League Of The Broken Hearts II

By heartruiner

20K 619 172

They're bad. And they're back. More

Eighty - Everything Alters
Eighty One - Shocking Encounters
Eighty Two - Negotiations (+ Announcement)
Eighty Four: Petty Fights
Eighty Five - Things Unresolved
Eighty Six - Strikes Ni Tadhana
Eighty Seven - Confrontations
Eighty Eight - A Kiss On The Bench
Eighty Nine - Trouble Stirred
Ninety - Face Off Overrdue
Ninety One - The Birth of Another Jerk
Ninety Two - More More More Trouble!
Ninety Three - Singapore Negotiations
Ninety Four - His Favorite Place
Ninety Five - Baby Baby Baby Oooh!
Ninety Six - Rescue Operation: JCLJ Style
Ninety Seven - Ang Mahabang Hair ni Jiagh, Bow
Ninety Eight - A Little Bit of the Truth

Eighty Three - Four Seasons

1.2K 41 10
By heartruiner

A/N:

Sorry sa late update. Mehehe :3 Anywhoo, magpopromote ako. Si Beauty And Madness at si The Innocent and the Damned sa Anya Rayne ko. LOL. It's not a disappoint I promise. :"> And to those writers na gustong magpagawa ng book covers or matutong gumawa ng book covers like the one above, click the external link. Ciaaaao! <3

****


Eighty Three

Four Seasons

 

 

 

(Jiagh's POV)

 

 

 

            Baba ng kotse, tingala sa mataas na building. Sign of the cross. Hinga ng malalim. Takbo. Joke lang. Wala nang takbuhan 'to, hindi ko na kayang atrasan 'to. Andito na'ko eh, wala na akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang tumuloy-tuloy papasok sa loob.

            Isa pang hinga, Jiagh, kaya mo 'yan. Hutena nine-nerbyos ako.

            To enter or not to enter?

            Angel Me: Kakausapin mo lang naman siya ng masinsinan hindi ba? Pumasok ka na at i-exercise mo ang pagiging diplomatic ng mga dyosang kagaya natin. Go ahead, the door is calling you. Spinnet, spinnet!

            Devil Me: Kapag pumasok ka d'yan at nagbait-baitan malamang aabusuhin ka na naman at pagsasamantalahan nung neanderthal na nilalang na 'yon. Kung hindi ka rin naman ready na manipa at mag-wasak ng gamit sa loob aba go home na. Weekend ngayon, mas masarap mag-jacuzzi kaysa ma-stress.

            Hala. Ano ba talaga?

            Pero si Blaire. Kailangan kong i-save si Blaire. Bahala na si batman. Gora!

            Pumasok ako sa magarang glass door ng lobby nila. The place seems a bit busy even at weekends. I could see people moving everywhere, buzzes so loud. Wow. This company sure is busy. Nakakahiya naman ang outfit ko. Naka-skinny jeans tsaka tank top lang ako tapos denim jacket. Alangang mag-business suit pa ako eh weekend?

            Anyway lumapit ako sa receptionist. Di ko naman kasi alam kung saan pupunta, anong malay ko sa pasikut-sikot ng kompanyang 'to?

                 "Hello, excuse me. Anong floor ang office ng CEO n'yo?"

            Nag-angat siya ng tingin mula sa pagma-manicure ng mga kamay niya. Pinigilan kong tumaas ang kilay sa color ng napili niyang polish. Lande ah. Fenk talaga?

                 "CEO? May appointment ba kayo, Miss?"

                 "Uhm no. But I'm thinking can you let him know that I'm here?"

            Nag-scoff lang siya tapos tinignan ako taas pababa. Aba! Feeling ba niya nag-iilusyon akong sasadyain ako dito ng CEO nila dahil lang sa ganito ang outfit ko at hindi professional ang dating? Alangang mag-red dress, red lipstick at red stilettos ako para magmukhang kagalang-galang at karapat-dapat na sadyain ng CEO nilang ungas!

            Aaaargh!

                 "Anong pangalan mo, Miss?"

                 "Jiagh. Elaejiagh Fabellar, Chief Operating Officer ng JCLJ Media, pakisabi."

            At that point nanlaki ang mata niya tapos nabitawan pati niya ang brush nung nail polish. Napaka-antipatika naman kasi niya. Hindi naman ganyan ka-antipatika ang receptionist namin. Tsk-tsk. Lichi lang.

                 "Excuse me? Snap out of it, kailangan ko ng floor ng CEO n'yo."

                  "AAAAHHHHHH!" there she goes, screaming and running away from me habang pinagtitinginan siya ng mga tao sa lobby na parang nagkaroon siya ng dalawang ulo.

            Ano ba naman 'tong mga employees dito. Sira ulo rin parang yung CEO nila.

            Haist. Hookay sinong pwedeng pagtanungan? H'wag babae, baka mainsulto na naman ako sapakin ko pa siya ng bongga. Anyway nakita ko si Manong janitor malapit sa elevator. Lumapit ako. "Manong, excuse me po. Alam n'yo po ba kung anong floor ang office ng CEO?"

                 "CEO? Ni Ser Clyde ba? Third floor, Ma'am."

                 "Salamat po."

            Oh di ba? Mas madali kay manong janitor. Dapat si manong janitor ang inilalagay sa reception desk. Mas may silbi siya kesa kay fenk nail polish.

            I went into the elevator, luckily walang sumabay sa akin hanggang sa makarating ako sa third floor. Holy shiz. What now? Kaliwa o kanan? Try natin sa kaliwa. I wonder kung may CCTV dito. Mukha kasi akong trespasser eh. Kung bakit naman kasi walang kung sinong pwedeng mapagtanungan dito. Anyway wala sa kaliwa balik sa kanan.

            Para akong nawawalang aso.

            Nadaanan ko yung conference room. Tapos tapos... napahinto ako. Chief Executive Officer! Bingo! Kyaaaahh! I so deserved a medal for this!

            Pinigilan ko ang sarili kong tumalon-talon habang pumapalakpak sa sobrang tuwa. Overjoyed eh. Anyhooo... walang secretary sa labas. Baka nasa loob? May ginagawang milagro? Hoooolyyy shitzu!

            Maingat akong tumapat sa pintuan at pinakinggan kung may something ba sa loob. Tahimik eh. Yung mahinang swish lang ng aircon ang naririnig ko. May tao kaya dito? There's only one way to find out!

            *Knock! Knock!*

            Walang sumagot. Uulitin ko sana ang katok kaso na-dyahe naman ako. Sisilipin ko na lang!

            Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip sa loob. Unlike my office na laging open ang curtain sa transparent na window para pumasok ang sunlight, nakasara yung blinds dito kaya medyo madilim ng konti. I saw him sitting on his swivel, quiet, troubled, and occupied. Then his eyes darted to the door where my head is... uhm... poking?

            Kahihiyan to the highest level!

                 "Uhm... h-hello?"

                 "Elaejiagh?"

            Here goes nothing. Composure, Jiagh, composure. Keri mo 'yan!

            Pumasok ako sa loob at isinarado ang pintuan behind me. Gusto ko sanang mag-sign of the cross ulit pero nakikita na niya ako kaya nevermind. Lord, please, don't let anything happen to me. Though I doubt it pero basta! Hindi ako sure sa ginagawa ko.

            I cleared my throat, hoping na hindi ako mabulol. H'wag naman. Nakakahiya 'yun. "Hi. Erm... I'm sorry, pumunta ako ng walang appointment. Eh kasi yung receptionist n'yo sinabi ko nang abisuhan ka tinakbuhan lang ako. Tapos wala yung secretary mo sa labas. Tapos kumatok ako hindi ka naman sumasagot. Kaya ayun... yun."

            Haru jusko, Jiagh, baliw ka.

                  "Calm down, take a seat."

                 "Kalmado ako."

                 "In that state?"

                 "Kalmado nga sabi ako!"

            To my surprise, he only laughed. Yung sound nung tawa niya, parang narinig ko na 'yun dati. Nung tumawa siya nag-backflip yung puso ko tapos bumilis ang tibok. Pamilyar. Parang naramdaman ko na 'to dati. The heck am I feeling? Kailangan ko na atang dumalaw ulit sa psychologist ko. Baka i-refer na niya ako sa psychiatrist kapag nagkataon.

                 "Take a seat, Elaejiagh, please. Bumyahe ka mula District Eight hanggang dito kaya siguradong pagod ka. Rest while we talk."

            Oh well, tama naman siya. Pagod naman talaga ako kaka-drive. Layo ng District Eight sa District Three.

            Naupo ako sa isa sa mga couches niya at since hindi ko naman na kailangang mahiya sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa opisina ko, nag-indian sit ako ng bongga sa couch niya. There, mas comfortable.

            Tumayo siya mula sa swivel chair niya at lumipat sa couch na katapat nung akin. "I assume you have your answer that's why you're here?"

                 "Hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako. Ang complicated naman kasi sa totoo lang. Sa lahat ng taong iba-blackmail mo, talagang dumayo ka pa sa District Eight para sadyain ako. Marami akong tanong, Clyde. Pwede mo bang masagot lahat?"

            His visage softened. A brainstorm hit me! Tinatalaban siya ng pagpapa-cute! Dapat pala polite lang ang atake ko, tipong cute! Yung ginagawa lagi ni Jhem kay Mico. Holy crap. It might work!

                 "What do you wanna know?" see? See? Bumabait siya pag mabait din ako!

            Dapat talaga sinusunod ko yang angel conscience ko eh. May silbi talaga ang pagiging diplomatic. Para-paraan!

                 "Bakit ako?" I asked using my small voice, tapos para may dagdag effect nagbaba rin ako ng gaze. Heeee! Pagkatapos nito dapat may award ako sa Oscar's! Best acting!

                 "I already told you why, Elaejiagh. I want you. And I want you so bad."

            Dapat kikilabutan ako eh. Kaya lang bakit parang mas kinikilig ako? I mean helloooo? Hindi mo siya kilala tapos sinasabi niyang gusto ka niya. Pwede siyang maging isang pretty boy, charismatic stalker na obsessed sa'yo. Yung tipong kapag hindi mo siya pinagbigyan eh sisirain niya ang buhay mo. Afterall he has all the access to that. He's damn rich, y'know!

            Pero bakit hindi ako natatakot? May mali ba sa'kin?

            Huminga ako ng malalim, composing myself once again. I looked at him through my lashes habang nakayuko pa rin at pinaglalaruan ang mga daliri kong maganda at hindi kulay FENK ang polish. "Why? I mean parang ang labo. Kapag natipuhan mo'ko iba-blackmail mo'ko para pakasalan ka? It's just so wrong, Clyde..."

            Nakita ko siyang umalis sa couch at tumayo sa harapan ko. Mag-aangat palang sana ako ng paningin when he kneeled down in front of me so my eyes widen in shock. His eyes looks sincere and they are like apologizing to me. "There's a lot of things you don't know."

                 "Then tell me."

                 "I can't. I want to but I can't. Hindi ko sigurado kung maniniwala ka. Ayokong magalit ka, ayokong lumayo ka. You're here now, that's all that matters to me. And if you want a lot of time to think about what I've asked you, I have plenty of that to give you but you can't say no. I'm not blackmailing you, Elaejiagh. I'm letting you know how far I will go to make you mine. I will result to anything even ruining lives just to make you mine."

            Oh see? Obsessed 'to! As in! Marami siyang idadamay para lang makuha ako! He's a bad bad person! He's a villain! God! Jiagh, masama siyang tao! Nasisiraan ka na ng bait kung magpapaakit ka sa lips niya! Hoooyyyy!

