Battle of the Past (Seule Fil...

By 4rtserenery

123K 6.6K 1.7K

SEULE FILLE SERIES #01 [ COMPLETED : UNDEDITED ] Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and... More

Battle of the Past
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Epilogue
Note

Chapter 59

885 51 7
By 4rtserenery

Hi Sereneries! Chapter 60 will be the last chapter, and the epilogue will be the next.

FAYE

Mabagal kong binuksan ang mga mata ko at agad na bumungad sakin ang puting kisame.

Dahan dahan akong bumangon at napakagat labi dahil masakit pa ang katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko nang medyo sumakit iyon.

May benda pala ang ulo ko. Habang hawak ang ulo ko ay inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto na kinalalagyan ko ngayon.

Wala akong kasama pero may mga prutas at tubig na nakatabi sa lamesa ng hospital bed ko. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko, hindi dahil gutom ko kundi dahil dalawang beses akong tinamaan ng bala.

Ganoon pala ang pakiramdam. Nabaril din naman ako ni Tito Dylan noon pero hindi ganito. Sandali akong napaisip at bigla ko siyang naalala.

G-Ganito.. ganito rin ba ang naramdaman ni Hiro noon? Nung oras na sinalo niya ang mga bala na dapat ay akin?

Mariin akong pumikit at napabuntong hininga. Tinanggal ko ang kamay kong nasa ulo ko. At natigilan ako nang maalala ko si Kairus. Hindi ko alam pero napaluha ako dahil naalala ko na lahat.

Naalala ko na lahat. At gusto ko siya ang unang taong makaalam na nakakaalala na ako. Gusto ko siya ang una.

Pumunta pa siya ng bahay namin noon para ibigay ang necklace. Lagi kaming magkakasama nina Hiro noon at madalas kong hanapin si Hiro sa kaniya noon kapag hindi niya ito kasama. Palagi siyang pumupunta sa bahay namin dahil lagi niyang sinasabi na gusto niya akong makita, lagi pa siyang may dalang mga pagkain at inumin na mga paborito ko. At si Hiro na lagi siyang pinagtatawanan.

Matalik silang magkaibigang dalawa.

Kung hindi si Hiro ang pupunta sa bahay namin para makipag-usap sakin ay siya naman ang pupunta, halos doon na nga siya matulog dahil ayaw niyang umuwi kapag sinusundo na siya ng magulang niyang sina Tita Ava at Tito Kaizer.

Kapag wala si Hiro, siya ang lagi kong kasama. At kapag wala siya, si Hiro naman ang kasama ko. Lagi kaming magkakasamang tatlo at halos hindi na mapaghiwalay. At naalala ko rin nung maliit palang kami ay lagi kaming naglalaro sa bahay namin. Sila pa mismo ang dadayo para makipaglaro sakin.

Siya ang huli kong kasama nung mabunggo ako ng sasakyan. Naging malinaw na ang mukha niya sa akin. Tumakas kami dahil gusto namin ng ice cream. Pero hindi ko inaasahan na ang pagtakas pala namin ang magiging dahilan para makalimutan ko siya.

Naalala ko rin na lagi niya nga ako binibisita sa hospital.. nung mga panahon na hindi ko siya maalala. At iyon yung panahon na naligtas kami mula kay Tito Dylan at panahon na wala na si Hiro.

Lagi niya akong inaalagaan kahit na hindi ko siya maalala. Naalala ko pa kung paano siya umiyak sa harapan ko.. naririnig ko ang iyak niya kapag tulog ako. At kung paano siya magkwento ng mga ala-ala naming dalawa na nakalimutan ko.

Naalala ko pa nung panahon na naalala ko pa siya, magkakasama kami nina Kairus non sa paborito naming parke. May tumulak sa aking lalaki non dahil hindi ko siya sinasadyang masagi kaya natapon ang ice cream niya.

Ginanti niya ako.. gumanti siya para sa akin. Tinanong ko pa nga kung bakit niya ginawa iyon pero isa lang naman ang sagot niya.

Nasaktan ako. Gumanti siya dahil nasaktan ako.

At hanggang ngayon ay siya pa rin ang gumaganti para sa akin. Mula noon hanggang ngayon ay siya pa rin.

How could I forget him?

Pinunasan ko ang luha ko at bahagyang napangiti. Naaalala ko na lahat pero masakit pa rin sa tuwing naaalala kong nakalimutan ko siya.

Si Kairus ang tinutukoy ni Hiro nung araw na iyon. Nanatiling nakaukit ang mga salitang 'yon sa isip ko.

"W-When you t-two meet, t-tell him that he'll a-always be my b-best friend."

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon. Pumasok si Kaulev kasama si Sebastian, Trace, at Ethan. Nag-uusap sila at napatigil lang nang makita akong gising na.

Nanlaki pa ang mga mata ni Sebastian at Ethan habang si Kaulev at Trace naman ay napakurap. Sinarado ni Trace ang pinto bago sila mabilis na lumapit.

"Gising na ang baby ko!" masayang sabi Sebastian at niyakap pa si Ethan na agad naman yumakap sa kaniya pabalik. Tumalon talon pa ang dalawa habang may mga malalaking ngiti na nakapaskil sa mga labi nila.

I missed this. I miss them.

I don't even admit it, but my heart knows that I miss them. So much.

"Sebastian, call a doctor." He looked at Sebastian, who nodded. Tumigil na sila sa kakatalon ni Ethan.

He smiled at me before turning his back on us and leaving the room to call the doctor.

Kaulev next looked at Trace. "Tell them she's awake."

"Are you okay? Does your body still hurt?" Kaulev asked.

"Masakit ba ang ulo mo?" Si Trace naman ang nagtanong habang may kung anong kinakalikot sa phone niya. "Nahihilo ka ba?"

"Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" tanong naman ni Ethan.

Tiningnan ko sila at pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nila. Napatanong ako sa sarili ko kung handa na ba akong pataawarin sila?

"Faye?"

Napalunok ako bago sumagot. "N-Nauuhaw lang," mahinang sabi ko.

Kinuha ako ni Trace ng isang basong tubig na agad kong kinuha at ininom. Pakiramdam ko ay isang taon akong hindi uminom.

"Isa pa?" tanong ni Kaulev kaya tumango ako dahil uhaw na uhaw talaga ako.

He gave me another glass of water, which I immediately drank. Right after I drank the water, Sebastian arrived with the doctor he called.

Lumapit sakin ang doctor at ngumiti sakin kaya ginantihan ko siya ng tipid na ngiti. Chineck niya ang kalagayan ko at tinanong ako ng kung ano-ano tungkol sa nararamdaman ko.. kung may masakit pa ba sakin o may nararamdaman ba akong kakaiba.

"Ilang araw akong tulog?" tanong ko pagka-alis nang doctor na tumingin sa akin.

"2 weeks," sagot naman ni Kaulev.

Nanlaki ang mga mata ko. 2 weeks akong tulog? Parang kahapon lang nangyari!

"Si Chase? Kamusta siya?" tanong ko ulit nang maalala ko ang lalaking iyon.

"Ayos na siya," ngumiti si Trace. "Nakalabas na nga siya."

Napahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman. Buti nalang talaga at maayos na siya dahil hindi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.

"Nasaan ang iba? Bakit.. bakit kayo lang nandito?"

"Umuwi sila para maligo dahil napakabaho na nila," sagot ni Ethan at humagikgik pa.

"Sa dalawang linggo, salit salitan kami sa pagbabantay sayo. At ngayong araw kami naman ang nakatoka na magbantay sayo dahil kahapon ay sina Yvo, Kiel, Dwayne, Kio, Ashton, at Ryuu." Si Sebastian naman ang sumagot.

Napatango tango ako sa narinig. "Ang magulang ko?"

"Ah, nandito sila kanina pero umuwi lang muna saglit. Yung kapatid mo naman ay nakalabas na. Galit na galit nga ang kapatid mo."

Napalingon ako kay Ethan dahil sa sinabi niya. "Galit na galit?"

"Oo," napalabi siya. "Galit siya sa sinapit mo at bukod doon ay nagalit siya dahil sa nakitang gasgas sa mukha niya. Hindi niya matanggap."

Napaawang bibig ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. I expected him to react like that. Ingat na ingat siya sa pagmumukha niya. Mas mahal pa niya ang mukha niya kesa sa akin na kapatid niya.

"A-Ano nga palang nangyari sa dalawang linggong tulog ako?" tanong ko pa.

