin niya, umugong ang bulong-bulungan sa paligid nila. “Gusto na kita simula no’ng nakilala kita sa plaza. Nag-i-skateboarding kayo no’n, tanda mo pa?”

Napalunok ang binatang si Clyvedon. Ayaw niyang masaktan ang dalaga, ngunit kailangan niyang sabihin ang totoo. Tumikhim muna siya bago magbitiw ng, “You know what, isa ka sa pinakamabait na tao na nakilala ko, Has. You’re caring, outgoing, and selfless. Kaya lang”—panandalian niyang kinagat ang ibabang labi—“kaya lang, hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo, Has. Thank you for liking me, but I’m sorry . . . I can’t reciprocate your feelings. All I can offer you is friendship.”

Napasinghap ang mga manonood.

Pagkatapos sabihin iyon ni Clyvedon, pumatak bigla ang mga luha ni Hasna at dumulas sa kanyang pisngi. Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig. Makaraan ang ilang segundo, isang mahinang hikbi ang kumawala sa bibig niya bago tuluyang tinalikuran ang binata at kumaripas ng takbo dahil sa pinagsamang sakit at kahihiyan.

“Has!” tinawag siya ni Luke subalit hindi niya ito nilingon. May dala-dala pa man din itong bulaklak. Kapapaalam lang nito kay Clyvedon upang ligawan ang dalaga.

Samantala, pagkalabas naman ni Hasna sa Merryfield High, kaagad niyang inilapat ang puwetan sa bangketa, hindi pinihit ang leeg sa kaliwa at kanan, tuloy lang sa pagtangis. Kung totoo lang iyong “Hanahaki Disease,” tiyak kanina pa siya nag-umpisang magsuka ng mga talulot ng bulaklak sapagkat hindi nasuklian ang pagmamahal niya sa isang tao.

Hindi naglaon, bigla na lamang sumulpot si Cerri at umupo sa kanyang tabi, hindi alam ang gagawin. “Ano’ng nangyari, Hasna?” tanong niya, walang kabuhay-buhay.

Ngunit hindi tumugon si Hasna, bagkus nagpatuloy lang siya sa pagpapakawala ng mahihinang hikbi. At saka, hindi rin mapakali ang mga balikat niyang nagtaas-baba.

Buhat nang makilala ni Cerri si Hasna, palagi na siyang dumidikit sa kanya. Mayroon kasing kakatwang sensasyong dumadaloy sa katawan niya sa tuwing kasama niya ang dalaga. Parang ulam na gusto niyang kainin mula agahan hanggang hapunan. Parang kantang araw-araw o minu-minuto niyang pakikinggan. At doon siya unang nagkaroon ng emosyon na kalaunan ay natukoy niya—pag-ibig.

Ang pakiramdam ng may Alexithymia: Parang “Writer’s Block” sa wikang Ingles—gusto niyang ilahad ang nararamdaman niya subalit wala siyang ideya kung paano; parang may sensasyon sa loob ng katawan niya ngunit hindi niya matukoy kung ano; parang may usok sa paligid niya—may naaninag siyang kaunti ngunit hindi niya makita ang kabuoan.

Iyan ang mundo ni Cerri. Subalit simula noong nakilala niya si Hasna, may kaunting pagbabago sa kanyang buhay.

Kasalukuyan siyang nakatitig kay Hasna habang ito’y umiiyak. Hanggang sa bigla na lang pumasok sa utak niya na taniman ng halik ang labi ng dalaga nang walang paalam. Nanlaki ang mga mata ng huli dahil sa gulat. Para itong binuhusan ng malamig na tubig, hindi kaagad nakakilos kahit hindi nito gusto ang ginawa ni Cerri.

“What are you two doing?!” ang sigaw na pumailanlang sa paligid, sigaw na pamilyar kay Hasna, sigaw ng kanyang ina.

Dali-daling inilayo ni Hasna ang mukha niya kay Cerri at pagkatapos ay tumayo siya. Napalingon-lingon siya sa paligid at nasaksihang napasinghap ang ilang mga estudyanteng kalalabas lang din sa paaralan. Umugong ang bulong-bulungan pagkatapos ng ginawa ni Cerri.

“Are you attracted to a girl?” di-makapaniwalang saad ng ina ni Hasna nang makalapit ito. Dinuro pa nito si Cerri.

