Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 4

979K 25.6K 7.7K
By JFstories

Chapter 4

"MAKE IT HARD..." kusang bumuka ang aking bibig. "...and love me harder."

Hala! Ano ba iyong nasabi ko?!

Bagama't nakasuot ng masquerade si Lord K, which makes him looked hot, ay kitang-kita ko pa rin kung paano mag-alab ang bughaw nyang mga mata. Ngunit napahinto sya matapos marinig ang sinabi ko.

Try kong bawiin.

I bit my lip. "Ah... eh..."

Nakatitig sya sa akin.

I will try my best. Babawiin ko ito!

"Eh... iyong ano kasi..." napalunok ako.

Wala syang imik.

"Ah... iyong ano..."

Tikom ang kanyang bibig.

"Eh... kasi..."

And this... is the best I could do.

Bigla syang umabante nang mariin. Kamuntik na akong mapatili dahil nagulat ako.

Umabante pa siya ng isa ngunit mas malakas kaysa sa una. Damang-damang ko ang napunit na kung ano mula sa akin.

"Are you hurt?" tanong nya sa akin nang mapansin nya yata ang reaksyon ng aking mukha.

Napapikit ako habang umiiling. "H-hindi naman..."

Nagpatuloy sya at gumalaw sa aking ibabaw habang ang kanyang mga mata ay nakapirmi sa akin. Nakakainis! Bakit nya ba pinagmamasdan ang mukha ko? Malay ko ba na baka ang pangit ko kapag napapa-ire!

Bumilis ang kanyang pag-atake. Samantalang ako ay para nang babawian ng buhay sa hapdi na nadarama.

"Are you all right?" napahinto muli sya.

I smiled at him matapos kong punasan ang aking mga luha. "B-bakit ka pa mag-aalalang masaktan ako... eh, papatayin mo rin naman ako..."

Nag-igting ang kanyang panga. Matagal sya bago nakasagot. "Who told you that I care?"

Ouch!

Tinapik ko nga siya sa pwet. "Eh, push mo na yan."

Kumurap muna sya bago nagpatuloy sa kanyang paggalaw. But this time, it's different. Mahinay na ito at dahan-dahan. Mahinahon at marahan lang.

Napakapit ako sa mapintog nyang mga braso. Bumaon ang aking mga kuko doon dahil nararamdaman ko pa rin ang matinding hapdi sa parte kong iyon.

Hindi ko tuloy napigilan. Maka-ilang sandali lang ay napahikbi ako pero sinikap ko pa ring iwasan. Subalit sadyang masakit kaya napahagulhol na ako.

Akma pa lang syang hihinto nang isampay ko sa kanyang leeg ang aking mga braso. "S-sige lang... keri ko pa..."

Ngunit binaklas nya ang mga ito at kumalas sya sa akin. Padabog syang tumayo at ilang beses napamura matapos suntukin ang pader na kaharap. Nakatanga lang ako sa kanya. Habol nya ang kanyang hininga nang lingunin nya ako.

Anong nangyayari? Nabitin ko ba sya?

"Why?" aniya.

Napatigagal tuloy ako sa kanya.

Anong why?

Napatiim-bagang sya. "Why do you have a face like that?"

Ano raw?

Tumalikod sya sa akin at lumabas ng kwarto. Naiwan akong tulala na nakatanaw sa kanya hanggang sa mawala sya sa aking paningin.

Hindi ko sya maintindihan. Anong problema sa mukha ko?

I sighed nang may mapagtanto ako.

Sabi na nga ba, eh. Siguro ang pangit ko habang ginagalaw nya ako.

Ngunit ilang minuto lang ay bumukas muli ang pinto. Nakabihis na sya nang lumapit sya sa akin at ang kanyang mga kamay ay abala sa pagbu-butones ng kanyang long sleeve.

Nakakapagtaka lang na para bang nagpa-panic sya.

Pero higit rito ang ikinagulat ko nang pangkuin nya ako. Nagmistula lang akong unan nang buhatin nya ang aking katawan.

Anong nangyayari? Saan nya ako dadalhin?

Sinipa nya ang pinto na dinaanan namin palabas. Tinanong ko sya pero hindi naman nya ako kinikibo.

Parang alam ko na kung paano nya ako papatayin. Siguro ay ihuhulog nya ako mula sa tuktok nitong building.

Karga-karga nya pa rin ako nang sumakay kami ng elevator. I chose not to talk dahil mukhang iretable na sya sa mga tanong ko. Confused lang ako dahil pababa kami ng floor. Kung balak nya akong ihulog ay pataas sana ang punta namin.

Bumungad sa akin ang puting kwarto paglabas namin ng elevator. Sa isang puting kama na may puting sapin ay maingat nya akong inilapag. Nakatanga lang ako sa kanya dahil pagkatapos nito ay nag-dial sya sa cellphone na hinugot nya sa kanyang bulsa. 

"Rom, I need you here." Sabi nya sa kausap sa kabilang linya. Binaba nya rin ito agad pagkuwan at saka humarap sa akin.

"A-anong ginagawa natin dito?" napalingap ako sa paligid. "A-anong lugar ito?"

Pumamulsa sya at nasalo ko ang banyaga nyang mga mata na nasa loob ng kanyang maskara. "My older brother is a doctor."

May nakakatanda syang kapatid?

He took a deep breath. "And you need to see him."

"B-bakit?"

Lumikot ang kanyang mga mata. "I hurt you, right?"

"Ha?"

"So, that's... why you need to see a doctor." Pagkasabi'y tinalikuran nya muli ako.

"B-bakit kailangan mo pa akong ipagamot eh papatayin mo rin naman ako?" tanong ko muli sa kanya.

His feet hault at napabuga sya ng hangin. "It's none of your business."

Seriously? None of my business? Eh, buhay ko kaya ito!

Segundo lang ay may kumatok na sa pinto. Binuksan nya ito at iniluwa nito ang ang isang matangkad na lalaki na halos kasing tangkad din nya. Mayroon itong magandang kutis na tulad ng sa kanya. Hinas ang buhok nito na mukhang bagong paligo. At hindi ko na maipagkakailang kapatid nya nga ito dahil mayroon din itong asul na mga mata.

"Where is my patient?" kay Lord K ito nakabaling.

Hindi na sinagot ni Lord K ang lalaki dahil napatingin na rin ito agad sa akin. At ganoon na lang ang aking pagtataka nang bumalatay sa mukha nito ang pagkagulat. Animo itong nakakita ng multo dahil namimilog ang mga mata nito.

Natutop pa nito ang sariling bibig. "Oh, God..."

Ano bang meron sa mukha ko?

Tinapik ni Lord K ang balikat ng lalaki. "She's not her, Rom."

So, ito pala iyong Rom na tinawagan nya kanina. It means na ito rin ang older brother nya na doktor.

Tila na-estatwa itong si Rom nang makita ako. Nangingilid pa ang luha sa kanyang mga mata. "T-then who is she?"

"She's no one." Tipid na tugon ni Lord K.

Sunud-sunod na napalunok si Rom. "I can't do this." Padaskol nyang binuksan ang pintuan upang makalabas. "Find another doctor, K." tumingin pa sya sa akin bago sya tuluyan patakbong umibis ng pinto.

Nawiwindang ako! Ano ba talagang nangyayari?

Paki-explain!!!

...

NAPABALIKWAS AKO NG bangon nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Masakit ang aking mga hita at balakang. Mahapdi pa rin ang aking pwerta ngunit hindi na tulad noong una. Pero nasaan ako? Bakit amoy utot dito?

Iginala ko ang aking paningin at nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Totoo ba ito? Narito ako sa kwarto ko?

Sa baba ng kama ko ay may dumi ng aso namin, kaya pala mabaho!

Kahit iika-ika ay ay buong pwersa akong bumangon. Binuksan ko ang pinto at lumabas ako ng kwarto.

Panaginip lang ba ito? O baka patay na ako?

Ang huling natatandaan ko kasi ay naroon ako sa hotel ni Lord K. Posible nga kayang kaluluwa na lang akong naglalakbay na bumalik lang dito sa amin?

Teka at mahanap nga si Mama. Kapag hindi nya ako pinansin, it means multo na nga lang ako.

Subalit ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang tumunog ang aking cellphone. Dinampot ko ito at sinagot. "H-hello..."

Walang sumasagot sa kabilang linya. Baka si San Pedro na ito?

"H-hello..." gagad ko.

Isang salita lang ang narinig ko. "Goodbye." Pagkatapos ay pinatay na nya ang linya.

Si Lord K!!!

What the hell is he saying? Bakit sya nagpapaalam?!

Nag-dial ako gamit ang number na pinantawag nya. Kamuntik ko nang maibato ang aking cellphone nang sumagot ang operator sa linya.

Patakbo akong lumabas ng bahay at ang maliit na tindahan agad ng kapit-bahay naming si Pektong ang aking natanaw.

"Pektong pa-load." Humahangos akong lumapit sa kanya.

Ngumiti sa akin ang kanyang pudpod na gilagid. "Patingin muna ako ng dibdib mo."

Lintek na gilagid ito, bakit ba napakamanyak nito? Pero wala ako sa mood na ipabaranggay siya ngayon.

"Fine! Basta loadan mo muna ako!"

Nanginginig syang nagtipa sa kanyang cellphone. Panandalian lang at may load na ako. Walang pag-aalinlangang pinindot ko ang button ng callback. Nag-ring ang kabilang linya at sinagot din agad. Dumagundong ang aking dibdib nang marinig ko ang paghinga ng isang lalaki sa kabilang linya.

"L-lord K?" kandautal ako.

Wala akong ibang marinig kundi ang kanyang paghinga.

"L-lord K, alam kong ikaw iyan..." napalunok ako. "A-akala ko patay na ako... akala ko papatayin mo ako..."

Hindi pa rin sya sumasagot.

Hindi agad ako nakapagsalita ng kasunod. Ang sarap kasi pakinggan ng kanyang paghinga. "B-bakit mo ako ibinalik sa bahay ko? P-papatayin mo pa ba ako?"

"'Don't know yet."

Nakakapikon ang lalaking ito! Bakit ba ang tipid nyang magsalita?

"Eh... ano ng plano natin?"

'Natin' talaga, Ruby?

Narinig kong napabuga sya ng hangin. "Just forget about everything and I let you live."

"P-pinapalaya mo na ba ako?" Damn! Bakit nasasaktan ako?

Lumipas yata ang minuto bago sya sumagot. "Consider my silence as a yes."

Nanikip ang aking sikmura. Para bang namanhid ang likod ng aking ulo dahil hindi ako makapaniwala. Dapat ay masaya ako dahil ligtas na ako. Subalit bakit kumikirot ang puso ko?

Biglang naglandas ang aking mga luha. Hindi ko ipinahalata sa tinig ko ang labis na lungkot. "E-eh, paano iyon... nagalaw mo ako?"

"What do you mean?"

"S-siyempre ano..." ano ba itong pinagsasasabi ko? "Ano... panagutan mo ko..."

Lagot!

I heard his breath again. "Do you even know of who you were speaking to?"

Oo nga pala, hindi sya basta isang ordinaryong tao lang.

"Sori..." pumiyok na ako.

"Goodbye." Iyon lang at ibinaba na nya ang telepono sa kabilang linya.

Nanlambot ako at hindi ko namalayang naibagsak ko na ang aking telepono. I'm supposed to be happy dahil buhay ako pero hindi ganoon a g nangyari. Ako man ay hindi ko rin maunawaan ang aking puso.

Hindi lang kasi makirot. Bitin din ang ending namin.

"Ruby?" hininga ni Pektong ang gumising sa nagluluksa kong diwa.

Wala ako sa sariling humarap sa kanya.

"Pwede ko na bang masilip yan?" doon sya nakatitig sa aking dibdib.

"Gawin mo na ang gusto mong gawin."

Napakayog sa ere si gago. Naglalaway syang lumapit sa akin at puntirya nya ang hinaharap ko.

Tumingala ako sa langit upang pagmasdan ang bughaw na kalangitan. Tulad ito ng mga mata ng taong iyon na hindi ko malilimutan.

Humugot ako nang malalim na paghinga bago ako nakapagsalita. "Bayug."

Nang marinig ito ng aming aso ay agad nitong sinakmal si Pektong sa panga.

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

830K 26.9K 100
Khaizer Alex Montenegro
136K 3.9K 32
Ilongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan...
47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]