Enthralling Sunrise (Tangway...

By 6EOR6ETTE

2.7K 195 4

Matthieu, That one sunrise will forever be etched in my memory because that was when it all started. I will... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Epilogo
Acknowledgements
Beat You There
Social Media Accounts

Kabanata 12

57 4 0
By 6EOR6ETTE

Graduation Day Part II



May ngiti sa mga labi nila ni Caya habang sabay silang naglalakad palabas ng stadium. Nakita rin nila kaagad ang parents at ang kuya nito na naghihintay sa kanila malapit sa gate ng Montano Hall. May hawak na dal'wang pumpon ng rosas ang daddy nito, ang mommy naman nito ay dal'wang maliit na box, si Cal nama'y dal'wang maliit na paper bag ang dala. Nilapitan kaagad nilang dalawa ang mga ito.


"Congrats!" bungad ng parents ni Caya, saka iniabot ang mga bitbit na regalo sa kanilang dalawa.


Binati rin siya ni Cal at iniabot sa kanya ang regalo nito. Nagpasalamat siya sa mga ito, saka awtomatiko niyang inilapit ang ilong sa pumpon ng rosas para samyuhin ang mga ito.

"Congrats, Cay! Akalain mo 'yun naka-graduate ka?" pang-aasar ni Cal sa kapatid.

Iniangat niya ang ulo at naiiling na nagpalipat-lipat ng tingin sa magkapatid. Nag-umpisa na naman ang dalawa. Para talagang mga aso't pusa, eh.

"Wow! Nagsalita, ha? Kung 'di ka lang varsity, baka sabay pa tayong ga-graduate, o baka nga mauna pa ako sa 'yo, eh!" asar din ni Caya sa kuya nito.

"Sows! Eh, puro kopya ka lang naman kay Quish!" parang bata na sabi ni Cal, dahil binelatan pa ang kapatid.

"Akala mo naman ikaw?! Eh, 'di ba puro kopya ka lang din kay-"

Hindi na natuloy ni Caya ang sasabihin niya dahil sa pagsingit ng best friend ng kuya nito. "Hindi, ah! Ako pa nga ang nangongopya sa kuya mo, eh!"

Hindi niya alam na nandito pala ito. O baka sumunod lang? Wala kasi ito bago mag-start ang ceremony nila, eh.

Caya tsked. Alam naman kasi nitong hindi totoo ang sinabi ng best friend ng kuya nito.

"Congrats..." baling nito sa kanya, saka iniabot ang isang maliit na paper bag.

Hindi niya alam kung tatanggapin ba niya iyon. Parang bigla siyang nahiya. Naalala niya ang ipinahiram nito sa kanya last year. Hindi pa nga niya 'yun naisasauli.

Napasulyap siya sa parents nina Caya na palipat-lipat ang tingin sa kanila ng best friend ng anak ng mga ito. Napalunok siya. Hindi ba ay mas kataka-taka kung hindi niya kukunin ang regalo nito? Kaya sa huli'y iniabot niya ang maliit na paper bag.

"Salamat," tanging nasambit niya.

Maluwang naman siya nitong nginitian. "You're very much welcome," turan nito, saka bumaling na kay Caya para batiin ito at iabot ang regalo na para sa kaibigan.

Kitang-kita niya kung paanong biglang parang kumislap ang mga mata ni Caya habang iniaabot ang regalo rito. Siguro nga ay kahit hanger ang matanggap nito galing sa binata ay magpapasalamat pa rin ito ng bonggang-bongga, eh.

Wala sa sarili siyang napailing. Malala na yata talaga ang kanyang kaibigan.

"Nasaan na nga pala ang nanay mo, Quisha?" untag ni Tita Jasmine.

"Nauna na pong umuwi si Nanay, Tita. Hindi po kasi iyon sanay kapag may maraming tao, para raw po siyang nalulula," paliwanag niya.

Kung pupwede nga lang na hindi um-attend ang nanay niya ng graduation niya ay hindi talaga ito aattend. Pero dahil ngayong wala na ang kanyang tatay...

Ay wala itong ibang choice kundi ang um-attend.

"Sayang naman at hindi na kami nakapag-usap ulit," si Tita Jasmine.

"Puntahan na lang natin sila sa bahay nila, Ta?" suhestiyon naman ng best friend ni Cal. Nakangisi ito sa kanya na para bang sinasabi nito na wala siyang magagawa kapag um-oo si Tita Jasmine.

"Oo nga, tama. Para makakwentuhan ko naman ng matagal ang nanay mo, Quisha. Ayos lang ba kung dumalaw kami sa inyo?"

Ngumiti siya. "Opo naman po, welcome po kayo sa bahay anytime, Tita. Sabihan nyo lang po ako kung kailan para maipaalam ko po kay Nanay."

"Don't worry, Ta, ako na ang bahalang mag-inform sa kanya kung kailan," boluntaryo naman ng best friend ni Cal. Ngumisi na naman ito sa kanya.

Alam na niya ang ibig nitong sabihin, kaya nama'y tumango na lang siya bilang pagsang-ayon dito.

"Oh siya't lumarga na tayo dahil naghihintay na sila sa atin sa bahay," untag ni Tito Harry.

"Mauna na kami sa 'yo, Quisha ha? May maghahatid naman sa 'yo 'di ba?" si Tita Jasmine.

"Opo, salamat po ulit sa mga regalo, Tita, Tito..."

"Bakit sina Mommy lang? Paano ang mga gwapong gaya namin? Wala bang pa-thank you ulit d'yan?"

"Thank you sa mga gwapong gaya n'yo, Cal..." sarkastikong sagot niya.

Tumawa naman ang mga ito sa sinabi niya.

"Na-miss ko 'yan, Quisha, ha?! Bakit kasi hindi tayo naging magka-batch?" natatawa pa ring saad ni Cal. "Eh, 'di sana..." dagdag nito, saka dahan-dahang nilingon ang best friend nito.

Eh, 'di sana... ano?

Kita niya ang bahagyang pagsiko nito kay Cal na lalong ikinatawa ng huli. Gumanti rin naman si Cal dito. Nagsikuhan na ang dalawa, hanggang sa nauwi na sa mahinang tulakan. Pareho nang tumatawa ang dalawa.

Si Tito Harry ay tinatawanan ang mga binata, samantalang si Tita Jasmine at Caya nama'y parehong naiiling.

"Pasensiya ka na sa mga paslit na kasama namin, Quisha." Naiiling pa rin na wika ni Tita Jasmine sa kanya.

"Sanay na sanay na 'yang si Quish sa kalokohan ng dalawang 'yan, My..." iling din ni Caya.

Tumigil ang dalawa sa pag-aasaran dahil sa sinabi siguro ni Caya.

"Siyempre, sanay na sanay na talaga 'yang si Quish. Praktisado ba naman sa 'yo," sagot ni Cal.

"Ikaw ba naman palaging kasama, Cay... malamang sa alamang talaga!" pagsegunda naman ng best friend ni Cal, saka tumawa.

Inirapan ni Caya ang dalawa. "Whatevers, Losers!"

Mahina siyang tumawa. Hindi niya alam kung bakit aliw na aliw siya kapag tinatawag nito ng ganyan ang dalawa.

"Bye, Quish..." baling sa kanya ni Caya. "I'll see you soon, okay?"

"See you very soon," tugon naman niya, at nginitian ito.


Nagpaalam ang mga ito sa kanya. Hinintay niya munang tuluyang mawala ang mga ito sa paningin niya bago siya tumalikod, at saka naglakad na patungo sa grandstand para hanapin sina Mathy.

Nakita niya kaagad ang mga ito kasama si Rosh, at ang sa tingin niya ay mommy nito. Magkaharap si Rosh at si Mathy, may sinasabi ang dalagita na tinatanguhan naman ng huli nang nakangiti. Si Papa Andrei nama'y nakangiti ring nakikipag-usap sa mommy ni Rosh.

Nang malapit na siya ay napansin siya ni Mama Athiena. "Oh! Hayan na pala si Quisha!" masayang bulalas ni Mama.

Sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa kanya.

Pilit niya namang nginitian ang mga ito. Pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan niya kaya lumunok muna siya bago bumati. "Good afternoon po."

Napansin niya ang mga titig ni Mama sa pumpon ng rosas na kanyang bitbit.

"Ahhmm... bigay po ng family ni Caya," alanganin siyang ngumiti rito.

"Oh! Wow! Mukhang gustong-gusto ka rin nila, ha?" nakangiting komento ni Mama, ngunit parang may kakaiba sa tono ng boses nito.

Kaya nama'y ngumiti na lang siya rito.


Kinuha naman ni Mathy ang dala niyang bulaklak para mahawakan nito ang kanyang kamay, saka siya nito marahang hinila sa tabi nito.

Nagulat siya sa ginawa nito. Bakit nito hinahawakan ang kamay niya ngayon? Dahan-dahan niya itong nilingon. Mukha itong tensyonado. Kitang-kita niya rin ang paglunok nito.

At bakit naman ito mate-tense?

Samantalang kanina lang ay nakangiti pa ito habang nakikipag-usap kay Rosh, ha?

Gusto niya sana itong asarin pero nahihiya siya dahil may iba silang kasama. Ibinalik niya na lang ang tingin sa harap.

Napansin niya kaagad ang tingin ng mommy ni Rosh sa magkahawak na mga kamay nila ni Mathy. Bumaling ito sa katabing si Rosh na nag-iwas naman ng tingin.


"Tita Rose, si Quisha po pala," pagpapakilala ni Mathy sa kanya.

Ngayon niya pa lang na-meet ang mommy ni Rosh. Magkahawig din pala ang dalawa, ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng buhok ng mga ito. Ang alam niya ay sa isang sikat na hotel sa Manila nagtatrabaho ang mommy nito. At ang alam niya ay 'yun din ang gusto na trabaho nito.

Magkapareho talaga si Rosh at si Mathy.

"It's nice to meet you, Quisha." Tipid ang ngiti ng mommy ni Rosh nung bumaling ulit sa kanila.

"Girlfriend ko po," dagdag ni Mathy bago pa siya makasagot.

Mukhang nagulat ito sa sinabi ni Mathy. "May girlfriend na pala siya?" baling nito kay Mama at Papa. "Buti at pumayag kayo?"



Nakangiti ito pero bakit pakiramdam niya ay insulto ang tanong na 'yun sa kanya?

Buti pumayag sina Mama at Papa na mag-girlfriend na si Mathy?

O buti pumayag ang mga ito na siya ang girlfriend ni Mathy?

Dahil ba hindi siya kasing-ganda, sing-tangkad at sing-talino ng anak nito?

O imahinasyon niya lang ba 'yun at siya lang talaga ang may problema?


"Hay naku, Rose! Akala ko nga ay walang magkakagusto r'yan sa panganay kong 'yan!" natatawang sagot ni Mama, saka nagpatuloy. "Akala mo kasi ay palagi siyang bagong gising dahil palagi siyang grumpy!"

"Hindi naman, Ma," tanggi ni Mathy nang nakasimangot.

"Oh, kita mo 'di ba?" natatawang saad ni Mama.

Tumawa rin sila ni Papa Andrei, pero nanatili lang na nakangiti ang mommy ni Rosh.

Bumalik ang tingin niya kay Mama Athiena. Napansin niya rin ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito habang nakatitig sa kanilang dalawa ni Mathy.

"And they remind me so much of them..." seryosong sabi ni Mama. Ilang saglit pang nasa kanila lang ni Mathy ang mga mata nito, saka ito bumaling na sa mommy ni Rosh.

Pinanuod niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa magandang mukha ng mommy ni Rosh.

Bakit kaya?

Dahil ba iyon sa huling sinabi ni Mama Athiena?

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Pakiramdam pa niya ay biglang nagkaroon ng tensyon sa paligid.