Agad siyang umiling. “N-no, Mama.” Pinahid niya ang kanyang mga luha. “It’s not what you think. I’m not what you think. I’ll explain what hap—”

“Hindi na kailangan!” putol nito sa kanya, nagngingitngit. Ang mga ngipin nito ay nagngangalit habang nakatitig kay Cerri at halata ang pagkadisgusto sa mukha nito. Pagkatapos, bumaling ito kay Hasna. “Pumasok ka”—itinuro nito ang kotse—“sa loob! Now!”

Hinawakan ni Cerri si Hasna, ngunit agad na kumilos ang nanay nito at itinulak siya sa semento. “Stay away from my daughter! ’Wag na ’wag kang didikit sa anak ko! Kadiri ka!”

Pagkapasok nila sa loob ng kotse, nagpakawala ng hangin ang nanay niya sabay sabing, “What have you done, Hasna? Kissing a girl? Really? Are you insane? Dapat lalaki ang magustuhan mo! Ano na lang ang sasabihin ng mga amega ko? Ng mga tao?”

“That’s homophobic, Mama,” si Hasna, di-makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kanyang ina. “I’ll explain, okay? Para malinaw lang, I’m not against their community, but I’m straight and I’m not attracted to her. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa niya ’yon. Hindi ko in-expect na hahalikan niya ’ko. Oo, mali ’yong ginawa niya kasi walang paalam. Pero grabe naman po ang reaction n’yo. Kailangan talagang itulak at . . . at pandirihan na parang ngayon pa lang kayo nakakita ng gaya niya? Na parang nasa lumang panahon pa tayo?”

“Shut up!” sikmat ng nanay niya. “Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan! I’m your mother, at alam ko kung ano ang makabubuti sa ’yo. Iiwan na natin ang bayang ’to at pupunta tayo sa ibang bansa!”

“M-mama, hindi . . . hindi mo puwedeng gawin sa ’kin ’to. Dito na ’ko lumaki at napamahal na ’ko sa mga tao rito. I don’t wanna leave this town, Mama!” pagsalungat ng dalaga.

“Wala ka nang magagawa. Buo na ang desisyon ko! Ilalayo kita sa mga katulad niya!”

Akma nitong pagaganahin ang makina upang makaalis ngunit kaagad na binuksan ni Hasna ang pinto, lumabas ng sasakyan, at saka muling pumasok sa eskuwelahan.

“Hasna, come back! Iiwan na natin ang Merry!” sigaw ng nanay niya.

Hindi niya ito nilingon, sa halip ay nagpatuloy lang siya sa paglalakad, walang pakialam kung sino ang mabangga. Dumaan sa paligid ng tainga niya ang samot-saring bulungan ng mga mag-aaral, kaya tinakpan niya ang kanyang tainga. Hanggang sa ang lakad niya ay unti-unting naging takbo. Hindi nagtagal, narating ng mga paa niya ang TLE Building na walang katao-tao; nagtipon kasi ang lahat sa school ground dahil foundation week.

Pumanhik siya hanggang sa nakarating siya sa rooftop. Ang daming gumugulo sa isip niya kaya sinabunutan niya ang sariling buhok. Nagtungo talaga siya sa itaas ng gusali upang makahinga at makapag-isip nang maayos. Subalit ang hindi niya alam, may nakasunod sa kanya.

“’Wag mong gagawin ’yan, Hasna,” walang kaemo-emosyong wika ni Cerri.

Namimilog ang mga mata, nilingon niya ito. Nang mapansing papalapit ito nang papalapit sa kanya, dahan-dahan naman siyang humakbang paurong. “’Wag kang lumapit,” untag niya kay Cerri. “I’m an ally, but that doesn’t mean puwede mo na ’kong halikan without consent at kung kailan mo gusto. It’s your fault . . . it’s all your fault!”

Nagpatuloy si Cerri sa paglalakad pasulong. “Lapitan mo ’ko, Hasna. Sumama ka sa ’kin. Kakausapin natin mama mo.”

Uminit ang sulok ng mga mata ni Hasna. Pagkatapos, umiling-iling siya. “N-no. ’Wag kang lumapit! Ayaw kong sumama kay Mama. Sabi niya, aalis na raw kami rito sa Merry. A-ayaw ko”—lumikot ang mga mata niya at sinabunutan ang sarili—“ayaw kong iwan ang Merry. Ayaw kong iwan ang kuya-kuyahan ko na si Kuya Nastor ng WPBS. Kahit na f-in-riendzone ako ni Clyve, ayaw ko pa ring mahiwalay sa kanya. Kahit masakit man, kung kaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay, so be it. Basta, I don’t want to leave this town.” Hanggang sa muli na namang bumagsak ang mga luha niya.

Akmang hahawakan siya ni Cerri ngunit napansin agad ito ni Hasna kaya humakbang na naman siya paurong.

“’Wag kang lumapit sa—” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang lumampas siya sa dulo ng gusali at nahulog sa ibaba. Pagkasalo ng sahig sa kanya, agad na kumalat ang dugo roon.

“Hasna,” ang tanging salitang kumawala sa bibig ni Cerri. Bumaba siya, banayad ang paghakbang, parang walang nangyari. Habang naglalakad, inilipat niya ang sisi kay Clyvedon. Ang binata raw ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Hasna. Noong gabing iyon, doon naman niya unang nakilala ang poot.

• • • • •

“Pakawalan mo ’ko, Cerri! Ang sama mo! Hayup ka!” ang kumawala sa bibig ni Kannagi nang tinanggal na ni Cerri ang nakatakip sa bibig niya. Nagpupumiglas ang binata kaya pumailanlang sa buong silid ang ingay ng paulit-ulit na pagtama ng binti ng upuan sa sahig.

Hindi siya pinakinggan ng dalaga, bagkus pinaliwanag pa nito ang mga ginawa nitong hakbang upang mapalapit sa buhay nina Clyvedon at Kannagi.

Nag-umpisa siya noong mag-aral ng iba’t ibang emosyon ng mga tao. Bumili siya ng diksyunaryo at kinulayan ang mahahalagang salitang pumukaw ng atensyon niya. Hanggang sa natutuhan niyang ngumiti at gayahin ang mga salitang naririnig mula sa kanyang kapatid na si Prim. Kaya lang, hindi pa rin niya matukoy kung siya ba ay malungkot o masaya. Ang tanging alam niya lang ay galit siya kay Clyvedon.

Kalilipat lang noon ni Clyvedon sa Merryfield at sa seksyon nila, kumilos na agad siya. Natanaw niya ang isa niyang kaklaseng babae na lumapit sa isa pa niyang kaklase upang humingi ng papel. Kumurap-kurap pa ito at itinulak ang ibabang labi pasulong para mabigyan.

Ginaya ni Cerri ang ginawa n’ong kaklase niya. Nag-ensayo muna siya bago lumapit kay Clyvedon. “Clyve, right? Ako nga pala si Cerri Libres.” Sa araw-araw na kasama niya sa bahay ang kapatid niyang si Prim, kalaunan ay nakuha niya nang kaunti ang tono nito, ngunit hindi perpekto. “Hati tayo, please?” Tuluyan na niyang ipinakita iyong inensayo niya—kumurap-kurap siya sa harap ng binata.

“Volunteer Club, tama?” usisa ni Kannagi sa kaniya noong minsan silang dumalo sa house party sa mansyon ng mga Gulmatico. “Ang ironic lang kasi parang ginagamit mo ang ganda mo para pilitin silang sumali sa club n’yo.”

Nang maalala niya ang babaeng nakita niya bago niya nilapitan si Kannagi, ginaya niya ang ginawa at sinabi niyon na kanya pang hinaluan ng ibang salitang parating ginagamit ng kapatid niya. Hinawakan niya ang kanyang dibdib kahit wala siyang ideya kung bakit. “Ouch. Ang harsh mo naman, Kannagi. Actually, iilan lang naman kasi ang gustong mag-join. Kaya need kong gumawa ng ibang way, at ito lang ang naisip ko.”

Noong dumaan sa paligid ng tainga ni Cerri ang balitang lumipad na may masamang balak si Prim—kasama ang mga sinuhulan nitong miyembro ng Martial Arts Club—sa mga kaibigan ni Kannagi, dali-dali siyang tumakbo patungo sa Walang Pangalan Bookstore. Pagkahinto niya sa tapat ng tindahan, halos maligo na siya ng pawis at ramdam niya ang puso niyang di-magkamayaw sa pagtibok. Subalit parang wala lang siya, hindi batid ang angkop na reaksyon.

Hanggang sa lumingon siya sa kabilang panig at may nakita siyang lalaking kagagaling lang sa pagtakbo. Pagkatapos, huminto ito, bahagyang yumuko para ipuwesto ang mga kamay sa tuhod, at saka sunod-sunod na nagbuga ng hangin. Kaya, naisip niyang gayahin iyong lalaki bago pumasok sa loob ng tindahan ng libro at ipagsabi ang masamang balita kay Kannagi.

“Nasa clubroom n’yo na ba si Ma’am Rannos?” ang tanong ni Clyvedon noong maghahanda pa lang sila para sa foundation week.

“Actually, kanina pa kami ro’n. But lumabas din si ma’am kasi may kukunin daw siyang old pictures sa faculty room—’yong kuha raw ng mga estudyante niya last year.” Pagkatapos, kinurba niya pataas ang kanyang mga labi, bagay na natutuhan niya sa diksyunaryo. “We don’t mind if late kayo nang kaunti. Mahaba pa naman ang oras natin para maghanda. Kaya natin ’to. Fighting!”

Nakuha niya ang salitang ‘fighting’ mula sa kanyang kapatid.

“Obsessed ka kay Hasna kasi siya lang ang kauna-unahang taong nagparamdam n’on sa ’yo!” bulyaw ni Kannagi. Kasalukuyan siyang nagpupumiglas, nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Cerri. “Pakawalan mo ’ko rito! Hibang ka na!”

Pagkatapos ikuwento ni Cerri ang lahat ng ginawa niya para umabot sa puntong iyon, para makaganti kay Clyvedon, tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto. Napagpasyahan niyang tapusin na ang lahat. Muling nagsusumigaw at nagsusumamo si Kannagi subalit hindi niya ito binigyan ng pansin, sa halip ay hinanda na niya ang mga kakailanganin upang sunugin ang buong gusali.

• • • • •

Pansamantalang nagpaalam ang araw at pumalit sa kalangitan ang malaki’t maliwanag na buwan na sinamahan ng mga bituin. Humahangos man, hindi pa rin tumigil sa pagtakbo sina Clyvedon at Richmond. Sinabi na sa kanila ni Prim ang posibleng pinagtaguan ni Cerri kay Kannagi—ang lumang TLE Building. (Kamakailan kasi, nadiskubre nitong parating tumatambay si Cerri sa abandonadong gusali.) Tinawagan na rin ni Clyvedon sina Soichi, Aneeza, at Gemini na magsama ng mga pulis.

Hanggang sa tuluyan nilang natanaw ang nakabukod na gusali. Laking gulat nila nang mapansing nag-aalab iyon.

“Shit!” bulalas ni Clyvedon.

Lumusot kaagad sila sa kinakalawang at sira-sirang harang at pagkatapos ay walang-habas na nakipaglaban sa mahahaba at makakating talahib. Hindi naman nakaligtas sa kanilang pandinig ang ingay ng mga kuliglig.

Nang marating ng kanilang mga paa ang harapan ng gusali, tuluyang nakatakas sa mga tumubong halaman sa paligid, tiyempo namang nahagip ng kanilang paningin ang isang babaeng nakaitim—walang iba kun’di si Cerri. At nang magpang-abot ang kanilang tingin sa tulong ng maliwanag na buwan, awtomatiko itong kumaripas ng takbo.

“Hoy! Tigil!” sigaw ni Richmond, umiigting ang panga. Dali-dali nitong binalingan ng tingin si Clyvedon sabay sabing, “Iligtas mo si Kann, Clyve. Ako na ang bahalang humuli kay Cerri.”

Pagkatapos tumango ni Clyvedon bilang pagsang-ayon, doon na sila nagkahiwalay ng landas. Hinabol ni Richmond si Cerri, habang si Clyvedon naman ay sumugod sa naglalagablab na gusali, gamit-gamit ang ilaw ng cell phone niya. Dahan-dahang kumalat ang apoy sa paligid kaya kinailangan niyang magdoble-ingat.

“Kann! Kann, nasa’n ka?” Umalingawngaw ang boses ni Clyvedon na pinagtibay ng pag-aalala at pangungulila.

Panay ang ubo niya dahil sa usok na nanunuot sa kanyang ilong. Inisa-isa niya ang mga silid sa unang palapag ngunit hindi niya makita si Kannagi. Hindi naglaon, unti-unting dumausdos ang mga luha niya sa kanyang pisngi.

“K-Kann, sumagot ka! Nasa’n ka?” iyak niya. Ayaw niyang paniwalain ang sarili na sumusuko na siya, subalit doon na rin papunta. Kaagad niya iyong nilampaso sa isip niya at sinermunan ang sarili, Hindi! Buhay pa si Kannagi, Clyve! ’Wag kang sumuko! ’Wag mo siyang sukuan!

Akma siyang aakyat patungo sa ikalawang palapag nang pumasok sa tainga niya ang tinig na gusto niyang marinig, ang boses na kanina pa niya hinihintay, ang sigaw ni Kannagi: “T-tulong! Clyve, t-tulungan mo ’ko!”

Nanlalaki ang mga mata, agad na pinihit ni Clyve ang kanyang leeg papunta sa direksyon ng isang silid na nasa bandang dulo. Dali-dali niyang binagtas ang daan patungo roon, bitbit ang lumalagong pag-asa, at nakipagpatintero sa mga pintong kinain na ng apoy kaya sumuko na at natumba. Habang maingat iyong iniiwasan, nabuhayan si Clyvedon dahil sa tinig ni Kannagi na kanina pa niya gustong marinig.

Nang makarating sa dulo, sa tulong na rin ng flashlight at kumukurap-kurap na ilaw sa pasilyo, kaagad niyang sinipa ang pintong sinalakay ng nagngangalit na apoy, dahilan upang masilayan niya sa wakas ang binatang may kasalanan kung bakit labis siyang nag-aalala.

Walang pag-aatubili niyang pinutol ang distansya sa pagitan nila, hindi na niya ito kinumusta, sinuri kung ayos lang, o nakipagyakapan na kadalasan niyang napanonood sa mga pelikula. Ang mahalaga sa kanya, makaalis sila sa impyernong iyon. Kaagad niyang kinalas ang mga nakatali kay Kannagi na panay rin ang ubo.

“Kann, just hang in there.”

Inalalayan niya si Kannagi na tumayo; ang isang braso nito’y nakasampay sa kanyang leeg. Hindi na nila binigyan ng pansin ang init na nagpaparamdam sa kanilang balat. Dahan-dahan silang humakbang pasulong upang lumabas subalit nagitla sila nang bigla na lang humandusay ang pinto at kaagad na naglakbay ang apoy sa pintuan.

“Buwisit!”

Iginala niya ang mga mata sa paligid at namataan ang isang bintana. Mabilis pa sa alas-kuwatro na pinaupo niya nang maayos si Kannagi sa ligtas na puwesto. Kinuha niya ang isang upuan at inihampas sa jalousie, dahilan para mabasag ang mga ito at tumilapon sa labas.

Nang matantiya niyang maaari na silang lumusot doon, wala na siyang sinayang na oras at agaran niyang binalikan si Kannagi. Maingat silang dumaan sa bintana para tuluyang lisanin ang nagliliyab na gusali, ang gusaling tinupok ng galit ni Cerri.

Pagkalabas na pagkalabas nila sa lumang TLE Building, doon na tsinek ng binata ang kanyang nobyo. “Kann, are you okay?”

Umubo si Kannagi bago magsalita, “C-Clyve . . . Clyve, I-I’m sorry. S-sorry kung ’di ko pinakinggan ang paliwanag mo. S-sorry kung”—muli itong naubo—“kung nagalit agad ako sa ’yo, hindi pinansin nang ilang araw, at . . . at pinag-isipan nang masama. Umabot pa sa puntong—”

“Kann, it’s okay,” putol ni Clyvedon sa kanya. “Your reaction is valid. Your emotion is valid. Naiintindihan kita.” Tumulo ang mga luha niya pero nakakurba pataas ang kanyang mga labi habang nakatingin nang diretso kay Kannagi. “Sobrang bad timing lang ’yong nangyari kay Luke kaya ’di ko na nagawang magpaliwanag. Pero ngayon, okay na.” Tuluyan niyang ikinulong ang binata gamit ang kanyang mga bisig.

Habang nakapatong ang baba sa balikat ni Clyvedon, humagulgol si Kannagi dala ng pagsisisi at takot; pagsisisi sa malamig niyang trato noon kay Clyvedon at takot kanina na baka hindi na niya makausap ang binata.

“Shh! It’s okay,” pag-aalo nito sa kanya. Pagkatapos, tinamnan siya nito ng halik sa kanyang noo. “Nandito na ’ko, alright? You’re safe now . . .”

Sa hinaba-haba ng taguan at pakipagpatintero sa kamatayan, sa yakapan at pagpapatawad din ang tuloy.

Continue Reading

You'll Also Like

28.4K 6K 55
ā€¢ c o m p l e t e d ā€¢ highest rank: #1 in btsyoongi #2 in min #4 in tagalogfanfiction #6 in minyoongi #7 in Btsfanfic #19 in btssuga #27 in bangtan t...
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
883K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.