Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

124K 1.4K 224

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Eighteen

1.9K 27 3
By adihiraya

Nang matapos kaming kumain sa karinderya, pinilit ko siyang ipakita ang wallpaper niya sa akin kahit ayaw niya. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi iabot sa akin ang cellphone niya.

Before he unlocked his phone, nakita kong picture naming dalawa ang lock screen niya. Kuha iyon sa coffee shop na madalas naming puntahan.

"Crush na crush mo 'ko, 'no?" biro ko sa kaniya.

Naiiling lang siyang ngumiti sa akin saka napakamot sa ulo.

Tatawa-tawa kong tiningnan ang wallpaper niya. It's a candid photo of me reading a book. Seryosong-seryoso ako roon na parang hindi p'wedeng istorbohin. Kaya niya siguro ako nakuhanan ng picture kasi masyado akong abala sa binabasa.

"Hmm, ganda," I complimented myself.

"As always . . ." he replied.

I smiled genuinely and gave his phone back to him.

Hinatid niya na ako dahil wala na rin naman kaming ibang gagawin pero bago ako makalabas ng sasakyan ay pinigilan niya ako.

"Are you free on Saturday? It's my friend's birthday and he told us we are free to bring anyone we want to," he said and bit his lower lip. "And so I thought of you. Gusto mo bang sumama?"

Napaisip agad ako kung may gagawin ba ako ng araw na 'yon. I took my phone to check my schedule on my notes. Nang makitang libre ako sa Sabado ay tumango ako sa kaniya.

"Wala naman akong gagawin. Pero sigurado ka bang ayos lang na sumama ako?" Tumawa ako. "Saka hindi ba sila mag-iisip kung—"

"No, they wouldn't," he assured me. "I know them. Wala kang dapat ikabahala."

I heaved a sigh and nodded. "Okay."

"Okay. Text me when you get home."

My forehead creased. "Jai, iyan na ang bahay ko. Bakit pa ako magte-text?"

Ngumiti siya. "Wala lang. I just want you to text me."

"Whatever!" sabi ko sabay irap sa kaniya.

He laughed. Para wala na siyang masabi pa ay bumaba na ako. Hindi niya na rin naman ako pinigilan.

"Bye! Salamat sa pagsama," ani ko nang makababa.

"May ibibigay pa 'ko sa 'yo, sandali lang . . ."

May inabot siya mula sa backseat. Ako naman itong seryosong naghintay sa ibibigay niya. Kumunot ang noo ko nang iabot niya sa akin ang isang clear folder na may resume niya sa loob.

"Ano 'to?" taka kong tanong.

"Resume."

I rolled my eyes. "I know pero para saan 'to?"

"Jairus Mikael Villaverde po, Miss ma'am . . ." he introduced himself. "Applying for a position in your life as your boyfriend."

Iritado kong ibinato sa kaniya pabalik ang folder na siya namang ikinatawa niya nang malakas.

"Ewan ko sa 'yo! Bwisit ka!" singhal ko. "Umuwi ka na nga!"

Tumalikod na ako pero naririnig ko pa rin ang tawa niya. Kahit kailan talaga ay mahilig siyang mang-asar! 'Pag naman talaga tinanggap ko siya sa posisyong ina-apply-an niya'y baka hindi niya rin kayanin.

Mabilis na lumipas ang mga araw. It was Friday evening when we had a runway. Of course naging maganda naman ang kinalabasan ng event, pero sa timpla ng mukha ni Raya no'ng gabing 'yon ay parang hindi siya natuwa na maging si Mil ay napansin din ang bagay na 'yon.

When we asked her if she's okay, ang sabi niya masama lang daw ang pakiramdam niya. Hindi na namin siya pinilit na magsalita dahil baka totoo naman ang sinabi niya.

Kasalukuyan akong naharap sa salamin ngayon, nag-iisip kung anong klase ng ayos ang gagawin sa sarili.

I'm meeting his friends and I want to look presentable. Hindi por que madalas ay lipstick lang ang katapat ako, eh gano'n na lang ako palagi. There are times I need to fix myself to look not just good but better and blooming, at isa ito sa mga araw na 'yon.

I somehow want to create a good impression.

I'm wearing a spaghetti strap black fitted dress, with a long slit on my left leg. Hubog ang katawan ko dahil sa pagka-fit nito.

I started putting make-up on my face. Ginawa kong pa-sweet lang ang mukha imbis na fierce. Baka mamaya'y masabihan na naman akong maldita dahil sa itsura ko kung gagamit pa ako ng dark colors sa eyeshadow.

Hindi pa ako nakuntento at kinulot ko ang dulo ng hanggang baywang kong buhok.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay wala na akong nasabi sa sarili kundi ang ganda ko. Walang makakatalo!

Just after I finished doing everything, I received a text from Jai.

Jai-Jai:

Kyky, I'm on my way na! See you :)

I smiled because of the way he called me. Parang bata pero cute naman. Siya rin ang nagpalit ng name niya sa contacts ko. No'ng una ay "love" pa nga ang inilagay niya kung hindi ko lang siya kinurot nang pino sa braso.

Hindi na ako nag-reply at hinintay na lang siya sa living room. Nakapagpaalam na rin naman ako kina mommy at daddy kaya wala na akong problema. Liban na lang sa kapatid kong masama ang tingin na ipinupukol sa 'kin ngayon.

"What, Reneil?" I asked him.

He rolled his eyes at me. "Lagi na lang kayong magkasama. You don't even have time for me na."

I smiled playfully and sat closer to him. Ginulo ang kaniyang buhok. "Nagtatampo ka ba?"

"Of course not, ate," he denied. "I'm just letting you know that your world shouldn't revolve around him. Hindi lang sa kaniya umiikot ang mundo. Marami pang ibang bagay diyan na kailangan din ng atensyon mo."

"You mean ikaw not ibang bagay . . ." I smiled at him. "I'm sorry if you feel like I don't have time for you anymore. I assure you, may ginagawa rin akong importante kasama siya. For the meantime, hindi ko muna sasabihin kung ano 'yon."

"And now you're being secretive. Tsk!"

I pinched his cheeks. "H'wag nang magtampo ang baby na 'yan. Ikaw lang naman ang love ng ate."

Sibangot siyang lumayo sa akin kaya natawa ako. Talagang nagtatampo siya. Mahirap pa namang suyuin ang isang 'to.

He looked at me from head to foot. Nakasimangot pa rin.

"Pangit mo!"

"Sus! Alam ko namang nagagandahan ka talaga sa 'kin."

"Yeah . . ."

May biglang bumusina sa labas at alam kong si Jairus na 'yon. I kissed Reneil's cheeks and stood up.

"Bye, Ren!"

"Ako lang daw ang love pero nagmamadaling umalis narinig lang bumusina 'yong asungot," aniya.

Tumawa ako pero hindi na sumagot pa.

"Ingat and enjoy the night, ate. H'wag ka magpaabot ng umaga," bilin niya sa 'kin.

He's really like my little daddy. Kung tutuusin, minsan ay mas strikto pa nga siya.

I'm on my sweetest smile as I approached Jai outside. Prente siyang nakasandal sa kotse niya. He wears black long sleeve polo na nakatupi hanggang siko, faded jeans and white shoes.

Akala mo'y nag-usap kami sa kulay ng damit na susuotin ngayong gabi.

Maging ang kulay ng ankle strap heels na suot ko'y puti rin.

"Hi . . ." I greeted him.

His eyes glisten while looking at me. Even though it was dark and the moonlight was the only thing that lit us up, it didn't hide his perfect face. From his soulful eyes that tell everything just by looking at them, his pointed nose like it was perfectly sculpted by someone artistic, down to his defined and prominent kissable lips.

"You're extra beautiful tonight . . ." he complimented.

It made my cheeks flushed. "Thank you," I uttered.

Pinagbuksan niya na ako ng pinto kaya sumakay na ako roon. Hanggang sa pagsakay niya ay nakatingin pa rin siya sa akin. Ako na mismo ang nahihiya.

Hindi naman siguro halatang pinaghandaan ko masyado ang gabing ito 'no?

"Quit staring," I said shyly.

He chuckled. "Then stop being beautiful."

"Nakakainis ka na! Umalis na tayo!" aya ko sa kaniya dahil parang wala pa siyang balak umalis.

Nailing na lamang siya habang nakangiti. Binuhay niya ang makina at sinimulang imaniobra ang manibela.

"Parang ayaw na tuloy kitang dalhin do'n dahil sigurado akong maraming lalaki titingin sa 'yo," wika niya.

"Ang damot mo naman pala," ani ko.

"Madamot talaga ako." Lumingon siya sa akin. "P'wede bang solohin na lang kita?"

Nakagat kong bigla ang pang-ibabang labi. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko nga rin 'yon, but it's his friend's birthday.

"Lagi mo na nga akong sinosolo kaya nagtatampo na kapatid ko, e."

He threw another short glance at me. "Reneil's sulking?"

"Yes . . ."

"Hindi naman kita inaagaw sa kaniya. Ayaw naman kitang maging kapatid," biro niya. "Gusto kita maging girlfriend."

"Please stop your cheesy pick-up lines dahil halos lahat iyan nasabi na sa akin," asik ko sa kaniya.

"Then I guess puro lang sila salita. Hindi ako katulad nila. Alam kong nasabi na rin nila sa 'yo 'to." Tumawa siya. "But one thing is for sure, I'm a man of my words. When I say something, I really do it because I believe that words and actions should always be balanced to avoid confusion. Kapag sinabi ko, gagawin ko."

He's right. Words and actions should be balanced. Mahirap maniwala sa mga salita, at mahirap ding maniwala na may kahulugan ang lahat ng ginagawa sa 'yo ng isang tao.

If you assume, you might be hurt by expecting it to have a meaning.

There are people who just love making efforts and making you feel special. Para sa kanila normal 'yon, pero para sa 'yo na bihirang makaranas ng mga gano'ng bagay, p'wede kang umasa at masaktan.

Malapit lang pala sa amin ang bar kung saan ice-celebrate ang birthday ng kaibigan niya kaya fifteen minutes lang ang inabot at nakarating na rin kami.

He opened the door for me again. Nang makalabas ay parang sanay na ang kamay niya kung saan hahawak. He held my waist like it was his territory. Walang puwedeng ibang humawak kung hindi siya lang.

We were greeted by the loud music inside. Sumakit ang mata ko sa mga ilaw kaya napapikit ako. Buti na lang ay inaalalayan ako ni Jai kung saan papunta kaya hindi ako naiiwan. Nang makapag-adjust ang mata kumapit na lang ako sa braso niya.

"Don't worry, we're in a vip room," he said.

Mabuti naman kung ganoon. Nagpa-party rin naman ako pero hindi pa rin ako nakikihalubilo sa maraming tao.

I hate crowded places because I feel suffocated kaya pili lang din ang dinadaluhan kong party lalo na kung sa bar pa.

When we arrived in the room, all of his friends turned their heads to us. May mga babae pero mas marami ang lalaki. Ang iba roon ay pamilyar sa akin sa mukha ngunit hindi sa pangalan.

"Jai, you came!" One of his guy friends stood up and approached us.

"Yeah. Happy birthday, bro," he greeted him.

So I guess he's Alex, the birthday boy.

"Thank you, bro!"

Jai introduced us to each other.

I smiled and greeted him, "Happy birthday, Alex!"

"Thank you, Kylei . . ." He squinted his eyes a little. "You look familiar. Are you a model?"

Ngumiti ako, medyo nahihiya pa. "Yes."

"Sabi ko na, e!" Bumaling siya kay Jai. "'Di mo siya deserve, bro. Tulog ka na lang siguro."

Nakatanggap siya ng mahinang suntok sa balikat mula kay Jai. "Shut up! Baka mamaya'y matauhan pa siya."

Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Ipinakilala ako ni Alex sa iba pa nilang kasama. Of course nagkaroon sila ng kumustahan habang ako'y nakikinig lang but Jai made sure I don't feel out of place.

Maya't maya niya rin akong kinakausap. Parang wala nga siyang pake sa iba naming kasama. Kahit may ibang tao ay nakukuha pang lumandi. Kung ano-anong sinasabi sa 'kin. Ako na ang nahihiya dahil baka may nakakarinig sa mga sinasabi niya.

Natutuwa ako dahil kahit ngayon ko lang nakilala ang mga kaibigan niya, alam kong mabubuti silang kaibigan. Puro din sila kalokohan at napupuno kami ng tawanan.

Just by looking at them and hearing all their kwentos, I know he's in the right circle of friends.

Puro man sila kalokohan, seryoso naman pagdating sa mga buhay nila.

They motivate themselves to do better every day. They lift each other up. Ganoon ang klase ng mga kaibigan na magandang nakapalibot sa 'yo.

His friends were trying to give me a shot but before I refuse, siya na mismo ang nagsasabing bawal ako at ayaw kong uminom. Hindi rin siya umiinom kahit anong pilit sa kaniya ng mga kaibigan.

"Hindi ako p'wedeng uminom. Ihahatid ko pa si Ky pauwi. Kailangan normal ako," pagdadahilan niya.

Maya-maya ay naramdaman kong naiihi ako kaya nagpaalam ako sa kaniyang pupunta lang ako sa restroom.

"Samahan na kita," sabi niya.

Hihindi na sana ako kaso naisip kong maraming tao sa labas, lalo na lalaki. Ayaw kong ma-catcall dahil hindi 'yon maiiwasan dito.

Tumango ako sa kaniya. Katulad kanina ay hinawakan niya ako sa baywang ngunit nauuna siya nang kaunti sa akin maglakad para i-guide ako.

Nang makarating ako sa restroom, sinabi niyang hihintayin niya na lang ako sa labas. Malamang, 'di ba? Alangan samahan niya ako sa loob?

I did what I needed to do. Pagkalabas sa cubicle ay dumiretso ako sa sink para maghugas ng kamay. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Nabubura na ang lipstick ko kaya kinailangan ko pang mag-retouch bago lumabas.

Pero nagulat ako sa naabutan ko sa labas.

A man in mid 40s pushed Jai on the wall and grabbed his collar.

"You don't belong to us, Villaverde!"

"What the fuck are you doing, filthy old man?" I interfered.

Continue Reading

You'll Also Like

40.6K 1.5K 52
Lucy Riddle is different. There's something off about her that no one - not even herself - knew, until she attended Hogwarts School of Witchcraft and...
1.6M 93.7K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
162 67 8
In a world where magic reigns.There exist a school known for its great powers (S.N.H) The supernatural high school.During the ceremony of choosing a...
17.2M 373K 200
A collection of not so short, short stories featuring your favourite characters and some characters you might not know much about. Slow updates in p...