Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1.2M 28.5K 3.2K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter IV

Special Chapter III

30.2K 855 97
By xxriegozzxx

NAGISING AKO NANG maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Ayaw ko sanang gumising dahil masyadong maganda ang panaginip ko na ayaw ko ng magising pa.

Hinaplos ulit ang buhok ko kaya inangat ko ang aking ulo para makita ang taong humahaplos sa buhok ko. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa mukha niya.

Kinusot ko pa ang dalawa kong mata at baka nanaginip pa ako. Ngunit kahit anong kusot ko ay nandito sa harap ko si August.

"Moya Iyubov.." tawag ko sakanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na may naka konekta paring dextrose. Ngayon lang pumasok sa isipan ko na totoo nga na buhay si August. Buhay ang dragon ng buhay ko.

Apat na araw na ako dito sa underground ng Siege habang binabantayan si August. Ang anak naming si Xanth ay iniwan ko muna kay Salem. Hindi kasi siya pwedeng pumasok dito. Kaya kahit gustong-gustong makita ni Xanth si August ay wala akong magagawa dahil rules yun ng Siege.

Nong una kong nakita si August ay hindi ko pa siya maka-usap ng maayos. Medyo groggy pa siya nang araw na yun dahil siguro sa mga gamot at operasyon na pinagdaanan niya.

Pinapalabas ako ni Genesis at bumalik nalang daw ako bukas ngunit ayaw kong pumayag. Ayaw kong mawalay ulit kay August.

Natakot ako n'ong sinabi sa 'kin ni Doc. Percival na kailangan paring obserbahan ang kalagayan ni August. Lalo na't kinailangan nilang gamitan 'to ng gamot na nang galing sa red market.

Kaya ginawa ko ang dapat kong gawin. Ayaw kong may pagsisihan ako sa huli. Sa tulong ni Genesis ay may nakuha 'tong pari, hindi para ipagdasal si August, kundi ay ikasal kaming dalawa ni August.

Hindi ako makakapayag na hindi siya matali sa 'kin lalo na't hirap parin ang kondisyon niya. May naka kabit parin na aparato sa gilid ng katawan niya n'ong una ko siyang nakita.

Naikasal kami ni August kahit medyo groggy pa siya at hindi pa nagsasalita. Nag-aalala nga ako pero sabi naman ni Doc. Percival na dahil lang daw yun sa gamot. Hindi makapalag si August kaya naikasal kaming dalawa.

Sa pangalawang araw na gising si August ay medyo bumubuti na ang kalagayan niya. Nakaka-usap ko narin 'to ngunit maikli lang sagot niya. Sa pangatlong araw ay napansin kong unti-unti na siyang lumalakas dahil sinakal lang naman niya ako.

Nagulat kasi 'to kung bakit daw may suot siyang wedding ring. Wala naman daw siyang naalala na meron siyang ganun kaya tinanong niya ako. Akala ko pa naman ay alam niyang kasal kami n'ong araw na magising siya, yun pala lutang parin pala siya sa gamot. Halos murahin at sinakal ako ni August dahil hindi parin daw ako nagbabago.

Ngumiti ako sa asawa ko kaya inirapan niya ako. Nakatulog pala ako kanina habang binabantayan siya.

Hindi ako pinapansin ni August dahil sa ginawa kong pagpapakasal sakanya. Kaya heto.. sinusuyo ko ang dragon ko, mahirap na baka mabugahan pa ako ng apoy.

"Are you hungry? May niluto ako kanina, moya Iyubov." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

Nakasimangot siyang humarap sa 'kin at agad akong inirapan. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Damn it! Na miss ko ang ka malditahan niya kaya napapangiti nalang ako.

"Nakaka-inis yang mukha mo, Atticus." Mataray niyang sabi sa 'kin.

"Hindi pa nga tayo nag ho-honeymoon, buntis ka na agad, moya Iyubov." Sabi ko kaya piningot niya ang teynga ko.

"Aray! Aray ko!" Reklamo ko habang naka ngiwi.

"Honeymoon mo yang mukha mo. Ipapalunok ko sa'yo yang married certificate na yan." Pananakot niya sa 'kin sabay turo sa idinikit kong married certificate namin sa pader. Syempre, proud akong asawa si August kaya dapat lang ipagmayabang ko sa bawat doctor na pumapasok dito sa kwarto ni August na misis ko na siya.

"Wag naman, moya Iyubov." Reklamo ko habang tinatanggal ang kamay niya na nasa teynga ko. Tiklop talaga ako pagdating kay August.

Masama niya akong tinignan saka niya binitawan ang teynga ko. "Hindi ko pa nakakalimutan ang babae do'n sa bahay mo, Atticus!" Sabi niya at pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"Huh? Babae? Wala naman ahh. Wag mo nga akong gawan ng kasalanan, moya Iyubov. Alam mo namang ikaw lang ang sasambahin at didilaan ng dila ko." Seryoso kong sabi. Ngunit, mabilis akong sinuntok ni August sa mata. Tangina talaga! Wala naman akong kasalanan eh.

"Neknek mo! At ito pa.. nakita din kita sa isang open area na restaurant. Kaya wag ka ng mag maang-maangan pa!" Galit niyang sabi.

Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko ang sinabi sa 'kin ni Xanth dati. "Nagkakamali ka, moya Iyubov." Sabi ko kaya inambahan na naman niya ako ng kamao.

"Yung nakita mo sa bahay ko na babae ay asawa ng kaibigan kong si Isaac. Pansamantala kasi silang tumira do'n dahil ni re-renovate ang bahay nila. Sakto namang nasa ibang bansa ako kaya pumayag ako. At yung nakita mo sa open area ay si Irish yun, asawa ni Isaac. Nandoon din naman ang kaibigan kong si Isaac. Gusto kasi nilang magpasalamat
sa 'kin ng personal kaya nakipagkita ako." Mahaba kong paliwanag.

Natahimik siya kaya mahina akong natawa dahil wala na siyang ibibintang sa 'kin. "May ibibintang ka pa ba sa 'kin, mahal kong asawa?" Nakangiti kong tanong kay August.

Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay saka 'to nag iwas ng tingin. "Nagugutom na ako," saad niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Kiss mo muna ako." Sabi ko saka ngumuso sa harap niya.

"Gusto mo pitikin ko yan?" Mataray niyang tanong sa 'kin.

Napakamot nalang ako sa likod ng ulo ko saka ako tumayo sa stool at naglakad sa maliit na table. Hinila ko ang table papunta sa kama ni August saka ko binuksan ang tupperware para pakainin siya.

"Sino nag luto n'yan?" Tanong niya sa 'kin.

"Syempre ako," sagot ko sakanya.

"Hindi ka naman marunong magluto." Pambabasag niya kaya napa-ngiwi ako.

"Marunong na ako, moya Iyubov. Itanong mo pa sa anak natin." Sagot ko.

Bumuntong hininga naman si August saka 'to tumingin sa 'kin. "Miss ko na ang anak ko," malungkot niyang sabi.

"Anak natin. Pawis na pawis kong ginawa si Xanth no'n tapos sasabihin mong anak mo lang." Sabi ko kaya inirapan ako ni August.

"Kumain ka na para mabilis bumalik ang lakas mo." Sabi ko sakanya. Sinubuan ko siya na agad naman niyang tinanggap. Mabilis kong pinatakan ng halik ang labi niya kaya sumimangot si August.

"Miss ko na ang mga labi mo, ang mga yakap mo, at lalong-lalo na ang ka malditahan mo." Nakangiti kong sabi.

"Wag kang mag-alala, araw-araw kitang aawayin para hindi ko ma-miss ang ka malditahan ko." Sabi niya.

"Wag naman, moya Iyubov." Sagit ko saka ko siya sinubuan ulit.

"May tanong pala ako," seryoso niyang sabi.

"Ano yun?" Tanong ko saka pinunasan ang labi niya dahil tumulo kunti ang sabaw.

"Paano ako nakaligtas n'ong araw na yun? Sino ang nagdala samin sa hospital?" Tanong niya sa 'kin.

"Ako. Halos manghina ako ng makita ko kayong dalawa ni Xanth na naliligo sa sarili niyong dugo." Malungkot kong sabi habang inaalala ang nakaraan.

"Si ate Minerva? Kamusta na siya?" Tanong niya
sa 'kin.

"Dead on arrival si ate Minerva nang sinugod namin kayo sa hospital." Sagot ko. Inabutan ko ng tubig si August ng mag simula siyang umiyak.

"Kawawa naman si ate Minerva," umiiyak niyang sabi. Tumayo ako para haplusin ang likod niya. "Nangyari na ang nangyari, moya Iyubov. Kinausap ko ang pamilya ni ate Minerva at lahat ng gastusin nila at pag-aaral ng mga anak ni ate Minerva ay sinagot ko." Pagpapakalma ko sakanya saka pinunasan ang luha niya sa pisngi.

"Walang may gustong mangyari yun, moya Iyubov. Masyadong bigatin ang kinalaban niyong drug lord kaya hindi nila kayo tinigilan. Lalo ka na, dahil ikaw ang nagturo kung saan ang hideout nila." Sabi ko saka pinisil ng mahina ang ilong niya.

"Nong araw na yun, sinugod namin ang isa pang kuta nila. Tinapos namin ang mga lalaking sumugod sa bahay niyo. Pinapatay ko din ang sinasabi nilang drug lord na naka kulong dahil sa isinagawa niyong raid. Ngunit, hindi siya ang drug lord na hinahanap niyo." Mahaba kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot nuong tanong
sa 'kin ni August.

"Tauhan lang din siya, kung baga, siya yung tumatayong leader sa mga area. Ang totoong pangalan ng drug lord na hinahanap niyo ay Mattias Villarreal. Masyadong maimpluwensya ang taong 'to, moya Iyubov. Para kayong bumangga sa isang pader dahil sa ginawa niyong action. Alam mo bang lahat ng kasama mong pulis ay patay na. Gustong ipapatay lahat ni Mattias ang lahat ng pulis na sumugod do'n sa hideout." Mahaba kong sabi.

"Pabalik kami sa hospital n'ong araw na yun ng may natanggap akong text. Kaya ginawa ko ang dapat kung gawin. Kailangan kitang maitago lalo na't kritikal ang kondisyon mo. Kahit masakit sa 'kin na hindi ka masilayan o mahawakan.. ginawa ko parin. Nagbabakasakali ako na maka survive ka kahit inaayawan ka na ng mga doctor do'n sa hospital dahil wala na daw pag-asa." Naluluha kong sabi ng maalala ko ang mga nangyari.

Hinaplos ni August ang pisngi ko kaya hinawakan ko 'to saka dinampian ng halik ang kamay niya. "Hindi ako nawalan ng pag-asa. Humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. Naalarma ako n'ong araw na yun dahil nasa hospital din ang mga tauhan ni Mattias para tapusin ka. Sa tulong ni Lord at Lorcan ay nailabas kita sa hospital. Dinala ka ni Lorcan hanggang sa highway ng Summit habang naka abang ang kaibigan kong si Lucifier para ilipat ka sa ibang sasakyan. Sa bawat highway ay may naka abang na mga kaibigan ko para ilipat ka nila ng sa ganun ay malito ang mga tauhan ni Mattias habang si Lord naman ang naka toka sa mga footages at nililinlang ang tracker ni Mattias." Mahaba kong sabi.

"Hindi ako makakapayag na saktan ka niya, moya Iyubov. Kaya kahit masakit na mawalay ka sa 'kin ginawa ko para hindi ka mapahamak. Nang magising si Xanth ay may umaaligid parin na mga tauhan samin. Pati narin sa school ni Xanth, ngunit nagpapatay-malisya lang ako, kunwari hindi ko sila napapansin. Minaman-manan nila lagi ang kilos namin kapag nakalabas kami sa subdivsion kaya hindi ko sinabi kay Xanth ang totoo para mag mukang totoo." Sabi ko saka ako mahinang tumawa. "Ngunit, matalino ang anak natin, moya Iyubov. Na hack niya ang device dito sa Siege sa pamamagitan kay Lord. Huli ko ng nalaman na alam na pala ng anak natin na inooperahan ka dito sa Siege. Nakuha sa 'kin ni Xanth ang magaling magkunwari na walang alam sa paligid pero ang totoo ay alam naman pala niya." Nakangiti kong sabi.

"Syempre, anak ko yun eh," naka ngiting saad ni August na proud na proud sa anak namin.

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Anak nga natin. Tayong dalawa ang gumawa eh," naka nguso kong sabi.

"Oo na, anak nating dalawa," naka ngiting sabi ni August.

"Teka.. mabuti at sumama agad sa'yo si Xanth." Sabi ni August kaya mahina akong natawa.

"Bakit ka natawa?" Kunot nuong tanong niya. Hindi ko pa nga pala nasasabi sakanya na si Xanth ang nakahanap sa 'kin.

"Kumain ka pa, moya Iyubov. Para sa susunod na araw footlong ko na ang kakainin mo." Pilyo kong sabi kaya hinampas niya ako sa braso. Ang bigat talaga ng kamay niya.

Pagkatapos kumain ni August ay agad ko siyang pina-inum ng gamot. Ibinilin sa 'kin 'to ni Doc. Percival kanina.

Pinagpahinga ko lang ang asawa ko habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Hindi parin ako makapaniwala na buhay si August. Hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataon na 'to.

Lumipas ang dalawang linggo, tuluyan ng gumaling ang asawa ko. Napagpasyahan din naming dalawa na putulin ang mahaba niyang buhok para hindi siya makilala agad ng mga tauhan ni Mattias.

Walang problema sa bahay ko dahil alam kong safe si August do'n. Lahat din ng mga guns na inilagay ko sa pader ay ia-activate ko na ulit para sa seguredad ng mag-ina ko. Pero hindi naman ako aalis sa tabi nilang dalawa, sisiguraduhin kong hindi sila makakalapit sa mag-ina ko.

"Sayang ang mahaba mong buhok." Sabi ko sa asawa ko habang sinusuklayan ang maikli niyang buhok na hanggang batok.

"Ayos lang yun. Tutubo padin naman ang buhok ko," nakangiti niyang sabi sa 'kin.

Agad kong hinalikan ang labi ng asawa ko na tinugon naman niya agad. "I love you, moya Iyubov." Nakangiti kong sabi saka pinatakan ulit ng halik ang labi niya.

"I love you too, Atticus." Sagot niya saka pinisil ang ilong ko. "Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak natin," dagdag niyang sabi kaya napa-ngiti ako.

"May ginawang surprise yun kasama ang mga barkada niya." Nakangiti kong sabi habang nakayakap sa asawa ko.

"Barkada? May mga friends na si Xanth?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yeah, ang dami nga eh," sagot ko saka dinampian ng halik ang nuo niya.

"Ready ka ng umuwi?" Tanong ko sabay lahad ng kamay ko sa harap niya.

"Yeah. Excited na ako." Sagot niya habang may ngiti sa labi.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kwarto ni August kung saan siya namalagi n'ong wala siyang malay.

Nakasalubong namin si Doc. Percival na masama akong tinignan. Hindi ako makapaniwala na isang doctor ang taong 'to. Sa unang tingin kasi ay para 'tong naghahamon ng away sa kanto. Maangas din ang hitsura niya habang may tatlong piercing 'to sa bridge ng ilong niya kaya sa unang tingin ay aakalain mong adik at basagulero. Pero ang totoo ay isa siyang magaling na doctor. Half Turkish siya at half Italian.

"Sinasabi ko sa'yo, Atticus. Wag mong papagurin si August kundi puputulan kita ng pagkalalaki," pananakot niya sa 'kin kaya nalukot ang mukha ko.

"Sira ulo!" Sagot ko saka ko hinila ang asawa ko palayo kay Doc. Percival. May mga saltik talaga mga tauhan ni boss Lucian.

"Ang ganda talaga ng mga mata ni Doc. Percival, hubby no?" Sabi ni August kaya tumigil ako sa paghakbang saka ko siya tinignan ng masama.

"Gusto mo bang mag-amok ako dito, moya Iyubov?" Galit kong tanong sakanya. Damn it! nag seselos ako. Ako lang dapat ang guwapo sa paningin ng asawa ko.

"Maganda naman talaga ang olive green niyang mga mata eh," sagot ng asawa ko kaya kinurap-kurap ko ang mga mata ko.

"Maganda din nama ang black ah," depensa ko kaya tumawa ng malakas si August.

Naglakad nalang kaming dalawa palabas ng underground hanggang sa makarating kami sa malaking bato. Bumukas ng kusa yun kaya lumabas kami ni August.

Pinag suot ko siya ng sombrero pati narin sungglass para hindi mahalata.

Pinagbuksan ko ng pintuan ng kotse ang reyna ng buhay ko na agad namang pumasok sa loob. Isinara ko ang pinto saka ako umikot papuntang driver seat.

Nang makapasok ako sa loob ay agad kong binuhay ang makina ng kotse saka ko pina-usad 'to.

Habang binabaybay namin ang highway ay may naalala akong kailangan kong bilhin pala dahil utos yun sa 'kin ni boss Xanth.

"May bibilhin pala muna tayo, moya Iyubov." Sabi ko sa asawa ko.

"Sige." Sagot niya.

Naghanap lang ako ng mall saka ko pinark ang kotse para bilhin ang pinapabili ng anak ko. Sinama ko narin ang asawa ko, mahirap na.. baka may kalaban sa paligid.

Pumasok kami sa mall at agad naming pinuntahan ang grocery store para bilhin ang pinapabili ng anak ko na chuckie. Natatawa nalang si August habang buhat-buhat ko ang tatlong box ng chuckie para may stocks ang anak ko.

Binayaran ko agad ang binili ko saka kami lumabas ni August at tinungo ang parking lot. Pinapasok ko na si August sa loob ng kotse habang nilalagay ko muna ang pinamili namin sa likod ng kotse.

Akmang maglalakad na sana ako para tumungo sa driver seat ng may humawak sa kamay ko. Agad kong nilingon kung sino yun at mas lalong nagulat ng makita ko si teacher Gwen.

"Pwede bang paki bitawan ang kamay ko." Walang emosyon kong sabi sakanya.

"Ayaw ko! Kausapin mo muna ako, Mr. Romero. Gusto ko lang sabihin na sana kilalanin mo ako. Malay mo.. magustuhan mo ko. Magiging mabuti akong mommy ni Xanth, pangako yan." Sabi niya habang matamis na nakangiti sa 'kin.

Akmang sasagot na sana ako ng marinig kong bumukas ang pintuan ng kotse. Fucking shit! Pinagpapawisan tuloy ako ng malagkit.

Nagkabuhol-buhol ang paghinga ko ng makita ko si August na masamang nakatingin sa kamay ni teacher Gwen na nakahawak sa kamay ko. Pilit kong hinihila 'to ngunit ayaw talagang pakawalan ng babae.

"Pwede bang bitawan mo ang kamay ng ASAWA KO." Walang emosyong sabi ni August na pinagdiinan pa talaga ang Asawa ko. Napangiti tuloy ako habang nakatingin ako kay August. Pero, anak ng tinapa, inirapan lang ako.

"Bitawan mo na kasi ako teacher Gwen." Utos ko sa babae na agad umiling.

"Gustong-gusto talaga kita, Atticus. Bigyan mo naman ako ng chance." Pagmamakaawa niya sa 'kin.

Nagulat ako ng malakas na hinila ni August ang kamay ko at itinago niya ako sa likod niya. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil para akong timang na kinikilig. Mabuti nalang talaga at wala ang mga kaibigan ko kundi kanchaw ang aabutin ko.

"Pwede ba miss.. ahm.. hindi ko alam ang pangalan mo at wala akong panahon para alamin. FYI, asawa ko si Atticus. Kung ayaw mong kalbuhin ko ang buhok mo, tigilan mo ang asawa ko." Matapang na sabi ni August kay teacher Gwen.

Masama namang tumingin ang babae kay August saka 'to umalis sa harapan namin.

Matalim akong tinignan ni August kaya napa deritso ako ng tayo. Para tuloy akong hindi humihinga dahil sa takot ko sa asawa ko.

"Subukan mo lang tumabi sa 'kin sa kwarto ah. Sa labas ka matulog mamayang gabi." Galit niyang sabi sa 'kin saka 'to umalis sa harapan ko at tumungo papunta sa kotse.

"Putangina naman oh! Unang honeymoon palang na evict na agad ako sa kwarto." Reklamo ko habang nagkakamot sa likod ng ulo ko.



A/N: umabot ng 3k+ words ang chapter na to hahaha ang sakit ng mga daliri ko habang ginagawa ko ito pati narin kay Caiden. Kaya ipapahinga ko muna ang mga kamay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

196K 3.6K 28
Rose was annoyed by what her parents did. They made her a repayment of debt. Malaki ang utang ng mga ito sa family Kulton kaya nang hindi nila magawa...
1.2M 23.9K 35
[🔞R-18] ||⚠️Matured Content|| {✅Complete} Caleb Alonzo hates Cataleya Emmanuella. Inis na inis siya sa batang babae na walang ginawa kundi sundan s...
60.9K 1.1K 23
Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa b...
19.4K 397 30
Gusto niya lang mahalin ulit siya ng babaeng nagpapabago sa kaniya. *** Isang babaero si Xenon na walang ginawa sa kaniyang college days kundi ang sa...