Kabanata 11

21K 703 352
                                    

Hues After The Rivalry

Kabanata 11


Tulad ng napag-usapan namin ni Rue, tanghali, nag-text na siyang papunta na sa binigay kong address dala-dala panigurado ang sangkap ng lulutuin ko ngayon. He took my number even though he could have just messaged me on Messenger or Instagram.

"Kadiri kayo! Talagang may usapan lang kami nung tao! Balikan lang ng mabubuting gawain," iirap-irap at walang sigla kong paliwanag sa lima na katawagan ko ngayon sa Messenger video call.

"Tirador ka pala ng Vallejo ha! Alam mo, Rai, kung nahihiya kang i-reveal na may crush ka ng lalaki, ayos lang! Maghihintay kaming mag-reveal ka!" Parang tangang kantyaw ni Jam.

"Kinikilig ako! You know we've been waiting for this! We're always wanting you to have a boyfriend! And now it's happening!" Sige rin ang asar ni Lava.

"Rai, pinagpapalit mo na ba ako? Nasasaktan ako, honestly," madramang sabi ni Eris. "This is paining. You're paining me."

Binalita ko sa lima kung sino ang makakasama ko ngayon. Una nagulat, kalaunan nang-aasar na. As if naman nagka-crush na 'ko sa lalaki! Kadiri!

"Kingina niyong lahat! Bahala kayo! Mamaya na tayo mag-usap!" Pinatay ko ang MacBook ko atsaka tiniklop.

Wala akong mapapala sa asar ng lima kaya dapat talaga hindi ko na sinabi. Alam ko namang pararatangan nila ako ng ganito. May sleepover sila mamaya rito sa amin kaya naisipan ko rin sabihin. Na sana hindi na talaga!

I called our helper to help me clean our house first. Isang buwan ko nang hindi nalilinisan ang bahay namin at medyo kulang na sa alaga. Ayaw pa naman ni Mama makakita ng lumilipad na alikabok dito sa bahay. Hindi naman ako burarang anak kaya hindi ko pinapabayaan ang bahay naming ito.

White Adidas tennis short at black tank top ang sinuot ko matapos maligo. Sinuklayan ko ang buhok kong hindi sumasayad sa balikat. Pagtapos kong bumaba ay nagpasalamat ako sa aming one call away helper.

Umupo ako sa sofa para makibalita kung nasaang lupalop na ba napunta si Rue. I'm expecting him with somebody. Violet, to be exact.

Nakarinig ako ng dalawang tunog ng doorbell. Ang bilis ng pagkakatayo ko bigla. Kinapa-kapa ko ang mukha at buhok bago takbo-lakad na lumabas para pagbuksan... si Rue.

Malaking supot ang bitbit niya sa isang kamay, 'yon agad ang napansin ko.

"Ang dami mo namang dala!" sabi ko habang binubuksan ang gate namin. "Good noon, anyway!"

He's wearing gray sweat shorts, a black shirt, sneakers, and a black wayfarer. I was a bit surprised to see him in that fine mannish outfit. Fine but kind of bossy in his physical appearance.

"Good noon," he replied back and smiled. "Was I late?"

Hinawakan niya ang temple ng wayfarer. Pinitik niya sa dibdib ang temple tip para magalaw ang hinges no'n atsaka sinabit ang temple sa dulo ng pa-V niyang damit. He suavely done it. Mata sa mata kaming nagkatinginan.

"Hindi ah. Sige, pasok ka!" malawakan kong binuksan ang gate. "Wala ka bang kasama?"

"No. I'm alone," mabilis niyang sabi. "What about you here? Are your friends here?"

"Wala pa. Mamaya pa silang hapon," sabi ko at ni-lock ang gate. "Tara pasok tayo sa loob."

I think, hindi naman siya magtatagal dito. Siguro isang oras tapos na kami. Ang usapan lang naman namin ay lulutuan ko siya because that was he demanded.

"How's Ryhs? Bakit hindi mo sinama?" tanong ko habang pumapasok kami sa bahay.

"She's really busy. Our midterm isn't done yet. May dalawang araw pa," sagot ni Rue na nakasunod sa likod ko. "Do you have spare slippers here? So I could remove my shoes."

Hues After The Rivalry (Achievers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon