Reverse

By SilentInspired

1.5M 24.6K 464

"Sa loob ng dalawang taon pinabayaan kita. Pero ngayong bumalik ka hindi na ako makakapayag na makawala... More

Reverse
Prolouge
i. Pangarap
ii . Gradually
iii . Reaching the dreams
iv . Destiny
v . Makes me laugh
vi . Truth
vii . Dangerous
viii . Not giving up
ix . Hand Kiss
x . Home
xi . Kiss in the rain
xii . Pampanga
xiii . Jealous
xiv . True Identity
xv . Sincere
xvi . Old Issues
xvii . Serious
xviii . Trust
xix . Dream of me
xx . Missing you
xxi . Sick
xxii . Happy
xxiii . Nice Feeling
xxiv . Threat
xxvi . I love you
xxvii . Real Feelings
xxviii . Good Mood
xxix . Unfair
xxx . Goodbye
xxxi . Still
xxxii . His feelings
xxxiii . For a lifetime
xxxiv . Im yours
xxxv . Own
xxxvi . Dream
xxxvii . Birthday
xxxviii . Too sexy
xxxix . Hindi ko na kaya
XL . Clear
XLI . To Infinity
XLII . Ailee
XLIII . Tired
XLIV . My Francis
XLV . Glimpse
XLVI . Goodluck
XLVII . Proposal
XLVIII . Everything
XLIX . Tradition
L . Forever
Epilouge
Forbidden # 1 : Facing The Legacy
SilentInspired Closer

xxv . Safety

22K 417 4
By SilentInspired

Nagising ako ng maaga. Tulog pa nga si Bea at Caly. Lumabas ako, medyo maingay pa nga. Habang pababa ay nakita kong may higit sampung lalaki ang naka black na suit. Napatingin ako sa sala at nakita ko na linalagay sa stretcher si Ate Rean, nasa tabi niya si Kuya Third.

"Block all the reporters. Bayaran ang mga agencies na maglalabas ng incident tungkol sa amin." Narinig kong sabi ni Tito Luke sa kausap niya sa telepono.

Napatingin naman ako kay dad at Tito Charles na kinakausap ang mga lalaki.

"Kinausap ko na ang mga pulis tungkol sa nangyari pero hindi tayo pwede umasa sakanila.. it's good that the security team is here" sabi ni tito Nico at tumabi kay dad.

Nilingon ako ni daddy at kita ko ang pagod sa mga mata niya.

"Camille.. mamaya pag gagawin mo na ang mga dapat mong gawin.. You will be taking four bodyguards with you" napaawang ang labi ko pero tumango na din ako.

Ayaw ko ng mag alala sila at kung ang pagkakaroon ng bodyguards ang magpapanatag sa loob nila, so be it.

Lumapit si daddy sa akin at yinakap ako.

"I can't afford to lose you again. I can't" ani daddy at tumango ako.

"I won't dad"

Ngumiti siya at bumaling na sa mga bodyguards.

"Camille.. Can you wake up the others?" Pakiusap ni Tita Tin.

Tumango ako at umakyat ulit.

Kumatok ako sa kwarto ko at binuksan yun ng isang batang bata. Kinukusot pa ang mata.

"Hey.. Are you Josephine?" Nakangiti kong tanong.

Lumebel naman ako sakanya dahil nahihirapan siyang tignan ako.

"Yes.. are you our new pretty tita? Tita Camille?" Tanong niya kaya lalo akong napangiti.

Tumango naman ako bilang sagot. Kamukhang kamukha niya si Travis.

"Yes I am.. By the way, can you please wake up your mom, dad and brother? Breakfast is ready" sabi ko at ngumiti naman siya.

Ang sarap pisilin ng batang to. Ang ganda ganda.

Umiling ang bata. "But Kuya Jojo will get angry if I wake him up" nakanguso niyang sabi.

"No he won't.. Sabihin mo masarap ang breakfast tapos sigurado na hindi na yun magagalit" nakangiti kong wika.


Ngumiti din naman siya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay.. I'm gonna wake them up" tumango ako at sinara na ang pinto.

