Love Constellation (On-Going)

By MyNameIsJustMae18

144 42 6

Description "Connecting..." "Connecting..." "Error..." "Loading..." "No Signal..." "Error..." "Loading..." "0... More

Love Constellation (START)
Chapter 1: «Updating...»
Chapter 2: «Astra's Memories Absorbing»
Chapter 3: «Sleeping...»
Chapter 4: «Where's My Signal?...»
Chapter 5: «The Signal Is Here...»
Chapter 6: «About the Delphinus Family...»
Chapter 7: «The Clingy Astra...»
Chapter 8: «More Clingy Astra...»
Chapter 9: «The Twin...»
Chapter 10: «The Emotionless Astra...»
Chapter 11: «Friend...»
Chapter 13: «Amazing World»
Chapter 14: «The Unexpected Pageant...»
Chapter 15: «Killian's Wife...»
Chapter 16: «The News...»
Chapter 17: «Anger For Pageant...»

Chapter 12: «Foolish Astra...»

5 2 0
By MyNameIsJustMae18

Chapter 12

«Foolish Astra...»

"SAAN ka nanaman galing, Rhett?" Inirapan niya ang nagtanong.

Wala siyang balak na pansinin ang taong yun.

"Rhetta, galing ka na naman sa kabilang bayan? Sign naba 'to na magkaka-jowa kana?" Nginitian niya ang nagtanong.

Dapat ganito ang tawag sakanya ng mga taong 'to para makuha ang atensyon niya.

"Rhett! Rhett! Hoy Rhett!" Hindi niya pinansin ang tumatawag sakanya sa likod.

"Rhetta'ng bakla!" Galit na napalingon siya sa sumigaw.

"Anong sinabi mo?!" Tinarayan niya ang tumawag sakanya tsaka umakto pang itatapon dito ang dala dala niyang paper bag.

"Ito naman, hindi ka kasi namamansin", Sabi ng babaeng tumatawag kanina.

"E bakit mo ko tinatawag na ganyan? Hindi mo ba naiintindihan na Rhetta nga, diba? Rhetta!" Gigil na gigil pang sita niya.

"Oo na, oo na. May sasabihin lang naman ako e, siguradong magkakainteresado ka sa sasabihin ko",

"Ano na naman ang kamaretesan mo?" Tanong ni Rhetta dito.

"May tsismis kasi tungkol dun sa kaibigan mong mataray", Lumapit pa kay Rhetta ang babae habang hinihinaan nito ang boses.

"Sinong mataray na kaibigan?" Hindi naman napigilan ni Rhetta na ilabas ang kamaretesan niya.

"'Yung babaeng kasa-kasama mo. Eh diba ang balita hindi sila magkasundo ng asawa niya? Pero kahapon daw may nakakitang sobrang close ng dalawa kaya iniisip ng iba na baka hindi totoong hindi magkasundo ang mag-asawang 'yun", Mukhang may nilalaman ang balita ng babae.

"Sinong babaeng kasa-kasama ko? Si Demi? Wala pa 'yung asawa ah", at mukha namang hindi gustong magpahuli ni Rhetta sa bali-balitang ito.

"Hindi si Demi. 'Yung kaibigan mong si Astra? Hindi man masyadong kumalat ang balitang close sila ng asawa niya, may iba namang napani-"

"Si Astra? Anong klaseng balita 'yan? 'Yan na ata ang pinaka-imposibleng balita na madidinig ko. Alis na nga, akala ko pa sobrang seryoso ng sinasabi mo" Tinabig ni Rhetta ang babae tsaka hindi na nakinig sa sinasabi nito.

"Ha! Si Astra at ang Killian nayun? Naging close? Patay lang ata ang maniniwala dun", Iiling iling pang sabi ni Rhetta.

Naglakad pa siya ng ilang hakbang nang matanaw sa kalayuan ang dalawang kaibigan na si Demi at Astra. Nakahanda na siyang sumigaw sa dalawa upang makuha ang atensyon ng mga ito...

"Girl!"

"Astra!"

Bigla ay parang hinangin si Rhetta sa kinapupuwestuhan nang bigla nalang may mabilis na tumakbo sa tabi niya.

Napahinto at napaestatwa siya nang makilala ang taong 'yun. Hindi pa nga siya makapaniwalang napatingin kay Killian nang makalapit ito kay Astra habang pinupunasan ang luha sa mata ng kaibigan nito.

Sa huli ay nagmadaling lumapit si Rhetta sa tatlo.

"Demi, anong nangyari?" Pagtatanong pa ni Rhetta na talaga namang sobrang nagtataka.

"Huh? Bakla, hindi ko alam!" Kinabahang kumapit si Demi kay Rhetta tsaka dalawa silang hindi makapaniwalang tinignan ang kaibigan at ang asawa nito.

"Astra, anong nangyari?", Pagtatanong ni Killian.

Hindi sumagot si Astra at patuloy padin na bumabagsak ang luha nito sa hindi malamang dahilan.

Yumuko si Killian habang nag-aalala at nang makita ang hawak hawak ng babae na bowl ng santol, kinuha niya ang stick na siyang may nakatusok tsaka edeneretso sa bibig.

Walang nalasahang mali si Killian ngunit napansin niya kung ano ang puwedeng dahilan kung bakit umiiyak ang babae.

"Tubig!" Sigaw ni Killian sa tindiro ng stool.

"Ha? W-walang tubig!" Mukhang kinabahan pa ang tindiro. May malalamig siyang ibinibinta ngunit wala siyang tubig na ibinibinta.

Nagpalingon lingon pa si Killian bago nakitang nagbibinta din pala ng ice candy ang tindiro. Nagmadali siyang kumuha ng isang ice candy tsaka nagmadali ding binuksan 'yun at sa huli ay inilapit ito sa bibig ni Astra.

Ang walang emosyon na mata ni Astra ay hindi nagbago at nang matikman ang ice candy sa bibig niya, medyo lumiwanag na ang mukha niya. Tumigil nadin sa pagbagsak ang hindi kontroladong luha.

"A-anong nangyari?" Nagawa ng makapagtanong nila Demi.

Napansin nila ang kakaibang galaw at ugali ni Astra at talaga namang muntik na silang atakehin sa puso dahil sa nakikitang kaibigan.

Ang pagkakakilala nila kay Astra ay maldita at mataray ito. Ibang iba sa Astra na nasa harapan nila.

"Alam mo naman ang kalagayan niya. Naninibago lang talaga siya" Sumagot si Killian bago ito tumayo tsaka inalalayan din si Astra.

"Huh? Anong kalagayan niya? Naging tanga naba si Astra?" Bigla ay singit ni Rhetta at imbis na makadinig ito ng sagot, nakaramdam lang siya ng masakit na kurot kay Demi.

"Manahimik ka muna." Nanggigil pang banta ni Demi.

"Anong ginawa ko?" Hindi naman makapaniwala si Rhetta sa ginawa ng kaibigan.

Ngunit hindi na siya pinansin pa ni Demi.

"Aalis naba kayo? Akala ko ba hindi ka uuwi ng tanghalian?" Pagtatanong pa ni Demi.

"Naisip ko lang na sa bahay nalang kumain. Uuwi na muna kami. Salamat sa pagbabantay sakanya" Tumango pa si Killian at dahil hindi ito close sa kaibigan ni Astra, hindi niya na pinatagal pa ang pag-uusap.

"Eh? Anong nangyaya-" Napahinto na naman si Rhetta sa pagsasalita nang takpan na ni Demi ang bibig niya.

Hinintay pa ni Demi na makaalis sila Killian bago binitawan ang kaibigan.

"Ano bang ginagawa mo, Demi? Ang sarap ng kamay mo a, ang sarap" Sobrang sarkastikong sabi pa ni Rhetta.

"Wow ah, para namang ang bango ng hininga mo! Halika nga dito!" Hinila ni Demi si Rhetta paalis sa kinapupuwestuhan.

"Ouy! Demi, kumuha sila ng ice candy!" Bigla ay nagpahabol pa ng sigaw ng tindiro ng stool.

Napahinto naman si Demo tsaka nagmamadaling kumuha ng barya sa pitaka niya tsaka ibinayad 'yun sa tindiro.

Nang makalayo na sila sa kinapupuwestuhan ng stool, binitiwan na ni Demi ang kaibigan.

Ang halos hindi naman makaintindi na si Rhetta ay kaagad na nagtanong.

"Anong nangyari? Kinulam ba ng Killian nayun si Astra?" Pagtatanong ni Rhetta.

Umiiling iling naman si Demi.

Naiintindihan ni Demi kung bakit nalilito si Rhetta dahil isang linggo na itong hindi umuwi dito sa lugar nila galing sa pinagtatrabahoan na salon.

"Sobrang hirap intindihin..." Pauna pa ni Demi.

"Ano nga?" Galit at hindi naman makapaghintay na si Rhetta.

Tinapik tapik ni Demi si Rhetta.

