Play The King: Act Two

By AkoSiIbarra

365K 24.6K 11.5K

["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months... More

ACT TWO: "Play The King"
RECAP: "Play The Queen"
THE HERALD's Front Page (September 20 Issue)
PRELUDE: Avenging Tigers (Alaric)
CHAPTER I: The Fallen Falcon (Reynard)
CHAPTER II: Alaric's Bluff (Castiel)
CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)
CHAPTER V: Kingside Castling (Castiel)
CHAPTER VI: Falcon and Tiger (Reynard)
CHAPTER VII: Circle the Wagons (Castiel)
CHAPTER VIII: Royal Restraint (Fabienne)
NEWS UPDATE: CCS-CSC CHAIR RESIGNS
NEWS UPDATE: LEXECOM MAJORITY BLOC TO FILE IMPEACHMENT RAPS VS USC PRES, VP
CHAPTER IX: Flipped Like A Coin (Reynard)
CHAPTER X: Severed Strings (Castiel)
CHAPTER XI: Tricky Theatrics (Fabienne)
CHAPTER XII: Opening Shot (Castiel)
CHAPTER XIII: The Future is F?! (Reynard)
CHAPTER XIV: Queen's Gambit (Fabienne)
CHAPTER XV: Alpha Male (Castiel)
CHAPTER XVI: Castle Under Siege (Castiel)
NEWS UPDATE: 6 OUT OF 10 STUDENTS IN FAVOR OF OUSTING USC PRES, VP
CHAPTER XVII: 'T' in Theater Means 'Tea' (Reynard)
CHIKA MINUTE: Silence, Please?
CHAPTER XVIII: Double Check (Fabienne)
CHAPTER XIX: Sacrificial Lamb (Castiel)
CHAPTER XX: Passing the Torch (Fabienne)
CHAPTER XXI: At All Costs (Castiel)
NEWS UPDATE: ONLY 4 OUT OF 10 STUDENTS NOW IN FAVOR OF OUSTING USC PRES
CHAPTER XXII: Nuclear Option (Reynard)
CHAPTER XXIII: Pyrrhic Victory (Fabienne)
NEWS UPDATE: CBA-CSC CHAIR TOPS VP BETS
CHAPTER XXIV: Trouble in Paradise (Castiel)
CHAPTER XXV: Double Trouble (Fabienne)
CHAPTER XXVI: Hand of the King (Castiel)
CHAPTER XXVII: A Heartbeat Away (Castiel)
NEWS UPDATE: NEW USC VP TAKES OATH
OPINION PIECE: USC RHYMES WITH MISOGYNY
OPINION PIECE: MGA MAHIHINANG NILALANG
CHAPTER XXVIII: Insurance Policy (Reynard)
CHAPTER XXIX: Hard Bargain (Fabienne)
CHAPTER XXX: Spare Tire (Castiel)
CHAPTER XXXI: Race is On (Reynard)
CHAPTER XXXII: Pinky Promise (Fabienne)
CHAPTER XXXIII: D-Day (Fabienne)
CHAPTER XXXIV: Four Candies (Castiel)
CHAPTER XXXV: Line of Succession (Castiel)
NEWS UPDATE: USC VP TEMPORARILY ASSUMES PRESIDENCY
CHAPTER XXXVI: Caught By Its Mouth (Reynard)
CHAPTER XXXVII: Sleeping Prince (Fabienne)
CHAPTER XXXVIII: Down in the Dumps (Fabienne)
CHAPTER XXXIX: Declaration of War (Reynard)
CHAPTER XL: Regency Era (Castiel)
NEWS UPDATE: USC SUSPENDS 3 OFFICERS
CHAPTER XLI: So Much For So Little (Fabienne)
CHAPTER XLII: New Crew (Castiel)
CHAPTER XLIII: Countermeasures (Fabienne)
CHAPTER XLIV: United Front (Castiel)
CHAPTER XLV: Newfound Prey (Reynard)
CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)
CHAPTER XLVII: Direct Attack (Castiel)
CHAPTER XLVIII: Uncoordinated Response (Fabienne)
CHAPTER XLIX: Poetic Justice? (Reynard)
CHAPTER L: Surge of Hope (Castiel)
CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)
CHAPTER LII: Deja Vu (Castiel)
CHAPTER LIII: Awakened Prince (Fabienne)
CHAPTER LIV: Warning Shot (Reynard)
CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)
CHAPTER LVI: Cheese in the Trap (Reynard)
CHAPTER LVII: Locked in the Crosshairs (Reynard)
CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)
CHAPTER LIX: Beating Hearts (Fabienne)
CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)
CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)
CHAPTER LXII: Ticking Bomb (Reynard)
CHAPTER LXIII: Royally Official (Fabienne)
CHAPTER LXIV: Back in the Game (Castiel)
CHAPTER LXV: Tiger's Tail (Reynard)
CHAPTER LXVI: Prior Restraint (Reynard)
CHAPTER LXVII: Shots Fired (Castiel)
CHAPTER LXVIII: Emergency Meeting (Fabienne)
CHAPTER LXIX: Straight from the Heart (Fabienne)
CHAPTER LXX: State of the Race (Reynard)
CHAPTER LXXI: Tea Time (Castiel)
CHAPTER LXXII: Final Stretch (Fabienne)
CHAPTER LXXIII: Popularity Contest (Reynard)
CHAPTER LXXIV: Vox Populi (Fabienne)
CHAPTER LXXV: Curtain Call (Castiel)
EPILOGUE: Necessary Evil
USC Media Briefing: Q&A Portion
Author's Notes
DO NOT READ THIS PART

CHAPTER IV: Queen's Gambit (Fabienne)

6K 409 87
By AkoSiIbarra

FABIENNE

"Tell me, Fab. Is your relationship with Priam just an act?"

KUNG PUWEDE kong aminin kay Colin, lalo na kay Belle, noong pa lang sana'y sinabi ko na sa kanila. Ayaw kong nagsisinungaling sa mga kaibigan ko at sa mga taong malalapit sa 'kin except kung sobrang kailangan. Sa kaso ng Oplan First Lady, I agreed to its terms and conditions. At isa sa mga 'yon ay ang 'di pagsabi kahit kanino tungkol sa kasunduan ko sa University Student Council.

Kina Mama't Kuya nga, 'di ko nagawang sabihin. Paano pa kaya sa ibang tao?

So ano'ng dapat kong sabihin kay Colin? I couldn't tell him the truth. At the same time, I couldn't just deflect his question. Kung gusto kong malusutan 'to, kailangan ko siyang ma-convince. Kung 'di, mananatili siyang suspicious sa relationship namin ni Priam.

"Yen?"

My face lit up nang narinig ko ang boses na 'yon. Sumunod ang mga yabag galing sa backstage. May pumasok sa left wing ng entablado. A familiar figure stood there, at sabay kaming napalingon ni Colin sa kaniya. Isang tao lang ang tatawag sa 'kin gamit ang nickname ko.

"Yam!" I exclaimed with a wide smile. Parang automatic na kumurba ang labi ko. Perfect timing ang dating niya, ah?

"Sorry, were you two in the middle of something?" Palipat-lipat ang tingin ni Priam sa 'kin at sa co-actor ko. As usual, suot pa rin niya ang kaniyang maroon blazer na may badge ng university logo sa lapel. Colin's just interrogating me about our relationship. It's not much of a big deal.

Tumingin ako kay Colin, saktong nagkasalubong ang tingin namin. He might be disappointed that he didn't get to hear my answer. Siya na ang lumingon kay Priam at marahang umiling. "No, we're just chatting."

"Is that so? I hope you don't mind if I..."

"Sure, go ahead!" Muling ibinaling ni Colin ang tingin niya sa 'kin. Whether he's dismayed or not by the interruption, 'di ko masabi. "See you tomorrow, Fab!"

"See you!" Thank goodness, 'di ko na kinailangang sagutin ang tanong niya. Sorry, Colin.

Nagpaalam muna akong magpapalit ng damit dahil suot ko pa rin ang aking costume. Nang naisuot ko na ulit ang aking uniform, tumuloy na kami ni Priam sa backstage. Nadatnan namin do'n si Belle na pangiti-ngiti at paangat-angat pa ang mga kilay na parang nang-aasar.

"Ang suwerte mo naman, Fab!" sabi niya. "Mismong si Mr. President ang sundo mo!"

I scratched my cheek. "Sabi ko nga sa kaniya, 'di na niya ako kailangang sunduin dito sa audi. Kaso ang kulit niya."

"I'm already done with my council duties so I'm free around this time," sagot ni Priam. "Besides, going up to the fifth floor is a good exercise."

"Speaking of free, make sure na makasasama ka sa 'min, ah?" paalala ni Belle. "Hindi ka pa dumaraan sa job interview, pero hired ka na agad."

"Don't worry, I will make time for it," tugon ni Priam. "Just let me know when and where."

"Aasahan ko 'yan, Mr. President!"

Bahagyang naningkit ang mga mata ko. 'Di ako makasabay sa topic. "Ano'ng pinag-uusapan n'yong dalawa? Parang 'di ako na-inform diyan sa get together na 'yan?"

"Habang naghihintay kasi si Mr. President kanina, in-invite ko siyang sumama sa 'tin for meryenda or afternoon gala kapag wala tayong rehearsal. Game na game naman siya!"

"Really?" kunot-noo kong tanong sa aking katabi. "'Di ka ba busy? May upcoming event kayo, 'di ba?"

"I can make time for some fun, just as how I always make time to come here," he said. "I'm also interested in meeting your friends. This seems like the perfect opportunity to do so."

Pakurap-kurap ako sa kaniya. Wow, ah? Sineseryoso niya talaga ang pagiging boyfriend ko. He didn't have to do it. He also didn't have to pretend na interested siyang makilala ang friends ko. He could've used the student council as an excuse to decline the invitation. Pero no! Um-agree siyang sumama. Well, I couldn't blame him lalo na kung na-pressure siya ni Belle habang silang dalawa ang magkausap dito kanina.

"That will be nice!" biglang sabi ni Colin. Halos kababalik lang niya mula sa changing room. Muntik ko nang makalimutan na nandito pa pala siya, nag-aayos ng kaniyang gamit. "I'm also interested in getting to know the USC president more."

"See you then."

Aha! May idea na nag-pop sa isip ko. Maybe Priam and I could take advantage of that gala? Para ma-convince namin si Colin at mabawasan o maalis na ang suspicions niya sa 'min. Si Belle pa pala mismo ang gagawa ng paraan para masolusyonan namin 'yon.

"Anyway, mauna na kami!" paalam ko sabay kuha ng aking shoulder bag. "See you tomorrow!"

"Ingat kayo, Fab! Ingat ka rin, Mr. President!"

Sa backstage exit na kami dumaan ni Priam tutal naka-open naman 'yon. Tahimik kaming naglakad sa hallway hanggang sa narating na namin ang hagdanan. May kaunting awkwardness sa pagitan namin. Maybe that's just normal. Walang ibang tao sa paligid kaya 'di na namin kailangang mag-act. Mukhang may malalim ding iniisip si Priam.

Napabuga ako ng hangin at saglit na napapikit. Ako na ang babasag sa katahimikan. "You have no idea how you saved me back there. Medyo suspicious si Colin sa relationship natin, lalo na no'ng nag-kiss tayo—I mean, no'ng kiniss kita sa livestream ng The Herald. He suspects na we're just acting."

"I heard a bit of what he said," sagot ni Priam. "I sensed that you were in trouble, that's why I stepped in."

"Talaga? Gano'n katalas ang pandinig mo?"

"I was listening to Belle, but I was listening more to you and Colin on the stage."

"Then I owe you big time!" Muli akong bumuntong-hininga. "'Di ko na alam kung ano'ng sasabihin sa kaniya kanina. He's not the type to accept things at face value. Kung mali ang sinagot ko, baka lalo siyang naghinala sa relationship natin. Not responding is the better option sometimes."

"So me joining you and your friends will give us the perfect chance to dispel his suspicions, huh? What a coincidence."

"We have to thank Belle for that opportunity."

Narating na namin ang ground floor. Dahil way past na ng usual class dismissal at gumagabi na, kakaunti na lang ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway at pakalat-kalat sa campus.

"By the way, I have to discuss something serious with you," Priam said, making me turn to him. Napatingala pa ako dahil sa tangkad niya. "It might affect our arrangement, so it's best to keep you informed."

He's always serious, but he had never been this serious. Halata ko sa mukha niya kanina pa na may bumabagabag sa kaniya. It must be related to the student council. What is it this time?

Pumunta kami sa campus garden. Dahil lumubog na ang araw, wala nang masyadong pumupunta rito. 'Di na rin masyadong naa-appreciate ang ganda ng mga bulaklak—roses, dahlias, tulips, daffodils, zinnias—dahil madilim na. Tanging lamp posts ang nagbibigay ng liwanag sa area na 'to. He thought this was the perfect place para mag-usap kami in private.

Pareho kaming umupo sa isang wooden bench, nasa tabi ang isang lamp post na pinalilibutan ng mga gamu-gamo. Natahimik na naman kaming dalawa. Ang tunog ng mga kuliglig sa mga puno sa 'di-kalayuan ang nagsilbing background noise.

"Is something wrong, Yam?" tanong ko matapos ang ilang minuto. The silence was making me a bit uncomfortable. Gano'n ba 'to kaseryoso?

Nakayuko si Priam, nakatitig sa may paanan niya at magkahawak ang parehong kamay na parang nananalangin.

"What's bothering you? You wanna talk about it? I'm here to listen."

Umangat na ang kaniyang ulo kasabay ng malalim na buntong-hininga. "There's a possibility that I'm going to step down as USC president this week."

Namulagat ang mga mata ko, halos malaglag ang aking panga.'Di ako agad na nakatugon. No'ng isang araw, sobrang okay ng lahat. 'Tapos ngayon, bababa na siya sa puwesto?

"You're resigning?! Talaga? What happened? Bakit parang biglaan naman?"

"Cas did something that puts me and Val in a dangerous position," he explained as he turned to me. "Binlackmail niya ang isa sa mga CSC chairperson para bumoto pabor sa Freedom of Information bill. It turned out that he did not have to do so because the majority bloc eventually voted in favor of it. He inadvertently gave them ammunition, and Alaric is now threatening me and Val with impeachment."

Nagpanting ang mga tainga ko nang narinig ang pangalang 'yon. Kahit kailan talaga, problema ang dala ng Castiel na 'yon. I thought he's smart, I thought he's clever. Pero bakit 'di niya na-foresee na trap 'yon? He's so blinded by revenge kaya baka 'di niya nakita.

"I told Cas that I do not intend to enable him anymore, that's why I'm resigning," Priam went on. "But he asked me to give him a few days to find a way out. I did. If he fails to pull us out of this mess, I'm going to tender my resignation as USC president. Val may need to resign too, so my entire council will be kicked out of office. If that happens, Alaric will serve as acting president until the LEXECOM votes in a new president. A new USC will be then inducted."

Isa pa ang Alaric na 'yan. Sakit ng ulo rin ang dala sa 'min.

"Sinasabi ko sa 'yo ito para makapaghanda ka," dugtong niya. "Sakaling mawala na kami sa USC, hindi na namin masisiguro ang scholarship mo. The new president may choose not to renew yours in the next semester. If it's going to be Alaric, that makes the matter more complicated. But maybe I can strike a deal with him. He's a CBA student. He probably loves making deals. Kapag nag-resign ako, ipapa-guarantee ko sa kaniya na magtutuloy-tuloy ang scholarship mo."

Umiwas ako ng tingin, parang 'di ko siya kayang tingnan. I was touched—very touched—by his concern about me. Matatanggalan na nga siya ng posisyon, ang scholarship ko pa ang iniisip niya. He's even willing to reach out to Alaric just to make sure that I'd continue to enjoy my studies in this university.

"You don't have to do that," malumanay kong sabi. "Sakaling 'di ma-renew ang USC scholarship ko next sem, makahahanap ako ng paraan. I always find ways! You don't have to worry about me. 'Di mo rin kailangang ibaba ang sarili mo kay Alaric."

"That's the least I can do for you," Priam said, "for dragging you into this mess."

Sumimangot ako. Kahit 'di na niya burden 'to, pinili niya pa ring pasanin. Mas inuuna pa niya ang iba. Gusto niyang mag-resign para 'di na ma-enable pa ang mga kabaliwan ni Castiel. At sakaling matuloy ang resignation niya, gusto niyang siguruhin na 'di ako masyadong maaapektuhan.

If that's not selfless, I don't know what else is. If students could only hear what he's saying, malamang tuluyan nang magbabago ang kanilang opinyon sa kaniya. Ito ang side na 'di niya madalas na ipakita sa iba.

"It's not you who dragged me into this mess," seryoso kong tugon. Seryoso rin ang titig ko sa kaniya. "It's Castiel. Siya ang may pakana ng Oplan First Lady. Siya rin ang nam-blackmail sa CSC chairperson na 'yon kaya nalalagay sa peligro ang posisyon n'yo. Ayaw ko sanang ungkatin ang nakaraan, but you should've fired him before. Siya ang nagpapahamak sa 'yo, eh! Maybe if you offer his head instead of yours, malulusutan mo 'tong threat ni Alaric?"

"Even if I fired him last week, the damage has been already done. Even if I fire him now, it will not make that much difference." Priam shook his head slowly, his eyes looking down. "I'm the USC president, and he's my chief-of-staff. I'm responsible for him and his actions, whether I'm aware or not. The buck stops with me."

Admirable kung paano niya akuin ang responsibilidad para sa kaniyang council, pero parang binibigyan niya ng free pass si Castiel sa accountability. Whether mag-resign siya o ma-impeach, siya ang bubugbugin ng controversy ng The Herald at ng ibang campus media orgs habang ang chief-of-staff niya, galos lang ang matatamo. Si Castiel dapat ang ginigisa, 'di siya.

Priam doesn't deserve that kind of humiliation.

The only way para 'di mangyari ang worst case scenario ay kung makahahanap si Castiel ng paraan para malusutan 'to. Sad to say, nakadepende sa lalaking 'yon kung mag-i-stay pa rin siya at si Priam sa council. Kung makakapag-perform siya ng himala, aaminin kong tama ang desisyon na 'di siya finire no'ng isang linggo.

I wished I could do something, pero labas na 'to sa kaya kong gawin.

"I don't think you should resign, Yam," I said as I looked him in the eye. "I can't believe I'm saying this, but give Cas a chance to get you out of this mess. Pasakitin mo ang ulo niya dahil siya ang may kagagawan nito. Since he's so hell-bent in getting his revenge, gagawin niya ang lahat para 'di kayo matanggal sa puwesto."

Nabaling ang tingin niya sa ibang direksiyon. "I think that's what he intends to do—"

"Wala ako sa posisyon na sabihin 'to—ni 'di nga ako isang student council officer—pero sakali mang malusutan n'yo 'to at ayaw mo pa rin siyang tanggalin sa USC, I hope na you'll be more assertive with your authority."

He turned to me again. Wala siyang sinabi, tinitigan niya lang ako.

"You're the USC president, Yam," I reminded him kahit alam kong 'di kailangan. "You're the most powerful student-leader in all of Elysian University. Kung ayaw mo na siyang i-enable, don't let your chief-of-staff have his way. Don't let him do something controversial behind your back again. You want him to be within your reach kaya 'di mo siya tinanggal, right? Then put a leash on him."

"I have an idea or two on how to manage him now." Mariin siyang tumango. "But do we have to put a leash on our friends?"

"Not if they're as destructive as Cas," sagot ko. "If you let him loose again, 'di natin alam kung ano na namang sakit ng ulo ang ibibigay niya sa 'yo."

Muling napayuko at natahimik si Priam, mukhang pinag-isipan ang suggestion ko.

"Show him who's the boss, Yam. Show him that you're the freaking USC president."


NEXT UPDATE: The chief-of-staff makes his move to protect the presidency.

If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #PlayTheKingWP!

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
124K 2.4K 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya...
17.3K 1.4K 138
Poetry Book Collaboration by Cabin of Writers and Cabin of Artists and Editors.
151K 8.4K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...