The Mafia's Illegitimate Chil...

By TheWeirdoGotBored

153K 7.2K 1.2K

( O N - G O I N G ) Eri Leticia Callidora Yvaine the daughter of a mafia boss has a 22-year-old mentality... More

The Mafia's Illegitimate Child (Book 2)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHOR'S NOTE
NOTICE
CHAPTER 7.5
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 9.5
CHAPTER 10
CHAPTER 10.5
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 14.5

CHAPTER 12

4.4K 209 36
By TheWeirdoGotBored

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 12

Lost Child
---------------------------
-------------------------------------


"WHO IS THIS?" usal ng isang babaeng may mahaba na maalon nitong kulay pulang buhok, at nakakrus ang parehong braso nito sakaniyang ibabang dibdib. Salubong ang mga kilay at masama ang tingin nito sa kapatid na kauuwi lamang na may kargang bata.

"Calm down sis. I don't know either, I only saw her on the road alone so i took her. I didn't look for her parents because it was getting late and I thought you might scold me again because I might came home late again." paliwanag ng dalaga na maikli ang tuwid nitong kulay pulang buhok din nito saka binalingan ng tingin ang batang buhat niya saka muling tumingin sa kapatid.

Napaangat ng tingin si Eri sa babaeng maikli ang buhok na buhat-buhat siya saka inilipat ang tingin sa babaeng matangkad na mahaba ang buhok na kaharap naman nila na sumesermon sa babaeng kumuha sakaniya.

Hindi inaasahan ni Eri na babae pala ang motorista na kumuha sakaniya, pero medyo hindi ito nagtiwala kanina nang kukunin siya dahil isa siyang estranghero. Pero wala na rin siyang nagawa dahil hindi rin siya makatatakbo dahil sa maliliit nitong mga binti't paa. Hindi nga lang talaga niya inaasahan na babae pala ang nasa likod ng helmet.

"So? What will I do with that child?" mataray na ani babaeng kaharap na pinanlakihan pa sila ng mata.

"Let's keep her here for the time being and then tomorrow I will immediately return her to her parents since their place is close to here." ani babaeng maikli ang buhok.

"Fine, Just make sure that there won't be trouble if the parents of that child find out that you have her, I don't want to be accused of having a sister who kidnapped a child somewhere." usal ng babaeng mahaba ang buhok saka umalis sa harapan nila.

"Wews, that scared the hell outta me. She's being mean to me again! Gosh! I'm still not used to her attitude all this time! Gimme a break sis!" bulong na reklamo ng babaeng buhat-buhat kay Eri. Hininaan nito ang kaniyang boses upang hindi siya marinig ng kaniyang kapatid. "Let's go baby! I'll take you to my room so you can rest or do you want to eat first?" baling nito kay Eri na may matamis na ngiti.

"Ahmm, eat!" ani Eri na nakapagpalawak pa ng ngiti ng babae.

"OMG! How can you be so cute? Are you really a human? The way you speak is so cute too." sabik na sabi ng babae saka niyakap ng mahigpit si Eri na pinanggigilan nito, dahilan upang mahirapan makahinga si Eri.

"Okay! Let's eat first! Then after that wash ourselves and go to bed! I bet your parents are really worried about you. I kinda feel bad because i took you without them knowing." pagkausap ng babae sa bata, samantalang si Eri naman ay nanatiling nakatitig sa babae.

Nagsimula na rin maglakad papunta sa sala ang babae upang pakainin muna si Eri. Samantala si Eri naman ay nag aalala na sa mga kasama nito sa bahay na baka nag aalala na rin sakaniya dahil sa biglaan niyang pagkawala. Nakaramdam ng guilt si Eri dahil sa pagiging gala niya kaya may mga tao na pinag-aalala na naman niya.

Iniisip nito kung ano na ang nangyayari sa bahay.

"I'M SORRY, I..I shouldn't have left the door o..open when I left her room. I'm really sorry." umiiyak na ika ni Renji na sumisinok pa ito.

"Calm down, it's okay. It's not your fault husshh." pagpapatahan ni Ryuzaki sa anak nito na hinahaplos ang likod para patahanin.

