Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

6.1K 200 28

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 1
Epilogue | Part 2

Chapter Seventeen

77 2 0
By Moonillegirl

BITBIT ang jacket sa aking braso ay maingat kong isinara ang front door ng bahay namin. Naaninag ko na kasi si Seven sa labas ng gate kaya naman naisipan ko ng lumabas.

Gaya nga ng sinabi niya kanina ay sinundo niya ako. Sabay kaming umuwi kanina at umuwi siya saglit para magbihis. Ilang minuto lang naman ang itinagal bago siya nakabalik.

Matapos maisara ang pinto ay lumabas na ako ng gate at isinara rin iyon kaagad.

Bumungad naman kaagad sa akin si Seven habang nakasakay siya sa bike na may upuan sa likod. Muntik pa akong matawa dahil may basket pa sa unahan ang bike niya.

Siguro ay bike ni Lola esme ang gamit niya.

"Ano 'yan? Ginamit mo pa yata ang bike ni Lola esme." natatawang usal ko na ikinatawa niya rin naman.

"Hiniram ko 'to. Mas mabilis kasi kung mag-ba-bike tayo papunta ro'n, e." nakangiting sabi niya na tinawanan ko lang ng mahina.

"Tanggal angas mo diyan, ah?" usal ko sa nang-aasar na tono na matunog niya namang nginisihan.

"Sumakay ka na kung ayaw mong iwanan kita at paglakarin papunta ro'n. Aasarin mo pa ako, e." nakangusong sambit nito bago i-ayos ang bike na ikina-tawa ko naman.

"Biro lang. Ang cute mo kayang tingnan. Napaka thoughtful pa." tawa ko bago umayos ng upo sa likuran ng bike niya.

"Kumapit ka." utos niya na sinunod ko naman.

Ikinawit ko ang isang kamay sa ilalim ng inuupuan ko bago siya bahagyang bungguin gamit ang balikat ko.

"Okay na. Umalis na tayo." masayang turan ko matapos kumapit sa upuan upang hindi malaglag.

"Sa beywang ko." bulalas niya pa na ikina-kunit ng noo ko.

"Ha?" takang tanong ko sa kaniya na rinig kong ikinabuntong hininga naman nito.

"Ang slow mo naman." medyo may inis sa boses na usla niya bago pumihit paharap sa akin at kunin ang kanang kamay ko saka niya 'yon ipinalupot sa beywang niya.

Kaagad nag-init ang pisnge ko at napakalas bigla sa hawak niya.

"B-bakit sa bewang mo pa? Pwede naman sa inuupuan ko na lang, e." nauutal na sabi ko habang namumula sa hiya.

"Ikaw ang bahala. Walang sisihan kapag nalaglag ka diyan." kibit balikat na ani niya bago umayos na ng pustura.

"Hindi ako malalag-"

"WAH!" malakas na tili ko at sa sobrang gulat ay napakapit na sa bewang niya.

Bigla niya kasing ipinidal ng mabilis ang bike. Muntikan na tuloy akong malaglag.

"Kakapit din pala, pinatagal pa." rinig kong usal niya kasunod ng malakas niyang halakhak.

"Bakit mo naman ginawa 'yon? Buwisit ka talaga, seven!" inis na singhal ko sa kaniya.

"Ikaw kase, e. Ang kulit mo." humahagikgik na sagot niya na mas lalong nagpa-asar sa akin.

Sa sobrang inis ko ay inis ko siyang hinampas at kinurot sa tagiliram dahilan para gumewang kami.

"Tama na, ami! Baka matumba tayo at masugatan." suway nito sa akin na kaagad kong sinunod dahil patuloy pa rin kami sa pag-gewang na sinasadya niya ng gawin.

"Ayusin mo nga ang pag-pidal! Pag tayo talaga natumba babalatan talaga kita ng buhay." pagbabanta ko sa kaniya na ikinatawa lang naman nito.

"Oh, talaga? Kaya mo ba, ami?" paghahamon nito at saka ginewang nanaman ang bike kaya naman napahigpit ang kapit ko sa bewang niya.

"Seven! Napaka-kulit mo naman, e! Baka magtumba tayo!" suway ko sa kaniya. Bakas ang pagka-inis at pag-aalala sa tono ko habang sinasabi sa kaniya 'yon.

Ang tanging naging sagot na natanggap ko mula sa kaniya ay isang masayang tawa lang na ikina-kunot ng noo ko.

Tingnan mo ang isang 'to. Takot na takot na na nga ako nakuha niya pang tumawa ng gano'n? Napaka-weirdo talaga.

"Halatang napaka-laki ng tiwala mo sa akin, ah?" natatawang usal niya. "Para namang hahayaan kong masaktan ka." dagdag niya pa na ikina-kurap-kurap ko bago mamula.

Bakas kasi ang pagkaseryoso sa boses niya habang sinasabi niya 'yon.

"H-hindi naman sa gano'n." mahinang usal ko bago manahimik.

May tiwala naman talaga kasi ako sa kaniya. Ayaw ko lang talagang matumba dahil hindi lang naman ako ang masasaktan kapag nagkataon. Parehas kaming masususgatan kung sakali mang magtumba kami dahil sa kakulitan niya.

"Uy, Binibiro lang naman kita. Nanahimik ka bigla diyan?" malumanay ang boses na anas niya na nagbalik sa akin sa reyalidad.

"H-ha?" lutang na bulalas ko at napalingon sa kaniya.

"Pero seryoso ako no'ng sabihin kong hindi kita hahayaang masaktan." sambit niya sa sinabi ko. Bakas sa tono ng boses niya ang pagkasinsero at kahit hindi ko makita ng maayos ang muka niya laam kong nakangiti siya dahil umitaw ang dimple niya sa pisnge na nakita ko mula sa pwesto ko.

Napatitig tuloy ako sa kaniya kahit pisnge niya lang ang nakikita ko.

Sobrang pogi naman talaga kasi, e!

>_____<*!

"Hindi dapat pinababayaan ang prinsesa. Kaya magtiwala ka sa kawal mo kamahalan, okay? Akong bahala sayo." dagdag pa niya bago ako lingunin na ikinapula naman ng muka ko sa hiya. Hindi lang dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya, kung hindi dahil na rin sa sinabi niya.

Pakiramdam ko napaka-espesyal ko tuloy na tao.

"C-che!" kunwaring masungit na uslal ko sa kaniya. "Sa kalsada ang tingin kung hindi ay tuluyan tayong madidisgrasya." dagdag ko pa na ikina-tawa naman nito ng malakas.

"Sungit." rinig kong bulong niya pa na ikinasilay naman ng ngiti sa labi ko.

Para nanaman tuloy playground ng paro-paro ang sikmira ko dahil sa patagong kilig na nararamdaman. Hindi niya talaga ako binibigong mapakilig e, no?

Iba talaga ang kamandag niya. Sobrang nakakamatay at nakakakilig.

"Ay, siya nga pala. Pumunta ka sa bahay bukas, ah?" basag niya ulit sa katahimikan. "Inaasahan na ni lola na bibisita ka. Excited na nga 'yon, e." natatawang dagdag pa nito na ikina-tawa ko rin.

"Pupunta ako. Nangako na akong pupunta at bibisitahin siya, e." sagot ko naman bago mapangiti.

Excited na akong makita ulit si Lola esme at tikman ulit ang mga pastries na siya mismo ang nag-b-bake. Excited na rin akong tumulong sa pagtitinda sa bakery o kaya naman ay tulungan siya sa pag-bake ng mga cookies.

"Ayusin mo na ang kapit mo. Bibilisan ko na ang pag-pidal para makarating na kaagad tayo ro'n." utos niya na siyang ikinatango ko.

Hinigpitan ko ang kapit sa beywang niya bago ako mag-salita.

"Okay na." pagkumpirma ko na naging hudyat niya para bilisan na ang pagpidal.

Napapikit ako nang tumama sa muka ko ang malamig at sariwang hangin. Sobrang presko no'n sa balat.

"Uy, 'di ka pa ba bababa? Nandito na tayo, oh? Masyado mo naman yatang sinusulit ang pagkakahawak mo sa akin." ani ng isang mapaglarong boses na nakapag-pabalik sa akin sa ulirat.

Napaangat ang tingin ko kay Seven bago mapakurap ng tatlong beses. Biglang pumasok sa tenga ko ang ingay kaya naman napadpad ang tingin ko sa harapan at bumungad sa akin ang entrance ng perya.

Puno ang gate ng makukulay na ilaw at kahit nandito pa lang kami sa labas ay kita na kaagad ang vikings na naka bungad lang. Medyo marami rin ang tao.

Kaagad akong napatayo sa pagkakaupo dahilan para makalas ko ang kamay na nakahawak sa beywang niya.

Napabuntong hininga akonat puno ng hiyang nilingon si Seven na nagpipigil na ngayon ng tawa.

"B-bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin na nandito na tayo?" nauutal na tanong ko sa kaniya sa sobrang hiya.

Tinawanan lang naman ako ng loko bago itabi sa gilid ang bike na gamit namin kasama ng mga single na motor na nakapark sa labas lang ng perya.

"Muka kang masaya sa sarili mong mundo, e. Ang bastos naman kung iistorbohin kita 'di ba?" nakangiting usal nito kasunod ng mahina niyang pag-tawa.

Napabuntong hininga naman ako. Kailangan ko na talagang huminto sa pagiging lutang ng madalas.

"Bilisan mo na nga lang diyan para makapasok na tayo." buntong hininga ko bago maglakad papunta sa gate.

Rinig ko naman ang yapak niya na nakasunod sa akin. Wala pa ngang isang minuto ay nakasabay na siyang maglakad sa akin.

Ini-abot niya yung ticket para makapasok kami. Pagtung-tong pa lang namim sa loob ay sobrang sigla na kaagad ng atmospera.

"Tara na sa vikings!" masiglang usal ni seven sabay hila sa akin.

Hindi na ako nakapag-reklamo dahil hindi na niya ako binigyan ng pagkakataom. Naabutan ko na alng ang sarili ko na tumatakbo kasama niya papunta sa bilihan ng ticket upang makasakay kami sa vikings.

Sa pwesto pa lang namin ay nakakatakot nang tingnan ang malaking rides na korteng bangka. Naghihiyawan din ang nga taong nakasakay pa.

Nasa likod ako ni Seven habang bumibili siya ng ticket.

"Tara na sa pila! Patapos na ang nakasakay do'n, e. Tayo na ang sunod!" masayang anunsyo ni Seven bago marahan ulit akong hilahin papunta sa pila ng nga sunod na sasakay.

Napalunok na lang ako sa kaba. Kasama ko naman si Seven peri nakakatakot pa rin dahil may takot ako sa matataas na lugar. Malululain pa naman akong tao.

Goodluck na lang talaga sa akin.

Gaya nga ng sabi ni Seven, isang minuto lang ay huminto na ang rides at bumaba na ang mga nakasakay kanina. Binuksan na rin ang harang na maliit na gate upang papasukin ang mga susunod na sasakay.

Iginaya ako ni Seven sa pinakadulong upuan. Sinuotan niya ako ng bakal na harang para hindi ako malaglag pagkatapos naming maupo.

Ramdam ko ang pamamawis ng mga palad ko habang papalapit na ang simula ng rides. Bigla akong ninerbyos dahil sa mataas pa na pwesto kami naka-upo.

"Magsisimula na!" parang batang sambit ni Seven bago ako lingunin.

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa masaya niyang muka bago pekeng ngumiti sa kaniya.

Sa totoo lang ay ninenerbiyos na talaga ako. Ang kaso lang ay no'ng makita ko ang masayang ekspresyon sa muka ni Seven ay naguilty ako bigla.

Hindi siya sumamang makipag-laro sa barkada niya para lang ituloy ang pag-bawi niya sa akin. Ang sama ko naman kung hindi ako magsasaya kasama siya at kung mag-iinarte ako 'di ba?

Vikings lang 'to! Yakang-yaka mo ito, Amethyst! Para kay seven!

Pag-ch-cheer ko sa sarili ko bago umasyos ng upo at higpitan ang kapit sa bakal na harang. Puno ng determinasyon ang muka ko no'ng i-announce ng operator ng vikings na ang-sisimula na.

No'ng una ay mahina lang ang andar ngunit bawat minuto ay lumalakas at bumibilis ang andar nito kasunod ng sigawan ng mga taong nakasakay.

Gusto ko sanang sumigaw ng malakas, ang kaso lang ay nahihiya naman ako kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay ang pumikit habang naghigpit ang kapit sa bakal.

Rinig kong sumisigaw rin si Seven ngunit hindi sa takot, kung hindi sa saya. Napangiti na lang ako sa sarili ko bago mapadilat ng biglang may mainit na bagay ang pumatong sa kanang kamay ko na nakakapit sa bakal.

"Okay lang 'yan, ami. Nandito naman ako. Enjoying mo lang." malumanay na sabi ni Seven mula sa tabi ko kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kaniya at naabutan ang malawak at malambot niyang ngiti na ipinupukol sa akin.

Napatanga ako sa nakangiti niyang muka.

He look really serene. Maaliwalas ang muka niya at hinahangin ang buhok niya na dumagdag sa kagwapuhan niya. Para siyang isang anghel na lumilipad.

Biglang nabawasan ang kaba ko and the last thing I knew is I was already screaming in joy with him too.

Dahil sa sinabi niya ay naabutan ko ang sarili ko na ine-enjoy ang mga rides na takot akong sakyan. Biglang nawala ang phobia ko dahil kasama ko siya.

I find myself enjoying everything with him. Just the two of us. Goofing around and trying different games and winning prizes with him.

Ito na yata ang pinakamasayang gabi sa buong buhay ko... kasama si Seven.


Moonillegirl🌷

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 212 55
Bestfriend since childhood, Azra doesn't know Klayon was his long waited bestfriend. Its been a year since they last seen each other. Klayon decided...
1.7K 406 27
Isang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, ku...
4.7M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
362K 27.5K 6
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...