Enthralling Sunrise (Tangway...

By 6EOR6ETTE

2.7K 195 4

Matthieu, That one sunrise will forever be etched in my memory because that was when it all started. I will... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Epilogo
Acknowledgements
Beat You There
Social Media Accounts

Kabanata 9

66 4 0
By 6EOR6ETTE

Roise Muriel Ancheta Valdez



"Ang love raw ay parang aso... masakit."


Marahas ang ginawang paglingon ni Sasha kay Pearse dahil sa sinabi nito. Gustong matawa ni Quisha sa napaka-OA na reaksyon ni Sasha. Tapos na ang kanilang klase at kasalukuyan silang naghihintay ng jeep. Biyernes ngayon at bukas ay kaarawan ni Pearse, pero gusto na nitong mag-celebrate na sila ngayon at salubungin na ang birthday nito.

At siyempre, saan pa ba sila magse-celebrate?

Long Beach Resort.

Inimbita ni Pearse ang ilan sa mga kaklase nito. Ang iba ay susunod na lang daw dahil kinailangan pang umuwi muna para kumuha ng damit panligo.

Lima sila ngayon na naghihintay ng jeep. Kasama ang vice president ng klase ng mga ito.

Si Rosh.

Sumabay na ito sa kanila dahil wala naman daw itong balak maligo.


"Anong koneksyon ng aso? Ha? Zeus?!" asik ni Sasha.

"Ang love nga raw kasi ay parang aso... masakit," natatawang ulit ni Pearse.

"Bakit masakit?" pagsakay ni Sasha, para siguro tumigil na si Pearse.

"Aww... Aww... Aww..." mabagal na sambit nito, sapo pa ang kaliwang dibdib na parang nasasaktan.

Pagak na tumawa ang katabi niyang si Mathy. Ang supportive talaga nito pagdating kay Pearse, eh.

"Nakakatawa 'yun?" mataray na tanong ni Sasha.

"Oo!" sagot ni Pearse, saka kiniliti si Sasha sa bewang.

"Stop it!" tili nito.


Natawa na siya sa dalawa. Ang kukulit talaga.


Sana ay ganyan rin si Mathy sa kanya.


Sumakay na sila nang may tumigil na jeep sa harap nila. Umupo sila sa may dulo, paboritong puwesto nilang apat. Sa likod ng driver ay sina Sasha at Pearse, sila ni Mathy sa kabila, para magkakaharap silang apat.

Napasulyap siya kay Rosh na parang naguguluhan kung kanino tatabi. Palipat-lipat ang tingin nito kina Pearse at Mathy.

Tumaas ang kilay ni Sasha.

Pinili ni Rosh na maupo na lang sa tabi ni Mathy, pinapagitnaan na nilang dalawa ito. Kumuha si Mathy ng pera sa wallet nito, at tinanggihan ang iniaabot na bayad ni Rosh. Nagprisinta itong magbayad ng pamasahe ng kaklase.

Tumaas na naman ang kilay ni Sasha sa narinig. Siya nama'y tikom lang ang bibig.

"Zeus? Libre mo ako?" baling ni Sasha sa katabi, saka ngumiti ng matamis dito.

"Oo ba!" masiglang sagot naman ni Pearse, at kumuha ng dagdag na pamasahe sa wallet nito.

Lalong napangiti ng matamis si Sasha.

"Manong, bayad po," ani Pearse, saka iniabot ang bayad sa driver. "Isang artista po... saka isang senior," dugtong nito.

Inirapan ito ni Sasha. "I knew it! Tsk!"

Natawa sila pareho ni Mathy.

Pati ang driver ay nakisabay na rin sa tawa nila. "Napakagandang dalagita, eh... tinawag mong senior."

"May gusto po kasi talaga siya sa akin, Manong. Bale, defense mechanism niya ang pang-aasar sa akin," sabi ni Sasha, saka tinaasan ng kilay ang katabi.

"Kung saan ka masaya, Atasia," nginisian naman ito ni Pearse.

"Tingin ko, kayong dalawa ang magkakatuluyan," napapangiting komento ni Manong sa dalawa.

"Talaga po?!" nae-excite na tanong ni Sasha.

Napailing na lang si Pearse nung tumango si Manong.

"Eh, sila po, Manong?" ininguso sila ni Sasha. "Magkakatuluyan ba sila?"

Sumulyap si Manong sa rear view mirror, saka dahan-dahang tumango nang nakangiti...


Pero bakit parang lumagpas sa kanya ang tingin nito?

She turned to Rosh and saw that she was also gazing at Manong. And when Rosh noticed that she was watching her, she moved her gaze in front of her.

What the...


Halos mapalundag siya sa gulat nang tumili si Sasha sa tabi niya. Nakababa na sila ng jeep, at naglalakad na papasok ng resort.

"Hindi kasi ako makatili kanina sa jeep, eh. Nahihiya ako kay Manong," paliwanag nito, saka tumili na naman.

Gusto niya nang takpan ang mga tenga sa lakas ng tili nito. Nilingon sila ni Pearse dahil nasa likod sila ni Sasha. Katabi nito si Mathy sa unahan nila, at sa likod naman nila ni Sasha ay si Rosh na pinagmamasdang mabuti ang paligid, mabagal itong naglalakad.

Ngayon lang ba ito nakapunta sa resort?

"Meron ka pala nun, Atasia?" pang-aasar ni Pearse.

She laughed softly when Sasha rolled her eyes.

Tinotoo nga nito 'yung sinabi nito kay Sasha na kapag hindi nito itinigil ang pagtawag ng Zeus rito ay tatawagin naman nitong Atasia si Sasha.

Hindi niya talaga ma-gets kung bakit ayaw nitong magpatawag ng ganoon. Maganda pa rin naman pakinggan 'yung Atasia, ha? Tunog expensive nga, eh.

Niyugyog ni Sasha ang balikat niya. Tumigil pa ito sa harap niya para gawin 'yun.

"Sash, naman! Dahan-dahan lang! Feeling ko lalabas na utak ko sa ilong ko, eh!" saway niya rito.

Tumigil nga ang kaibigan sa pagyugyog ng balikat niya pero tumili naman ito ng pagkatining-tining.

Maliwanag pa ang paligid pero mukhang nagdidilim na ang paningin niya, ha?

Pasalamat talaga itong si Sasha dahil sobrang mahal niya ito.

Tumigil sina Mathy sa paglalakad, halatang hinihintay silang dalawa ni Sasha. Nasa tabi na nito si Rosh.

"Double wedding... double wedding..." pakanta-kanta pa si Sasha, at palundag-lundag habang palapit kina Pearse.

"Feel na feel mo, ha?" pang-aasar ni Mathy nang makalapit na sila.

"Quish, kapag nag-propose 'yan, i-reject mo, ha?" baling ni Sasha sa kanya.

"Pearse, kapag nag-propose 'yan, i-reject mo, ha?" panggagaya naman ni Mathy sa sinabi ni Sasha.

"Hangga't hindi nagpo-propose sa akin si Zeus, 'wag mong tatanggapin ang proposal niyan!" itinuro pa nito si Mathy na parang batang nagsusumbong.

"Mag-live-in na lang kayo ni Quish, bro..." natatawang suhestiyon ni Pearse, saka tumalikod at naglakad na papasok sa resort.

"Hoy! Hindi pang live-in ang kapatid ko!" sigaw ni Sasha, saka nagpatuloy, "Saka sabi mo, 'di ba, papakasalan mo ako?!"

Sumunod na rin silang apat kay Pearse.

"Kapag trenta na ako at wala pa akong nahanap na babae, papakasalan kita!" sigaw rin ni Pearse kay Sasha.

"At feeling mo naman aantayin kita, ha?!" pasigaw na tugon ng katabi niya. "Eh, 'di antayin..." mahina na ang boses na dugtong nito.

"Ang bilis kausap, ha?" Mathy smirked beside her.

"Whatever, Prince Eric!"


She and Sasha looked at each other and then giggled.

Prince Eric ang tawag nito kay Mathy minsan dahil siya raw si Ariel ng The Little Mermaid. Kaya nga cecaelias ang tawag nito kina Elle at France, dahil ang dalawa raw ang villains sa story niya. Ito naman daw si Belle, at si Pearse ay si Prince Adam ng Beauty and the Beast. Kalimitan din talaga ay sa Disney movies kinukuha ni Sasha ang mga ipinapalayaw nito sa kanila pati na rin sa mga kinaiinisan nito.

Sobrang hilig kasi talaga ni Sasha ang manuod ng mga Disney movies at magbasa ng mga fairytale stories.

She was a hopeless romantic at heart. She truly believed that fairy tales were more than just stories.


Nakarating na sila sa cottage na ini-reserve ni Papa para sa kanila. May iilang okupado pa dahil hindi ganoon karami ang mga tao. Pero ito kasi ang magandang puwesto dahil malapit din ito sa tinutuluyan nina Mathy.

Inilapag na nila ang kanilang mga gamit sa lamesa. Ang mga pagkaing in-order ni Pearse sa Rachie's Snack House ay nasa loob na ng bahay nina Mathy. Excited na siyang kumain. Paborito niya kasi ang puto pao at tamales sa Rachie's, eh.


"It's really magical..."

She turned to Sasha, who was standing next to her. Her lips were slightly parted. She was watching the setting sun with awe.

"You're acting like it's your first time seeing a sunset," Pearse teased.

"The riot of colors in the sky always amazes me every time I watch the sun setting," Sasha whispered like she was talking to herself.

Sasha averted her gaze to Pearse as the sun dropped on the horizon. "Happiest birthday, Zeus..." she greeted him with a gleaming smile.

"Thank you, Atasia..." he said and hugged her.

And it seemed like her heart was melting at the scene in front of her.


Humakbang siya palapit sa dalawa at niyakap ang mga ito pareho. "Happy birthday, Pearse."

"Thank you, Quish."


"I'll go get our food," Mathy interrupted.

"I'll help you," Rosh volunteered.

Tumango si Mathy, saka tinalikuran na silang tatlo. Sumunod naman kaagad si Rosh dito.


"I hate her," Sasha blurted when the three of them broke the embrace. She was looking daggers at Rosh's back.

Pearse chuckled. "You hate everyone, Atasia."



Midnight.


"Pamparampampam!" halos sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nina Pearse.

"Happy birthday to you..."

"Happy birthday to you..."

Masiglang pag-awit ng lahat. Hinahampas pa ang mga litro ng softdrinks na wala ng laman sa lamesa. Masaya rin palang kasama ang mga kaklase ng tatlo. Ito kasi ang unang beses niyang nakasama ang iilan dito. Akala niya tuloy ay puro aral lang ang inaatupag ng mga ito.

"Happy birthday, Pearzeus Greysen!"

"Blow the candle!"

"Teka! Wish muna!"


Ang cute. Ang kukulit, eh.

"So, ano 'to? Tatlong kahilingan dahil tatlo rin ang cake?" natatawang tanong ng birthday boy sa kanila.

"Oo! Tapos lalabas siya!" turo ni Bel sa isang kaklase.

Malakas na tawanan pagkatapos. Pati siya ay nahawa na rin sa tawa ng mga ito. Jeanie kasi ang pangalan nung classmate ng mga ito na itinuro ni Bel. Ang isa naman ay biniro nina Pearse na maglabas na rin ng sigarilyo nung naglabas ito ng lighter para sindihan ulit ang namatay na sindi ng mga birthday candles nung umihip ang hangin. Isa rin yata ito sa officer ng class ng mga ito.

Si Maynard.

Gwapo rin ito. Balita nga niya, simula first year ay ito at si Pearse ang palaging magkalaban sa puwesto ng escort. Pero dahil mas friendly si Pearse, ito palagi ang nakakakuha ng mas maraming boto.

Pero kung si Pearse ang tatanungin mo, ang isasagot niyan ay dahil tinatakot ni Sasha ang mga kaklase nila. Pero hindi 'yun totoo. Si Sasha kasi ang muse ng klase ng mga ito simula noong first year. Si Rosh naman ang madalas nitong katunggali. Pareho kasi naman talagang maganda ang dalawa. Ang pinagka-iba lang ay tahimik si Rosh kung ikukumpara mo kay Sasha na medyo maingay.


"Crush mo si Maynard?" tanong ni Bel.

Lumingon siya sa kanyang likuran, wala namang tao roon. Nagtawanan ang lahat bukod sa katabi niyang si Mathy. Kahit si Sasha at Pearse ay nakitawa rin. Nagtaka siya.

Siya ba ang tinatanong nito?

"Tinatanong ka, crush mo ba raw si Maynard?" ulit ni Mathy sa tanong ni Bel sa kanya.


Napalunok siya. Ayan na naman 'yung ganyan nitong tingin na parang nagbabanta.

"Ayusin mo ang sagot mo, Quisha, at baka mapag-initan ako ni Pres," nagtawanan na naman ang mga ito sa sinabi ni Maynard.

"Joke lang, Quisha! Joke lang, Pres!" nag-peace sign pa si Bel. "Mahaba-haba pa pala ang school year. Ayoko palang mapag-initan," dagdag pa nito saka malakas na tumawa.

"Ikaw yata, Maynard, ang may crush kay Quisha, eh?" si Sasha. "Ikaw yata 'yung nagpapatanong kay Bel kung may ibang nanliligaw kay Quisha?" dagdag pa nito.

"Hoy! Hindi siya 'yun!" kontra kaagad ni Bel.

"Sino pala?" nakataas na ang kilay na tanong ni Sasha.

Napansin niya ang mabilis na pagsulyap ni Bel kay Rosh saka ito sumagot. "Hindi natin classmate! Wala na 'yun! Graduate na!" halos mautal nitong turan. "Itong si Sasha! Last year pa 'yun, eh. 'Di mo makalimutan?" dagdag nito.

Irap lang ang naging sagot ni Sasha sa kaklase.


"May gusto pa lang manligaw na iba sa 'yo, ha?" halos pabulong na saad ni Mathy.

Hindi niya ito magawang irapan kaya naman lumabi na lang siya.

"Magpapaligaw ka?" matigas na tanong nito sa mahinang boses.

"Hindi ko naman kilala 'yun, eh..." sagot niya sa mahina ring boses.

"Paano kung kilala mo, ha? Magpapaligaw ka?"

Kumunot ang noo niya. Nilingon ang katabi, busangot na ang mukha nito.

"Bakit ako magpapaligaw sa iba? Eh, ikaw ang... crush ko?"

"Bakit patanong? Hindi ka sigurado?" medyo nawala na ang pagbusangot ng mukha nito.

"Eh, ikaw ang crush ko," ulit niya, sigurado na.

Kitang-kita niya ang multo ng ngiti sa mga labi ng katabi dahil sa sinabi niya. Siya nama'y kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga ito. Bakit ba siya kinikilig?

"Nakaka-istorbo ba kami sa inyong dalawa, ha?"

Pagak na tumawa si Mathy sa tanong ni Sasha.

"Kasi kung oo... lilipat kami sa kabilang resort," pagsakay naman ni Pearse kay Sasha.

Sabay silang umiling ni Mathy.

"Grabe! In sync, ha!" komento ni Bel.

Nagtawanan ang mga ito.


Pagkatapos mag-blow ni Pearse ng candle ay nag-aya ang mga kaklase nitong maglaro ng spin the bottle. Everyone sat in a circle except her and Mathy. Then Bel placed the empty bottle in the center of them. She was about to join them when Mathy grabbed her arm and shook his head.

She blinked twice.

Ayaw siya nitong sumali?

But...

She wanted to...

Hindi niya pa na-experience maglaro ng ganyan.

"No, Quish..."

"Truth or Dare lang 'to, Mathy. 'Wag ka ngang OA!"

Awtomatikong lumipat ang tingin niya sa nagsalitang si Sasha, saka ibinalik ang tingin kay Mathy, umiling ulit ito. Napalunok muna siya bago ibinalik ang tingin kay Sasha at tinanguan ang dalagita. "Okay lang, papanuorin ko na lang kayo," ngumiti siya ng pilit.

Okay lang.

Pang-aalo niya sa sarili.

"Papanuorin natin sila," bulong ni Mathy sa tabi niya.

She just nodded and forced a smile again.

"That game is so lame. Trust me, hindi ka mag-eenjoy."


Tawa siya nang tawa habang pinapanuod ang mga kaklase ni Mathy. Kung anu-ano kasi ang mga iniuutos ng mga ito sa nagde-dare, eh.


Merong pinag-solve ng math equation sa buhangin.

Merong pinag-recite ng Periodic Table of Elements.

Iyong isa naman ay lahat ng capital ng bansa sa Asia.

Grabe.

Ganito pala maglaro ng spin the bottle ang mga nasa special section. Buti na lang pala at hindi na nga siya sumali. Primary at secondary colors lang siguro ang masasagot niya ng tama kapag nagkataon.

Pinaikot ulit ni Jeanie ang bote.

She glanced at her watch to see what time it was. And it said five minutes to 1 a.m. Mag-iisang oras na rin pala ang mga ito na naglalaro. At wala pa siyang narinig na nag-truth sa kahit isa sa mga 'to, ha?


But when the bottle stopped spinning, and it pointed to Rosh...

She chose...

TRUTH.


And Bel got to ask the question because the rear end of the bottle was pointing at him.

"Roise," panimula ni Bel. "Who is your crush?" he asked, then smirked.

Rosh hesitated at first, and she couldn't help but notice that her eyes locked onto Mathy for a moment before quickly snapping back to Bel.

And after Rosh's answer, she felt as if their surroundings were suddenly filled with an unsettling silence...

Like a chilling nightmare.


Roise Muriel Ancheta Valdez.


I had a sense right from the start that you would be the reason for my terrifying dreams.

Continue Reading

You'll Also Like

375K 20.3K 59
"What do you want Xavier?" I said getting irritated. "For you to give me a chance to explain myself." "There's no need to explain anything to me, we...
1.2M 64.3K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
256K 29.2K 74
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...