"Don't worry, we will find Eri at all costs. But it's so strange that...how she disappeared like that? I watched all the recorded cctv and we saw that he went to the garden. But why did she suddenly disappear like that? We've gone around the garden but there's still no sign of Snow." saad ni Yujin na nakahawak sa baba nito at nakatingin sa kung saan.

Nilingon ni Ryuzaki si Yujin na malalim na nag-iisip habang hinahaplos ang ulo ng kaniyang anak na walang tigil sa pag-iyak.

"Where are the triplets? Are they still looking for the child?" tanong ni Ryuzaki.

Umiling muna si Yujin bago ito sumagot. "I don't know, they suddenly left after watching the cctv, maybe they were looking for the child."

"Will baby fuyu be alright? Is she safe?" bakas sa tono ni Ryuji na panganay na anak ni Ryuzaki ang pag-aalala, nakatingin lamang ito sa sahig at iniisip kung ano na ang kalagayan ni Eri.

"Of course she's safe wherever she is." pagpapagaan sa loob ng anak upang hindi na ito mag-aalala pa ng husto kahit pati siya ay hindi sigurado kung ano na kalagayan ng bata. "By the way, the triplets seem to know where the boy went. After all, it was their house and in the garden they saw where the child went, maybe they knew where the child went." baling nito kay Yujin na nilingunan naman siya.

"I think they may have known that's why they didn't send us along in the search for the child. But I hope the child is safe, accidents can easily happen to children." ika ni Yujin. Tumango-tango lamang si Ryuzaki saka muling binaling ang anak na humihikbi.

Samantala ang tatlong kambal naman ay parehong nakatayo sa labas ng sikretong labasan sa loob ng sikret garden nila.

"Shit! How did she get here? Not only that she was able to find out where the hidden garden was and found the exit and actually got out." hindi makapaniwalang sabi ni Midnight.

"And I also can't believe how cute she's coming down the stairs." ani Twilight na siniko pa siya ni Nightfall.

"We don't have time to compliment the kid now---but it's true, she's also cute the way she runs." usal naman ni Nightfall.

"Guys! Let's be serious here! The child is missing and there is no cctv installed outside so we don't know where to find Eri!" ani Midnight na bakas sa mukha ang pag-aalala sa bata. Napalayo si Midnight nang dinuro siya ni Twilight at napatingin sa kambal at napaarko ang kilay.

"See! You said not to mention the child's real name but you still mentioned baby fuyu's name!" pinanlalakihan ng mata ani Twilight. Agad namang hinampas ni Midnight ang nakadurong daliri ng kapatid.

"Umayos ka nga! I've been restless about what's going on with Eri. We need to find her immediately and if we still can't find the child, mananagot ka kay Castello." pananakot nito kay Twilight na kaagad napalitan ang ekspresyon nito.

"W..Why only me? You two are also my accomplice, hindi pupwedeng ako lang ang mayayari sakaniya atsaka ikaw ang nakaisip na subukan natin si Erden. Ikaw ang nag plano lahat ng ito."

"Aish! You two are so noisy, that's why we're taking so long because you're still arguing instead of looking for the child first!" reklamo ni Nightfall. Tumigil na ang dalawa sa pagbabangayan at napagdesisyunan na nila na maghiwalay upang hanapin ang bata.

Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman ni Twilight. Matagal na niyang alam na simula nang kunin nila ang bata sa bahay ng mga Castello, na mananagot siya kay Erden. Baka nga ay matagal na ng alam ni Erden na nasa kanila ang bata at hindi lamang ito kumikilos na ipinagtatakha naman niya. Hindi niya alam kung may pakialam pa ba si Erden sa anak nito o hindi dahil hindi parin nito kinukuha ang bata sakaniya. Pero nasisiguro niyang hindi siya pakakawalan ni Erden sa oras na magkita man sila muli. Kung sakaling may mangyaring hindi maganda kay Eri. Buhay nito ang magiging kapalit.

Sobrang nag-aalala si Nightfall sa bata kahit hindi niya ito pinahahalata sa mga kapatid niya. Hindi rin maipaliwanag ang emosyon na nararamdaman niya ngayon ngunit nananaig ang takot at kabang nararamdan niya. Kapag nalaman ni Sirius Crescente na nasa kaniya ang bata siguradong mananagot rin siya. Bigla na lamang siya nagpakita ng interes sa bata matapos niya ito kidnapin. Kita niya sakaniyang mga mata kung paano nito tratuhin ang anak ni Erden Castello na para bang anak na rin niya. Kapag nabalitaan niyang may nangyaring hindi maganda sa bata, siguradong hindi siya tatantanan ni Sirius.

Kanina pa hindi mapakali si Midnight nang malaman niyang nawawala si Eri. Halu-halong emosyon ang nararamdaman niya at bigat sa pakiramdam na hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya inaasahan na mas napalapit na pala ang loob nito sa bata simula nang kunin niya ito sa mga castello, hindi niya rin inaasahan na mapapamahal na rin siya sa bata. Mukhang nahawa na rin siya sa kabaliwan ng mga Castello, ni Sirius at mga Orcus sa batang si Eri. Kakaiba nga naman ang batang iyon, ang dami niyang pasurpresa na talaga namang nakaaaliw. Pero bigla na lamang sumagi sa isip niya na pag nalaman ng mga Castello at ng mga Orcus na sakanila ang bata at nalamang napabayaan dahil hinayaang mawala sa poder nila. Siguradong mananagot ang buhay niya, hindi lamang sakaniya at pati na rin sa dalawa pa niyang kambal kapag nalaman nilang tatlo silang espiya.

Kaya nakikiusap na silang tatlo na sana ay na sa mabuting kalagayan si Eri. Kung sakaling hawak siya ng ibang tao, sana naman ay ligtas siya sa mga kamay nito.

"ACHOO!"

"Oh my! Are you cold? did I make you wear too thin?" nag-aalalang tanong ng babaeng kumuha kay Eri sakaniya. Umiling si Eri bilang tugon na ikinangiti naman ng babae. "I'll give you some milk before you go to sleep."

Kasalukuyang na sa kuwarto ng babae si Eri kasama ang babae na kumuha sakaniya. Pareho silang nakaupo sa higaan at pinatutuyo ng babae ang buhok ni Eri gamit ang blower.

"Do you miss your parents?" pagkausap ng babae kay Eri. Tumango si Eri na muling ikinangiti ng babae. "Don't worry, tomorrow you will be able to go home. Your parents are definitely worried about you. I'm sorry, instead of taking you home, I took you." nagiguilty na wika ng babae.

"Ich owkey." ani Eri na tinapik pa ang hita ng babae na mas lalong ikinangiti nito.

"Omg! I don't think I'll ever bring you home, you're so cute baby! Be mine please!" kinikilig na sabi ng babae saka pinanggigilan si Eri.

ERI's POV.

L

IHIM akong napabuntong-hininga dahil pagod na pagod na ako sa pagiging cute. Pinipigilan ko naman pero sa paghinga ko pa lang ay kilig na kilig sila sa akin----joke! Kanina pa pala ako sinasakal ng babaeng ito, ang sakit niya sa katawan. Bawat salita ko, bawat ngiti ko, bawat kung anoman ang gawin ko ay pinanggigigilan ako nito. Siya ata magiging cause of death ko, cause of suffocation. Grabe ang sakit! Ubos hangin ko sakaniya bawat yakap niya.

Gusto ko na matulog agad at makauwi na sa Triplets, baka alalang-alala na sila sa akin. Napakagala ko naman kasing nilalang jusme. Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon, baka nagtatawag na ng pulis. Napapraning na ako kakaisip kung ano na ang nangyayari sakanila.

Dumating na ang gatas na ipapainom sa akin ng babae, matapos niyon ay pinahiga na niya ako sa kama at kinuwentuhan ng fairytales. Dahil bata ang katawan ko ay madali akong naantok at nakatulog. Pero kaagad din nagising dahil bigla akong naalimpungatan. Sa paggising ko ay hindi ko na kasama ang babae, patay na rin ang mga ilaw sa itaas ng kisame maliban sa lampshade na katabi ng kamang hinihigaan ko.

Napaupo ako sa higaan at napatingin sa paligid. Grabe tanging tunog ng aircon lang ang naririnig ko. Nasaan na kaya yung babae? Nag CR ba siya?

Naghintay muna ako ng ilang minuto kung lalabas ng CR ang babae sakabilang pinto nitong sa loob ng kuwarto pero wala. Mukhang na sa labas siya ng kuwarto. Sakabilang kuwarto ba siya matutulog? Teka, anong oras na ba?

Hindi na ako makatulog dahil gising na gising ang diwa ko. Sinubukan kong bumaba ng kama pero nahirapan din ako dahil may kataasan din ito, kumapit ako sa kumot para hindi ako mawalan ng balanse sa pagbaba ng kama at nagawa ko namang makababa.

Agad akong dumeretso sa pintuan at sinubukang pihitin. Buti na lamang ay hindi ito na bilog na doorknob kundi yung parang hook kaya madali ko itong naabot nang tumalon ako para abutin.

Bumukas ang pintuan at napaatras ako, sumilip muna ako sa awang ng pinto bago ko ito tuluyang buksan. Walang tao sa hallway. Nasaan kaya ang mga tao dito?

Naglakad na ako palabas ng kuwarto at hinanap ang babaeng short hair na kumuha sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya. Infairness ang ganda niya talaga pero mapanakit. Yung isa pang babae na ate niya na may pagkakahawig sakaniya, sobrang ganda din. Ang angas din niya kaso ang sungit, katakot.

May ilang pintuan akong nadaanan pero lahat iyon nakasarado at hindi ko rin ginawang kumatok at baka makaistorbo lang ako. Napadaan ako sa hagdanan na curve, infairness ang angas din ng hagdan. Hindi naman halatang yayamanin nakatira dito.

Lumapit ako sa harang ng hagdan sa gilid nito at tiningnan ang baba kung may tao at masasabi kong may tao nga dahil may naririnig akong mga boses na para bang may nag-uusap...hindi, talagang may nangyayaring pag-uusap sa ibaba pero wala akong maintindihan dahil iba ang lengguwahe ang ginagamit nila. Hindi ko naman alam kung anong lengguwahe iyon kaya nahihirapan din akong alamin.

Sinubukan kong isuksok yung mukha ko sa awang ng hagdan para mas marinig ko ng mabuti ang boses nila. May isang boses akong narinig na pumukaw sa atensiyon ko dahil pamilyar ito sa akin.

Saan ko ba iyon narinig? Boses iyon ng isangbabae na kausap ata ng dalawang magkapatid na babae na may-ari ng bahay na 'to. Pamilyar talaga siya sa akin pero hindi ko talaga matandaan kung saan ko narinig ang boses na iyon. Hindi ko makita kung sino iyon dahil mukhang nanggagaling iyon sa sala pero hindi ito makikita mula sa itaas dahil sa looban iyon sa gilid. Hindi naman ako pupwedeng bumaba, ayoko naman magpapansin dahil hindi ko naman ito pamamahay.

"So how is your brother, Citrine? Is he still single?" dinig kong boses ng kapatid ni short hair girl na nag spokening dollar na.

Ano daw? Citrine? Saan ko nga ba ulit narinig ang pangalan na iyon?






=======================
Pagpasensya na sa mga typos at grammatical errors, saka ko na lamang ieedit pag completed na ito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 84.5K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...
533 266 32
[ON GOING] Young, Wild & Free. That is how they described Sirene Fey Gutierrez. Born with luxuries, living queenly in wealth. She have everything tha...
84.3K 3.4K 31
Mabait at sanay makisalamuha sa lahat si Snow white. Magalang at masipag ito sa kanilang tahanan. Pero simula ng pumasok ito sa school nila sa bayan...
40.1K 1.3K 21
Bampira daw s'ya, JUSKO! PAKE KO? Bampira lang s'ya DYOSA AKO! Anong laban n'ya kung ako aarangkada?