Pumasok naman ako sa kwarto ni Caly at nadatnan ko silang natutulog pa doon. Ginising ko na sila at lumabas din naman sila agad. Ginising ko din si Kuya Chand at Zicko.

Pagbaba ko ay nasa baba na rin sila Alina.

"Nasan si Ate Rean?" Tanong ni Bea sakin.

"Nasa hospital na, kasama si Kuya Third." Sagot ko at tumango sila.

Umupo kami sa dining at kumain na. Tahimik lang kami hindi tulad kagabi. Medyo shock pa kami sa nangyari. Walang may gustong magsalita. Sila daddy naman ay puro phone calls maya't maya.

Pakiramdam ko tuloy ang laking gulo nito. Hindi naman kasi ako sanay sa ganito. Ayon sa narinig ko, sanay na sila mg kaunti na may mga ganitong malalaking problema

Umakyat na din kami para makapag ready na sa mga gagawin. Pagbaba namin ay nasa baba din ang mga bodyguards. Nag aalinlangan pa rin akong mag sama ng body guards pero pinilig ko nalang ang ulo ko.

"Where are you going Brian?" Tanong ni Tita Sab.

Napalingon ako doon at nakitang palabas ng pintuan si Kuya Brian.

"I'm gonna check on Mia" tumayo naman si Tito Nico nang marinig niya ang sagot ni Kuya Brian.

"Don't. This person that wants us dead is targeting on the people that we're close to. We need to distant ourselves with others in the mean time para wala ng madamay." aniya.

Kita ko ang gulat kay Kuya Brian, maski kami ay nagulat. Pero naiintindihan ko na tama si Tito Nico. Tulad nalang ng nangyari kay Ate Rean..

Naisip ko tuloy si Francis.. ibig sabihin? I need to distant myself to him?

Kaya ko ba?

"But dad" mukhang hirap mamili si Kuya Brian kung aalis ba siya o hindi.

"Stop it Brian. Si Camille nga na hindi pa nalalabas sa publico na anak ni James ay muntik na mamatay kagabi paano pa si Mia? Can you risk that?" Ani Tito Nico.

Ginulo ni Kuya Brian ang buhok niya at tumalikod. Mukhang pupunta sa kusina. Sinundan siya ni Tita Sab.

"Bea, Alina, Camille and Caly will be with four bodyguards today. Travis and Chand will be going to the hospital. Accompany Third there.. Joseph and Josephine will stay here with Brian, Sab, Tin, Ryle and Ailee. Nico, James, Charles and I will be going to the office. We all need to be normal and descrete as much as we can." Sabi ni Tito Luke.

Tumango nalang kami. Lumabas kami at nandon na si Mang Delfie. Yinakap ako at si Caly ni mommy.

"Stay safe kids" yinakap din namin siya.

Mabilis kaming pumasok sa sasakyan nang makapag paalam na kami. Nasa likod namin ang dalawang black cars na hindi pamilyar sa amin.

"We need to act normal daw sabi ni dad. The person that is behind this shouldn't know that we're doing something" sabi ni Alina.

Tumango nalang kami. Ayoko ng isipin ang mga problema pero.. hindi ko magawa.

We acted normally the whole day.. We laugh, nagkwentuhan kami. Hindi naman kami nahirapan dahil marami rin kaming pinagusapan and the thought of there are four bodyguards out there ay nagpagaan ng loob namin.

Nang pabalik na kami sa bahay ay tahimik na ulit kami. It's like going back to reality. Ang katotohanan na may taong gustong pumatay sa amin. That thought is making me scared.

Nauna silang pumasok sa gate, may napansin akong sulat sa may gate kaya kinuha ko ito at binasa habang papasok ng bahay. Nabitawan ko ito pagkatapos kong mabasa..

Nanginig ang kamay ko at naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Ano yan Cams?" tanong ni Kuya Chand at pinulot ang papel.

Pinasa pasa nila ito at nakarating din kila mommy habang ako naman ay parang natulala nalang. Parang bibigay ang puso ko sa takot.

'Hey guys.. so are you now scared? Your loves our in my hands.. I am thinking who will I shoot first but let me tell you something.. My son saw your new family member. Camille? Camille White isn't she your new family member. The moment he saw you daughter.. he told me that he wanted her. So let's make a deal.. I'll stop my plans but give us your daughter'

- Monteverde

Gusto ako? Is he nuts? Paano.. Saan? Saan kami nagkita?

"Adam Monteverde, the guy who fucks everything that moves" matapang na sabi ni Kuya Chand.

Nakita kong nakayukom ang palad niya. Fucks everything? Tumaas ang mga balahibo ko dahil doon.

"Tingin niya ibibigay natin si Camille sakanya?! Nababaliw na ba siya?" naiinis na tanong ni Kuya Chand.

Napayakap na rin si mommy kay daddy. Lalong bumibigat ang puso ko habang nakikitang natatakot na din ang pamilya ko.

"Mam.. may nagpapabigay po" biglang pumasok ang katulong at may binigay na envelope kay mommy at daddy.

Pinanuod ko lamang ang ekspresyon nila at natigilan ako nang napahikbi si mommy habang tinitignan ang binigay ng katulong.

Mga pictures? Lumapit ako dahil kinuha nila ang mga pictures. Madami iyon.. ten? Fifteen? Twenty pieces.

I don't know.

Kinuha ko ito at tinignan isa-isa. Mas lalong bumigat ang puso ko at parang gusto ko nalang tumakbo sa lahat ng nakikita ko. I am so afraid..

Anong klaseng tao ang kayang gumawa nito?

Puro ako 'yon.. stolen shots pero ang pinaka kinagulat ko ay meron din akong pictures na tulog. How did he captured them? Nakakapasok siya sa kwarto ko?

"HE IS OBSESSED!" sumigaw si Kuya Brian at pinagpupunit ang pictures.

Nalaglag ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko dahil nawalan na ako ng lakas. Yinakap naman ni Tita Sab si Kuya Brian dahil sa galit na galit siya.

Lumapit si Caly sa akin at yinakap ako.

"Mom.. Dad.. pag binigay niyo po ba ako? Maayos lahat to?" naalala ko yung nangyari kay Ate Rean..

Masyado na silang delikado.

"No anak.. No.. we won't give you. It's not even an option. Okay?" mahinahong sabi ni mommy at yinakap ako.

Tumango nalang ako kahit na sobrang bigat ng puso ko. Alam kong pwedeng matapos ang lahat ng ito..

"Nagusap usap na ang mga board members kanina. Pati na ang mga kasyoso ko sa trabaho. Sinabi ko sakanila ang nangyayari." Ani dad.

Nakuha nito ang atensyon ko. Ibig sabihin, alam na ni Francis?

"Camille, pupunta mamaya si Francis dito. Ayoko nung una pero napakiusapan niya ako. I know that child.. hindi papayag iyon na hindi ako pumayag. I don't know kung anong meron sainyo but tell me first kung nanliligaw siya sa iyo okay?" sabi ni daddy at tumango naman ako.

Gusto kong matawa dahil nagawa pang ipasok ni daddy ang pagiging strikto niya samantalang nasa seryoso kaming sitwasyon.

Pero ano nga ba kami?

Tsaka ko na to poproblemahin. Yumuko ako at kinuha ko yung mga pictures. Tinago ko ito.. ebidensya din ito.

"Mam. Nandyan na po si Sir Francis" sabi nung isang katulong.

Akmang lalabas pa si daddy kaya hinawakan ko siya sa kamay.

"Ako na dad. Sa labas nalang kami. Nandun naman ang mga body guards and they won't hurt me. They still need me" sabi ko sakanila.

Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil gustong gusto ko ng makita si Francis.

Lumabas ako at nakita kong nakasandal siya sa sasakyan niya. Dahan dahan akong lumapit sakanya at mukhang nakuha ko na ang atensyon niya. Nagtama ang paningin namin at agad akong lumapit sakanya.

Isang hakbang nalang at makakalapit na ako pero siya mismo ang tumawid sa natitirang distansya namin. Mabilis niya akong hinila at yinakap. Parang sasabog ang puso ko dahil doon. Ang init ng bisig niya ay nagpagaan sa mga pangamba ko.

"I was so worried. I thought.. I thought.." hindi niya matapos ang sasabihin niya.

Napapikit nalang ako para damhin ang init ng bisig niya.

"I missed you so much" halos pabulong kong wika.

Bumitaw siya sa pagkakayakap kaya ako nag angat ng tingin. Inangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang mukha niya. Hinalikan naman niya ang kamay kong nasa mukha niya.

"I missed you too" aniya kaya napangiti ako.

Hinalikan niya muli ang kamay ko pero nagulat ako nung may dumaan na motor sa likod ko at muntik na akong matamaan buti nalang ay nahila ako ni Francis.. umakyat ang kaba sa dibdib ko.

May papel na nahulog galing sa motor at pinulot ko ito.

'I don't share' - Adam Monteverde

Napapikit ako.. lumayo ako kay Francis.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Ito ang sinasabi ni Tito Nico. Tama siya..

"Francis.. siguro wag muna tayong magkita" kahit nahihirapan ay sinabi ko pa rin.

Mukhang naguguluhan siya sa sinasabi ko. Kinuha niya ang sulat at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

Tinignan niya ako at kahit matalim ang tingin niya dahil sa nabasa niya ay may bakas pa rin ng pag aalala doon.

"Hindi ko alam.. hindi ko maintindihan pero gusto ako nung anak nung gustong pumatay sa amin. Pag nakipagkita pa ako sayo.. mapapahamak ka" paliwanag ko.

Umiling iling siya, hinawakan niya ang pisngi ko at marahan akong hinalikan sa labi. Nag situluan na ang mga luha ko dahil doon. Napapikit nalang ako pero agad din akong humiwalay.

Kailangan hindi madamay si Francis dito.

"Your mine.. I don't share. Wala ako pakielam sakanya. Hindi ako makakapayag na mahawakan ka niya!" galit na galit na sabi ni Francis.

Kinuha ko ang mga pictures at pinakita sakanya yon. Napaawang ang mga labi niya nung makita niya iyon.

"Hindi biro ang kalaban namin.. Nakikita mo ba? Seryoso to! Nakakapasok siya sa bahay namin ng hindi namin alam! Hindi kita kayang masaktan. Hindi Francis.. dahil mahal kita. Naiintindihan mo ba?" nagulat siya sa sinabi ko at yinakap ako ng mahigpit.

I badly want to stay by his side but I can't..

"I'll help your dad. We will find and kill these people for your family's safety. I promise that." Banayad niyang wika.

Umiling ako. Bakit ba hindi niya maintindihan!

"Hindi! Wag ka ng makisali. Madadamay ka lang. I am sorry." Sinubukan kong kumawala sakanya pero mahigpit niya akong hinawakan sa braso.

Umling iling siya. I can see frustrations in his eyes. Napapikit ako.. ayoko siyang nakikitang ganito.

"Camille.. please. Don't push me away." naramdaman kong pinunasan niya ang luha sa aking pisngi.

Kasabay non ay ang pag agos muli ng panibagong mga luha.

"Please Francis. I need you safe. I need you safe.. naiintindihan mo ba?" tumango ito at yinakap ako ng mahigpit.

Yinakap ko din siya.. I hope time will stop and let me be with the man I love..

"Umuwi ka na.. Baka magkasinat ka pa" mahina kong sabi sakanya.

Hinalikan naman niya ang noo ko. I felt safe for a second.

"I don't follow anyone's order. So I won't follow yours. Magkikita at magkikita parin tayo." sabi niya sa akin at sumakay na sa kotse niya.

Pinaharurot niya ito at naiwan akong nakatayo don. Bumuntong hininga ako at akmang papasok na sana ako pero biglang may humila sa kamay ko. Napalingon ako at nakita kong may nakahelmet sa harap ko.

Biglang narinig kong naglabasan ang pamilya ko at tinutukan siya ng baril ng mga bodyguards. Inalis niya ang helmet niya at napaawang ang labi ko.

"ADAM!" sumigaw si Kuya Chand pero hindi man lang niya ito pinansin.

Sa akin pa rin ang tingin niya. Tinitigan ko din siya. Napalunok ako.

Nasa harapan ko na siya..

"I told you I don't share.. Your mine Camille." Nakangisi niyang wika.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...
1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
248K 14K 35
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
868 129 44
The Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in th...