Ninety One - The Birth of Another Jerk

671 21 2
                                    

Ninety One

The Birth Of Another Jerk

"Ma'am Lhia? May malaki tayong problema. Si Yuri kasi..."

(Aryann's POV)

"WHAT? No... no no no! No! Tell me you're joking, kuya! Hindi totoo 'yan!"

Panic. Kahit anong gawin kong tanggi sa isipan ko na hindi posibleng mangyari ang bagay na 'yon, nagpa-panic pa rin ako. Hindi. Nagsisinungaling lang sila. Imposible. Imposibleng mangyari 'yon. Andito lang siya kanina, imposible 'yon!

"Aryann, huminahon ka lang."

"Huminahon? Kuya, nagbibiro ka ba? Hinahon? Sinasabi n'yong nawawala ang anak ko tapos gusto n'yo akong huminahon? Baliw na ba kayo?"

Nanahimik si kuya Jc. Kinabahan ako lalo. Nanginginig ang mga kamay ko at halos hindi na ako makahinga. Natatakot ako. Natatakot ako para sa anak ko. "Asan ang baby ko?"

Kuya Jc sighed. While Lita, yung Nanny na kinuha ni kuya para sa anak ko eh iyak ng iyak.

Dammit. Why are they acting like this? "Kuya, asan ang anak ko! Asan si Lia?"

"Lita brought your baby to the park kaninang umaga. Kinailangan niyang bumili ng makakain niya at since may nearby namang hotdog stall iniwan niya lang saglit sa bench si Lia. Wala namang katao-tao sa gano'ng umaga kaya naiintindihan ko kung bakit siya kampanteng iwanan si Lia do'n since saglit lang naman siya. But when she came back..."

Oh my God. No. God, no.

"...when she came back, Lia and her stroller is gone. We really tried going around pero walang nakakita."

My legs feel jelly. It's only a matter of time bago ko naramdaman ang sarili kong bumagsak sa sahig. Kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. I wasn't aware of them yelling at me to calm down, I wasn't aware of anyone shaking me and helping me to stand. I wasn't aware of them.

I'm only concerned for Lia.

God, my baby. My baby is gone. They lost my baby! "How could you! Sinong may matinong pag-iisip ang mag-iiwan ng tatlong taong gulang na bata sa bench ng park habang bumibili ng hotdog! How could you do that?"

"Aryann, hindi kasalanan ni Lita 'yon, hindi naman niya sinasadya."

"I hate you. I hate you, kuya. Kung hinayaan mo lang akong alagaan ang anak ko ng mag-isa at walang kasamang kahit na sino hindi mangyayari 'to! Kung nakinig ka lang sana sa'kin hindi mawawala ang anak ko! Hanapin n'yo siya! Ibalik n'yo siya sa'kin! Kapag may nangyaring masama kay Lia, hinding-hindi kita mapapatawad!"

"Ginagawa ko na ang lahat para mahanap si Lia, Aryann. Pero hindi makakatulong kung magpa-panic ka ng ganyan. Tumayo ka d'yan, maupo ka dito sa sofa. Halika."

Tinanggal ko ang kamay ng kuya ko na nakahawak sa braso ko at akmang itatayo ako. "Bitawan mo'ko! Ibalik n'yo sa'kin ang baby ko!"

Sinubukan kong pigilan but in the end I still sobbed my heart out. Paano na si Lia? Paano kung hinahanap niya ako? Paano kung umiiyak siya ngayon dahil nararamdaman niyang umiiyak ang Mama niya? My little princess... Paano kung sinaktan na siya ng mga nakakuha sa kanya?

God please. Don't let something bad happen to my baby. Napaka-bata pa niya para sa mga ganitong pangyayari. Jesus, please, help my child.

League Of The Broken Hearts IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon