Episode 19 - Finding Kann [2/2]

281 10 1
                                    

THIRD PERSON POV

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

THIRD PERSON POV

Dahil sa narinig nilang balita galing kay Richmond, naglaho ang kanilang espekulasyon sa magkapatid na Libres at tuluyan silang tumalon sa isang konklusyon: “So, si Luke ang k-um-idnap kay Kann!”

“Tama nga ang hinala ko,” si Clyvedon, nagngingitngit. “Siya talaga ’yong sumusunod sa ’min ni Kann noon sa sementeryo, at pati na rin sa plaza. Hindi ko lang sinabi kay Kann kasi ayaw kong mag-alala siya.” Ikinuyom niya ang kanyang mga palad at halos bumaon na talaga ang mga kuko niya roon. “Gusto niya kaming sirain. Ayaw niya ’kong maging masaya dahil ako ang sinisisi niya sa pagkawala ni Hasna. I can’t forgive him if he does something bad to Kann.”

“W-wait, sementeryo?” si Richmond, gulat na gulat. Pagkatapos, napatingin siya sa mga kaibigan niya. “’Di ba no’ng pumunta sina Clyve at Kann sa sementeryo, tayo naman ay nag-ready sa mansyon para i-surprise si Kann? That time, late nang dumating si Luke. We’re almost done when he arrived. Tanda n’yo pa?”

Nagtaas-baba ang ulo nina Soichi, Aneeza, at Gemini bilang tugon. Nakuha na agad nila ang punto ni Richmond.

“Malaki na siya ’tapos ang character development niya, paurong,” nayayamot na anas ni Aneeza.

“Ngayon, napagtagpi-tagpi n’yo na ang lahat,” pukaw ni Nastor sa atensyon nila. “Lahat ng mga nangyayari, si Luke ang itinuturo. At siya lang ang may motibo. Kailangan n’yong hanapin kung nasaan man si Luke dahil hawak niya si Kannagi. Kaunting panahon ko lang”—uminit bigla ang sulok ng mga mata niya—“kaunting panahon ko lang nakilala si Kann, pero alam kong napakabait niyang bata. Ayaw kong may mangyaring ’di maganda sa kanya. Pakiusap, iligtas n’yo siya.”

Itinaas-baba ng lahat ang kanilang ulo bilang tugon.

Pinigilan ng may-ari ng tindahan ang sarili niya na maiyak nang maalala ang sinapit ng kanyang itinuring na nakababatang kapatid na si Hasna. Araw-araw kasing bumibisita dati ang dalaga sa kanyang tindahan kaya kalaunan ay naging malapit sila. Ngunit sa kasamaang-palad, bigla na lamang lumipad ang balita’t nakarating sa kanyang tainga na patay na ito. At ngayon, ayaw niyang maulit ang nangyari dati, lalo na’t naging parte rin si Kannagi sa Walang Pangalan Bookstore.

“Si Luke pala ’yong nagpadala sa ’kin ng messages noon,” muling nagsalita si Clyvedon kaya napabaling silang lahat sa kanya.

“Anong klaseng messages? Death threats?” usisa ni Richmond. Nalukot ang mukha niya at tila naghihintay ng madaliang sagot.

Umiling si Clyvedon, nagpanting ang tainga. “Wala raw akong karapatang maging masaya pagkatapos ng ginawa ko kay Hasna.”

“Ano pa ang hinihintay natin? Hanapin na natin si Luke!” nanggagalaiting sabad ni Soichi.

“Soichi is right,” ani Aneeza. “Kailangan na nating mahanap at mahuli si Luke bago pa man may mangyaring masama sa kaibigan natin.”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora