Hues After The Rivalry (Achie...

By huescria

1.3M 31K 21.6K

Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her... More

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Rue Perseus Vallejo
note <3

Kabanata 17

21.3K 538 310
By huescria

Hues After The Rivalry

Kabanata 17


"Oh? Tapos na kayo?"

"Hindi pa."

"Ba't nandito ka?"

"Iche-check lang kita."

Maliit lang ang kama ni Eris at pang-single lang. Umupo ako sa dulo at tiningnan si Celeng na padapang natutulog.

Nag-iwas ng tingin si Jam. Her eyes were a bit swollen. Hindi siya mukhang malungkot pero alam kong malungkot siya. Habang inoobserbahan ko siya, napabaling kami sa pinto nang magbukas bigla.

"Hoy! Nagso-solo kayong dalawa, ah?" Pumasok si Sab. "Bina-backstab niyo ba kami?"

"Baliw," tumawa si Jam. "'Wag ka maingay, tulog si Celeng."

Iniwan ng kaunting awang ni Sab ang pintuan, tumayo roon, at humalukipkip. Binigyan niya kami ng salit-salitang tingin.

"Spill the tea, Jam," sabi ko.

"Tite,"

Inirapan ko siya.

"Totoong may girlfriend si Theus," ngumuso si Jam. "Confirmed."

"Oh? Tapos nag-i-emote ka rito? Birthday ni Eris, bawal malungkot!"

"E nasa labas lang si Theus e!"

"Ano naman? Para kang tanga, Jam! Ang dami-dami mong crush e! Punong-puno kaya listahan mo! Crush mo nga si Edrain!"

"Marami akong crush pero si Theus 'yung nasa top! Kaya sobrang sakit!"

Habang nagsasagutan ang dalawa, tumunog ang phone na nasa puwitan ko. Hinugot ko 'yon sa bulsa. A text from Rue.

Rue:

I went inside. Hindi kita nakita sa loob.

"Move on, Jam. Hayaan mo. Ngayon lang 'yan masakit. Kapag hindi mo na siya crush, maiinis ka na sa kaniya at mandidiri ka na."

Ako:

Nasa kuwarto kami. May pinag-uusapan lang.

Rue:

Nakailang bote ka na?

Ako:

Isa pa lang.

Rue:

That's enough.

Hindi na ako nag-reply at pinakinggan na lang ang dalawa. Lumabas din kami kalaunan at nakihalubilo ulit sa tatlong naiwan sa labas. Pabulong na lang na chinismis ni Sab kay Lava ang nangyari.

Pinagbuksan ako ni Jam ng isang bote ng beer. Hindi ko na lang tinanggihan. I was feeling a bit dizzy after finishing the second bottle. Kaya naman nagpaalam muna ako sa kanila na iidlip muna saglit sa loob.

Nagising na lang ako nang may tumapik-tapik sa pisngi ko. Then I saw Lava who looks reddish.

"Oh my god, I think my head is spinning," humalakhak siya. "Ryhs is waiting for you outside. Uuwi na raw sila."

Bumangon ako kaagad. Pucha! Naging mahabang tulog ang idlip ko!

"Ugh..." Lava moaned as she unhooked her bra. "Why do we need to wear bras? It's so annoying! Masakit at mainit!"

Lumabas ako ng kuwarto. Nagulat ako nang makitang lasing na si Ryhs dahil mukha na siyang inaantok at pulang-pula!

"Gagi. Nalasing kayo?" Nilapitan ko si Ryhs at inalalayan.

"Hi!" hagikhik niya. "I went inside the room to look for you but you were asleep! Hmp! Tinulugan mo 'ko! Katampo ka!"

Si Jam at Sabel, mukhang tinamaan na rin pero alam kong nako-control nila ang sarili nila. Si Ate Dexi, lasing na rin! Mabuti na lang at nariyan si Tita Celine.

"Umuwi na ang ibang kaibigan ni Eris," sabi ni Tita. "Uuwi na rin daw sina Ryhs, kaso sino'ng maghahatid? May tama na si Eris at Sovan, 'yung dalawa ring kainuman nila sa labas, hindi pwedeng mag-drive dahil nakainom."

"'Wag ka nang mag-aalala, Tita, ako nang bahala. Natulog naman po ako, hindi ako lasing. Ako na lang maghahatid sa kanila."

"Alam mo ba kung saan ang bahay ng mga 'yan, 'nak?"

"Opo, 'Ta. Magkakapatid sila kaya iisang bahay lang naman."

"Okay, sige," tumango siya. "Ros, ikaw na muna bahala sa mga bata rito."

"Sige, love."

Akay-akay ko si Ryhs habang palabas kami ng bahay. Sumunod naman si Tita. Nakita ko si Theus at Rue na mukhang papasok ata sa loob ng bahay pero naunahan lang namin.

"Grabe! Ang saya ng birthday ko na 'to!" sabi ng lasing ng Eris. "Thank you, Mama!"

"Mauuna na ho kami," ani Rue kay Tita. "Maraming salamat, Tita Celine."

"Walang anuman, pogi. Ihahatid na raw kayo ni Rai."

"Pogi? Ano'ng pogi, Ma?"

"Sov, pahiram ng susi mo muna," sabi ko kay Sov na halatang kargado rin ng alak.

"Sure, sure, baby," hinagis niya sa akin ang susi na agad ko namang nasalo.

"Rai, no need. We can handle it. I can still drive." Sabi ni Rue.

Tumingin ako sa kaniya at pinagtaasan siya ng kilay. I observed him. Hindi ko malaman kung lasing ba siya o ano. But I'm sure he's under the influence. Hindi ako papayag na maghawak siya ng manibela ngayon.

"Buksan mo 'yung gate," utos ko.

"Hindi na, Rai. I'm not dru-"

"Buksan mo."

Pumihit siya agad para buksan ang gate. Lumapit naman sa akin si Theus para kunin ang alalay kong si Ryhs.

"Rue can still drive a car even he's under the influence, Rai," mahinang halakhak ni Theus. "So don't bother. We can really handle it."

Hindi ko siya pinansin at lumabas na ng gate.

"Oh my god, Kuya Theus! I think I got really drunk!"

"Yeah, Athena. You're wearing your shoes the wrong way around."

Humalakhak si Ryhs. "Whatever! I'm just worried about our Feena! She's maybe waiting for us until now! I'm sure nagtatampo 'yon sa'tin because we left without her! I pity my baby!"

"We'll use Sov's car. Iwan niyo muna mga sasakyan niyo rito at bukas niyo kunin," sabi ko kay Rue at pinindot ang alarm ng kotse. "Pasok na sa loob, Rue."

"Kaya-kaya ko pa, Rai. Gabi na at mag-isa kang babalik-"

"Pasok na."

Nakita kong naglikot ang kaniyang panga. I thought he will object it, but he opened the backseat door. Pinagtulungan ng dalawang magkapatid na ipasok si Ryhs sa backseat.

"I'll take the front seat, Kuya."

Before Rue took the front seat, he opened the driver's seat for me.

"You're more than like a gentleman," halakhak niya at nilibot ang tingin sa mukha ko. "A pretty gentleman."

"Pumasok ka na."

"Yes, my boss."

As we all settled down inside, I revved the car.

"Fuck. I fucking get drunk so easily with beers," narinig ko si Theus sa likod.

"Your girlfriend will probably scold your ass tomorrow." Halakhak naman ni Rue.

Nagsimula kaming umarangkada. Nag-usap ang dalawang magkapatid, pero kalaunan nang nasa highway na kami, natahimik sila. I glanced at the rearview mirror. I saw Ryhs was resting her head against Theus' shoulder. Tulog na ang dalawa sa backseat.

Nilingon ko ang katabi ko. Rue was biting his lip while looking ahead and looks like smiling at something. Mukhang hindi rin inaantok.

"Hoy, Rue,"

He immediately turned to me. "Hmm?"

"Lasing ka ba?"

He smirked. "May lasing bang umaamin na lasing sila?"

Humalakhak ako at napailing. "Matulog ka na lang. Gigisingin na lang kita kapag nasa inyo na tayo." Tumutok ulit ako sa daan.

"Tingin mo makakatulog ako? You're here with me."

"Oh? Ano naman ngayon?"

Hindi siya sumagot. Sinipat ko siya. I saw him looking at me intensely. It's dark but and every time the light hit his face, his eyes glinted. Hindi ko mawari kung lasing ba talaga siya o ano.

"It's not good to sleep while you're driving."

"Hindi naman. Gusto ko nga ang mag-drive e. At natulog ako, kaya ayos lang."

He didn't talk anymore. Hindi na rin ako nagsalita. Bilang na lang ang mga sasakyan sa highway dahil anong oras na. Ngayon lang ako nakapag-drive ng ganitong oras. It feels so good to drive at night!

"Are you comfortable?"

I turned to Rue when he spoke. "Huh?"

"Do you feel comfortable when you're with me?"

Kumunot ang noo ko. "Oo naman. Bakit naman hindi? Tropa tayo e."

He chuckled softly. Pumikit siya nang mariin at sumandal. Para siyang may inindang kung ano. Lasing nga talaga 'to.

May pasabi-sabi pa siyang 'wag akong mag-inom masiyado, tapos siya pala 'tong malalasing sa aming dalawa?

"Ilang bote ng beer ang naubos mo?"

Nilingon niya ako. "Couldn't count. But we drank Captain Morgan too."

Napangisi ako. "You even told me not to drink too much, and here you are, more intoxicated than I am?"

Inilingan ko siya. Mababaw siyang tumawa.

"Your voice sounds so sexy, Rai..."

"Pakyu. Lalaki ako."

Paos siyang natawa. He murmured something I couldn't hear. Hinayaan ko na lang siya sa buhay niya.

We arrived at their residence. Pinapasok naman kami kaagad ng guard. Hindi ko na kailangan gisingin si Theus dahil kusa na siyang nagising sa masarap na pagkakaidlip.

"Ano, kaya mo ba?" Tanong ko kay Rue dahil mukhang hindi niya na kayang bumaba.

"I think... I need a little assistance. Can you, Rai?"

"Tsk,"

Lumabas kami ni Theus para akayin ang mga bagsak-sarado. I opened the shotgun seat. Hinawakan ko si Rue sa braso at sinabit sa balikat ko.

I heard him smirk. Hindi naman siya masiyadong mabigat, hindi rin naman siya masiyadong nagbibigay ng bigat sa akin.

"God..." he muttered. "I couldn't believe you're holding me like this."

Buhat-buhat na ni Theus ang walang malay na si Ryhs. May dalawang katulong na lumabas at mabilis na binuksan ang malaking gate nila.

"Thank you sa pagpunta ng birthday ni Eris," sabi ko sa kanila. "Sobrang saya ng kaibigan ko."

"Maraming salamat sa paghatid, Rai," ani Theus. "Tell Vescovos that we're thankful for the invitation."

Tumango ako. Huminto kami ni Rue sa malaking gate at pinaunang pumasok ang dalawa.

"Ihahatid na kita," aniya.

"Gago ka ba? Hinatid kita rito, tapos ihahatid mo 'ko pabalik?"

Nagulat ako nang umayos siya ng tayo. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at hinarap ako. Nakakatayo naman pala nang tuwid e!

"Thank you," he said genuinely. "Sa paghatid."

"Walang anuman. Sige na. Pumasok ka na para makapagpahinga ka na. Salamat din."

Hindi siya gumalaw. Tinitigan niya lang ako habang isa-isang pabalik-balik ang tingin sa mga mata ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

He took of his jacket. Pinanood ko siyang ipagpag 'yon at inamoy pa ng isang beses. Then he placed it on my back.

"Ampucha. Parang napapanood ko sa labas 'to, ah? Cringe mo, huy."

He chuckled.

"Thanks," he suddenly hugged me. "I appreciate your effort in sending us home safe."

Hindi ako umatras kahit nabigla ako sa biglaan niyang yakap. Mabilis din siyang humiwalay at pinakawalan ako.

He then held my shoulder. "Let's play a game."

I frowned. "Huh?"

"Magtropa tayo, 'diba? Gusto kitang makalaro. Let's play basketball. Kung may oras ka, bukas agad. I really want to play with you."

Tumaas ang kilay ko at napangisi. "Hinahamon mo ba 'ko, Vallejo?"

He smirked too. "Lalabanan mo ba 'ko?"

"Wala pa akong inaatrasan."

His smirk turned into a grin. "You're game, then?"

"G."

Napasinghap siya at mukhang tuwang-tuwa. Kulang na lang tumalon. Pangarap yata netong talunin ako e.

"Sige na, bounce na," tinapik ko ang braso niya. "Bounce na rin ako."

He looked at his watch. "Can we stay on call while you're driving?"

"Bakit?"

"I want to make sure that you're safe. Mag-uusap tayo habang nagmamaneho ka."

Tumango ako at hindi na pinatagal dahil baka abutin ako ng kaantukan sa daan. Isinuot ko nang maayos ang jacket. Kapapasok ko pa lang sa loob, tumawag na agad si Rue. Tinanaw ko siya sa labas. Sumaludo ako sa kaniya. He saluted back.

I appreciate Rue for that stay call while I was driving. Siniguro niya talagang hindi ako aantukin. Tanong lang siya nang tanong at sagot din naman ako nang sagot. We just talked about school and nonsense things. He entertained me well.

"Nahatid ko na po sila," sabi ko kina Tita Celine at Tito Eros na naghintay pa talaga sa labas ng gate.

"Salamat, Rai, ha? Buti na lang at marunong ka nang mag-drive. Ikaw na lang ang natirang matino."

Natawa ako. "Wala 'yon, Tito."

I looked at my watch. Pasado ala una na.

"May biko pa ba, Tita? Nagutom ako bigla."

"Meron pa! Nagtira talaga ako para sa'yo. May pansit din at shanghai."

Kumain ulit ako ng biko at pansit habang kakwentuhan sa sala si Tito Eros at Tita Celine. Nagpasalamat ulit sila sa akin bago ako pumasok sa kuwarto para makatulog na. Bagsak na ang lima kong kaibigan at ang kalat ng posisyon nila. Hindi ko alam kung saan ako pupwesto.

Sa may paanan na lang ako ni Eris sa lapag humiga. Before I turned off the Wi-Fi on my phone, a chat popped up from Rue on Messenger.

Rue Vallejo:

Thank you for today. You made me happy, Chef. See you tomorrow.

Rai Almendarez:

👍🏻

Dahil mabigat sa tiyan ang biko, mabilis akong nakatulog. Gutom na gutom ang lima nang mag-umaga.

"Seryoso? Si Rai naghatid?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eris habang kumakain ng sinangag.

"Sa ating anim, ako na lang natirang matino," mayabang kong sabi. "Hihina niyo. Mga low tol. Walang mga angas."

"Hoy! Alam ko natulog ka ah!" dinuro ako ni Jam ng hotdog. "Kaya nawala lasing mo!"

"'Di ah,"

"Siya naghatid," sabi ni Sab. "Nagpapakitang gilas sa mga Vallejo na marunong na siya mag-drive."

"Angas mo naman pala," ngisi ni Sov. "'Wag ka lang tutulad kay Eris."

"Ako na naman nakita mo, tol."

Nakitawa sa amin si Celeng na tahimik na kumakain. Naunang natapos si Lava at tumayo kaagad, na hindi niya madalas gawin dahil naghihintayan kaming matapos ang lahat sa pagkain.

"Bakit, Lab?" tinanong ni Eris ang tanong naming lahat.

"I-I need to go home. Nag-text si Daddy. They are at the house."

Nagkatinginan kaming lima. Minadali ko agad ang pagkain.

"Three minutes. Hatid ka namin. Sabay-sabay na tayong umalis." Sabi ko.

Tumango si Lava at umupo ulit. Balisa na siya. Wala nang nagsalita sa amin at nagmadali na sa pagkain.

Nagpaiwan si Eris at Jam para magligpit ng pinagkainan namin at natitirang kalat mula kagabi. Kaming tatlo ni Sov at Sab ang maghahatid kay Lav.

Paglabas namin ng gate, siya ring pagdating ni Theus at Rue. Nahinto tuloy kami sa pagmamadali.

"We'll just take the cars. Aalis na rin kayo?" Tanong ni Rue.

"Oo, Rue. Nasa loob si Eris. We're rushing off. Kita na lang tayo mamaya sa practice."

Rue and Theus nodded. Tumingin ako kay Rue. Sabay pa kaming tumango sa isa't-isa.

Naalala niya ba ang sinabi niya kagabi? Mukhang hindi na. Gusto niyang makipaglaro sa akin pero parang limot niya nang hinahamon niya ako. No problem.

Sa Manila namin hinatid si Lava kung saan ang bahay ng pamilya niya. Hinatid naman ako ni Sov sa Mandaluyong at bumalik siya ng Pasig para maihatid din si Jam.

"Hoy, saan ka galing?! Umaga na!"

Napapitlag ako sa gulat nang bumungad sa akin si Mama pagbukas ko ng pinto ng bahay. Nakapamaywang siya at may face mask pa sa mukha.

"Aatakihin ako sa puso sa'yo, Irene!" sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

"Where have you been?!"

"Nag-text ako sainyo ni Papa ah. 'Di mo nabasa?"

"Nabasa!"

"Oh? Sabi ko kaya sleepover," halakhak ko. "Birthday ni Eris, Ma."

Umirap siya. "Kiss mo 'ko! Kiss mo 'ko para 'di na ako magalit!"

Hinalikan ko siya sa noo kahit alam kong malalasahan ko ang pait ng face mask niya.

"Kanino 'yan jacket? May ganiyan ka bang jacket?"

Tumingin ako sa jacket kong nakasampay sa braso ko.

"And your perfume doesn't smell like that, Rivalry!"

Nagkamot ako ng ulo. Ayaw kong umamin dahil aasarin niya lang ako kahit wala namang malisya. Ganiyan 'yan sila e.

"Tropa lang, Ma."

"Tropa? O tropapa?"

Kinilabutan ako kaagad. "Baho, Ma."

"Did you date a man?!"

"Malabo pa sa sabaw ng pusit."

"Oh my god?!" OA niyang tinakpan ang bibig. "Nakipag-date ka na ganiyan ang hitsura mo?! Your shirt is crumpled and your hair is messy! Parang 'di kita pinapakain!"

Nagkamot ako ng ulo. Lumabas si Papa mula sa kitchen at mukhang nagluluto ng breakfast. Hindi ko alam na umuwi pala sila kagabi rito.

"Awatin mo 'tong asawa mo, Harold."

"Oh my god, my darling! Your daughter just dated a man!"

Umakyat ako sa taas habang pinagpapatuloy ni Mama ang mga espekulasyon niya. Nang tapatan ko ang salamin ng kuwarto ko, mukha nga akong dugyutin.

Gusot-gusot ang puti kong t-shirt at may mantsa pa ng mga kanin-kanin ang short ko.

"Gwapo ka pa rin, kahit anong gawin." Sabi ko at binaril ang sarili sa salamin.

Naligo ako at nagbihis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong araw. Mukhang hindi kami ulit magsasama-sama ngayong anim para maglaan naman ng oras sa pamilya.


👨🏻‍🍳 FAMtastic6 👩🏻‍🍳🍳

lilshawtyjam: Dear, mga plastik kong friends.

Nais kong ipabatid na sa susunod na Linggo ay wala munang mag-aaya ng gala. Sa kadahilanang gipit ako, simot ako, at dos na lang ang laman ng wallet ko. Maraming salamat.

Nagmamahal, mamamayan.

Habang nagta-type ng maraming tawa, lumambitin sa taas ang abiso galing kay Rue. Naningkit ang mga mata ako habang binabasa 'yon.

Rue:

All set. Let me know if you want to get picked up.

"Ampucha. Talas ng memorya kahit lasing kagabi, ah."

Syempre, hindi ko siya aatrasan.

Ako:

Ako na pupunta diyan. Sana masarap meryenda niyo.

Ayaw kong magpasundo dahil aasarin lang ako nina Mama. Baka isipin nilang umiibig na ako sa isang lalaki.

"We'll have dinner together, okay?! Be home before seven! Puro ka gala!"

"Yes, mother! Labyu!"

Nagpahatid ako kay Kuya Ibar. Alas dos na ng hapon. Hindi naman ako magtatagal kina Rue, siguro mga dalawang oras lang. I also updated Ryhs that I'll be going to their house right now. Gagawa raw siya ng shawarma para sa akin.

Pagdating ko sa McKinley Hill, nag-chat na ako kay Rue.

Rai Almendarez:

hoy dito na me baba na u

Isang katulong ang takbong lumabas na nakangiti agad sa akin. Pinagbuksan niya ako ng malaking gate.

"Magandang hapon, Ma'am Rai. Hinihintay na po kayo ni Sir sa taas."

Tumango ako. "Hatid niyo po ako sa kaniya. Baka maligaw po ako."

Tumawa si Manang. "Sure, Ma'am. Tara po. Katatapos lang magluto ni Sir ng meryenda e."

Pumasok kami sa loob. Dahil umaga, kitang-kita ko ang karangyaan ng buong bahay nila. Triple sa laki ang bahay nila sa amin. Modernong-morderno at bakas na bakas na hindi lang isang daang milyon ang halaga. Na-curious ako kung ilan ang floor kaya nagtanong ako.

"Ilang floor merong 'tong bahay nila, Nay?"

"Hanggang fourth floor po. May rooftop pa."

Yaman! Alam ko, marami silang bahay dito sa Manila. I'm glad the Vallejo siblings don't brag their wealthy. Sobrang yaman nila. Sabagay, pamilya sila ng mga doktor.

"Si Ryhs po?"

"Nasa kitchen po, Ma'am Rai, may niluluto. Si Sir Theus 'tsaka si Senorita Feena, naliligo sa pool."

"Rai na lang po, Nay."

Tumango si Manang. 'Di 'ko minsan gusto na tinatawag akong 'ma'am' e.

Umakyat kami ni Manang sa fourth floor at nagsisi akong sinama ko pa siya. Hindi siya nagreklamo pero mukhang nanakit ang mga tuhod niya! Tanga-tanga mo, Rai!

"Ayan po si Sir," ani Manang nang buksan ang pinto ng rooftop.

Tumango ako at ngumiti kay Manang. "Salamat, Nay. Pasensiya na at mukhang nanakit pa po yata ang tuhod niyo."

Humalakhak ang ginang. "Wala 'yon. Sanay na sanay na akong mag-akyat-baba rito. Ehersisyo na rin."

Nagpasalamat ako ulit kay Manang bago tuluyang pumasok. Naka-shoot mula sa three-point line si Rue bago niya napansin ang presensya ko. Pumameywang ako at lumapit. Nakapameywang din siyang lumapit sa akin, habang hinahagod sa akin ang tingin.

"Ready ka na matalo?"

He smirked. "Couldn't tell. I know you're a good athlete. Ayaw kong magsalita ng tapos."

Humalakhak ako. "Pasadahan na ba natin agad?"

"Kumain ka na?"

I nodded.

"Digest first before we'll start. Baka manakit ang tagiliran mo."

Tumango ako at nilapitan ang monobloc. May lamesa roon at may maliit na oven. Nagbukas ako ng isang chips. Feeling feel at home.

"May duty kayo?"

Binaliktad ko ang monobloc at pabaliktad na umupo. I'm wearing black jersey shorts and white sleeveless shirt. Ayos lang kung ganito ang upo ko, mas kumportable.

"Yeah. Eight hours. Mamayang gabi," kinuha niya ang bola.

"Last year niyo na sa college, noh? Tapos lilipat ka na sa med school?"

"Yeah. Medyo malayo rito ang napili naming medical school ni Ryhs."

"BS Biology ka, 'diba? Doktor talaga pangarap mo, Rue?"

Nilingon niya ako. "Interesado ka, ah? May I know why you're suddenly interested in my life?"

Umismid ako. "'Diba pwedeng nagtatanong lang 'yung tao?"

He fired a shot. "I'm proud of my father and mother. Sila ang dahilan kung bakit gusto naming tatlo na maging doktor."

Sinundan ng mga mata ko ang kumpas ng bola. Bumanda muna 'yon sa board bago nalaglag sa net. Nagsalpak ako ng chips sa bibig ko.

"Ah. Kaya naging pangarap mo na rin?"

"Hmm."

Angas.

"It feels so good to watch them operating on a patient during surgery. Si Dad ang madalas na may inooperahan. All the surgeries they undertake have been successful. Wala pang namamatay na pasyente sa mga kamay niya. Sa mga kamay nila."

Namamangha akong nakinig. Ang gagaling at tatalino nila! Nakaka-elibs!

"I want to become a neurosurgeon," lumapit siya sa akin. "I want to save lives."

"That's mostly the dream of the people who want to be a doctor. To save lives, and prolong human lives."

He nodded. "So if you're hurt, I'll rescue you."

Naasiwa ko siyang tiningnan. "Medyo corny ka diyan."

Natawa siya at biglang inagaw ang chips ko. Hindi ko na nahablot pabalik dahil ipinagpag niya na sa bibig niya hanggang maubos. Binalik niya sa akin ang basura. Kinuha ko naman at nilapag sa mesa kahit gusto kong mag-implement ng violence and abuse.

"Pasalamat ka nasa teritoryo mo ka," sabi ko.

"Salamat."

Inismiran ko siya at tumayo. Uminom ako ng tubig para maagang pamatid-uhaw. Nagpalit naman ng sapatos si Rue.

"Wow. Dior Air Jordan,"

He smirked at me and looked at my white shoes.

"Wow. Adidas."

"Sale ko 'to nabili kaya mura lang."

"Looks good on your feet," ngumiti siya. "I also want that."

"Inggitero. Walang originality."

Tinawanan niya ako habang nagpapalit ng gray sleeveless shirt. Kinuha ko ang bola sa lapag habang hinihintay siyang matapos.

Tumira ako sa tres. Inabangan ni Rue ang pagbaba no'n at sinalo. Nagseryoso naman ako.

"Pustahan?"

"How much do you bet, then?"

"Vitamilk, siomai, kwek-kwek. Ikaw?"

"Bourbon Shrimp."

I squinted my eyes at him. "Wala pang isang daan 'yung akin, tapos sa'yo lagpas kalahating libo na? Luge."

"Vitamilk, siomai, kwek-kwek, for a month."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ka?! Gaga! Edi nagsawa ako no'n! Sige, deal sa one week na lang!"

"Runs?"

"Ten minutes. Two."

Tumango siya at pinasadahan ng kamay ang buhok. He went serious. Gano'n din ako. Mukhang ako una ang maglalabas.

"Show me something," sabay pasa niya sa akin ng bola.

At ako pa nga ang hinamon.

I smirked and dribbled the ball in front of him. Hindi niya dinepensahan kaya gumalaw na ako. Padalbog kong idinaan ang bola sa nakabukas niyang mga binti na walang palpak kong nagawa. Alerto si Rue at narinig ko pa siyang ngumisi.

I directed the ball towards the headboard to make it bounce back. Sunod nang pagbanda, ang pag-shoot. Nakuha ko agad ang puntos.

Pinasa ko kay Rue ang bola.

"Bilib ako sa stamina mo, Rai," seryosong sabi ni Rue. "Hindi mo nabibitawan ang bola. Hindi ko pa nakitang dumulas sa mga kamay mo ang bola. It's... stupefying."

Wala akong binigay na reaksyon.

"You're a thrill."

Sa bawat depensa ko kay Rue, natatakasan niya. Alam niya kung paano ako takasan. Protektadong-protekdo sa kamay niya ang bola. Despite my tight defense and offense, his intense defensive and offensive don't go down.

Namamangha ako sa mga inside shots niya at ikinamamangha niya rin ang mga outsides shots ko. Masiyadong matangkad si Rue kaya simpleng taas lang ng mga kamay, pwede niyang maagaw sa akin ang bola.

"Fuck!"

Humalakhak ako nang mauto ko si Rue sa isang crossover at step-back jumper dahilan ng pagmumura niya.

"Fucking ankle breaker."

I winked at him after that shot. His jawbone tightened like he was so intense.

Nang siya na ulit, pinakitaan niya ako ng isang euro step into reverse layup. Bumangga ang dibdib ko sa dibdib niya dahil sinabayan ko siya. He immediately held my elbow securely.

"Hanep! 'Yon talaga ang ankle breaker!" sabi ko at nagpagpag ng mga kamay. "Lapad ng dibdib mo, luge ako!"

He chuckled. "Does your chest hurt?"

"Hindi." Wala namang masasaktan dahil wala naman akong boobs. Which I was thankful for.

We had many collisions during the game. Tuwing tumatalon ako at sinasabayan siya, nakaantabay agad siya sa akin. Alam kong nag-iingat lang siyang baka matapilok ako at mamali ang pagbagsak ko. Hindi maganda ang kalalabasan no'n.

Matapos ang isang run, nagpahinga muna kami. Nagsalok ako ng baso at uminom. Si Rue naman, nagbukas ng Gatorade habang nakataas ang damit. Pareho na kaming paguran at pawisan.

