Eighty Five - Things Unresolved

910 37 4
                                    

A/N: Sorry for any delay sa update sa on-goings ko. Y'all know the reason. i'm really so sorry. :( Enjoy 'em, guys. Don't forget to leave your comment below. Ciao!

-HR <3

P.S. In regards po sa MIBF and Wattpad meetup this coming days, wala pa po akong balita at so far wala pa akong decision na pupunta. So if you guys are gonna be there lemme know, I'll try to squeeze some time for you for the book fair. <3

***

Eighty Five

Things Unresolved

(Cris's POV)

Nabitawan ko ang hawak kong baso nang itaas ni Hans ang hawak niya para makita ko ng mas maigi. I can admit, I'm truly a demented one for secretly using it but God knows I really don't wanted to do it. I'm just scared.

And I'm more frightened now.

"Explain. Ano 'to?"

In any other situations, naglaway na'ko sa half-nakedness niya. Pero ngayon ipinagdarasal kong sana ay bumukas ang lupa at kainin na lang ako ng buo. At least then makakatakas ako at makakapagpanggap na wala akong alam.

Too bad...

"Pills. It is what it is."

Nakita ko kung gaano kahigpit ang grip niya sa kahon na halos ma-crumple na sa kamay niya 'yon. His lips are in a thin line, his eyes... they are not so friendly and loving right now. "And you don't have the decency to tell me? God, Cris!"

Hinagis niya ang hawak niyang kahon ng contraceptive sa may mesa pero tumama iyon sa bottom part ng breakfast counter. He looks so devastated that I had this urge to come to him and take him to my arms. But then again I know Hans. Hindi siya nakakapaglabas ng sarili niyang galit kapag malapit ako sa kanya.

"Pinagmukha mo'kong tanga! Apat na taon, Cris, apat na taon! Sa loob ng apat na taon tinatanong ko sa sarili ko kung anong problema! Sa loob ng apat na taon kung saan-saan akong ospital nagpupupunta para lang magpa-check, para masigurong hindi ako ang may problema kaya hindi kita mabigyan ng anak! Alam mo ba kung gaano kasakit sa'kin 'yon? Alam mo ba kung gaano kahirap isipin 'yon?"

I stood stunned. I really didn't expected it was how things went with his side. "Hans... it's not you. Bakit hindi mo sinabi? Why would you think it was you?"

"WHYYY? WHYY!" sigaw niya na nag-cause para mag-step back ako. I've never seen him this livid. "Tinatanong mo ako kung bakit ko iisiping ako ang may diperensya? Cris, sa apat na taon hindi tayo magka-anak! Sinong sisisihin ko, ikaw? You were all easy and smooth about yourself, you were confident about yourself for the past years and you're fvcking asking me why I thought it was me? Do I have to put two and two together for you to understand?"

Wala akong nagawa kung hindi ang umiling lang, tears threatening to betray my composure. For the past years we are anything but miserable. We live happy together, we live loving and comfortable with each other. We argue yes, pero kahit kailan hindi ko iisiping gano'n kabigat ang magiging epekto kay Hans ng hindi namin pagkakaroon ng anak at ng pagtatago ko sa kanya tungkol sa contraceptives.

How dumb I am. Bakit ko nga ba nakalimutang lalaki siya? It will surely bother the heck out of him dahil sa ego niya.

"Bakit? Bakit, Cris? Ano bang problema nating dalawa? Bakit kailangan mong itago sa'kin 'to?"

League Of The Broken Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon