Unexpected

By Gelskee_14

1.5K 92 6

What does the real definition of love? is it all about betraying? pain? regrets? or is it about waiting, pu... More

Author's note
Prologue
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
Chapter 14
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—

๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ

22 1 0
By Gelskee_14

Maxileigh's pov

"So kamusta ang pagiging batang ina?"
Bungad na tanong ni Gavian na tinawanan ng iba, inis ko siyang binato ng panyo ko at inirapan.

Kahapon pa sila ganiyan, simula kasi nung araw na naging momma ako ni Xia ay tuling lunch time nandito yung batang yun at lagi na rin naming kasama. Mapa lunch break o class break pa yan.

Pero wala ngayon si Xia dito dahil may pasok na daw siya sa eskwela sabi ni ma'am Aza.
May chismis nga na kumalat tungkol samin ni ma'am Aza e, nalaman nilang anak ni ma'am si Xia at narinig din nila na tinatawag ako nitong momma so ang usap usapan ay magasawa kami ni ma'am.

Secretly married ganun, jusko.

Si Zev unti na lang makakapatay na ng mga tao e, sa tuwing may mga marites eh kulang na lang barilin niya gamit ang mata yung mga taong yun.

"Batang ina pa nga." Tumatawang turan ni Pj habang nakasandal sa balikat ni Kai.

"Yung kakain ka lang naman sa garden pero nakakita ka ng bata tapos tinawag kang daddy then boom! Batang ina ka na HAHAHAHAHAHA." Dagdag pa ni Kai na nagpasama lalo ng mukha ko.

"Layuan niyo nga ako at baka dumapo tong kamao ko sa mga mukha niyo." Banta ko at sabay sabay silang nagtaasan ng kamay at nagsitawanan.

Mga kupal.

"Good morning class!"

Agad na nagulat ang lahat sa biglang bati ni sir Joseph at nagsitayo, itong mga kaibigan ko din ay biglang natahimik.

"Good morning sir Joseph!" Bati naming lahat at ngumiti naman siya saka nagsign na umupo na kami.

"Nagulat ba kayo? I'm sorry I had to do that so I can get your attention. Anyway, before we start, you have a new student so please be quiet as she introduce herself. Do you guys hear me?" Aniya at tumayo sa gitna ng room.

"Yes sir!" Tugon naming lahat.

Ganiyan talaga yan si sir, masigla siya at sobrang bait, sobrang gwapo pa at tangkad siguro nasa 5'8 5'9. Father material siya sa amin, lalo na saming magkakaibigan.

"Good!" Tugon naman ni sir at lumapit sa pintuan. "Iha, you may enter now and please introduce yourself." Turan ni sir at saka umatras upang pagbigyang daan yung new student daw.

Sino naman kaya? Bute at nakapasok pa siya, second sem na eh.

Tahimik ang lahat na hinihintay makapasok yung new student at nang makapasok ito ay samo't saring bulungan ang narinig sa mga kaklase ko.

Habang ako napatulala sa mukha nung new student dahil sa pagpasok niya ay parang nakita ko siya sakaniya.

Hawig lang pala, pero yung mata nila parehong pareho. The fuck? No Max! It's not her, she's dead.

But those brown doe eyes..

"Good morning everyone, I'm from Thailand but a Filipino in heart kaya alam ko kung paano magtagalog. It's nice to meet you all, I hope to be friends with you, please take good care of me." Nginiting turan nito at bahagyang naptawa nang may maalala siya.

Pati yung tawa.. Naknampucha, ganto ko na ba siya kamiss at pati sa ibang tao ay nakikita ko siya?

"Oh I forgot to say my name, I'm sorry, I'm Pranpriya Manoban." Yumuko siya at binigyan kami ng isang magandang ngiti.

Pranpriya Manoban.. Eh? Parang sa Blackpink yon ah. Anyway, maganda siya ha at pogi din gaya ko.

"Nice to meet you too Pranpriya, now take a seat. Oh wait, just seat beside Sevien. Kayo na bahala sakaniya ha, keep her in touch." Paalala samin ni sir na tinanguan naming magkakaibigan.

Umupo naman si Pranpriya sa tabi ni Seven saka nginitian kami.

"Hi." Bati niya kaya ngumiti din kami.

"Yow, I'm Sevien but just call me Seven. Nice to meet you." Pagpapakilala ni Seven at nakipaghand shake.

"The names Gavian, welcome to hell- I mean welcome to Philippines." Nakipagkamay din siya saka hinaplos ang batok niya.
Siraulo amp.

"Khaiden nga pala, Kai for short."

"I'm Paisley Jane but call Pj instead."
Nakipagkamay din sila at ngumiti, tumingin naman sakin ang babae at napatulala na naman ako.

Dahil ngayong medjo malapit na siya ay kitang kita ko na ang mga mata niya.

"How about you? What's your name?"

Hindi nga ako nagkakamali sobrang magkapareho ang mga mata nila.

"Hoy Dre! Bakit ka nakatulala diyan? Ano daw pangalan mo gago." Agad akong nabalik sa ulirat nang hampasin ni Kai ang batok ko.

"Huh? Oh sorry, I'm Maxileigh btw." I awkwardly smile then extend my hand for hand shake.

"Nice to meet you all." Nakangiting aniya matapos naming magkamayan at humarap na kay sir dahil nagsimula na itong magdiscuss.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nakatingin na sakin ng my pagaalala, nginitian nila ako ng maliit at tinapik pa ni Kai likod ko bago nagtuon ng atensyon kay sir.

Huminga ako ng malalim at inayos ang upo, bakit ba hindi ako makamove on hanggang ngayon?

Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya, sobrang sakit pa rin. At sobra ko na siyang namimiss.

....

Matapos ang isang oras ay natapos na rin si sir, pagkalabas ni sir ay nanatili kaming nakatayo. Nakita ko pa nga na nagtatakang tinignan ni Pran si Seven, may binulong naman ito sakaniya na kalauna'y ikinatango niya.

Pran na lang tawag ko sakaniya, paladesisyon ako e.

Si ma'am Zane na kasi sunod, kailangan nakatayo na agad kami bago pa siya pumasok kung hindi ay mapapagalitan na naman kami.

"Good morning." At ayan na nga po ang reyna.

"Good morning Ms. Miller." Tinanguan niya kami at agad na napatingin kay Pran at pinanliitan ito ng mata. Amp.

"New student?" Tanong niya na ikinatango ni Pran.

"Yes po ma'am, I'm Pranpriya Manoban." Pagpapakilala niya na tinanguan din ni ma'am.

Ano ba ba't puro tanguan, ako nahihilo sakanila e.

"I see, welcome to M. A. U the names Maia Miller, but I preferred to be called Ms. Miller." Wews, ma'am Zane nga tawag namin sakaniya.

"Sit down everyone, let's start our lesson." She commands and we obey.

Saktong pagupo ko ay bigla siyang lumingon sa gawi ko at saglit na nagtama ang mga mata namin bago ako umiwas.

Kunwari inayos ko ang buhok ko at hinawi hawi pa ito habang lumulunok ng mariin.

Aba e, nagtatampo pa rin ako sakaniya.

___

"So what do you want to eat, Pran?"

Tanong ko pagkaupo namin sa usual table namin dito sa cafeteria, hindi namin kasama si Kev at Zev dahil may klase pa sila.

Kanina ay nakakwentuhan namin itong si Pran, at masasabi ko lang ay isa siyang mabuting tao at maangas maging kaibigan. Matalino at open minded person pa, and she's into music and poems too.

"Hmm, I still don't know what foods this school have so just same to yours na lang." Tumango ako at nagthumbs up.

"Hoy Gavian, bili ka na. Alam mo naman na kung ano mga gusto namin, layas na bilis." Utos ko naman kay Gav at pinagtutulak siya.

Nakabusangot at panay ang padyak niya habang papunta sa counter kaya napailing na lang ako, ayaw mautusan kahit pera ko naman yung gagamitin.

"Ayaw niya nauutusan?" Rinig kong tanong ni Pran, nilingon ko siya at nakita kong may pagtataka sa mata niya.

"Hindi, nagiinarte lang yun wag mo na pansinin." Sagot naman ni Pj habang nagtatype sa cp niya.

Bebetime na naman tong si acla.

"True, tignan mo pagbalik nun ang daming pagkain na dala. Pangalan- este card naman kasi ni Max ang gamit niya." Rebat pa ni Kai saka naiiling na sinulyapan si Gav.

"Tama, kaya simula ngayon masanay ka na. Parte ka na sa circle of friends namin, at wag ka umasa na matino kaming lahat lalo na't pito kami. Pero wag ka magalala may walo namang matitino." Sabat ko naman na ikinatawa nung dalawa at nakita ko naman na tumango habang nakangiti si Pran.

"Well, your friendship is cute though. It's my honor to be part of your squad." I grinned when she playfully wink at me.

Aba, mukhang maangas talaga to maging tropa ha.

"That's good-"

"Leigh!" Napalingon ako sa likod ko dahil sa boses na iyon.

Hala bakit nandito to?

"Ryeo? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumayo upang salubungin siya.

Humalik siya sa pisngi ko at kumaway kina Pj at Kai, hindi pa niya ata nakikita si Pran dahil natatakpan ko ito.

"Hmm, let's just say.. I'm studying here too!"

"What?!"

"Hoy gago totoo?!"

"For real?!"

"Hoy ano meron? Oh, Ryeo! Hi!"

Sunod sunod na tanong namin na siningitan pa ni Gav, marami nang student na nakikiusisa at nagbubulungan. Mga marites talaga e.

"Hi Gav, so I was saying that I'll study here too from now on." Nakangiting turan nito pero gulat pa rin kaming nakatingin sakaniya.

"For what reason? You graduated from US university right?" Tanong ko na ikinatango niya.

"Yes but I want to study again, at para naman makasama ko rin kayo lagi. Ayaw niyo ba?" Umiling yung tatlo habang ako nakatingin lang sakaniya at pinanliitan siya ng mata.

Napabuntomg hininga na naman ako dahil alam ko na kung bakit siya nandito.

It's an command from him, again.

"Siyempre gusto namin! Anyways, mabuti at magaaral ka ulit para naman matulungan mo'ko sa english ehe." Sabi ni Kai at umakbay pa kay Ryeo saka pinalapit sa upuan.

"Sure, just like before- wait who.. Who is she?" Tanong niya naman at tinuro pa si Pran na nakatitig sakaniya.

"Ah, she's a new student here just like you, her name is Pranpriya, Pran this is Ryeo. One of the squad." Turan ni Kai at kaagad na tumayo si Pran at yumuko kay Ryeo.

"Hi, nice to meet you." Nakangiting wika niya kay Ryeo.

Si Ryeo naman ay ilang segundong tumitig sa mukha ni Pran bago tumango at ngumiti ng maliit.

"Nice to meet you too, Pranpriya right?" Tanong niya na tinanguan ni Pran, papalipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa.

"You look like.. Someone I know." Nakakunot ang noong sabi ni Ryeo at saka tumingin sa akin.

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya inilingan ko siya at ngumiti ng maliit.

"Let's eat na, gutom na mga alaga ko sa tiyan." Sabat ni Gav bago pa man makasagot si Pran.

Tinapik ni Kai sa balikat si Ryeo at ganun din ang ginawa ni Gav sakaniya bago inayos ang upuan upang makaupo si Ryeo.

Ako naman ay bumaling kay Pran at saka ngumiti sakaniya bago hinawakan ang braso niya at magsasalita na sana nang may sumulpot sa likuran ko.

"Monteverde."

Jusmeyomarimarsantisima.

Gusto ko lang naman kumain papa g, bakit ang dami nasulpot huhu.

Hinarap ko siya at pilit na ngumiti.

"Yes po? Ms. Miller?" Magalang kong sagot at kita ko naman na nagtiim bagang siya saka mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

"Your new girl?" Sarkastiko niyang tanong na ikinataka ko.

"Huh? New what po?" Tanong ko at walang gana siyang tinignan.

Wala ako sa mood makipagsagutan sakaniya, hindi pa ako nakakamove on dun sa nangyari sa parking lot.

"Nothing, enjoy eating with your-.. New student." Aniya at saka pairap na umalis at tumungo sa table nila kasama sila ma'am Aza.

Tinignan ko sila ma'am Aza, umiiling ito habang nakangisi katulad ni ma'am Zafira.

Nang mapatingin siya sa akin at napalitan ng matamis na ngiti ang ngisi niya kaya ngumiti na lang din ako bago umupo sa tabi ni Pran.

"Is that your girlfriend?" Nagulat ako sa tanong ni Pran at napasinghap.

"Hindi no! Malakas lang talaga topak nun." Nakangiwing sagot ko at sinulyapan si ma'am Zane na ang sama pa rin makatingin sakin.

"Hindi sila pero may selosan at laplapan na nagaganap." Agad kong binato kay Kai yung baso na ininuman ko dahil sa sinabi niya.

Hindi niya nasalo pero nasangga niya naman, kung hindi ay tatama talaga iyon sa noo niya.

"Really? Well, she seems to like you. No, I think she loves you. Kung titignan mo siya para siyang girlfriend na nagseselos dahil nakita niyang may lumalandi o may nilalandi yung girlfriend niya." Napaawang na naman ang labi ko dahil sa sagot ni Pran.

"What? Grabe Pran ha, How can you say something ridiculous?" Naiiling kong tanong saka tumawa pa.

"Hindi no, totoo sinasabi ko. My gaydar would never be wrong." Napalaki ang mga mata naming apat dahil sa sagot nito.
Si Ryeo tahimik lang na kumakain habang segu segundong tinitignan si Pran.

Maybe she's still thinking about 𝘩𝘦𝘳.

"Bading ka rin?!" Sabay sabay na tanong naming apat na ikinatawa ni Pran.

"Bakit gulat na gulat kayo? And yes, I'm gay too. I'm proud to be." She grinned and the four of us grab her hand then shake it vigorously.

"Welcome to the SWAG family." Nakangisi naming tugon na ikinangiti ng malaki ni Pran.

"Swag?"

"So We Are Gays." Sabay ulit naming turan at saka nagbungisngisan na ikinailing ni Ryeo.

Mabuti naman at ngumiti na rin siya, pero alam ko pa rin na nababahala siya ngayon dahil nakikita niya ang babaeng tunay niyang minahal kay Pran.

"Hey Max, trust me, she loves you. She's just afraid to admit it, or maybe there's something that stopping her from confessing." Bigla akong siniko ni Pran at nagtaas baba ng kilay, umiling na lang ako at tinignan si ma'am Zane.

Inirapan na naman ako nito bago bumaling kay ma'am Zafira.

Ano bago talaga ang gusto mo Aia? Sino ba talaga ako sayo? Sino ba talaga ang lalaking yun?

Kung hindi mo siya kasintahan ay buong loob akong tataya para sayo, kahit buong mundo man ang kalabanin ko.

Pero kung kasintahan mo nga talaga siya at wala lang ako sayo ay umasa kang hinding hindi na kita guguluhin pa.

Stop this nonsense Maia Zane, I'm getting tired of your games.

𝘚𝘵𝘰𝘱 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘳𝘰𝘭𝘭𝘦𝘳 𝘤𝘰𝘢𝘴𝘵𝘦𝘳 𝘳𝘪𝘥𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘢𝘥𝘦.

____

A/n: I'm getting tired of being a student ha, daming pinapagawa, sakanila ko ipagawa yun e.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 11.8K 31
Athulya Singhania has spent her entire life in solitude, yearning for the love of a family. Over the years, she mastered the art of concealing her em...
130K 28.1K 96
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras แ€‘แ€ฐแ€ธแ€†แ€”แ€บแ€ธแ€žแ€Šแ€ทแ€บ แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€†แ€ฝแ€ฒแ€™แ€พแ€ฏแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€กแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธแ€แ€ฝแ€„แ€บ แ€แ€ปแ€ฎแ€แ€ปแ€„แ€บแ€ธแ€แ€…แ€บ...
92.3K 2.9K 51
๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐๐”๐’ ๐†๐‘๐€๐•๐„๐˜๐€๐‘๐ƒ "๐š๐š‘๐šŽ ๐š‹๐šŽ๐šœ๐š ๐š ๐šŠ๐šข ๐š๐š˜ ๐š๐š˜, ๐š’๐šœ ๐š’๐š— ๐šœ๐š๐šข๐š•๐šŽ. ๐š†๐š‘๐šŠ๐š๐šœ ๐š–๐š˜๐š›๐šŽ ๐šœ๐š๐šข๐š•๐š’๐šœ๐š‘ ๐š๐š‘๐šŠ๐š— ๐šŠ ๐š–๐š˜๐š...