LET ME LOVE YOU (Hate Me Not...

By GemaInanna

12.6K 1.9K 975

Secrets from their past emerge, threatening to tear apart the fragile bond they are forming. Can they overcom... More

Work Of Fiction
Let Me Love You
01: The New Beginning
02: Going Back
03: Last Night
04: Masquerade Party
05: Flowers
06: Competing
07: Courting
08: Jealousy
09: Congratulations
10: Mission
11: Attention
12: Friend
13: Warm Hugs
14: Symptoms
15: It was You
16: She is Back
17: Break Up
18: Truth
19: Nightmare
21: Missing
22: Challenges
23: Conflicts
24: Space
25: Blessing or Danger?
26: Heal
27: Stranger
28: Sorry
29: Old Times
30: Forgiveness
31: A father
32: My Everything
33: Chance
34: Forgiven

20: Together

348 54 10
By GemaInanna

CHAPTER 20

Together

SCARLET POV's

NAGISING ako dahil sa kamay ng taong yumakap sa akin. Ipinalupot niya ang kanyang kamay sa aking tiyan.

"Hmm?" nakapikit parin ang mga mata ko na tila hindi pa handang magising.

Dahan-dahan akong ngumiti sa kanyang ginawa. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya malaman na gising na ako. I only heard his breath.

Ang basa niyang buhok ay dumapo sa aking leeg.

Pinupuntahan niya ako pagkatapos niyang maligo. Palagi niyang ginagawa sa tuwing nakakasama namin ang isa't-isa.

Nandito siya sa bahay namin ngayon. Nasa kabilang kwarto siya natulog kagabi.

Kahapon, sinabi na namin ang totoo sa kanila. Nagulat silang lahat lalo na si Chairman Mendez. Nagalit siya kay Prince nung una. Prince and I explained everything to them. At first, nahihirapan silang paniwalaan pero di kalaunan ay naintindihan nila.

Pati si Daddy nagalit sa amin. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ayos na ba talaga sa kanya ang lahat. Maintindihan ko kung magagalit siya sa akin. I lied to them.

Hinawakan ko ang isang kamay ni Prince.

Sana, kami ang para sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang maging buhay namin sa hinaharap. But this man is my safe place. Siya ang aking pahinga. Nawawala ang problema ko dahil sa pagmamahal niya.

"Good morning mahal..." he kissed my ear.

Nakikiliti ako sa ginawa niya kaya humarap ako. "Good morning." I kissed him while my eyes were sleepy.

I heard his soft chuckles. "Gumising ka na..." may halong lambing sa kanyang boses.

I smiled genuinely. "Five minutes pa..."

"Masarap ba tulog mo?" tumango ako sa tanong niya. "Eh bakit? Hindi tayo magkatabi kaya bakit masarap---" dali-dali kong pinisil ang kanyang pisngi dahilan ng ganyan pagtigil. "Arayyy nagbibiro lang ako.." natatawa niyang sabi.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Siya agad ang bumungad. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Ang perpekto ng mukha niya. Kaya pala iniiwasan ko ang mga titig niya sa akin noon. Dahil kapag tinitingnan ko siya, nahuhulog ako.

Nakita ko siyang ngumiti sa akin. "Good morning, again." sabi niya bago ako hinalikan sa noo.

Dali-dali akong napa-upo. Tinampal ko ang kanyang balikat. "Hindi pa ako nakapag toothbrush. Huwag kang lumapit sa akin ng ganoon" nahihiya kong wika.

He just laughed. "Dapat kanina mo pa 'yan naisip HAHAH!" pang-aasar niya.

I rolled my eyes to him bago umalis ng kama.

Nagbuga ako ng hangin bago naglakad papunta sa office table ko.

"Wow! Sino ang tumapos?" nakangiting tanong ko.

He walked towards me. "Me. I finished your work. Hindi kita natulungan kagabi dahil, bawal ako pumasok dito sa kwarto. Kaya kanina..." he hugged me from the back. "Maaga akong gumising at naligo bago pumasok dito. Tulog mantika ka kaya hindi na kita ginising..." saad niya kasabay ng marahan na pagtawa.

"Thank you so much, muwah!" I kissed his cheek.

"And now, you need to take shower first. Lalabas ako at ipagtitimpla kita ng gatas..." nakangiti niyang sabi.

Tumango ako. "Thank you, Eros"

He nodded. "Kakausapin ko rin ang Dad mo. Akala ko, hindi siya magagalit sa akin pero mukhang kailangan ko pang suyuin eh"

I sighed. "Nagtatampo lang 'yon lalo na sa akin. Kaya, kailangan nating iparamdam sa kanya na committed tayo sa relasyong ito." mahinahong sabi ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry. Araw-araw nating iparamdam sa kanilang lahat na mahal natin ang isa't-isa..." hinalikan niya ang aking noo. "I need to leave now. Bumaba ka pagkatapos mong magbihis. I love you..." ngiting sabi niya.

"I love you more..." ngiting sabi ko bago siya umalis.

Ilang minuto ang lumipas bago ako lumabas ng kwarto. I feel little dizzy as I began to walked.

"Scarlet" dumating si Mommy. "Are you okay?" I suddenly nodded.

"Medyo nahihilo lang but I'm fine" ngiting sabi ko.

"Pinagtimpla ka ni Prince ng gatas." nakangiti niyang sabi bago kami naglakad.

I smiled. "How's dad, Mom? I know he's still mad. Sorry I lied about the baby" mahina kong sabi.

"I already understand. Maybe your Dad was shocked that time. Pero, maintindihan ka niya"

"Sana nga po. Hindi ako sanay na magtampo si Dad sa akin"

"Anak, alam mo naman na mas matagal kayong nagkasama ng Dad mo. Kaya, siguro hindi niya gaanong tanggap na nagsinungaling ka sa amin. Your Dad loves you so much at nag-alala lang siya sayo" tumango-tango ako sa sinabi niya.

"Sana maging maayos din sila ni Prince" buntong hiningang sabi ko.

"Mangyayari 'yan. By the way, you need to tell your grandpa. He needs to know everything."

Medyo kinabahan ako.

Dahan-dahan akong tumango. "Yes, Mom. Sana nandito si Lolo para madali lang"

"I am sure, madali lang magsabi ng totoo kay Dad. Lalo na kapag kayong dalawa ni Prince ang makakausap niya."

"Sige po, kakausapin namin siya mamaya" tugon ko.

"That's great! Excited na ako sa aking apo!" biglang natuwa si Mommy. "Pero, medyo hindi ko tanggap na mas naunang nalaman ni Dahlia ang totoo. Hmpk!" natawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Mom, you already know the reason"

"Yeah I know."

Sabay kaming napatawa dalawa.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa may hagdanan.

Nakita ko agad si Prince na kausap si Daddy. Mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap.

Nagsalita si Mom kaya napatigil sila.

"Lee, honey... Anong pinag-uusapan ninyo?" ngiting tanong nito sa kanila.

"Wala po, tita." tugon ni Prince.

Napatingin siya sa akin nang nakangiti.

'Ano kaya ang pinag-uusapan nila kanina?...'

"Dad, can we talk?" I asked him.

"Mamaya na lang siguro. Stella, pasok lang ako sa office." paalam niya bago naglakad papunta sa kanyang opisina dito sa bahay.

Napabuntong hininga na lang ako.

Lumapit si Prince sa akin. "Drink your milk..." kinuha ko iyon at ininom. "Tita, thank you nga pala. Dahil pinayagan ninyo ako dito para makasama si Scarlet..." mahinahong sabi niya kay Mommy.

"Hijo, kahit naman hindi dahil kay Scarlet, papayagan parin kita dito. You had your own room here. Also, ina-anak kita kaya welcome ka dito" ngiting tugon ni Mom.

Lumapit si Prince at inakbayan ako. "Don't worry tita, aalagaan ko po itong si Scarlet." napangiti ako sa sinabi niya.

"I still can't believe that both of you are in-love with each other. I still remember those times na nag-aaway kayo kahit sa maliit na dahilan. And now, magkakaroon na kayo ng sariling pamilya." mahinahong sabi ni Mommy kita ko na akma nang luluha ang kanyang mata.

Ibinigay ko kay Prince ang baso and I suddenly hugged my Mom. "Mom, iiyak na naman kayo"

She tapped my shoulder bago inalis ang yakap. "I'm just happy. Be a good mom, Scarlet. Huwag mong hayaan na mawala sa'yo ang anak mo" nakangiti niyang wika.

I nodded. "Yes, Mom. I will be a good mother, just like you"

She kissed my forehead and hugged me.

Napatingin sa akin si Prince na hindi mawala ang ngiti sa labi.

'Ganitong buhay ang gusto ko, iyong masaya kaming lahat..'

Hindi ko parin nakausap si Dad ng maayos. Nabigla ako noong sinabi sa akin ni Prince na ayos na silang dalawa. Siguro nga ay, mahirap akong patawarin dahil sinungaling akong anak.

Naglakas loob kami ni Prince na kausapin si Lolo Sebastian. And now, we are facing the big screen of my laptop. At kinakabahan ako.

"Maging maayos din ito..." bulong sa akin ni Prince habang hinawakan ang kamay ko.

I just nodded and sighed.

Tinawagan na namin siya. Bigla naman siyang sumagot at bumungad agad ang mukha ni Lolo sa screen.

"My princess, Scarlet. How are you?" pauna niyang tanong.

I wave my hand. "Hi, grandpa! Ayos naman po" tugon ko.

"Hi, Chairman." kumaway si Prince.

"Oh, ikaw ba si Prince?"

"Yes, chairman---"

Narinig kong napatawa si lolo. "I just got the news about the breakup of Scarlet and Tyler. And now, magkasama kayo. I feel like, you guys are just making fun of her." natahimik kami sa sinabi nito.

"Chairman---"

"Oh, wait. May kakausapin lang ako" pagputol niya kay Prince.

Bumuntong hininga ako. "Huwag na muna natin sabihin kay Lolo." bulong ko sa kanya.

"No, kailangan malaman niya." bulong niya sa akin pabalik.

"Paano kung---" natahimik ako dahil sa biglaang sabi ni Lolo habang bumabalik sa pwesto niya kanina.

"What is it?"

I am afraid to answer.

"Chairman..." dahan-dahang ipinakita ni Prince ang kamay namin kay lolo. "Mahal ko po si Scarlet."

Gaya nga ng inaasahan ko, nabigla si Lolo. "What is happening!"

"Grandpa, mahal ko po si Prince. We've been together these past few days. I want to be with him." napatingin ako kay Prince. "Ayaw kong mawala siya sa akin.." ngiting sabi ko sa kanya.

Nagsalita din siya habang nakatingin kay Lolo. "Chairman, mahal po namin ang isa't-isa. Nangangako ako na manatili sa tabi niya habangbuhay. Kaya chairman, sana tanggapin niyo ako bilang parte ng buhay niya." nakikita ko sa mga mata ni Prince ang pagkaroon ng sinseridad sa sinabi.

Tahimik lang si lolo. Kita ko din sa screen ang pagka-seryoso niya.

"I want to be honest with you grandpa. I am pregnant at si Prince po ang ama ng bata" wala na akong magagawa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

Dahil ito naman talaga yung rason kung bakit gusto namin siya kausapin.

"WHAT?!" nagulat ako sa kanyang pagsigaw.

Napahawak ako kay Prince. Pero di kalaunan, nabigla ako sa pagsulpot ni Marky at Chloe sa likuran ni lolo.

"CONGRATULATIONS!" biglang may nagsiliparan na animo'y parang isang surpresa.

Napahawak ako sa aking bibig dahil sa malawak na ngiti ni lolo.

"Scarlet, we already know the truth!" tuwang sabi ni Marky at Chloe.

"P-pero, paano?" hindi makapaniwala kong tanong.

Biglang hinalikan ni Prince ang kamay ko. "Because of me. Sinabi ko na sa kanila ang totoo habang nasa opisina ako..." nakangiti niyang sabi.

Biglang tumulo ang luha ko dahil sa sobrang saya.

"Princess, don't cry. Hindi ko sinabi na may alam na ako dahil gusto ko mismo marinig mula sa'yo. At masasabi ko ring, mahal niyo nga ang isa't-isa" mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Lolo.

"Maraming salamat, grandpa"

"Isang araw din kaming nag-uusap ni Prince" napatawa si Lolo at si Prince.

"Bro, tuparin mo yung pangako mo sa amin. Aalagaan niyo yang maging anak niyo. Magplano na din kayo sa kasal" ngiting sabi ni Marky.

Napangiti kami ni Prince sa isa't-isa.

"Prince, hijo. Pina-ubaya ko na sa'yo ang aking apo. Kapag kailangan niyo ng tulong sa pagpaplano, don't hesitate to call me. Talaga bang, handa ka nang pumasok sa bagong buhay kasama si Scarlet?" mahinahong tanong niya kay Prince.

Walang pag-alinlangan siyang tumango. "Matagal na po akong handa, chairman. Nakahanda ako sa mga pagsubok na malalampasan namin basta magkasama kami. Bubuo kami ng masayang pamilya, diba?" tumango ako sa sinabi niya.

Tama. Isang pamilya na masaya. At pamilyang puno ng pagmamahal.

Tumagal ng ilang oras ang pag-uusap namin kasama sila. Masaya ako dahil nalaman na nila ang totoo. Hindi na ako mag-iisip ng masama.

Pagkatapos naming kumain ng almusal, kinausap ko si Dad. Ayaw kong may kinikimkim siyang tampo sa akin.

Kumatok ako sa labas ng pintuan ng kanyang opisina.

"Dad, its me. Can we talk?" mahinahon kong sabi sa labas.

'Kinakausap na niya si Prince. Pero ako, hindi pa...'

Hindi niya ako pinagbuksan kaya ako na ang pumasok.

Naglakad ako papalapit sa mesa. "You still mad? I am sorry. Please Dad, talk to me..." mahinahong sabi ko.

Hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya.

"Dad, alam kong bawal ang magsinungaling. But I had reasons kung bakit ko 'yon nagawa. Dad---" inangat niya ang kanyang tingin.

"You're my only daughter, Scarlet. And lying isn't your thing. Buy why? You should tell us first because we are your parents." napabuntong hininga siya. "I already have thoughts about this. Simula noong matamlay ka, yung walang gana sa pagkain, nahihilo at iba pa. I am your father kaya napapansin ko iyon. Sana sinabi mo na lang, anak." naging mahinahon ang boses niya.

"I am really sorry, Dad. Natatakot lang ako. And I'm not prepared that time."

"That's not an excuse. I thought you already matured. That's your baby and that is my grandchild." naging malamig ulit ang boses ni Dad.

"I know, Dad. I am really sorry for lying---"

"Please, huwag mong isipin na galit ako. Nag-alala lang ako. Paano kung may nangyari sa inyo ng baby mo? Tapos hindi namin malalaman. Hindi ko din kaya na, maranasan mo 'yong naranasan ng mommy mo noon. Magkatulad kayong dalawa. Hindi niya sinabi kay Chairman ang tungkol sa'yo dahil takot din siya. Kaya, mas lalong nagalit si Chairman. Dahilan iyon nang paghihiwalay namin." mahina niyang wika.

Nagsimula nang tumulo ang luha ko.

"Anak, huwag ka nang magsinungaling sa amin. Hindi ko kaya kapag mawala ka sa amin ng mommy mo. Pinagkatiwalaan ko si Prince. Alam kong mahal ka niya. Kaya, kampante na ako kapag magkasama kayo. Pero, huwag na huwag kayo matutulog sa iisang kama hangga't hindi pa kayo kasal. Naintindihan mo?" napatawa ako ng bahagya dahil sa sinabi ni Dad.

Tumango ako at niyakap siya. "Maraming salamat Dad. Hindi na po ako magsisinungaling. Pangako." ngiting sabi ko.

"You're still our Princess. Hangga't maari, dito ka na muna sa bahay bago kayo lilipat ni Prince." saad niya.

Tumango ako. "Opo Dad" kinalas ko ang yakap.

"May nahanap na ba kayong bahay?" tanong niya.

"Meron na, Dad. 'Yung condo unit ni Prince, may bumili na rin. Naisip namin na mas maganda kung may sariling bahay at lupa." ngiting tugon ko.

He tapped my shoulder. "Kailan ang plano ninyo na magpakasal?" ngiting tanong niya.

Napailing ako. "Hindi pa po namin napag-usapan, Dad. Atsaka, busy pa kami sa trabaho ngayon." tugon ko.

He nodded. "That's okay. There's a lot of time for that."

"Yeah."

May tamang panahon ang pagpapakasal. Hindi dapat iyon minamadali. To be honest, hindi pa namin napag-usapan ni Prince ang tungkol doon.





Nagpaalam na kaming dalawa upang pumunta sa bahay nina Prince. Makikita ko ulit si Sarah. Hindi ako makapaniwala na gumaan ang loob ko sa kanya makalipas ang maraming taon.

"Gusto mo bang bisitahin yung bahay at lupa natin?" pagbasag ni Prince sa katahimikan.

I smiled. "Really? Akala ko, naka renovate pa iyon"

"Well, noong busy ako. 'Yon ang inaasikaso ko kaya ngayon, tapos na siya. Mga gamit na lang kulang" ngiting tugon niya.

Lumawak ang ngiti ko. "Thank you! Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon!" tuwang sabi ko.

"Ako rin, sobrang saya ko." ngiting sabi niya.

Simple lang ang pangarap kong bahay. Ayaw kong mabuhay ang anak ko na katulad ko. Gusto kong mabuhay siya na walang iniisip kundi ang makakabuti para sa kanya.

Pumasok kami sa loob ng subdivision. Naisipan namin na bumili dito ng lupa at bahay. Maganda sa ganitong lugar dahil maraming tao. May malapit din na parke dito.

Malaking gate agad ang bumungad sa amin. Awtomatikong bumukas iyon nang papasok na kami sa loob.

Agad akong bumaba nang huminto kami sa tapat ng bahay.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nakikita ko. "Wow! Ibang-iba ito sa picture!" tuwang sabi ko.

"Well, your husband is an engineer kaya ayan" ngiting sabi niya bago tumabi sa akin. "Hindi pa ako naghanap ng kasambahay. Next time na pag malaki na tiyan mo." ngumiti ako sa sinabi niya.

"Kaya mo ba akong alagaan nang mag-isa?" tanong ko.

He smiled. "Of course! I already did, right? Noong limang araw ako sa bahay niyo."

Napatawa na lang ako at ngumiti.

"By the way, sinadya kong palakihin itong bahay dahil alam kong dadami ang anak natin---" I punch his arm. "Aray"

I giggled.

"Gusto ko sana simple lang pero hindi ko akalain na 'yung dream house ko ang ginawa mo. Simpleng bahay lang 'yong nakita ko sa picture eh" wika ko.

Napatawa siya ng bahagya. "Surprise nga eh." ngiting sabi niya. "Here is our key." binigay niya sa akin ang susi. "Let's go inside?"

Binuksan ko ang pintuan.

"Nga pala, marami ring nakatira sa lugar na 'to. Paano natin sila maging kaibigan kung mataas yung gate ng bahay natin" giit ko.

Napatawa ulit siya. "We can invite them to a dinner party. Or, pwede naman tayong lumabas tapos makipagkaibigan. Mabuti dito dahil hindi sila masyadong pamilyar sa mga nangyayari sa labas. Lalo na sa business industry." ngiting sabi niya.

Tumango ako. "That's better." nauna akong pumasok sa loob.

Bigla akong napangiti sa nakikita ko sa paligid. "Thank you, Prince." I hugged him.

"Finally, we have our own house." ngiting sabi niya.

Tumango ako bago kumalas sa yakap. 

Naglakad-lakad ako sa loob ng bahay. May tatlong palapag ang bahay. Dito sa baba ang sala, kusina at hapag-kainan. May cr din sa may gilid.

Sabay kaming naglakad papunta sa second floor. Nandito ang mga kwarto namin. Inisa-isa naming pinasok ang bawat silid. May kanya-kanya itong cr at bathroom. Nasa gitna ang kwarto namin ni Prince. Sa gilid naman ang kwarto ng magiging anak namin. Hindi ko alam kung para saan 'yung isang kwarto.

Pumunta naman kami sa huling palapag. May kwarto dito kagaya ng nasa bahay nila.

"Pwede ka naman pumunta sa gym para doon mag---" hindi niya ako pinatapos.

"Paano kung may magkagusto sakin doon? 'Wag na lang. Mas maganda dito para sabay tayo mag-ehersisyo" nakangisi niyang wika na may halong biro.

"Ewan ko sa'yo" saad ko bago naglakad papuntang balkonahe.

"Naisipan ko na, gawing malawak itong lugar sa itaas. Dahil masarap matulog dito kapag gabi. Para matingnan natin yung mga bituin sa langit" bigla kong naramdaman ang kanyang mga kamay na nakapulupot sa aking tiyan.

Ngumiti ako at huminga ng malalim. "Ang sarap ng hangin dito. Relaxing..." ngiting sabi ko.

"Kailan tayo lilipat dito? Para makabili na tayo ng gamit" wika niya.

Sumandal ako sa kanyang dibdib. "Next month na tayo lilipat. Bibili na lang muna tayo ng gamit. I want to spend time with our family first." tugon ko.

"Well, they can visit here. Pero, tama din ang sinabi mo." naramdaman ko ang kanyang labi sa pisngi ko. "Ganito dapat tayo palagi." ngumiti ako sa sinabi niya.

Inangat ko ang aking tingin at hinalikan ang kanyang labi.

"Thank you for making me happy"

He smiled widely. "And you're making me the most happiest man in the world" and we sealed it with a kiss.

Pagkatapos naming binisita ang bagong bahay, pumunta na kami sa bahay nila. Pagkarating namin, sinalubong kami ni Lisa at Sarah na kumakain ng chocolate.

Agad ko siyang pinigilan. "Sarah! Masama sa buntis ang matamis." giit ko rito.

Pinigilan ko na ang sarili ko na kumain ng matatamis. Bawal iyon sa buntis dahil nakakataas iyon ng blood sugar.

'Si Layla, late nag-sabi sa akin. Dapat sinabi niya noong una palang eh...'

"Pero iyon ang gusto ng panlasa ko!" wika naman ni Sarah.

"Lisa, kumuha ka ng tubig. At kunin mo na rin yang chocolate" utos ko sa kanya.

"Sige ate hehe sorry. Hindi ko alam na bawal pala ang chocolates hehehehe" saad niya bago pumunta sa kusina.

"Sarah, makinig ka kay Scarlet. Atsaka, sasamahan ka ni Lisa na magpa-check-up" wika ni Prince sa kanya.

"Ako na ang sasama sa kanya." ngiting sabi ko. "Tutal, wala na akong gagawin" pagpatuloy ko.

"No. Ayaw ko magpa-check-up hangga't hindi ko nakita yung lalaking gumawa sa akin nito." biglang nanlamig ang boses ni Sarah.

Umupo ako sa tabi niya.

"Heto na ang tubig" inilagay ni Lisa ang tubig na kinuha niya sa mesa. "Hehe, excuse lang ako..." paalam niya.

Umupo ako sa tabi ni Sarah. I tapped her arm. "Sarah kung ayaw niya magpakita, edi huwag. Importante ang baby mo kaysa sa kanya"

"He's still important. Hindi ako maka-uwi sa bahay hangga't wala ang gagong iyon" giit niya bago uminom ng tubig. "Magpapakasal ako sa kanya gaya ng gusto ni Dad. Kapag nanganak na ako, I will divorced him." malaki ang galit niya sa taong iyon.

I sighed. "Kung 'yan ang gusto mo. But for now, unahin mo si baby. Magpa-check-up ka"

"Fine I'll do that. I just can't believe that I begged him para panagutan lang ako. Pero wala siyang ginawa kundi ang magtago sa akin." mariin niya paring giit. "Argh! That guy is a womanizer!" galit niyang sigaw.

"Calm down. Makikita din natin siya. Okay?" mahinahon kong sabi.

"Bakit ba kasi wala nang kagaya 'yang si Prince! Nakakainis!" iritadong sabi niya.

Napatawa naman si Prince. "Sarah, we have our own uniqueness. At ako, ay lubos na pinagpala HAHAHAH!" bigla na naman siyang nagyabang.

"Hmmm. Curious talaga ako kung bakit baliw na baliw ako kay Prince. Siguro, bulag ako HAHAHAH!"

"HAHAHAH!" napatawa na rin ako sa sinabi ni Sarah.

"Mga babae nga naman." singhal ni Prince.

Hinawakan ko kamay ni Sarah. "Magbihis ka na para maka alis na tayo. Let's buy some clothes also" ngiting sabi ko sa kanya.

"I'm embarrassed Scarlet pero dahil sabi mo, go! Bihis lang ako!" nagmamadali siyang umalis habang nakangiti.

Napangiti din ako. "Grabe, this is so unbelievable. Three days pa lang, naging kaibigan ko na siya"

"Dahil, mapagmahal ka at naintindihan mo siya" mahinahong sabi naman ni Prince.

"Yeah"

Dumating si tita at tito. "Good morning" bati ko sa kanila.

"We're glad you're here. Kakatawag lang ni Stella sa akin. Maayos na pala ang lahat. Wala na kayong iisipin kundi pagpapakasal na lang" ngiting sabi ni tita.

"Magsabi lang kayo sa amin kung kailangan niyo ng tulong sa plano" wika naman ni Tito.

Napangiti kami. "Actually, hindi pa namin 'yan iniisip. Ayaw naming magmadali" ngiting tugon ni Prince sa kanila.

"Tama po si Prince." ngiting tugon ko.

Nagkatinginan sina tita at tito habang tumango. "Kayo ang bahala... Kamusta naman yung bahay niyo?" tanong ni tito.

"It's already finished Dad. Next month kami lilipat doon. Gusto kasi ni Scarlet na makasama muna kayo HAHAH. Akala niya siguro hindi kayo bibisita doon" nasiko ko si Prince sa pagtawa niya.

"Hindi naman po sa ganoon. Gusto ko lang na makasama muna kayo pati sina Mommy. At, lilipat kami kapag nakabili na ng gamit" ngiting sabi ko.

"Great idea" sang-ayon ni tita.

Ilang minuto rin ang naging kwentuhan namin kasama ang parents ni Prince at pati si Lisa.

Nagpaalam na rin kami ni Sarah sa kanila upang magpa-check-up. I need to accompany Sarah today. I know she cannot do this alone. She's still afraid but she's willing to do everything just for her child.

I'm still wondering about the father of her child.

I cleared my throat as I began to speak. "Sarah, pwede ko bang malaman ang pangalan ng ama ng anak mo?" tanong ko sa kanya.

She just laughed and didn't answer.

"Hey, I am serious. So that we can find that man easily." tugon ko.

"You know, that asshole gives me his number. Pero hindi ang tunay niyang pangalan. He used nicknames! He is really a bullshit!" galit na sigaw niya.

"Calm down, don't shout. So, what is the nickname?" I asked with curiosity.

"His friends called him Kei. And I call him the flying cockroach!" she shouted again.

"Flying cockroach? Hahahah really? What if we will going to trace his number?"

"How? He is not a missing person. He's just an asshole pilot!" she still angry.

Wait.

Pilot?

"That asshole is a pilot?" hindi makapaniwala kong tanong.

She nods. "Yeah. That's why he got me easily! And me, I am being dumb because of that womanizer flying cockroach!"

"Okay, I understand it now. I have a friend. Well, not so friend but I am sure he will help you. He's a pilot also. And Prince knows him."

"Really?! That's great, thank you so much!" nag-iba na ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Kiefer Chan is now my friend well, not that much. Nagkita kami ulit noong pumunta kami ni Prince sa bahay nila to find Lisa. That time, nandoon lang pala si Lisa sa kanila kasama si Keifer at Kayzer. Nadatnan pa namin na nag-aaway ang magkapatid dahil sa isang bagay.

I asked Lisa about it pero ayaw niyang ikwento sa akin. I didn't forced her because maybe she has reasons.

****

"This is unexpected! Both of you are here. At magkaibigan na kayo?!" hindi parin makapaniwala si Layla na magkasama kami ni Sarah.

Tapos na ang check up ni Sarah. Nakiusap ako kay Layla na dito muna si Sarah magpa check-up. Tungkol naman sa baby ni Sarah, medyo mahina daw ito. Siguro naapektuhan na sa sitwasyon ni Sarah ngayon.

"Scarlet, your friend is really noisy" Sarah spat irritatedly.

Napatawa na lang ako. "Layla, kanina pa namin sinabi sa'yo. Kumain ka na nga lang diyan" nakangiti kong sabi sa kanya.

She smiled. "Hindi kasi talaga ako makapaniwala. And look, both of you are pregnant HAHAHA! See? Ang galing talaga. Noon, kinuwento mo pa sa akin kung gaano ka galit kay Sarah Reyes pfft!" saad nito bago kumain ng mangga.

"Hayst! Kainis ka talaga" giit ko.

Sarah laughs. "HAHAHAH! Scarlet, talaga ba lahat kinukwento mo sa kaibigan mo? Like duh! HAHAHA that's nice." akala ko galit siya pero natutuwa pa.

"Alam mo, ganoon lang talaga si Scarlet" wika ni Layla.

"Yeah and she's lucky because she had friends who is willing to listen to her problems" I suddenly laughed so that Sarah could not feel worthless again.

"Hey, let's just enjoy this moment! After this, we will going to the store" ngiting sabi ko sa kanya.

She smiled. "All right! Cheers!"

Sabay-sabay naming tinaas yung baso ng tubig at uminom habang nagtatawanan.

****

"Your friend is awesome! Well, all of your friends is awesome. I wish I have that kind of friends too. By the way, how's Missy? I've heard she's living with Jack in Canada?" tumango ako sa sinabi niya.

"Yeah at malapit na siyang manganak. "

"Cool. And Pauline already married. How about you? Kailan ba balak ninyo ni Prince?" nakangiti niyang tanong.

I sighed. "Well, hindi pa siya nag-propose---" she cut me off.

"That's insane! Si Prince talaga. Pero don't worry, baka may iba siyang plano. You know him"

"Hindi naman ako nagmamadali. Marami pang oras para sa bagay na 'yan" ngiting tugon ko.

"But, time is gold" bigla siyang natawa sa sinabi niya. "Omg! Since I'm with you this days, I learned how to be a good woman. I think, hindi ko na kilala ang sarili ko. Wow. Amazing!"

Napatawa na rin ako. "Tama ka HAHAH! Good for you. I like the new Sarah" ngiting sabi ko.

"I like it too! Pero ang ganitong ako, ipapakita ko lang sa taong karapatdapat HAHAH just like what you've said to me when we were in highschool" tumango ako at napatawa na rin.

'Naalala niya pa pala ang salitang iyon..'

I cleared my throat bago nagsalita. "Sarah, do you still have connections with the Khan sisters? 'Yung mga kaibigan mo dati"

"Oh well, let's not talk about them. They are really plastics." tumango na lang ako sa sinabi niya.

Galit siya sa mga kaibigan niya. Pero bakit?

"Scarlet, I am sorry about this but can we go to a cemetery where Nathalie's---"

Nagsalita ako kaya natahimik siya. "She's in Korea. Oo, nabaril siya but she survive" ngiting sabi ko.

"Oh, thank God! Annie told me that she died in a car accident. That bitch, she's really... I want to choke her!"

"Don't mind her, Sarah. You really need to cut-off your connections to those toxic people in your life. They deserve it. Now, focus on your baby"

Ngumiti siya sa sinabi ko. "Thanks for that. Ang laki ng utang ko sa'yo hahahah"

"Ginagawa ko ito dahil magkaibigan tayo" ngiting tugon ko.

"Don't make me cry, Scarlet..." napatawa kami pareho. "Well, how's Nathalie? I haven't talk to her"

"She's fine, I guess. Wala pa rin akong natanggap na emails or message coming from her. Pero baka busy siya. She's now living with my bestfriend. You know, Vince Park?" ngiting tanong ko.

"Oh! Your fake boyfriend before?" I nodded. "This means, hindi si Marky ang nakatuluyan ni Nathalie?! Kundi 'yung artista na 'yon?!" hindi makapaniwala niyang tanong.

"HAHAHAH! Yeah! And Marky is now in New York living with his wife" mas lalo siyang nagulat.

"OMG!! Talaga namang kakaiba ang tadhana eh! HAHAHA!" sabay kaming napatawa pareho.

"Sinabi mo pa"

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya natahimik kami.

"Someone is calling..." saad ni Sarah habang kinuha ang cellphone ko.

"Sino?" I asked.

"This is unknown number."

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

Naalala ko, may nag-text sa akin. Unknown number.

"Sagutin natin.." pinalapit ito ni Sarah sa may tenga ko. "Hello?" pauna kong tanong rito.

"Drive safety! Baka mabangga ka HAHAHAHAH!" pagtawa nito sa kabilang linya.

Imbes na matakot, pinili kong maging matapang sa pagsagot sa kanya.

'Alam kong si Veronica ito...'

"Stop this nonsense things. If you want to say something, be straightforward." giit ko rito.

Tumawa ito. Nagkatinginan kami ni Sarah at halata sa kanyang mga mata ang pagtataka.

"You really changed. That's great. Let's see each other again, my dear. HAHAHAH drive safe you might go to hell"

"Bitch! How dare you to say those words! Ikaw dapat ang mapunta sa impyerno!" agad na pinatay ni Sarah ang tawag. "Damn!" galit niyang wika.

Mas galit pa ang ekspresyon niya ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kung ako ang hanap ni Veronica, bakit hindi siya nagpapakita sa akin?

"Scarlet, sino ba 'yon? Alam ba ito ni Prince? Alam ko ang mga ganoong salita, she wants you to die. Do we need to call a police? That woman should be in jail!" nag-alala niyang wika.

"Prince knows about that anonymous number. Pero hindi ko talaga maisip na tatawagan ako."

"You know, don't block this number. Police or you should hire a private investigator to find that woman!"

I nodded. "I know, Sarah. Pero baka malaman ng parents ko. I don't want them to get involve with this matter." buntong hiningang sabi ko.

"But that is for your safety! You're pregnant, Scarlet. Remember that."

"Ipapaalam ko muna kay Prince. I know he can help me"

"Yes, you should. It's for your own good. To be honest that woman really scares me. It makes my body shivers a bit." saad niya habang nakahawak sa kanyang dalawang balikat.

Pagbuntong hininga lang ang nagawa ko habang nag-iisip ng magandang paraan para dito.

Akala ko, maayos na ang buhay ko ngayon.

Baka kapag malaman ni Veronica na buhay si Nathalie, titigilan na niya ako. Alam kong gusto niya lang akong paghigantihan dahil akala niya siguro, patay na si Nathalie.

She will do everything to revenge me. Kahit na wala kaming ginawa sa kanya. Siya ang may atraso sa amin. Kaya siya dapat ang matakot.

Huminto kami ni Sarah sa isang store. "We're here!" tuwang sabi ko.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.

"Hello ma'am, welcome!" bati sa amin ng mga saleslady.

We just smiled at them.

"Scarlet, look! Did you know, this is the latest bag nowadays. But this is not my type hahaha" napatawa siya at ganoon din ako.

"Likewise!"

"I've heard about your brand. Mas maganda iyon" ngiting sabi niya sa akin.

"Not mine it's my family's brand, the Imperials" wika ko.

Ilang minuto na kaming namimili pero wala kaming nabili.

"This is hard. Bakit kasi parehas tayong magaling mag-critique. Wala tuloy tayong napili" natatawa niyang sabi.

"Dapat pala sinama natin si Lisa hahaha" tugon ko.

"Yeah. Oh, may nakita ako!" hinila niya ang kamay ko at nagmamadali siyang naglakad. Huminto kami sa pinuntahan namin kanina.

"Nandito na tayo kanina"

"I know. May magandang style ng damit nila dito. It's not stylish but it's simple one. I want to buy those. Babayaran kita kapag nakuha ko na yung mga cards ko kay Dad." ngiting sabi niya.

I nodded. "Sure, let's go" ngiting sabi ko.

Sana nga magtuloy-tuloy na ang pagbabago ni Sarah. Simpleng mga damit ang napili niyang bilhin. Ayaw na yata niyang magsuot ng mga revealing clothes. That's a good kind of change.

"Here, ma'am" sabi ko sabay kuha sa credit card.

"Thank you" ngiting sabi ko.

Sabay kami ni Sarah na lumabas. Tinulungan ko na rin siya sa pagbitbit.

"I can't wait to wear this!" tuwang sabi niya.

"Gutom ka ba? Tara, kumain tayo" anyaya ko sa kanya.

"Okay, let's go!"

Pagkalabas namin ng store, napahinto kami dahil sa nakasalubong namin.

"Excuse us, nakaharang kayo" diretsong sabi ni Sarah sa kanila.

Si Natalia kasama ang assistant niya. Napatingin ako doon sa assistant niya na nakangiting nakatingin sa akin.

Creep.

Napatingin ako kay Natalia. "What a coincidence, Scarlet. Nagkita ulit tayo" she said sarcastically.

I smiled. "This is not a coincidence, it's like a plan of yours."

"Oh, kilala mo pala 'to Scarlet. Kaya pala" singhal ni Sarah.

Hindi ko maiwasang tingnan ang assistant niya.

'Siya ang babaeng nagbigay ng inumin sa akin noong araw na 'yon. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya...'

Tahimik lang siya pero nasa loob ang kulo.

"Mo--- uhm, mauna ka na sa loob" utos ni Natalia sa kanya.

"Sure...." nagsalita ito bago naunang pumasok.

That voice. No, mali lang ito.

I heard her scoffs. "Bakit ka natahimik? You looked like you're threatened." sarkastikong sabi niya ulit sa akin.

"You don't care. And, well... himala dahil nagpakita ka sa akin." giit ko.

She smirked. "Na-miss kasi kita HAHAHA! You know, I missed Tyler mabuti na lang dahil... HAHAH nevermind!" akma sana siyang aalis nang hinawakan ko ang braso niya.

"Huwag mo nang guluhin si Tyler. Tigilan mo na ang pagiging linta mo." mariing sabi ko.

"You're funny. He's not your boyfriend anymore. And, you lost him now. Balang araw, luluhod ka sa harapan ko para lang makuha siya."

Agad siyang tinulak ni Sarah. "Where's Tyler! He may not my cousin but he is important to me. Nasaan siya!?" galit na tanong ni Sarah sa kanya.

"Finally, we met. Sarah Reyes. Magkaibigan na kayong dalawa? Baka mapahamak ka lang---" natahimik siya dahil sa bigla kong pagsampal sa kanya.

"Wala kang karapatan na sirain ang mga taong nasa paligid ko. At kung may nangyari kay Tyler, mananagot ka sa akin" may halong pagbabanta na sa boses ko.

Napatawa lang siya. "Hindi ko kasalanan kung may mangyari sa kanya. It's all your fault, Scarlet. Ang balita ko kasi, hindi niya hinanap ang tunay niyang pamilya. You know why? Dahil---"

"Natalia!"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa biglaang pagsigaw ng assistant niya sa kanya.

'Assistant niya ba talaga ang babaeng ito?...'

Natalia cleared her throat. "Ingat kayo" ngiting sabi niya bago pumasok sa loob.

Nakita kong agad silang nag-uusap ng assistant niya.

'May kinalaman kaya si Natalia sa unknown number na 'yon?..'

"Those freaks. Bakit mo ba naka-away iyon? It looks like she knows Tyler" pagtataka ni Sarah nang makapasok kami sa loob ng sasakyan.

I sighed. "Lagi kong nakikita na magkasama si Tyler at Natalia. No wonder why that woman is stalking me."

"So, that woman is like a 'kabit'. Gusto ko siyang kalbohin kanina gamit ang kamay ko!" iritadong sabi niya.

I just laughed. "Let's just go" wika ko bago pinaandar ang sasakyan.

"I missed my cousin. Aaminin ko, hindi kami magkasundo sa ilang bagay pero magkasundo kami noon sa pagplano." napabuntong hininga siya. "To be honest, Tyler and I planned something. Noon pa man, alam na naming dalawa na talo kami. Sinabi ko sa kanya na, sa akin si Prince at ikaw naman ay sa kanya" she laughed. "Nakakatawa talaga. Pinahirapan kita because of jealousy pftt!"

Napatawa din ako habang umiling-iling.

Napuno na naman ng kwentuhan ang buong biyahe at hindi na namin nagawang kumain dahil nawala na ang gutom.

Pagkarating namin sa bahay, dali-daling sinuot ni Sarah yung mga nabili namin.

She's really excited to wear those simple clothes.

Nagpaalam na rin kami ni Prince sa kanila.

"Thank you, again Scarlet" ngiting sabi ni Sarah sa akin.

I nodded and smiled at her.

Sinabi ko sa kanya na huwag muna sabihin kay Prince ang nangyari kanina. Gusto ko, ako mismo ang magsabi.

****

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa may garden. Malamig at payapa ang paligid. Katatapos lang naming kumain ng hapunan.

"Eros, may sasabihin sana ako sa'yo..." pagbasag ko sa katahimikan.

"Ano 'yon?" sabay kaming napahinto at nakatingin sa isa't-isa.

Lumanghap muna ako ng hangin bago nagsalita. "I saw Natalia kanina with her assistant"

"May ginawa ba siya sa'yo?" agad niyang tanong.

"Just like what she always did. She's threatening me again"

"Ang babaeng iyon. Ano ba ang pakay niya sa'yo?"

Umiling ako. "Hindi ko alam. Si Tyler lang naman ang pakay niya. Pero kanina, mukhang alam niya kung nasaan si Tyler."

"That woman really likes Tyler. Eh di kung kasama niya si Tyler, wala tayong magagawa. Gusto din naman siguro ng lokong iyon" napatawa siya ng bahagya sa sinabi niya.

I sighed. "I want to see Tyler. Gusto kong malaman ang kalagayan niya. Nag-aalala ako."

"Bakit pa? Siya ang walang paramdam sa 'tin. Nag-alala ka sa kanya pero siya, hindi. Mas inuna niya ang galit niya" may halong lamig na sa kanyang boses.

Natahimik ako. Ang dami ko nang iniisip.

Hinawakan niya ang aking braso.

"Alam kong nag-alala ka sa kanya. Kung ganoon, hahanapin natin siya. Hindi mo na pwedeng kausapin si Natalia. Baka kapag nagkita kayo ulit, may gagawin siya sa'yo at ayaw ko na mangayari iyon."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Tumawag sa'kin ang number na nag-text noong nakaraang araw."

"Anong sabi? Nagpakilala ba?" agad niyang tanong.

"Yeah. She's a woman gaya ng inakala ko. At, sinabihan niya ako na mag-ingat baka mabangga raw ako" mahina kong sabi.

"Kailangan nating gumawa ng paraan para malaman kung sino 'yan" seryosong sabi niya.

"May kakilala ako. Si Veronica Salvador, ang stepmom ko noon. Alam kong boses niya ang narinig ko sa tawag kanina."

Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko. "Ako na muna ang hahawak sa cellphone mo. Paiimbestigahan natin bukas ang Veronica na 'yan. Sasamahan kita sa tuwing aalis ka ng bahay."

"Pero, paano yung trabaho mo?"

"Mas mahalaga ka. Sasamahan mo din ako sa trabaho ko." hinalikan niya ang mga kamay ko. "Malalampasan natin lahat ng problemang ito nang magkasama. Pangako, hindi kita iiwan." niyakap ko siya.

"Hindi rin ako lalayo sa'yo." I hugged him tightly.

"Magiging tahimik din ang buhay natin bilang pamilya. Pagkatapos ng lahat ng problemang ito, planuhin na natin 'yung kasal. Pwede ba iyon?"

Napangiti ako habang nakapikit. Dinaramdam ko ang himig ng kanyang yakap.

Walang pag-alinlangan akong tumango sa sinabi niya. "Oo. Kahit kailan pa iyan, pakakasalan kita." ngiting sabi ko.

Ngumiti siya at gumalaw. His hands wrap around my stomach and kissed my right cheek.

Mga nagmamahal sa akin ang tanging dahilan ko kung bakit ako naging matatag ngayon. Naniniwala ako kay Prince. Malalampasan namin ang mga pagsubok nang magkasama.


____________________

End of chapter 20

Thank you for reading.

keep safe everyone.

— ate Gema loves ya'll~

Continue Reading

You'll Also Like

509K 14.6K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
4.1M 88.1K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
203K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
191K 4.1K 47
Crest view academy. This was no ordinary high school; it was known for its academic excellence and fierce rivalries. Amongst the students, two indivi...