Anong nagyari kay Tito Dylan? Kay Dianne?

Nagkatinginan sila. "Marami."

"Nasa kulungan na si Tito Dylan kasama ang mga tauhan niya habang si Dianne ay tumistigo. Sinabi niya lahat." Trace answered.

Bahagya ako nagulat sa sinabi niya. Nagawa ni Dianne na tumistigo?

"When Dianne testified, mas lalong nadiin ang ama niya. Patong patong ang kaso ng ama niya. Tito Kleyzen filed many cases against Tito Dylan." Kaulev said.

"T-Teka, bakit ang bilis naman yata? Nakulong agad si Tito Dylan?" gulat na tanong ko.

Sabay sabay silang tumango. Napatingin ako kay Sebastian nang mag salita siya.

"Mabilis ang pagkakakulong ni Tito Dylan dahil ayaw ng ama mo na patagalin. Dinala niya agad sa korte," aniya. "Mabilis din naman ang naging proseso dahil may ibang kasambahay at tauhan ng mga Vejia ay nagsalita rin. Idagdag pang marami rin ang ebidensyang mga nakuha."

"Alam mo ba ang nakakagulat? Totoo talagang rapist ang Dylan na 'yon, gago!" Si Sebastian ang nagsalita. "Nabalita kasi sa TV ang pagkakadukot mo at ang pagkakahuli sa Dylan na 'yon. Napag usapan ulit yung pagkakadukot niyong dalawa ni Hiro noon at ang pagkamatay niya, nabalita rin sa TV na si Tito Dylan ang pumatay na totoo naman. Natanggal na rin siya sa pagiging mayor! Nabalita rin na muntik ka na niyang magahasa. At kinabuksan non ay may mga babae ang lumapit sa pamilya mo at sinabing biktima sila. Hindi lang sila nakapag sumbong dahil hindi nila kaya at dahil na din sa takot."

"Nalaman din namin kay Dianne na si Tito Dylan na rin ang dahilan kung bakit ka nabangga nang sasakyan nung bata ka. Siya rin ang dahilan kung bakit naaksidente ang kapatid mo," ani Trace. "Umamin din si Dianne na nagbebenta ang ama niya ng mga illegal na beauty products. Kasabwat din nila ang tinuring na pamilya ni Ethan, ang mga Mendoza. Nadiin din ang mga Mendoza dahil inaabuso nila si Ethan. Sila rin ang dahilan kung nawawala ang anak ng mag-asawang Vardeleon na ideya naman ni Tito Dylan. Nagpa-DNA test na nga ang mag-asawang Vardeleon kasama si Ethan."

"They also looked for Ryuu's father, the people who kidnapped him, and the person who raped his mother. I don't know how your family managed to find them so quickly. It was too fast." Hindi makapaniwalang sabi ni Kaulev. "Also, your father reopened Hiro's case. And in less than two weeks, justice has been served."

"Tumulong din ang mga Friedrich! At hindi ko alam kung paano nila nagawa iyon nang ganoon lang!" singit ni Ethan.

"The family you come from is too powerful, especially the Friedrichs. They are fucking intimidating," ani Kaulev. "Tingnan mo lang sila, hindi mo na agad gugustuhin na kalabanin sila dahil kung kakalabanin mo sila ay para kana rin bumangga sa pader."

Natahimik ako sahil sa sinabi ni Kaulev. Nakaharap ba nila ang pamilya ni Mommy? Madalang naman silang umuwi rito kaya noon, kami pa ang pumupunta ng Germany. Isa pa, sina Grant, Fabian, at Farrah ang nandito. Bilang lang ang mga Friedrich ang nandito sa Pilipinas.

"But you know what's interesting?" I looked at Kaulev when he spoke.

"What?" I asked and looked at him curiously.

He smirked. "Kairus takes down the Vejias. The Vejias are down."
 
Matagal akong napatitig sa kaniya dahil sa narinig ko. Pilit kong iniintindi ang sinabi niya. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita.

“All of the Vejias' properties were gone, even their company. Kairus destroyed the Vejia empire. He destroyed them. Everything was taken from them, and nothing was left."

"I don't know how he managed to destroy the Vejias so easily." Trace shook his head, but I could see the satisfaction in his eyes. "Also, he looked for those who had bullied you before. Everyone who hurt you was punished. He punished them for you."

"Pamilya mo dapat ang gagawa ng mga ginawa niya pero nakiusap si Kairus na siya ang gagawa." Bahagyang natawa si Sebastian.

"By the way, your father is a beast when it comes to court." Kaulev winced.

"Nakakatakot ang ama mong magalit!" sabi naman ni Ethan.

"But your father is cool," kalmadong sabi ni Trace.

Nalukot ang mukha ni Sebastian. "Astig nga, nakakatakot naman!"
 
Natahimik ako. No words came out of my mouth. I don't know what to say. I couldn't believe what they told me! In my two weeks of unconsciousness, a lot has happened around me.

Nang araw na iyon ay dumating ang pamilya ko kasama ang ibang mga Friedrich na umuwi pa pala galing Germany para bisitahin ako at tingnan ang kalagayan ko.

Habang mga hunghang naman ay may mga dalang bulaklak at mga pagkain. Paulit-ulit silang humingi nang tawad sa harapan ko at sa harapan ng pamilya ko. Lumuhod pa nga sila sa harapan ko!

My family knows what they did to me. Hindi naman nila itinanggi at tinago iyon. At hindi ko alam na alam pala nila! Sinabi sakin ni Kuya kung paano nila nalaman. Umamin pala sila sa ginawa nila sakin at paulit-ulit din silang humingi ng tawad sa pamilya ko. Kahit daw si Kairus ay lumuhod sa harapan nila at humingi ng tawad. At binigyan nga rin ng mga hunghang nang mga bulaklak ang pamilya ko, e!

Nasabi rin sakin na muntik na silang gulpihin ng tatlong Friedrich na narito sa Pilipinas na sina Grant, Fabian, at Farrah. Muntik din daw silang makatikim sa kambal na sina Zander at Zayden. Pati na rin sa magkapatid na Saldivar na sina Knox at Gavin. Ganoon din sa magkapatid na Jimenez na si Stacey at sa kuya niyang si Kuya Shawn. Si Ellaine at Amelia rin.

Idagdag pa raw ang Kuya ko at ang dalawang magkapatid na Acosta na sina Azrael at Kuya Azriel. Ganoon din kay Blake at kay Ate Olivia na nakakatandang kapatid ni Hiro.

Sabay sabay kaming kumain sa araw na iyon. Pinasaya nila ako. May ilan pang natulog dito sa hospital room ko katulad nalang ng mga hunghang at ni Kuya. Sina Grant din ay ganoon din.

Napangiti ako. Masaya ako dahil maayos na ang lahat pero pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Meron pang kulang at siya 'yon.

Isang tao lang hinihintay kong bumisita sa akin pero hindi naman siya dumating. Magulang at mga kapatid lang niya ang bumibisita sakin pero kahit anino niya ay hindi ko man lang nakita.

Hanggang sa makalabas ako ng hospital ay hindi ko siya nakita. Walang Kairus ang bumisita sakin. Walang Kairus ang nagpakita sa akin.

Sa tuwing tatanungin ko naman kung nasaan siya ay hindi nila ako sinasagot. Lagi silang umiiwas sakin kapag tungkol sa kaniya ang tinatanong ko.

Kahit ang pamilya ko, pamilya niya, at ang mga hunghang ay hindi ako sinasagot kahit si Chase na sobrang malapit sa kaniya. Wala akong makuhang sagot sa kanila.

Bawat araw na hindi siya nagpapakita sakin ay nasasaktan ako. I want to feel his presence. But I don't know where he is.

I don't know if he is avoiding me or what. But what he does hurts me.

I waited for a few days, but I never thought that my few days of waiting would take several years.

Until I graduated, he was still gone.

Matipid akong ngumingiti sa mga schoolmate at classmate kong bumabati sa akin.

"Congratulations to us!" sabay sabay na sigaw ng mga hunghang kaya napangiti ako.

I should be happy because I have graduated, but I felt the opposite. And only then did I know that he had left. He flew to France and finished his studies there.

He left me without saying goodbye.

Bakit kung kailan naaalala ko na siya ay saka niya ako iniwan? Tangina.

No reason. No goodbye. He just left me. I guess I just waited for nothing.

And I never thought it would hurt this much.

Continue Reading

You'll Also Like

186K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
265K 40.2K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
127K 248 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report