Ilang saglit siguro na walang kumikibo sa kanila nang magsalita si Papa Andrei. "O siya, at tara na? Pi-pick-up-in pa natin ang in-order nating pagkain sa Chefoo."

Ngumiti na si Mama Athiena. "O paano? Mauna na kami sa inyo, Rose, ha?"

Ngumiti ng pilit ang mommy ni Rosh. "Mag-ingat kayo."

"Kayo rin," halos sabay na turan nina Mama at Papa, saka sila inaya na ni Mathy na aalis na.


What just happened?



Pagkatapos ng munting salu-salo nila sa bahay nina Mathy ay dumiretso sila ng kanyang ina sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng kanyang ama.


In Loving Memory of

Amaro "Amar" F. Cuevas
September 16, 1974 - February 21, 2012

Our family chain is broken and nothing seems the same, but as God calls us one by one, the chain will link again.


Sabay silang umupo ng kanyang ina sa harap ng puntod ng kanyang ama. Inilapag niya rin ang mga bulaklak na dala nila habang ang kanyang ina nama'y nagtirik ng kandila.

Nakaramdam siya ng bikig sa kanyang lalamunan. "Tay..." sambit niya.

Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang likod. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula rito.

Pinilit niya ang sariling ngumiti. "Graduate na po ako, Tay..." kausap niya sa ama, saka hinaplos ang lapida nito. "Magtatrabaho po muna ako, ha? Para makaipon ng pang-tuition sa college. Pero promise ko po sa 'yo na magkokolehiyo ako, Tay..." bahagya siyang tumawa. "H'wag kang mag-alala.. makakatapos ako sa pag-aaral. Magtutulungan kami ni Nanay para matupad natin ang mga pangarap natin. Ipapaayos ko ang bahay natin kapag nakapagtrabaho na 'ko sa isang hotel sa Manila, o kaya ay sa ibang bansa. Pangako k-ko 'yan sa 'yo, Tay..." kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang hikbi.

Nilingon niya ang kanyang ina nung hinaplos nito ang kanyang buhok. "Proud na proud kami ng tatay mo sa 'yo, Amara..." nakangiting wika nito.


Noong magtatakip-silim na ay nagdesisyon na silang umuwi ng kanyang ina. Pagkarating sa bahay ay naligo kaagad siya at pagkatapos ay naghanda na sa pagtulog. Hindi na siya naghapunan dahil marami naman siyang kinain kanina sa bahay nina Mathy. Buong akala niya ay hihilahin kaagad siya ng antok dahil sa pagod pagkahiga niya sa kanyang higaan, ngunit nagkamali siya. Bumangon siya at dumungaw sa bintana, saka tumingala sa mga bituin sa langit.


"Kapag nalulungkot ka ay pagmasdan mo lang ang mga kumikinang na mga bituin sa langit, pagkatapos noon ay gagaan na ang pakiramdam mo."


Pero bakit ganoon pa rin, Tay? Bakit walang nagbago? Bakit mabigat pa rin ang pakiramdam ko? Bakit... ang sakit-sakit pa rin?


"Amara..."

Pinunasan niya muna ang mga luhang 'di niya namalayan na naglandas na pala sa kanyang mga pisngi, saka niya nilingon ang kanyang ina. May dala itong isang baso ng gatas. Ipinatong nito iyon sa bangkito sa tabi ng kanyang papag, saka lumapit sa kanya sa tabi ng bintana.

"Magagalit kaya sa akin si Tatay, Nay?" panimula niya, saka tumingala ulit sa mga bituin. "Kung hihilingin ko sa mga bituin sa langit na sana ay... hindi na lang siya ang ama ko?" tanong niya, nilingon ulit ang kanyang ina.

"Amara..." tanging nasambit ng kanyang ina sa nanlalaking mga mata..

"Baka k-kasi mabawasan po a-ang sakit, Nay..." sabi niya sa pagitan ng paghikbi.

Umiiyak na naman siya.



"Kung hindi ko totoong ama si Tatay..."

Continue Reading