"Ito ang nangyari. Hindi ko din inaasahan na mangyayari ang ganoon kanina. Naalala mo yung sinabi ni Astra na muntik na siyang galawin ni Killian?" Ani pa ni Demi na siyang ikinakunot ng noo ni Rhetta.

"Oo, tapos? Ano?" Hindi makapaghintay na tanong ni Rhetta.

"Umuwi siya sakanila sa araw na 'yun. Tapos wala na tayong balita sakanya. Kahapon ko lang nalaman kung anong nangyari sakanya. Na-ospital pala at dahil mukhang nasunog ang utak, wala na siyang maalala. Akala ko pa naman ang mga taong walang maalala ay may mga common instinct na sa kung paano gawin ang isang bagay na nagawa na nila dati, pero hindi ko inaasahan na talagang naging tanga na si Astra", iling iling na paliwanag ni Demi.

"Wee? Amnesia?" Mukhng hindi nman makapaniwalang sabi ni Rhetta.

Tumango tango si Demi. "Ano pa nga ba ang ibang dahilan kung bakit naging ganoon siya?"

"Seryoso? Amnesia talaga? Ano siya? Bida sa pelikula?" Hindi pa mapigilan na komento ni Rhetta.

"ANO? Maayos naba ang panlasa mo?" Pagtatanong ni Killin kay Astra.

Tumango tango naman ang babae habang subo subo ang isang ice candy.

Nakapasok sila ng bahay. Katulad ng halos nakasanayan na ni Killin, inalalayan niya si Astra na maupo sa isang upoan.

"Sa susunod, 'wag kang basta basta kumain ng kung ano ano at 'wag na 'wag kang basta basta nalang gumawa ng isang bagay nang hindi nakakasigurado" Pag papalala ni Killian habang nilalabas niya sa bag ang dala dalang baunan.

"Kakain tayo?" Tanong ni Astra.

"Oo," Sagot naman ng lalake.

"Akala ko hindi ka uuwi?" Muling pagtatanong ni Astra.

Napahinto naman si Killian sa ginagawa, "Bakit? Ayaw mo bang kasabay akong kumain?" Deretsong tanong ni Killian habang nakatingin sa mata ng babae.

Napahinto naman si Astra sa kinakaing ice candy bago umiling, "Mas gusto kong kasabay ka sa pagkain"

«Updating processing, 05%, times left 621 hours»

Hindi napigilan ni Killian na mapangiti. Ibinaba niya ang baunan sa lamesa bago nagmadaling pumunta sa kusina. Umaktong kukuha si Killian ng isa pang kutsara ngunit bigla ay may naalala siya at sa huli ay pinili niya nalang na maghugas ng kamay bago bumalik sa loob ng bahay.

Naghihintay na tumingin sakanya si Astra at mabilis naman siyang umupo pabalik sa tabi nito.

"Hindi magandang kumain ng ice candy nang hindi pa kumakain ng kanin" Ani pa ni Killian.

Napahinto naman si Astra sa kinakain tsaka dahan dahan iyong ibinaba sa lamesa ngunit bago pa man tuluyang dumikit ang ice candy niya sa lamesa kaagad ng nagsalita si Killian.

"Kainin mo nalang dahil nandyan na basta ba kakain ka ng madami?", Mabilis na pigil ni Killian sa babae dahil siya lang naman ang nakapansing nawala ang aliw ng babae nang hindi na nito magawang kumain ng ice candy.

Mabilis din namang bumalik sa bibig ni Astra ang ice candy tsaka ito tumango tango kay Killian.

Tumango tango si Killian tsaka sinubuan si Astra ng kanin at ulam bago sumubo din sa parehong kutsara. Hinintay niya pang mapansin 'yun ni Astra ngunit mukhang tuluyang, bago na talaga ang Astra na ito sa harapan niya dahil wala na itong kapake-pake kung ano ang gagawin niya.

Baka sa susunod ibang disadvantage na naman ang gagawin niya kung magpapatuloy si Astra na maging ganito.

'Sigh, mas nagugustuhan ko talaga ang lumilipas na araw...'

«Updating processing, 06%, times left 621 hours»

«Updating processing, 07%, times left 621 hours»

Ene-enjoy naman ni Astra ang sarili sa kinakaing kanin at ice candy habang natutuwang pinapanood sa harapan niya ang sobrang dahan dahang pagtaas ng update signal niya.

•••


ꪑꪖꫀ: Vote And Comments For More!

Continue Reading

You'll Also Like

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...