Chapter 42

1.4K 82 31
                                    

FAYE

"May problema ba?"

Napatingin ako kay Kaulev na biglang tumabi sa akin. Nandito ako sa sulok ng room namin at nag iisa. At ang mga hunghang ay kanina pa tahimik habang patingin tingin sa akin.

Tanghali ngayon at kaninang umaga, si Sir Logan lang ang pumasok sa amin ni teacher. Siya lang naman ang nagt-tyaga sa amin.

At kapag may free time siya, siya na ang nagtuturo sa amin ng ibang subject at lesson na dapat hindi naman siya ang gumagawa.

"Wala naman," umiling ako. "May iniisip lang."

A week has passed. And I heard from them that we won.

Hindi ko pa rin nakakausap sina Klein at Katrina. CHU also thanked me a lot and said they understood why I left the event.

Maging si Sir Logan ay sobra ang pagsasalamat sa akin at proud na proud na naging student niya ako.

Nung nasa hospital ako kung nasaan si Eris, nagka-usap kaming dalawa kahit maga ang mga mata niya. At may sinabi sakin si Eris bago ako umalis sa hospital.

"Their silence is different now, Erin."

"Laro tayo!" Biglang sigaw ni Ethan.

Yes. Narito na siya pero balot na balot siya, eh ang init init. Hindi ko alam kung bakit.

There's a problem. He has a problem, doesn't he?

Inalis nila ang mga upuang nasa gitna at ginilid para roon kami uupo. Winalisan din nila ang sahig para kapag umupo kami ay malinis.

Hinila na ako ni Kaulev at pinaupo sa may tabi niya. Katabi ko rin si Kairus na kanina pa nakatingin sa akin.

Habang si Chase at Trace ay nasa harapan ko, si Trace naman ay katabi ni Kaulev sa kaliwa. Si Kairus ang nasa kanan ko habang si Kaulev ay nasa kaliwa ko.

"Anong lalaruin natin?" Tanong ni Sebastian.

"Ewan." Nagkibit balikat si Ethan at muling kumuha ng pagkain na nasa kamay niya.

"Tangina mo," mura ni Yvo.

"How about we share our problems? Then let's give advice to each other so that somehow we feel better." I suggest to them.

Nakita ko kung paano sila natigilan at napatingin sa akin kaya binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

"Pero kung ayaw niyo at gusto niyo ng privacy, hindi ko naman kayo pipilitin," dugtong ko.

Everyone has their own problems and prefer to keep them to themselves. Maraming rason kung bakit natatakot ang isang tao na magsabi ng problema, pwede ring natatakot ka na sabihin yung problema mo, walang makikinig sayo, tatawanan ka nila at iisipin nila na sadboy o sadgirl ka, at higit sa lahat, pakiramdam mo, hinuhusgahan ka nila dahil sa problemang meron ka. Pero pwede rin naman na mas gusto nila na sarilihin nila ang problema nila dahil doon sila nasanay at iyon ang gusto nila.

O kaya wala kang taong pwedeng pagsabihan ng problema mo dahil kahit sa pamilya mo, hindi ka nagsasabi dahil nahihiya ka.

That's life.

"Gusto ko 'yan!" Nakangiting sang-ayon ni Sebastian. "Pero mas gusto ko siya."

Sunod sunod naman na nag-react ang mga hunghang. Tinasaan ko siya nang kilay ng makitang nakatingin siya sa akin. Feeling ko talaga, crush ako nito, eh.

"Corny amputa." Nandidiring sabi ni Ashton. "Kabag lang 'yan."

"Ulol." Inirapan siya ni Sebastian. "Maghanap kana nga ng bebe loves mong gago ka!"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now