Kabanata 21

19K 476 153
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 21


"First day na first day, injured ang gago,"

Hinalo ko ang noodles sa cup. I hissed and shook my head at Eris. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o pagtatawanan siya sa sinapit niya.

"Malay ko ba, Jam? E sa mali pag-landing ng paa ko e."

"Ay nako! Ang bobo naman ng paa na 'yan!" sabi ni Sab.

Eris is currently lying in a hospital bed. Narito kami sa clinic dahil masama ang pagkakatapilok ng paa niya kanina sa practice nila.

"Oh," nilahad ko sa kaniya ang mainit na cup noodles. "Humigop ka muna ng sabaw."

"Kung subuan mo na lang kaya ako?"

"Ano ako, mama mo?"

Umirap siya at kinuha ang mainit na cup sa kamay ko. Naka-uniform pa kaming lahat. Mahaba ang breaktime kaya naisipan naming sumama sa practice ng Cerberus. At tingnan mo nga naman kung papalarin si Vescovo.

"It was swelling earlier. I hope it heals quickly," ani Lav at hinaplos ang benda sa sakong ni Eris. "'Wag ka kasing magpabida agad kapag dumaan ang crush mo."

Inubo si Eris at tumalsik pa ang dalawang mahabang noodles sa bibig niya. Napalayo ako at pinahid ang braso dahil tumalsik ang nakakadiri niyang laway na may virus.

"Hindi ako na-injury dahil do'n, ah!"

Tumanggi pa nga.

"I saw you! Pagdaan ni Aquila, you twisted your foot! Don't deny it Eris!"

Tumawa ako. "Na-injury na nga, 'di pa napansin."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Can't my own business mind you?"

"Ano?!"

"Baka 'mind your own business', bobo!" humagalpak ng tawa si Jam.

"Si Aquila Mieres 'yung usap-usapan na magiging bagong muse, 'diba?"

Tumingin ako kay Sabel. "Aquila Mieres pangalan niya?"

"Oo."

"Gago, Rai, straight 'yon." Eris narrowed his eyes at me.

Napahawak ako sa dibdib ko. "Nagtanong lang ako?!"

Naghagalpakan sila ng tawa.

"Kawawang Eris! Scared of being outdone by a girl!" Lav teased him. "You're always weak, Vescovo!"

My phone suddenly rang. Sinilip ko sa bulsa ng skirt ko kung sino'ng tumatawag. Sov.

"Hey, what's up? Tangina, on the way pa lang ako."

Tumawa ako. "'Yan, inom pa. Three hours ka nang late."

"Naka-JoyRide lang ako. Sa'n kayo? Ano'ng subject ba ngayon? Hindi ko pa kabisado sched natin."

"Class break pa naman, Sov. Dito kami sa clinic ng univ."

"Ha? Why?"

"Na-injury ang pinakamatalino sa'tin."

"Bobong Eris talaga!" malakas siyang tumawa. "Wait up, we're speeding up. Didiretso ako diyan."

"Okie dokie. Ingat, aports."

Pumasok ang nurse at sinabihan kaming lumabas muna. Nagpresenta na ako na ako na ang kukuha ng damit ni Eris kaya bumalik ako sa university, diyan lang naman sa tapat at hindi na kailangan sumakay.

I went to men's locker at the gym. Nakasalubong ko ang ilang kakilala at nag-apiran bilang bati.

Habang naghahalughog ng mga gamit ni Eris, biglang may nalaglag na papel sa lapag. I looked down and saw a pink envelope. Kinuha ko 'yon at tiningnan.

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon