Queen of Section A |✓ (Part t...

By KimTaetae569261

24.8K 815 126

Masaya si zen nang nakapasok sya sa section A. Hindi nya akalain na Magiging kaibigan at makakasama nya sa ar... More

PART TWO
CHARACTER:)
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115
CHAPTER 116
CHAPTER 117
CHAPTER 118
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
CHAPTER 143
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 163
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170
CHAPTER 171
CHAPTER 172

CHAPTER 142

279 7 1
By KimTaetae569261

ZENDAYA POV


"Kung ikaw ay masaya tumawa ka!"
Malakas na kanta ni milan habang nakatayo sa ibabaw nang desk nang adviser namin.

"HAHA!" Sagot naman nang mga loko habang nakikisama sa kalokohan nitong isa. (--__--)!.

"Kung ikaw ay masaya tumawa!"

"HAHA!!"


Susko ho. Malapit na atang masira ang room namin sa ginagawa nila. Palibhasa at wala kaming teacher nang ilang oras kaya bakanteng bakante talaga ang Section namin, Ito namang mga loko ay imbis na matulog ay nagawa pang mag wala na akala mo nasa wild party sila.


Ano pa bang iisipin kong gagawin nang mga yan kapag walang teacher? May misa?. Baka nga kapag hindi sila tumigil ay mag reklamo na ang ibang section sa amin, Isama mo pa itong si kole at Nicholas na kanina pa nakatingin sakin.

"Kung ikaw ay masaya!buhay mo ay sisigla! Kung ikaw ay masaya tumawa ka!"

"HAHA!"


"Thank you! thank you!, Salamat pa pakikinig, Muli ito si Milan the gwapong magician! at sa ating pag kikita muli mga bata, Bye bye!,Mwuah!!"


"Bye!bye!MWUAH!"


Susmaryosep.




Napailing nalang ako sa kalokohan nila, umupo ako nang ayos at inayos ang salamin sa mata ko, Dahil bakante kami ay nagawa ko nalang mag aral at basahin ang ilang lesson namin ngayon, Minsan ay malapit ako kay kole o clark dahil sila lang ang nakikita kong nag aaral, Kapag hindi ko naman alam ay mag papaturo ako sa kanila tapos explain naman nila sakin lahat.


Isama mo pa itong si clark na ilang araw na naming nakakasama, wala namang nag bago, Lalo lang umingay dahil nakikipag sigawan din sya.isa ding topakin at mahiling sa mga katarantaduhan, Pero masipag mag aral, Minsan nga ay gusto ko na syang mapuri dahil mas madami syang alam kesa sa amin ni kole. Adi sya na magaling.


"Zen" napatingin ako kay kole na nasa kaliwa ko lamang, Nakasuot sya nang salamin at kanina pa kami dito nag so-solve nang kung ano sa math.
"How did you get the Side B? I don't know if I should use sine or cosine here in the second question"
Tanong nya sakin.

Lumapit sya nang konti bago nilapit sakin ang notebook nya, Nakita ko na madami nang bura ang notebook nya. Halatang nalilito na din. lumapit din ako bago kinuha ang notebook ko para turuan sya, Ramdam ko naman ang pagtingin nang Aliparot sa kanan namin. So ayun, nasa gitna nila ako. \(0_0)/!


"Sine ang gagamit mo dyan" sagot ko agad.

"Why?" Taas kilay nyang tanong sakin.

Tinaas ko din ang kilay ko bilang pang hahamon. "i solve mo para malaman mo kung bakit!" Pang babara ko sa kanya. Pero itong si kole ay tumawa lang kaya napanguso ako.


"Don't be angry, I'm just asking"
Natatawa sya bago ginulo ang buhok ko. Pasalamat ka at gwapo ka!, Pasalamat ka talaga. Hmp.

Nang matapos ay nag sagot na ulit kami nang tahimik,Pero hindi pa ako nakakapag sulat ay bigla nalang may notebook na humarang sa mukha ko.
Tiningnan ko kung sinong hampas lupa ang tarantadang hinayupak ang gumawa nun at......(--__--).


"What?!" Tanong sakin nang Aliparot na nakataas ang kilay sakin.Hawak nya ang notebook bago nilapag sa harap ko, At magaling pa, may kasama pang ballpen eh wala namang laman kahit isang sulat yung notebook.



"Anong gagawin ko dito?,Tititigan?"
Pamimilospo ko dito kaya naman pumangalumbaba sya sa harap ko at tiningnan akong tumaas ang kilay sa kanya.


"Don't look at me like that, I might not be able to hold back and kiss you here" Halos pabulong na sabi nya bago malaking ngumisi sakin.
"Bakit ang taray mo? That's why you're ugly" dagdag pa nya sakin.


"Pangit pero nagustuhan mo?, Tsk tusukin kita nang ballpen ko eh" pabulong kong sabi pero alam kong narinig nya yun, Bakit? Narinig kong tumawa ang tarantadang hinayupak na lalaki.



"Yeah, Your right"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "So ano? Sinasabi mong pangit ako?huh?...De wow!, Buti pa si kole mabait, Sinasabihan ako nang maganda" parinig ko kaya napahinto sya, pero ito naman si kole ay sumingit samin.


"Huh?I heard my name, are you talking about me?" Tanong nya sakin kaya sumagot agad ako.


"Wala, Gwapo ka kako" sagot ko bago Ngumiti sa kanya nang matamis.


"Ohh...T-thanks" sabi naman nya bago bumalik sa pwesto nya. Nangyari dun?.

Tumingin ako muli sa Aliparot sa harap ko, pero nawala ang ngiti ko nang makitang masama ang tingin nya sakin. "Oh?Inaano kita dyan?" Sinusumpong na naman ata ito.


"Mas gwapo ako!Tsk!" Sabat nya sakin bago padabog na umupo nang maayos sa tabi ko. Aba't!.


"Tangina!, Wala namang forever!"
Banat ni Clark na nasa tabi din ni nicholas. Isa pa to.

Mag sasalita pa sana ako kaso biglang tumunog ang phone ko, Sa sobrang lakas nang lintik na sound ay napahinto ang lahat at tumingin sakin, pati si kole at Nicholas na kanina lang ay busy ay napatingin na din sakin.


"Zen? Sino yan?" Tanong sakin ni milan na kanina lang ay nasa taas nang desk, ngayon ay nasa harap ko kasama ang ibang mga loko. Ayun! Mga chismosa (--__--)!.

"Boyfriend ko ata" pang bibiro ko kaya lalo silang natigilan sa sinabi ko.
"Haha... Charot lang"sabi ko bago nag piece sign sa kanila. Ang OA kasi nila, para silang papatay.


Kinuha ko nalang ang phone ko para tingnan kung sino ang tumatawag, Natigilan ako nang makita kung sino yun.

Si mama.


"Ah,ano...Sasagutin ko lang" sabi ko
sa kanila bago mabilis na tumayo sa pwesto ko. Hindi ko inantay ang sasabihin nila at tumakbo ako palabas sa room,


Tinatawag pa nila ako pero Pumunta na agad ako sa gilid nang room namin kung saan nandun ang terrace,Mga tambakan nang mga kahoy at sirang upuan nang Section namin, Huminto ako doon at umupo sa gilid kung saan malakas ang hangin, Sinagot kona agad ang tawag bago huminga nang malalim.


"Hello?....Ma?" Sabi ko agad sa kabilang linya.


[Nak?, Si mama mo to, Kamusta kana?]  Masayang boses ni mama sa tawag. [Zen?Anak, Nasaan ka, Pwede ba tayo mag kita?]. May pag asa sa boses ni mama habang nag tatanong sakin.


Napangiti naman ako, Mama ko to.
"Ok naman ako Ma..Nasa School po ako,Pero pwede po tayo mag kita pag katapos nang klase"


[Talaga? Nako salamat anak, Alam kong nag tatampo ka pa rin kay mama, Pero gusto kong mag paliwanag sayo anak, Gusto kong mag sorry, Hindi maganda yung lumabas sa bibig ko at nasaktan kita] Paliwanag ni mama sa linya, Natigilan ako nang marinig syang humikbi.

"M-ma"

[Nak nag tatampo ka pa din ba kay mama?, Sorry na, Mahal na mahal ka ni mama...Nak, Umuwi kana, Hinahanap ka na namin ni papa mo, Kinakausap namin ang kuya Ace mo pero sabi nya busy ka daw...Gusto kita makausap anak]
Pag iyak ni mama sa linya.


Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, Lumalakas na din ang pag hikbi ko lalo na ang pag singhot ko nang sipon ko. Lintik! Para akong batang amusin.


[Nak? Nandyan ka pa ba?] Tanong ni mama kaya mabilis akong nag punas nang luha.

"O-oo ma, Nandito po ako" mahinang sabi ko. "Sorry ma,Sorry talaga... Mahal kita ma,Mahal na mahal"


[Mahal na mahal ka ni mama anak, Tandaan mo lagi yan].

Napa sandal nalang ako sa pader at nag pigil pa nang mga luha, Kinausap pa ako ni mama pero tumango lang ako, Sinabi nya sakin kung saan kami mag kikita at doon namatay ang tawag namin. Pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil parang nakaramdam ako nang ginhawa.


Alam ko namang hindi mag tatagal na mag tatapuhan kami, mahal na mahal ko mama ko, Kahit at sobrang nangyayari, Ako kasi itong anak na hindi makatiis nang walang magulang kahit malaki na. Ako yun, Kahit papaano may nag paparamdam sakin na mahal nila ako.

Napahinto ako sa pag iyak nang may palad akong naramdaman sa ulo ko, Unti unti kong lumingon sa likod ko at ang mga loko agad ang nakita kong nakatingin sakin.



"Zen" malungkot na tawag sakin ni milan. "Gusto mo hug?Kanina niyakap ko si Blazer kasi nag iiyak sya pero pinag bayad ko sya nang singkwenta pesos, Heheh 50 kada isang minuto eh!,Pero dahil love kita, Libre na lang para sa ate ko!" Pangungulit nya pa sakin.


Umurong luha ko don ah.

"G-gago" mahinang bulong ko bago tumayo nang maayos, Si nicholas pala ang nasa harap ko ngayon ay seryoso ang mukha nyang Nakatingin sakin.
Para bang gustong mag tanong.


"Ok ka lang, Kanina umalis ka sa room tapos makikita ka naming nag iiyak dito" nag aalalang sabi nya at biglang nanlambot ang mukha nya.




"Ok lang ako" pag amin ko, Ok naman talaga ako, Madami lang talagang iniisip, Pero tangina promise ok lang ako, mamatay man kayo---ako^_^.


"Lagi ka namang ok, Nakakatampo ka naman zen" napatingin ako sa isa sa mga loko nang mag salita sila.
"Alam naman naming marami na kaming hindi nasasabi sayo, pero wag mo naman din sana solohin ang problema mo, U know, Im sad na oh"


"Oo nga zen, Nandito kami always. Always unlimited, Always available, Hindi nawawalan nang data!" Sigaw pa ni Benick.


"Gago, Ako ka Cignal?"


Napangiti ako sa sinasabi nila ngayon, Nawala tuloy mga iniisip ko ngayon, lalong umurong ang luha ko sa ginagawa nila. Lahat pala sila ay nandito, sina clark at kole lalo na anh Aliparot na nasa harap ko,Hindi ko alam kung nakikinig ba sila sa akin kanina pero ok lang, Wala naman yun para sakin.


Malaki akong ngumiti sa kanila.
"Hay...Kaya mahal na mahal ko kayo eh!" Malambing na sabi ko sa kanila kaya naman itong mga loko ay nag si sigawan.

"Wowiwiwiiii!"

"I love me,we love me, Lucky me!"

"Love kami ni zen!!"

"Baka zen namin yan!!"

"Reyna nang Section namin yan!"

"Walang tatalo, Partida love kami!"


"Hala, pakshet, kinilig atay ko!"

"Titibok tibok!"
..

"At dahil dyan!.......GROUP HUG!!"

AY NAKO!


Hindi pa ako nakakapag salita ay inambahan na agad ako nila nang yakap, lahat sila!As in!, Isama mo pa sina nicholas na hinihila na para makiyakap sa amin. "Aray ko!" Sigaw ko pero lalo pa silang yumakap sakin.


Wala akong nagawa kungdi anh makisama sa kanila. "Mahal ka din namin Zen!, Halos kiligin buto't balat ko heuheuh!!, Lalo tuloy ako naging na inspired na maging fuck boy!" Sigaw ni milan habang nanggigigil sakin sa kakayakap.


"Gago talaga to!"


"Tumahimik ka nalang milan, baka masapak pa kita"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinasabi nila, Para kaming mga tanga dito na nag group hug pero sulit naman,"Hindi ko talaga kayo matiis" dagdag kopa kaya lalo silang nag hiyawan. Mga loko talaga.



"HOY!, Ang dami nyo, Mag bayad Kayo mamaya nang 50 ha--- ay hindi, 100 na pala!, Umabot kasi tayo ng two minutes and 23 second kakayakap!,Mag bayad kayo! Working student ako!" Sigaw pa ni milan kaya napamura nalang sila sa batang loko.



Ano pa bang aasahan ko sa isang to?, Fboy tapos working student? Matindi!.

SUNSHINEWEB 3178:)

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😁

ENJOY:)

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 82.1K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
27.3K 353 15
Just some imagines of this man 😂😂 REQUESTS ARE: closed Updates: stopped! Book is completed! Awards 01/29/21- #3 Hi5 05/28/21- #1 Hi5 11/19/21- #...
2.4M 140K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
23.4K 684 33
Patricia Death Mauris is a Mafia Queen pero Patricia Death lang ang kanyang ginagamit na pangalan, diniya pwedeng sabihin ang kanyang apelyedo kundi...