Lit Candle in the Rain (Night...

By thefakeprotagonist

31.5K 884 417

[FINISHED] Categories : Boys' Love • Contemporary Romance • LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily f... More

Author's Note
Playlist and Praises
Prologue
Episode 1 - Hate at First Meet
Episode 2 - Cupid's Squalling
Episode 3 - Enemyship [1/2]
Episode 3 - Enemyship [2/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [1/2]
Episode 4 - Bottoms Up! [2/2]
Episode 5 - The Pitchfork Effect
Episode 6 - Worst-case Scenario
Episode 7 - Detention Room [1/2]
Episode 7 - Detention Room [2/2]
Episode 8 - Lit Candle in the Rain
Episode 9 - Show, Don't Tell
Episode 10 - Bare Your Heart
Episode 11 - Fake Dating
Episode 12 - Love Triangle
Episode 13 - Grumpy x Sunshine
Episode 14 - Forced Proximity
Episode 16 - Fear Is a Liar [1/2]
Episode 16 - Fear Is a Liar [2/2]
Episode 17 - Hugs and Could'ves
Episode 18 - Out of the Blue
Episode 19 - Finding Kann [1/2]
Episode 19 - Finding Kann [2/2]
Episode 20 - What Happened Yesteryear
Epilogue - Social Butterfly Challenge
Author's Message

Episode 15 - Enemies to Lovers

346 14 2
By thefakeprotagonist

KANNAGI

Matapos kaming palayain nina Soichi at Zeek sa jail booth, tinakasan din namin ang aming booth para magtungo rito sa sementeryo. Ilang nitso rin ang nilampasan namin bago kami tuluyang huminto. ’Di ko alam kung ano ang ire-react habang nakatitig sa puntod ng kaibigan ni Clyve na may nakaukit na: HASNA V. SABERON.

Naglapag siya rito ng bulaklak—purple hyacinth. Sa palagay ko, may meaning kung bakit ganiyan ang binili niyang bulaklak. Dinispatsa ko na lang ’yon sa ’king isipan at dinako ko ang tingin kay Clyve na nakaupo sa damuhang maayos na tinabas.

“Hasna,” banggit niya sa pangalan nito, “I just want you to meet Kannagi.” Bumaling siya sa ’kin, may maliit na ngiti sa mga labi, ’tapos sinenyasan niya akong tumabi sa kanya. Wala nang luhang tumatakas sa mga mata niya; naubos na siguro do’n sa likod ng gawa-gawang rehas nila Soichi.

Pilit kong ininat ang mga labi ko. “Hi, Hasna.” Nasa dulo na ng dila ko ang nais ko sanang idagdag, Ayos ka lang ba riyan sa langit? pero ’di ko tinuloy. Mali. Sa halip na bitiwan ’yon, iba na lang ang sinabi ko: “Ako nga pala si Kann. ’Di ko alam ang buong kuwento, pero sana’y ’wag kang magalit sa ’kin. Pangako, aalagaan ko si Clyve. Sinabi niyang siya ang may kasalanan kung bakit ka nawala. Sana . . . sana, mapatawad mo siya.”

“’Oy, ba’t mo siya kinausap? Mamaya, sumagot ’yan!” eksaheradang wika ni Clyve. Kapagkuwa’y humagikhik ang loko.

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. ’Tapos, pumangalumbaba ako nang muli siyang magseryoso.

“Last year pa, barkada ko na sina Luke at Rich ’tapos kalaunan ay nakilala ko rin si Hasna. Naging close kami—super close. Pero no’ng ika-apat na araw ng Foundation Week, may inamin siya sa ’kin: she said she liked me. Gusto na raw niya ’ko simula pa lang no’ng nagkakilala kami sa plaza. Mabait naman si Hasna at saka maalaga, I must admit. It’s just that . . . I’m not into her.

“Bago siya umamin sa ’kin, Luke confronted me first. He asked me if Hasna and I were a thing. Sinabi ko ang totoo, na hindi ko siya mahal, na hindi ko siya kailanman nagustuhan. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. After that, nagpaalam sa ’kin si Luke na liligawan niya raw si Hasna, bagay na hindi naman niya dapat ginawa dahil ’di ko naman pag-aari si Hasna to begin with.

“Unfortunately, ’di man lang nasabi ni Luke na mahal niya si Hasna. Pagkatapos kasing umamin ni Hasna na gusto niya ’ko, tumakbo siya habang umiiyak. Hindi niya matanggap na f-in-riendzone ko siya. Ayaw ko namang magsinungaling no’n para lang mapasaya siya, kahit wala naman akong nararamdaman sa kanya. Kasi, alam kong sa dulo, masasaktan ko lang siya.”

Tumango-tango lang ako habang taimtim na nakikinig sa kanya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit niya sinabing kasalanan niya na nawala si Hasna, kung bakit niya sinigaw noon na pinatay niya ito.

Bahagya siyang yumuko—dumaan na naman ang lungkot sa kanyang mga mata—at saka siya nagdagdag ng, “’Yon na pala ang huling araw na masisilayan namin siya. She killed herself by jumping off a building. At kasalanan ko . . . kasalanan ko ’yon.”

Naalala ko na. Si Hasna pala ’yong usap-usapan noon na nagpakamatay dahil sa pag-ibig.

“’Di mo naman kasalanan ’yon, Clyve,” pagkonsuwelo ko, hinahagod ang likod niya. “’Di mo siya pinatay. Naging totoo ka lang. Pakiusap, ’wag mong pahirapan ang sarili mo. Sigurado akong hindi ’to magugustuhan ni Hasna—ang sisihin mo ang sarili mo sa pagkawala niya. Kailangan mong mag-move on. Kung nasaan man siya ngayon, paniguradong masaya siya para sa ’yo.”

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa ’kin kaya hinandugan ko siya ng maliit na ngiti, umaasang mapapawi nito ang lungkot na lumalamon sa kanya.

“Thank you, Kann.” Kapagkuwa’y sinuklian niya ako ng isang tipid na ngiti, ’tsaka niya pinisil ang kamay ko. “Salamat kasi, kahit papa’no, napagaan mo ang kalooban ko. Salamat sa pagsama sa ’kin dito at sa pakikinig. Your mere presence means the world to me.”

Aww.

Nagulat ako nang lumapit pa siya sa ’kin at ikinulong ako gamit ang kanyang mga bisig. Unti-unti akong napangiti; pakiramdam ko, ligtas ako sa mga braso niya. Sa mga sumunod na minuto, hindi ako kumibo at hinayaan lang siya sa kanyang ginagawa.

Hindi naglaon ay tinambangan ako ng kilabot nang maramdaman kong may isang pares ng mga matang nakamasid sa ’min. Habang nakapatong ang baba ko sa balikat niya, mabilis kong iginala ang aking mga mata sa paligid, ngunit binigo ako ng mga ito dahil wala akong nahagilap na tao.

Sino kaya ’yon? Hindi ako maaaring magkamali. Kanina pa may sumusunod sa ’min.

• • • • •

Alas-sais y medya na ng gabi nang marating ng aming mga paa ang mansyon. Habang binubuksan ni Clyve ang gate, ’di ko maiwasang mapatingala sa kalangitan. Pumalit na ang malaki’t maliwanag na buwan kay haring-araw at sinamahan pa ito ng kanyang mga alagad—ang mga bituin.

“Dito ka na kumain, Kann,” pagbasag niya sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Hatid na lang kita sa inyo pagkatapos.”

“Sino’ng magluluto, ikaw?”

“Magpapa-deliver tayo.”

“Okay,” pagsang-ayon ko na lang. Ang totoo niyan, ayaw ko rin talaga siyang iwan agad. Kagagaling lang niya sa pag-iyak, at ako ang may kasalanan n’on, pinaalala ko kasi. Gusto ko, nasa tabi niya ako ngayon.

Kaswal lang naman kaming lumukso sa welcome mat ’tsaka pumasok sa loob ng mansyon. Nasanay na lang din ako kasi araw-araw naman akong nagpupunta rito (parang may-ari lang ng bahay ang atake). ’Tapos n’on, nagpalit kami ng tsinelas na ginagamit dito sa loob.

Pero nagulat ako nang hinigit niya ang palapulsuhan ko at nag-umpisa siyang tumakbo; nagpatianod lang ako habang tangay niya ’ko. Napansin kong may nakabalot na pulang tela sa glass wall kaya tinubuan ako ng kaba. Dahil ako ang klase ng taong ayaw ng mga sorpresa, tanong agad ng utak ko, Ano’ng mayro’n do’n sa pool area?

Huminto kami sa tapat nito. Pagkabukas na pagkabukas ni Clyve dito, tumambad sa ’ming paningin ang aming mga kaibigan na mabilisang sumigaw ng tila inensayong, “Welcome to . . . Night Bazaar!”

Pinasada ko ang tingin kina Soichi, Aneeza, Luke, Rich, Prim, at Gemini. Banat ang kanilang mga labi habang kasalukuyang nakataas ang mga kamay. Napapitlag naman kaming lahat kasi nahuling pumutok ang kumpeting hawak-hawak ni Gemini. Pansamantalang dumapo ang mga ito sa ulo namin ni Clyve bago tuluyang sinalo ng bermuda grass na inaapakan namin.

Dumikit ako lalo sa kanya—’di ko talaga alam kung ano ang angkop na iaakto—at saka ako nagtanong: “Ano’ng ibig sabihin nito, Clyve?”

Sinuri ko ang paligid. Nakahilera sa magkabilang gilid ng swimming pool ang iba’t ibang stalls na may mga pagkain at inumin. Sa itaas naman namin, nakasampay ang sandamakmak na mga payong na may samot-saring kulay, dahilan para matakpan ng mga ito ang buwan at ang mga bituin.

“I know you’re not ready to face many people, Kann.” Pinisil niya ang kamay ko bago magpatuloy, “Kaya dinala ko rito ang Night Bazaar.”

Awtomatikong uminat ang mga labi ko. Parang may kumikiliti sa ’king tiyan—nagliliparang mga alibangbang.

“Ayieee!” si Soichi, umaastang bulateng sinabuyan ng asin.

Si Prim na nagtatalon sa tuwa habang nagbi-video, biglang sumigaw ng, “OMG! ClyKann endgame!”

“Credits naman diyan, Clyve, o! Kami lang ’to, Clyve!” si Aneeza, tinuturo ang sarili.

Pumailanlang ang tawa naming lahat.

“O siya,” pukaw ni Rich sa ’min, dahilan upang mapabaling kami sa kanya, “hayaan na natin silang dalawa. Moment nila ’to at ’di tayo puwedeng makisawsaw, alright?”

Habang sumang-ayon ang iba, “Tama, tama,” may reklamo naman si Aneeza, “Tayo ang nag-ready. Dehins naman pala tayo makikinabang—Eme! Ha-ha-ha!”

“Don’t worry. May naibulsa naman akong lumpia,” gatong pa ni Luke sabay ngisi.

Nang tuluyan silang maglaho ’ming paningin, agad akong iginiya ni Clyve patungo sa isang stall. May puto bumbong dito na nakahiga sa dahon ng saging; pinaliguan ang mga ito ng condensed milk at grated cheese. Sa gilid naman nito, may nakapuwestong Blue Hawaii soda na nakalagay sa malaking glass jar.

“So, kinuntsaba mo pala ang mga kaibigan ko at kaibigan mo para madala rito ang Night Bazaar?” binato ko siya ng kuwestiyon habang ’di siya tinatapunan ng tingin. Kumuha ako ng plastic na tinidor at tinusok ang puto bumbong. Paborito ko ’to, e. Ito ang parating binibili ni Tita Pamila tuwing December.

“Oo,” sagot naman niya. Kumuha na rin siya ng puto bumbong gamit ang kanyang kamay.

Dinako ko ang tingin ko sa kanya. “Pinlano mo ang lahat ng ’to? Ang pagpapakulong sa ’kin sa jail booth kasama mo? Ang pagpunta natin sa sementeryo? Upang magkaro’n sila ng sapat na oras para ihanda ’to?”

Bumaling siya sa ’kin. “Yeah. Sinabi ko kina Soichi at Aneeza na gusto kita, at willing naman silang tulungan ako. Pinlano ko ring dalhin ka sa sementeryo para ipakilala ka kay Hasna. Pero hindi ko lang in-expect na tatanungin mo ’ko tungkol sa kanya sa jail booth,” paliwanag niya.

Guminhawa ang pakiramdam ko. “Salamat, Clyve.”

“I’m sorry, Kann.”

“H-ha? Para saan?”

“Naging emotional ako kanina.”

“Naku, hindi. Ayos lang ’yon. Naiintindihan naman kita. Ipinakita mo sa ’kin ang kahinaan mo. At isa lang ang ibig sabihin n’on: pinagkatitiwalaan mo ’ko.”

T-in-ry din namin ang isang uri ng seafood na tinuhog ng stick. Ibinabad muna namin ito sa sawsawan bago tinikman. Sikad daw ang tawag nito ng mga Bisaya, ayon kay Clyve.

Dagdag pa niya, “Pahirapan ang pagkuha nitong klase ng seafood sa shell nito. Kailangang gumamit ng toothpick o ’di kaya’y safety pin para mailabas ang laman.”

Tumango lang ako. Masarap siya—sikad ang tinutukoy ko!—pero kakaiba ang lasa niya. ’Di ko ma-explain. Nagsalin ako ng apple juice sa isang plastic cup ’tsaka sumimsim para malinis ’yong dumikit sa dila ko.

Sa di-inaasahang pagkakataon, bigla na lang nag-play sa di-kalayuan ang kantang Perfect ni Ed Sheeran.

Dali-dali niyang hinawakan ang kamay ko. Parang may kung anong naglalaro sa kanyang isipan.

“Ang ganda!” bulalas niya habang napalinga-linga sa paligid. Tinapunan niya ’ko ng tingin para ulitin, “Ang ganda, Kann, ’no?”

Pagkunot ng noo ang isinukli ko sa kanya, at saka nasundan pa ’yon ng paglandas ng isa kong kamay mula sa likuran ng aking ulo papunta sa batok ko. “Ang alin? Kanina pa natin nakikita ’tong hinanda nila, ngayon ka lang nagandahan nang sobra-sobra? Clyve, humihithit ka ba ng katol?” biro ko.

Humagikhik siya ’tapos umiling.

“’Yong kanta ba?”

“Hindi,” tahasan niyang sabi. “Ipikit mo ang mga mata mo. Inhale . . . and then exhale . . .” atas niya at kaagad naman akong tumalima. “Talasan mo ang imagination mo”—bumuntonghininga siya—“and then open your eyes.”

Pagkabukas na pagkabukas ng aking mga mata, unti-unti kong napagtanto kung ano ’yong tinutukoy niya kanina. Dinako ko ang tingin ko sa kanya. ’Yong timpla ng mukha niya ay parang humihiyaw ng, “Sa puntong ’to, I know that we’re on the same page!”

Nang ibagsak ko ang tingin sa bermuda grass na tinatapakan namin ay dahan-dahan itong napalitan ng kulay pula, kahel, dilaw, berde, asul, at kulay-ube na ikinalaglag ng panga ko.

Tumingala naman ako pagkatapos, at nasaksihang nagliliwanag na ang bawat payong na dikit-dikit at nakasampay sa itaas namin.

Nanlaki ang mga mata at bahagyang nakaawang ang bibig, bumaling ako kay Clyve. Unti-unting nagbago ang kasuotan niya, at pati na rin ang sa ’kin! Mula sa tsinelas na naging sapatos, T-shirt na naging tuxedo, at pati ang hairstyle niya ay nag-iba rin—bagsak na bagsak ang kulay-abo niyang buhok.

Lord, isip-isip ko habang tinititigan si Clyve, kaya mo naman palang gumawa ng ganito. ’Buti na lang po at ibinigay n’yo sa ’kin.

Kalaunan ay may narinig kaming hiyawan at palakpakan sa di-kalayuan—tila tsini-cheer kaming dalawa na sumayaw.

“Grabe, ang ganda nga rito,” hindi makapaniwalang saad ko.

Sinuklian naman niya ako ng sunod-sunod na pagtango at ginawaran ng isang malapad na ngiti.

Magkahawak kami ng kamay habang ’di pa rin napapawi ang ngiti. Kapagkuwa’y pinutol niya ang kaunting agwat sa pagitan namin sa pamamagitan ng pagsungkit sa baywang ko, dahilan upang kumalabog ang puso ko. Awtomatiko ko namang ipinatong ang isa kong kamay sa balikat niya.

Nag-umpisa kaming sumayaw, sumabay sa kanta, banayad, maingat ang bawat pagkilos. Parang ayaw ko nang mabasag itong imahinasyon namin at bumalik sa realidad. Ito na ang pinakapaborito kong gabi sa tanang buhay ko; hindi ko talaga ’to makalilimutan.

Banat nang bahagya ang mga labi, mabagal akong umikot sa tulong ni Clyve. Sa puntong nagkaharap ulit kami, mabilis pa sa alas-kuwatro na dumapo ang mga palad niya sa magkabila kong pisngi at saka hinagkan ako sa labi. Tila may mga paruparong ’di mapakali sa ’king sikmura. Hanggang sa napagdesisyunan kong tumugon sa bawat halik niya.

Nang magkahiwalay na ang aming mga labi ay pareho kaming nagpaskil ng ngiti. Tiyempo namang huminto na ang kanta. ’Pansin ko ring bumalik na sa dati ang lahat—damit namin, ang damuhan, at mga payong sa ’taas. Sabay pa kaming nagbitiw ng tila inensayo sa isip: “May sasabihin ako sa ’yo.”

“Ikaw na mauna,” utos ko sa kanya.

“You first,” giit pa niya.

Bumuntonghininga ako bago magsabi ng, “Alam mo, nagbasa ako ng romance books na may iba’t ibang tropes para maintindihan ko pa lalo ang pag-ibig, at tingnan kung saan tayo nababagay. Kaya lang, ’di ko mahanap kung saan tayo nabibilang. Siguro, hindi—”

“Unique ang story natin, Kannagi,” putol niya sa ’kin. “It’s ‘Gusto kita, pero kailangan ko munang magpanggap na kaaway mo para makuha ko ang atensyon mo’ sort of trope.”

Kumunot ang noo ko kaya ko natanong, “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“I like you the moment I met you, Kannagi. Kung para sa ’yo, ako ang hate at first meet mo, para naman sa ’kin, ikaw ang love at first sight ko. I should’ve told you about it sooner. Kaya lang, hindi ko alam”—may tumulong luha sa mata niya pero nakangiti pa rin siya—“hindi ko alam kung pa’no ka lapitan, kung pa’no magsimula, o kung sasabihin ko ba sa ’yo noon na gusto kita. Kaya ang naisip ko na lang ay magpapansin—pretending to be your enemy just to get your attention.”

Samot-saring alaala ang bumisita sa ’kin: ’Yong una naming pagkikita na parang gustong magsakitan; asaran namin sa classroom kahit may instructor na nagdi-discuss; palitan namin ng nakaiinis na mga salita; no’ng nag-volunteer siyang inumin ’yong isang pitsel na alak; no’ng niligtas niya ’ko laban sa isang member ng Martial Arts Club; no’ng pinayungan niya ’ko sa kalagitnaan ng hiya at ulan; at sa gabing ’to na ’di ko makalilimutan.

Nangilid ang aking luha. Parang may yumakap sa puso ko. “Clyve . . .”

Habang ’di ko maapuhap ang sasabihin, nagsalita siya ng pinakamagandang mga pangungusap na narinig ko sa buong buhay ko: “Alam kong takot ka pang humarap sa maraming tao, Kann. Sabihin ko mang ‘cast your fear,’ pero ’di ’yon madali. But I believe that one day, you can overcome it. At ngayong hindi pa ’yon nangyayari, puwede ba ’kong pumuwesto sa tabi mo?”

“Hindi mo man tanungin, nakapuwesto ka na rito, hindi lang sa tabi ko, kun’di pati sa puso ko.” Lumapad ang ngiti ko at ramdam ko ang pagdausdos ng aking mga luha dahil sa sobrang saya. “Kaya ang sagot ko sa tanong mo ay . . . oo.”

“Yes!” bulalas niya. Binuhat niya ’ko bigla na ikinagulat ko, at pagkatapos ay umikot-ikot siya habang buhat ako. Nakangiti lang kami pareho habang ginagawa niya ’yon.

Hanggang sa napagod siya at sabay kaming bumagsak sa damuhan, humahangos ngunit ’di pa rin natatanggal ang ngiti sa mukha.

Sa ilalim ng makukulay na payong, sabay naming isinara ang aming mga mata at pinakinggan ang isinisigaw ng aming mga puso—pangalan ko ang sa kanya, pangalan niya naman ang sa ’kin.

• • • • •

A/N: So far, itong chapter na ’to pinakanag-enjoy akong isulat. Sana, nag-enjoy rin kayo. Thanks for reading!! 💚💚💚

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 1.7K 19
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
69.1K 3.2K 32
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...