"Pota," sabi ko nang may ma-realize. "Wala akong dalang damit."

"I'll lend you some shirt later," agap agad ni Rue. "Hindi ka dapat nagpapatuyo ng pawis pagtapos ng laro. Tatrangkasuhin ka."

"Alam ko, Doc."

Nagpatuloy kami sa pangalawang run nang bigla na lang bumuhos ang ulan. May mataas na bubong naman kaya hindi kami mababasa.

"Ulanin talaga kapag ganitong buwan na," sabi ko habang nagdi-dribble. "Sarap sana maligo habang naglalaro."

Sa pagsalaksak ko, muntik na akong matisod. Sa bilis ni Rue, agad kong naiwasan ang posible ko sanang paglagapak ng dibdib.

"Shit," Rue hissed while his arm was on my chest to keep me from falling.

Umayos agad ako ng tayo. "Medyo madulas na 'yung sahig dahil sa pawis natin."

"Let's stop yet. I'll just mop."

Tumango ako at tinulungan siya sa pagpupunas. Matapos patuyuin ang sahig, pansin kong humina ang depensa ni Rue. Dikit lang ang score namin. Lamang lang siya ng isa.

"Lapit, Rue," hamon ko.

Seryoso lang siya at hinayaan ako. Hindi siya umabante at hindi ako isiniksik tulad ng ginawa niya kanina. Sa ilang minuto, natapos ang laban, at natapos din ang ulan. Nanalo ako sa apat na puntos.

"Oh! Talo ka! Hina mo!" Sabi ko sa kaniya.

Hinagod niya ang kaniyang basang buhok at humalakhak.

"You won, Rai. Being a woman doesn't really mean they can't handle what men can do."

"True. Pero lalaki nga kasi ako."

Naglahad siya ng kamay sa harap ko. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Congrats," he said seriously.

I took his hand. "Thank you, Rue. It was good sportsmanship."

"And a good rivalry."

I smiled genuinely. We shook hands. Mula sa kaniyang likod, nakita ko sa kalangitan ang bahaghari.

Binitawan ko ang kamay niya at agad na lumapit para matanaw nang mas maayos ang nakita ko. The rainbow left me speechless.

Bihira lang ako makakita ng ganiyan. At tuwing nakakakita ako ng ganiyan, hindi ako makapaniwala. I couldn't believe that something like that, exist. A very beautiful thing that exist... perfectly.

"That's you," I heard Rue behind me. "They are you."

Hindi ko siya nilingon. My lips were parted while looking at the rainbow. Dahil nasa mataas kaming palapag, tanaw na tanaw ko ang lawak no'n. Kung saan nagsimula, at kung saan nagtatapos.

Sila ang paborito kong iginuguhit noong bata pa ako. Since when I was young, I felt so connected with them.

"They are like you... beautiful. Unreachable hues."

Nilingon ko si Rue. "Ano'ng sabi mo?"

"Rainbow reminds me of you," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. "Hindi araw-araw nakikita, pero napakaganda kapag nagpapakita."

I looked back at the skies again. Wala ng bakas ng pag-ulan pero ang bahaghari ang nagsasabing umulan. Maraming beses ko nang hiniling noong bata pa ako na sana, hindi lang sa pagtatapos ng ulan o bagyo sila nagpapakita.

"I'll just get some shirt for you, Rai. Stay here. Kakain din tayo ng meryenda."

Tumango ako nang hindi lumilingon. Natigil ako nang maulit sa sistema ko ang kanina-kanina lang na sinabi ni Rue.

If rainbow reminds him of me... does that mean... just don't, Rue. Don't go there anymore. Let's leave it.

Because the rainbow, is like me, after all. A rainbow's hues never change, much like my feelings. I can only love those who are like me—those who beam in the same spectrum. We can't paint both colors, Rue. We can't mix contrasting shades. Because our hues will never blend.

Continue Reading

You'll Also Like

697K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
60.1K 1K 57
Years after breaking Iouis Euro's heart, Cara Maldevaron found herself getting intertwined into her ex's life. Both from prominent family of lawyers...
2.3M 150K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
989 288 62
3rd Installment of VIIscape Series ─━━━━━━⊱ 🎼 ⊰━━━━━━─ VIIscape member-Jairus Kevin Quiliza dreams to be a drummer. That's why, when he saw a post...