            Pero bakit ganu'n? He's ruthless, crude, weird, badass, and a blackmailer but his eyes tells me the contrary. They are nice, they are gentle, they are loving. And to top it all, they are scared. For some reason that I'm not aware of, they look so vulnerable to me.

            I was out of my trance nang maramdaman kong hinawakan niya ang pendant ng kwintas ko. Yung recorder na bigay ni Blaire! "Did he gave this to you?"

            Crap!

            Hinawakan ko kaagad ang pendant na hawak niya. My hand brushed his while doing so. "It's... not what you think." What do I care about what he thinks anyway?

                 "Can I replace that?"

                 "No! I mean... no, you won't understand why. It's more than a necklace to me, Clyde. You can't replace this."

            Sa isang kisap-mata naging blangko ang ekspresyon ng mga mata niya. I noticed na nangyayari 'yon kapag may naririnig siyang hindi maganda. Parang si b2. Kaya ni b2 i-mask out ang emotions ng mata niya in just a snap.

            Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa swivel chair niya. "So you're still thinking? You're not ready to give me an answer then?"

                 "Pero di ba sabi ko nga may itatanong ako. As in marami?"

                 "Go on, I still have things to do."

            Pero kanina okay lang. Sinasaniban ata 'to eh. Dapat pala nagdala ako ng albularyo baka mas makatulong. Hmph! "Bakit mo kailangan ng convenient wife? Para saan? You can just tell me you need a wife pero hindi. Sabi mo convenient wife. What gives?"

                 "It's none of your business, Elaejiagh."

                 "Helllooooo? Ipinapasok mo ako sa gulong 'to tapos none of my business? Hobby mo ba ang maging tanga?"

                 "Fine then, it's for business purposes. I need a wife to secure my hold on this goddamn company and my family's riches. Satisfied now?"

            It's amusing na parang kanina lang eh ang diplomatic ng pag-uusap namin tapos ngayon nagsi-singhalan na kami. Para kaming four seasons, pabago-bago ng weather. At ang weather ko ngayon eh tsunami na.

                 "Hindi ko naiintindihan."

                 "Hindi mo kailangang maintindihan! Ang kailangan mo lang gawin ay ang pakasalan ako. Tapos!"

            Can't be. Anong modus ito? Dapat hindi na 'to nauulit, teknik lang ni Hans 'to eh! Bakit gano'n? "So you mean kasal lang tayo sa papel?"

            His forehead scrunched in what looks like an annoyed expression. "No. We will consummate the marriage, Elaejiagh."

            H-E-L-L-T-O-T-H-E-N-O!

                 "Noooooo!"

                 "Yes. I need a heir. I won't also allow an annulment or a divorce, it would be too scandalous."

                 "PERO ANG PAGPIPILIT MO SA'KING MAGING INAHING BABOY HINDI SCANDALOUS? ANONG MEANING SA'YO NG SCANDALOUS?"

            He threw me a glare. I glared back. Kung nakakamatay ang mga glares botcha na siya ngayon sa'kin! "Scandalous to me is reading a headline on a newspaper that says 'Lord Sanders, Marquess of Exter has a mistress in a small island country and her name is Elaejiagh Fabellar, COO of a company that she owns but is responding to a manipulative board of directors'. That... is scandalous to me."

            He's hitting on my nerve! This guy! Arghhhhh! "You! You're paying for this! You don't know what our company means to us! You don't have the right to insult me like that! I hate my board of directors! I hate their manipulative ways and if I can do something to stop that I fvcking would but I can't!"

                 "So as I, Elaejiagh! I would have this the other way but I can't! This company means a lot to me, I may hate it and believe me when I said I HATE IT but this still means something to me! Alam mo kung anong pakiramdam ng dinidiktahan. Hindi kita gustong pilitin but you're leaving me no choice but to result to this!"

            And you're also leaving me no choice but to listen to my devil self's advice earlier!

            I picked up the phone directories sa ilalim ng coffee table at hinagis 'yon sa direksyon niya but miserably failing to hit him. Tumayo ako at kinuha lahat ng unan sa couch at hinagis lahat 'yon sa kanya.

                 "Elaejiagh! Do not be so immature!"

                 "I will show you what immature is, Clyde!"

            Kinuha ko ang mga vase sa may cabinet na nasa gilid at hinagis sa kanya. Dinig na dinig ko kung paano mabasag ang mga paso na 'yon. Wala na rin akong pakialam kung matamaan siya! Highblood ako at wala akong pakialam sa lahat ng aftermath ng gagawin ko! They can charge me this, they can send me to jail, whatever!

            Hindi ako aalis dito ng hindi nasisira ang buong opisina niya!

                 "Elaejiagh! Stop this!"

                 "Oh no! This is entertaining, don't you think?" sabay tumba ko nung babasagin niyang coffee table.

            Malamang iniisip na niyang may sayad ako sa utak. Good. Dahil pag gano'n mate-turn off na siya sa akin at hindi na niya babalakin pang pilitin akong magpakasal.

            Hurrah to my epiphany!

            Sinipa ko lahat ng couches niya. Nanghihinayang akong hindi ako nakapagdala ng kutsilyo. Pwede kong hiwain lahat 'to para lalong masira. Tsk. Anyway sinipa ko rin yung cabinet na pinanggalingan ng mga vases na binato ko kanina. I just can't imagine how gruesome I made of this place.

            Maghahanap pa sana ako ng iba pang itutumba when a pair of hands wrapped itself around my waist from behind. "I said stop! You're going to hurt yourself, stop!"

            Sumagi na sa isip kong sikuin ang tagiliran niya para makawala ako sa yakap niya. But then I saw it from the corner of my eye. Blood dripping from his temple. Napanganga ako. I hit him? No way, I really hit him?

                 "Calm down, Elaejiagh. I'm sorry, I didn't mean to yell. Calm down."

            Didn't mean to? Gusto niya bang palalain ko 'yang iniinda niyang dugo?

                 "Sir! Sir, anong nangyari!" biglang pasok ng tatlong lalaki at isang babae na pare-parehong naka-corporate attire.

            Bigla na lang akong hinila ni Clyde and turn me away from them by hugging me. My face is buried in his left chest and I could smell the scent of mixed cologne, his own musky aroma and the fabric conditioner na nilagay sa suit niya. Not sure kung Downy o Del.

                 "No, it's nothing, leave us alone."

                 "Sir, may dugo po kayo." I heard the girl said na parang naglalambing na ewan. Hala. Duh? Alam niyang may dugo siya, no need to point the obvious.

                 "Wala 'to, it's just a silly cut. Go, leave us alone."

                 "Pero, Sir, may mga bubog pong nagkalat. Baka po—"

                 "Didn't you hear what I said?" he bellowed na ikinapitlag ko. He tightened his hold on me, probably noticing na nagulat ako. "I already said leave us the hell alone! I want to talk to her, LEAVE!"

            I heard them scurrying out of the office. Narinig ko na lang na sumarado ang pintuan. And then Clyde's chest rose then fall, a sign na bumuntong hininga siya. "You'll be the next talk of this company, Elaejiagh. They would thought you'll be the one I'll marry."

            Ako naman talaga ang ipinagpipilitan niya di ba?

                 "You should have that wound mended. Baka mapa'no 'yan."

                 "It's just a nasty cut. Small wound."

                 "Still." Para talaga kaming four seasons. Kita mo nawala yung tsunami. Napalitan ng ambon.

                 "I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka."

                 "Yeah, whatev. But it doesn't mean na hihingi rin ako ng sorry sa ginawa ko. In fact..." dahan-dahan ko siyang tinulak para makaalis ako sa yakap niya. I looked around his now messy office na parang binisita ng bagyo. I smirked. "I'm quite happy with my artwork."

            His lips twitched upward and curved into a smile. "If breaking things in my office will make you happy, go ahead then."

            He just gave me an exclusive invite to make his life a living hell while he tries to ruin mine. How awesome is that.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...