Love Constellation (On-Going)

By MyNameIsJustMae18

144 42 6

Description "Connecting..." "Connecting..." "Error..." "Loading..." "No Signal..." "Error..." "Loading..." "0... More

Love Constellation (START)
Chapter 1: «Updating...»
Chapter 2: «Astra's Memories Absorbing»
Chapter 3: «Sleeping...»
Chapter 4: «Where's My Signal?...»
Chapter 6: «About the Delphinus Family...»
Chapter 7: «The Clingy Astra...»
Chapter 8: «More Clingy Astra...»
Chapter 9: «The Twin...»
Chapter 10: «The Emotionless Astra...»
Chapter 11: «Friend...»
Chapter 12: «Foolish Astra...»
Chapter 13: «Amazing World»
Chapter 14: «The Unexpected Pageant...»
Chapter 15: «Killian's Wife...»
Chapter 16: «The News...»
Chapter 17: «Anger For Pageant...»

Chapter 5: «The Signal Is Here...»

7 3 1
By MyNameIsJustMae18

Chapter 5

«The Signal's Is Here...»

"PATI ba ang pagsubo ay nakalimutan mo nadin,"

Napapikit pikit si Astra habang nginunguya ang isinubong pagkain ni Killian sakanya.

Tumango naman si Astra bilang sagot sa tanong nito. Isa iyong katanungan kaya normal lang na sumagot siya. Well, kung hindi siya tumango, baka maging suspicious na si Killian sakanya. Baka malaman pa nitong hindi niya pala nakalimutan ang alaala niya.

"Baka pati pagligo ay nakalimutan mo nadin, ah. Ayaw mo namang pati pagligo ay tutulongan pa kita diba?" Muli siyang sinubuan ni Killian.

Nagtatakang napatingin si Astra sa binata bago tumango.

'Kaya ko naman atang maligo. Isa lang itong basic na paraan ng paglilinis sa katawan'

Napakunot noo si Killian nang makita ang reaksyon ni Astra. Nagtataka siya kung bakit ang simpleng pagsusubo ay nakalimutan ng babae.

Talaga nga bang naging tanga na ang asawa niya?

Habang pinapanood ang pag-nguya at pagtataka sa mukha ni Astra, hindi mapigilan ni Killian na mapa ngiti.

Mas gusto niya ata ang Astra na ito. Sobrang dali lang pagsabihan at talaga namang nakikinig sa sinasabi niya.

Naalala niya tuloy ang nakaraang Astra na siyang dahil sa pagsisisi sakanya, idinadahilan nito ang pilit na pagpapakasal kaya hindi man lang ito nakikinig sa mga sinasabi niya. Alalang alala niya pa nga ang palaging masamang tingin ng babae tuwing nakikita siya nito.

Ni minsan din ay hindi sila tumatagal sa iisang kwarto dahil ayaw na ayaw ng nakaraang Astra na nasa iisang kwarto sila dahilan halos dalawang buwan na natutulog si Killian sa sala ng bahay.

Tsaka sa loob ng dalawang buwan na ito, ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng maayos na pag-uusap. Pati ang galit at pagkakainis ng pamilya niya kay Astra ay naiintindihan niya.

Wala kasing ginawa ang babae kundi ang manatili sa kwarto nito o kaya'y gumala sa labas, nakikipag chikahan sa ibang babae at mukhang wala itong binabalak na maging normal na housewife dahil wala man lang siyang ginawa upang makatulong sa bahay.

Kahit naiintindihan ni Killian ang dahilan ni Astra. Hindi niya padin gusto ang inaakto nito sa sarili niyang pamamahay. Ngunit wala siyang magagawa dahil ang pamilya niya ang nagpilit ditong pakasalan siya.

Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang gusto kay Astra at sa isipan niya, gusto lang ng Lola Lara niyang magkaroon ng apo sa tuhod na nanggaling sakanya.

Aware si Killian na siya ang pinakapaboritong apo ng lola niya ngunit naiintindihan niya din na isa sa mga dahilan kung bakit gusto siya ng lola niya ay dahil sa kulay berde niyang mata.

Kahit anong sabihin ng Lola niya ay nakahanda siyang sundin ito dahil malaki din ang utang na loob niya sa matanda. Simula kasi ng dumating ito galing sa syudad naging mas mabuti na ang buhay ng pamilya nila lalo na ang kalagayan niya.

Sa isipan pa ni Killian, ang dahilan kung bakit pinili ni Lola Lara si Astra kahit pa malaki ang pagkaka digusto nito sa dalaga ay dahil sa magandang mukha nito. Para kay Killian, ang dahilan nga ng pag pilit na pagkakasal nilang dalawa ni Astra ng matanda ay para sa apo sa tuhod. Siguro'y gusto ng matandang magkaroon ng apo sa tuhod na mayroong berdeng mata.

Sa ngayon, nakahanda na siyang tupadin ng kagustuhan ni Lola Lara.

Hindi niya nga lang alam kung paano magsimula dahil sa walang alaalang si Astra.

Naisip niya pang, baka ang pagkakaroon ng anak ay nakalimutan na ng babae dahil sa simpleng pagsusubo nga lang ay nakalimutan nito.

"Wala ka talagang maalala? Pati tungkol sa sarili mo?" Pagtatanong ni Killian.

Napahinto naman sa pagnguya si Astra tsaka mukhang nag-iisip o iniisip pa ang naalala nito.

Nang tumingala, habang deretso ang tingin kay Killian, umiling ito.

"Wala ka talagang maalala?" Muling napa kunot noo si Killian.

Simula nang makauwi sila sa ospital ay hindi niya na nadidinig ang pagsasalita ng babae.

Sigh, mukhang hindi nga lang tanga ang asawa niya pati ang pagsasalita ay hindi na nito magawa.

Walang kaalam alam si Astra sa iniisip ni Killian dahil ang dahilan lang naman kung bakit hindi siya nagsasalita ay dahil natatakot siyang baka iba ang tono ng pananalita niya tulad ng ikinagulat ng ina niyang si Samira ng madinig siyang magsalita sa ospital.

Kahit na artificial intelligence siya, hindi niya talaga kaagad maintindihan ang tono ng pananalita ng isang lenggwahe. Kung kaya niya lang mag search ng mga movies o teleserye, siguro'y nakuha niya na ang tono ng pananalita ng mga tao sa mundong ito ngunit ngayong hindi niya iyon magawa, ang tanging paraan niya nalang upang maintindihan ng maigi ang pananalita ng mga tao sa mundong ito ay ang makinig sakanila habang nagsasalita.

Ilang minuto ang lumipas.

Ang katatapos lang kumain na si Astra ay parang lantang gulay na nakasandal sa gilid ng kama.

«Report! 09% energy...»

«Energy reducing is faster...»

«Update the system to make every percentage longer...»

Hindi inaasahan ni Astra ang dahilan kung bakit sobrang bilis nabawasan ng energy niya kahit hindi niya naman ginagamit ang system.

Hindi lang talaga para sa advance system ang kinakailangan niya dahilan kailangan na kailangan niyang makasagap ng signal.

Kung hindi siya makapag-update, talagang mananatili siyang walang kwenta sa mundong ito.

"Maligo ka muna bago matulog," Inilagay ni Killian ang pares ng damit pang tulog at isang towel.

Ang walang ganang si Astra naman ay hindi gumalaw at tanging tinignan lang ang inilagay ng lalake sa harapan niya.

'Siguradong mababawasan na naman ang energy ko. Sigh, gusto ko nalang matulog', ani pa ni Astra sa sarili.

"Ano? Akala ko ba kaya mong paliguan ang sarili mo? Gusto mo bang ako pa ang magpaligo sayo?" Walang bahid ng inis ang boses ni Killian kaya ramdam ni Astra na hindi ito nagagalit sa pagiging tamad niya.

Tumingin si Astra sa binata.

At si Killian naman na naghihintay kay Astra na gumalaw ay bahagyang napahinto nang makita ang mapupungay na mata ng dalaga.

Muli ay para siyang kinuryente dahil sa itsura ni Astra. Bumilis ang tibok ng puso niya na para bang maya't maya ay mawawalan na siya ng hininga.

'Sigh! Alam kong maganda na siya dati pa pero... Ang itsura 'to? Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siyang ganito...',

Nakakaakit para sa paningin ni Killian ang mukha ni Astra. Napaisip pa tuloy siyang maayos lang bang umakto ng ganito palagi ang asawa niya.

Baka sa susunod na araw ay hindi niya na mapigilan ang sarili at talagang ibigay na ang lahat ng kagustuhan ng babae.

"Gusto mo ba talagang ako ang magpaligo sayo?", Paglilinaw ni Killian.

Kailangan niya talagang ilinaw dahil simula ng maging mag-asawa sila, hindi man lang hinahayaan ng dating Astra na mahawakan niya ito, ni isang hibla ng buhok ay bawal.

Si Astra naman ay napahinto habang nakatitig sa pares na mata ng binata.

«Signal detect...»

«Continuing updating the new version...»

«Updating processing, 09%, times left 20 hours»

«Updating processing, 10%, times left 20 hours»

«Updating processing, 11%, time left 19 hours»

«Updating processing, 10%, time left 20 hours»

«Updating processing, 12%, time left 19 hours»

«Updating processing, 12%, time left 19 hours»

«The signal is disappearing...»

«Searching where the signal came from...»

«Searching...»

Ang pares na mata ni Astra ay bumaba sa dibdib ni Killian.

«The heart rate's increase, 65 to 115 beats per minute, means 1.08 to 1.92 per second...»

«Increasing heart rate, the higher the signal...»

«The increase of heartbeats is decreasing...»

«The signal is disappearing...»

Biglang bumangon si Astra sa kinauupuan at dumeretso kay Killian.

Makikita pa ang pagkakagulat ng lalake nang bigla nalang siyang niyakap ni Astra.

Si Astra naman ay idinikit ang tenga sa dibdib ng lalake.

«The heart rate is increasing...»

«The signal is increasing...»

«Continuing the update...»

«Updating processing, 13%, times left 20 hours»

Nagulat si Killian dahil si Astra ang pinaka unang babaeng yumakap sakanya, normal lang talagang kabahan siya lalo na't ang babae pa talaga ang unang yumakap sakanya.

"A-Astra, a-anong ginagawa mo?"

"..." Hindi siya sinagot ng babae.

Ramdam na ramdam ni Killian ang init ng malambot na katawan ni Astra.

Ilang minuto pa ang lumipas.

«Updating processing, 16%, times left 19 hours»

«The heart rate is decreasing...»

«The signal is disappearing...»

«The object heart rate become normal...»

"'Wag!"

Bigla ay parang tarsier na sumampa si Astra kay Killian.

Nagulat nanaman si Killian at dahil para siyang estatwa sa lumipas na minuto habang hinayaang yakapin ni Astra, hindi niya na kontrol ang balanse niya.

Buti nalang at mabilis na gumalaw si Killian dahilan sa kama sila bumagsak habang nakadagan at nakadikit padin si Astra sakanya.

Kaagad na nag-init ang buong katawan ni Killian dahil sa puwesto nila.

"A-Astra, a-ano bang g-ginagawa mo...?"

Kahit na emotionless palagi ang mukha ni Killian, hindi padin nababagong lalake din siya. Nakakaramdam din siya ng mga nararamdaman ng normal na lalake.

Nagdadalawang isip pa si Killian kung saan hawakan ang babaeng nakadagan sakanya.

«Signal's detect...»

«Updating progressing, 20%, times left 16 hours»

«The signal's still increasing...»

«Updating processing, 25%, times left 15 hours»

«The signal become faster...»

«Updating processing, 30%, times left 10 hours»

«Updating...»

«Updating processing, 40%, times left 5 hours»

«Updating processing, 50%, times left 59 minutes»

"A-Astra!", Bigla ay pinilit ni Killian na alisin si Astra sa pagkakadagan sakanya.

Kinakabahan si Killian at baka kung ano pa ang magagawa niya sa babae.

"'Wag! Ilang minuto lang!"

Parang desperadong tumingala at tumingin si Astra sa lalake.

Sa paningin ni Killian, may luha na nasa gilid ng mata ni Astra. Sobrang nakakaakit ang itsura nito ngayon para sakanya.

At dahil siguro dito, mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya.

Anong gagawin niya? Magagawa niya nga bang pigilan ang sariling daganan ang babaeng ito?

Agh! Wala siyang gusto sa dating Astra ngunit sa bagong Astra na ito, pakiramdam niya ay araw araw na kasama niya ito ay mayroong mahihirap na pagsubok.

'Astra, tigilan mo na to bago ko pa hindi mapigilan ang sarili ko'

•••

ꪑꪖꫀ: All of the information in this story are just fictions, every characters, dead or alive, places, locations, or any fantasy fiction are just made by the writer's imagination.

Note: This story are not yet edited so expect for a wrong grammars, spelling or any error typos.

Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
1.5M 58.3K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
11.7M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...