Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 32

24K 584 119
By xxriegozzxx

NAGLALAKAD AKO KASAMA ang anak kong si Xanth habang may hawak kaming basket na may lamang bulaklak. Isang buwan narin ang lumipas simula ng namatay si August.

Nag-aalala ako kay Xanth dahil nag iba ang ugali nito. Lagi nalang siyang nagkukulong sa kwarto niya, ayaw niyang makipag-usap kahit na kanino maging sakin. Ilang araw ko pa siyang pinilit na kausapin ako dahil nag-aalala ako sakanya. Hindi din siya kumakain, kung hindi ko pa siya pipilitin hindi talaga siya kakain.

Lagi ko ding nakikita na yakap-yakap niya ang picture frame ni August sa t'wing natutulog siya.

Kaya lagi kong pinapapunta dito sa bahay sina Alexios at Evreux at nag babakasakali ako na bumalik ang sigla ng anak ko.

Sa tulong nila Alexios at Evreux ay lumalabas narin sa wakas ang anak ko sa kanyang kwarto. Nakikipag halubilo narin 'to sa mga uncle's niya at tita Ruwi niya. Malapit siya kay Ruwi kaya lagi siyang nasa bahay nito. Kailangan ko pa siyang sunduin para lang umuwi sa bahay dahil doon na naka tambay sa pamilyang Vandeleur.

Nandito kami ngayon sa simenteryo para dalhan ng bulaklak ang puntod ni August. Galing na kami kahapon dito pero gusto ko lang dalawin ulit ang babaeng ng iwan samin ni Xanth.

Nakarating kami sa harap ng puntod ni August kaya agad naming inilapag ang dala kong basket saka ako umupo sa damuhan.

"Kamusta kana po, mama?" tanong ni Xanth saka umupo sa damuhan sabay haplos sa lapida ni August.

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko saka ako ngumiti sakanya. "Sigurado akong masaya si mama mo dahil lumalabas kana sa kwarto mo," saad ko kaya napa-ngiti si Xanth pero alam kung pilit ang ngiti niya.

"Mama, marunong na po ako gumamit ng sword. Tinuruan po ako ni tita Ruwi gumamit," saad ni Xanth na ikinalaki ng mata ko.

"Tinuruan ka ng tita Ruwi mo?" tanong ko dahil hindi ko alam. Babatukan ko talaga 'to si Ruwi kapag nakita ko siya.

"Opo. Nakita ko po kasi si kuya Alexios humawak ng sword, papa. Ang galing po niya! Kaya sabi ko gusto ko pong matuto pero ayaw pumayag ni kuya Alexios turuan ako, kaya si tita Ruwi ang kinulit ko," naka nguso niyang sabi sakin.

Kaya naman pala may maliit siyang sugat sa kamay na naka benda. Ang sabi pa sakin ng anak ko ay nasabit lang daw siya sa alambre nong naglalaro sila ng kuya Evreux niya. Lagot talaga 'to sakin si Ruwi. Kaya naman pala gustong-gusto ng anak ko na pumunta sa bahay nila Ruwi.

"Hindi kana pwedeng humawak ng sword, okay?! Masyado ka pang bata para sa ganyan, Xanth." seryoso kong sabi sa anak ko kaya napayuko 'to.

"Isusumbong po kita kay mama, papa. Para hilain po ang paa mo mamayang gabi," sagot ng anak ko na ikina-iling ko. Pala sagot talaga 'tong anak ko. Mana kay August. Para lang tuloy kaming mag barkada ng anak ko.

Kinekwentuhan lang namin ang puntod ni August, ang anak ko naman ay kinukulit na akong umuwi dahil gusto daw niyang pumunta sa bahay ng tita Ruwi niya. Ewan ko ba kung anong meron sa bahay ni Ruwi at pati ang anak ni Lucifier, Salem at Raizen ay gustong-gustong tumambay sa bahay niya. Wala namang magandang tanawin doon bukod sa pag mumukha ng kambal na si Lord at Lorcan at ang isa pa nilang kasama na si Genesis na wala ng ginawa kundi mahigh blood sa ingay ng mga anak namin. Siya kasi ang inutusan ni Ruwi na bantayan ang mga bata at baka kung saan-saan lumusot sa bahay ni Ruwi.

May mga alaga kasi si Ruwi na mga hayop kaya hindi pwedeng walang bantay sa mga bata.

"Balik ulit kami dito, mama. Ba-bye po!" naka ngiting paalam ni Xanth sa puntod ni August.

Nakapamulsa akong tumitig sa lapida ni August saka ko 'to hinaplos at ngumiti. "Tara na papa! Baka malate po ako," saad ng anak ko na hinihila ang kamay ko.

"Bakit ka naman malalate? Ano bang meron? Magsabi ka nga sakin ng totoo, Xanth!" saad ko sa anak ko, nagtataka na kasi talaga ako kung bakit lagi nalang siyang excited pumunta sa bahay ng mga Vandeleur.

"Eh kasi papa, big na yung alagang snake ni tito Aizen. Sabi ni tita Ruwi mag e-exhibition daw si uncle Aizen kasama ang snake," sagot ng anak ko na ikina-ngiwi ko.

Nasa pangangalaga na kasi ni Ruwi ang ahas na ni regalo ni Aizen sa anak ni Salem. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay ni Ruwi at ang daming hayop sa bahay niya. Hindi ko malaman kung bahay pa ba o jungle na.

Pag pasok palang sa bahay niya ay may naka abang na agad na lion, kung hindi pa hahawakan ni Lorcan ang kadena ng lion kapag pumupunta ako ay baka matagal ng nasakmal ang pang-upo ko.

Sumakay kami agad sa kotse saka ko binuhay ang makina at pina-usad. Panay ang tingin ko sa rear view mirror ng mapansin ko na parang may sumusunod samin na naka sakay sa motor.

Hindi ko nalang pinahalata kay Xanth pero naka alerto ako kung sakali. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas kami sa simenteryo at lumiko ang lalaki sa ibang direksyon.

Pagdating namin sa harap ng bahay ni Ruwi ay agad lumabas ang anak kong si Xanth na hindi man lang ako hinihintay. Pinagmasdan ko nalang siya na kinakawayan ang tito Salem niya na nakatayo sa labas ng gate saka 'to tuluyang pumasok. Napa-iling nalang ako saka ako bumaba ng kotse. Naglakad ako papunta kay Salem na parang timang na nakatayo sa harap ng gate.

Tinapik ko ang likod ni Salem dahilan para mapalingon 'to sakin. "Sinong sinisilip mo dyang animal ka?" tanong ko sakanya.

Bumuga naman 'to ng hininga saka hinilot ang sentido niya. "Hindi ako makapasok eh," sagot niya saka tinuro ang malaking lion na naka upo sa di kalayuan. Naka harap pa 'to sa gate at nakatingin sa gawi namin ni Salem.

"Pano ako makakapasok sa loob kung may malaking daga na nag babantay," saad ni Salem. "Kanina pa ako inutusan ng asawa ko na pauwiin ko na daw si Hannah. Pero, putangina. Hindi ako makapasok," reklamo niyang sabi.

"Wag ka ngang tumawa," sabi niya sabay turo sa nuo niya.

"Na pano yan?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.

"Tumama lang naman sakin ang lumilipad na tsinelas ni Courtney dahil hindi niya ako mautusan kahapon," saad niya kaya natawa ako.

"Akala ko ba magaling kang umilag?" naiiling kong sabi.

"Magaling nga! Pero sa tsinelas ni Courtney hindi," sagot niya kaya natawa na naman ako.

"Mga pre!! Sinusundo niyo din ba mga anak niyo?!"

Biglang sulpot ni Lucifier sa likod namin ni Salem sabay akbay sa balikat namin.

"Kanina pa ako dito," saad ni Salem.

"Mauna ka kayang pumasok, Atticus. Wala namang nag mamahal sa'yo kaya ayos lang na malapa ka," saad ni Salem kaya masama ko siyang tinignan.

"Eh, kung sakalin kaya kita," saad ko.

"Tragis naman kasing bantay yan, kahit magnanakaw aatras kapag nakita ang guardya ng bahay ni Ruwi," saad ni Lucifier.

"Bakit.. kanina pa ba si Lufhier sa bahay ni Ruwi?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Kanina pa. Hindi na nga nag almusal sa bahay," sagot ni Lucifier.

Bigla kaming napa-atras tatlo ng makita naming tumayo ang lion at naglakad papunta sa gate.

"Nasaan ba kasi care taker ng lion na yan," inis na sabi ni Salem.

"Hanap mo ko?" biglang sulpot ni Lorcan sa gate habang kumakain ng cornetto.

"Kanina kapa dyan?!" inis na tanong ni Salem.

"Oo," tipid niyang sagot saka kumain ulit ng ice cream.

"Putangina ka! Bakit hindi mo hinawakan ang lion na yan para makapasok kami. Kanina pa kaya kami dito," inis na sabi ni Salem kay Lorcan.

"Bakit.. tinawag niyo ba ako?" inosenteng tanong ni Lorcan.

"Hawakan mo yung kadena para makapasok kami," utos ni Salem kay Lorcan.

"Lord! Hawakan mo daw ang kadena, naiihi na dito si Salem sa takot," saad ni Lorcan kaya mahina akong natawa.

"Gago! Naka diaper ako!" sagot naman ni Salem.

Lumabas naman si Lord sa gate na may hawak na laptop. "Nagpapa bilad ba kayong tatlo sa araw?" tanong niya samin.

"Hawakan mo na kasi ang alaga niyo para makapasok na kami. Nasisira na ang skin ko dito sa araw," reklamo ni Salem.

"Matagal ng sira yan," pangbabara ni Lord kay Salem.

"Ano ba yang kakambal mo, Lorcan.. kulang ba yan ng bakuna kaya niya ako sinasagot-sagot. Sabihin mo lang sakin kung kulang para ma injectionan ko ng anti-tetanus," saad ni Salem na ikinatawa ni Lorcan saka naglakad palapit sa lion.

Hinawakan ni Lorcan ang kadena ng lion kaya kami nakapasok ni Lucifier at Salem.

"Umurong ka nga don," biglang saad ni Lucifier saka tinulak ng mahina si Lord.

"Wag kayong maglapit dalawa, baka kumulog," saad ko habang nag sisikuhan si Lord at Lucifier.
Para kasing mga tanga nag sabay pa kasing pumasok sa pintuan eh hindi naman sila kasyang dalawa.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang anak kong si Xanth habang nakikinig sa tita Ruwi niya na nag e-explain. Mukang tinuturaan niya ng hand to hand combat ang mga bata.

Lumabas naman si boss Lucian na agad kaming tinapunan ng tingin saka 'to lumapit samin.

"Anong trip ng asawa mo, boss Lucian?" tanong ni Salem ng makalapit si boss Lucian samin.

"Wag niyo akong tanongin. Hindi ko din alam ang sagot," sagot niya.

Bumaling ako sa anak ko na naka ngiti habang nakikinig kay Ruwi. Natutuwa ako dahil nakikita ko na siyang masaya ulit. Siguro, sinasadya ni Ruwi na turuan ang mga bata para hindi malungkot si Xanth at bumalik na naman sa pag kulong sa kwarto niya.

Basic lang naman ang tinuturo ni Ruwi kaya kampante kami.

Nang matapos si Ruwi ay agad siyang lumapit samin. Nag fist bump lang kami isa-isa sakanya saka 'to umupo sa sahig.

"Genesis! Ilabas ang tinimpla mong juice!" sigaw ni Ruwi.

Lumabas naman si Genesis na may dalang tray saka 'to lumapit kay Ruwi.

"Teka.. nasaan yung amin?" tanong ni Lucifier kay Genesis dahil isang baso lang ang dala niya na para ka Ruwi.

"Andoon sa kusina. Hintayin niyong pumunta dito ang baso," saad ni Genesis kaya minura 'to ni Lucifier at Salem. Hindi nalang ako nag salita dahil mauubos lang ang dugo ko sa mga tauhan ni boss Lucian.

Tumakbo naman sakin ang anak ko habang may ngiti sa labi. "Papa, marunong na po ako," masaya niyang sabi sakin kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Hay.. si Hannah nong isang araw, kinarate ako. Kasalanan mo talaga 'to, Ruwi." saad ni Salem habang dinuduro si Ruwi. Ngumiwi naman si Ruwi saka uminom ulit ng juice.

Mabuti nalang talaga at hindi ginagawa sakin ni Xanth 'yon. Lagi ko namang sinasabi sakanya na para narin sa proteksyon niya kaya sila tinuturuan ng tita Ruwi niya. Lagi ko din sinasabi sakanya na wag niyang gagamitin kung may kaaway siyang bata at baka mareklamo ako ng nanay.

Ayos lang sakin na turuan si Xanth basta ba hindi siya magagaya sa pinagdaanan ko. Alam kung meron pang mga kalaban sa paligid kaya kailangan talagang matuto ng anak ko kung pano niya protektahan ang kanyang sarili.


A/N: Epilogue na dapat 'to eh, wala lang.. pinapaasa ko lang kayo na buhay si August hahaha..

Last chapter na 'to. Next na ang Epil. pero baka bukas ko pa gagawin.

Thank you sa mga votes and comments niyo!🙇‍♀️❤️

Magandang gabi mga madii❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

11.8M 60.2K 14
Attractions lead them in One Night together ❤
1M 21.4K 35
[🔞R-18] ||⚠️Matured Content|| {✅Complete} Caleb Alonzo hates Cataleya Emmanuella. Inis na inis siya sa batang babae na walang ginawa kundi sundan s...
100K 2.4K 31
Warning: 🔞 (This is a dark romance and is not suitable for young readers.) In all of Val's life was the only woman in his heart. Tiniis niya ang lum...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...