Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 30

22.9K 596 67
By xxriegozzxx

⚠️WARNING‼️

HINDI AKO MAPAKALI habang nasa labas ako ng emergency room. Kasama ko si Lord na tinatawagan si Ruwi at ang iba ko pang mga kaibigan. Inutos ko narin kay Lord na tawagan si Salem para papuntahin dito sa Laguna.

Nakayuko lang ako habang naka upo sa sahig at nag hihintay na lumabas ang doctor. Natatakot ako at baka hindi maka survive si Xanth at si August.

Naka kuyom ang kamao ko habang bumabalik sa alaala ko ang sinapit ni August at Xanth. Kailangan kong mahanap ang mga putanginang gumawa nito sa mag-ina ko.

Tumayo ako sa pagkaka salampak sa sahig saka ako humarap kay Lord na kumakain na naman ng biscuit.

"Pwede bang dito kana muna. Tawagan mo ko kapag may balita ka na sa sitwasyon ng mag-ina ko," saad ko.

"Susugod ka mag-isa?" tanong niya sakin.

"Hindi ako pwedeng walang gawin, Lord. Mag babayad sila sakin," walang emosyon kong sabi saka ako naglakad palayo kay Lord.

Mabilis ang ginawa kong paglalakad dahil ayaw kong mag sayang ng oras, kailangan kong maka balik agad sa mag-ina ko.

Nang makalabas ako sa hospital ay agad akong sumakay sa kotse ko na may bakas pa ng dugo mula sa mag-ina ko pati narin kay yaya Minerva.

Binuhay ko ang makina at pina-usad 'to, balak kong pumunta muna sa bahay nila August para kunin ang device na naka dikit sa pader para makita ko ang mga mukha ng may gawa nito.

Nakarating ako agad sa bahay nila August, nagmamadali akong bumaba ng kotse saka ako pumasok sa bahay nila. Kinuha ko ang device na idinikit ni Xanth sa pader saka ako lumabas ng bahay.

Sumakay ako sa kotse at nagmamadaling pina-usad para makarating ako sa apartment na kinuha ko.

Pumasok ako sa apartment at agad kinuha ang laptop. Pinlay ko ulit ang mga kuha at nakita ko apat na lalaki na naka pasok sa loob ng sala nila August. May mga dala 'tong baril habang nag lilibot sa paligid ng sala nila August.

Kitang-kita ko din kung pano nila sinaksak si yaya Minerva na panay sigaw ng tulong. Inikot ko ang device para makuha ang scene kung saan pinasok ang kwarto ng mag-ina ko.

Halos ng hina ako ng makita ko si August na nakikipag laban sa apat na lalaki. Hindi ko napigilang maluha ng makita kong sinaksak ng lalaki si August at sinipa 'to ng malakas sa mukha dahilan para matumba ito sa sahig at ilang ulit na pinagsasaksak ng lalaki.

Kumuyom ang kamao ko habang pinapakinggan ang sinasabi ng lalaki na si August ang dahilan kung bakit na raid ang bodega nila. Nalaman ko din na naka kulong ang drug lord na ama ng sumaksak kay August.

Sumikip ang dibdib ko ng mahanap nila ang anak kong si Xanth na panay tawag sa mama niya na wala ng malay. Lumuhod pa ang anak ko habang nag mamakaawa sa mga lalaking naka palibot sakanya pero hindi nila pinakinggan ang pakiusap ng anak ko. Hindi ko kinaya ang sumunod na pangyayari ng saksakin nila ang anak ko sa dibdib.

Halos sinuntok ko ang screen ng laptop ko dahilan para masira 'to ng tuluyan.

"Hindi dapat ang laptop mo ang pinag bubuhusan mo ng galit,"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses na 'yon. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Lorcan na nakasandal sa naka bukas na pintuan.

"Bored ako," sagot niya sakin kaya hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng katana saka ko 'to sinipat-sipat.

"Sama ako," saad ulit ni Lorcan na halatang bored sa buhay.

"Hindi ka pwedeng sumali sa laban ko, Lorcan. Baka pagalitan ka lang ni boss Lucian kapag nalaman niyang nakialam ka," saad ko saka pina-ikot ang katanang hawak ko.

"Si kuya Lucian ang nag utos sakin na samahan ka," sagot niya sakin kaya isama mo na ako," saad niya.

Hindi nalang ako sumagot kay Lorcan saka ako naglakad palapit sakanya. "Tara na!" saad ko saka ko siya nilagpasan.

Pumasok ako sa passenger seat at hinayaan si Lorcan na mag maneho. Pinaharurot niya ang sasakyan habang kinukumpas ang kamay niya na parang may pinapakinggan na music kahit wala naman.

"Alam ko kung nasaan sila ngayon," naka ngising sabi ni Lorcan. "Excited na tuloy akong marinig kung pano sila sumigaw," dagdag niyang sabi habang naka ngisi.

Huminto kami sa harap ng sirang bodega na papalibutan ng puno. Liblib lang lugar at hindi agad mahahanap.

Lumabas ako ng kotse na hindi hinihintay si Lorcan. Dahan-dahan ang mga kilos ko para hindi ako makagawa ng ingay. Umikot ako sa gilid para mag hanap ng ibang mapapasukan. Ngunit saktong pagliko ko ay may narinig akong dalawang lalaki na nag tatawanan.

Nagtago muna ako sa gilid para pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Hindi ko tuloy makalimutan ang sigaw ng babae habang sinasaksak ni boss," natatawang sabi ng lalaki kaya sumilip ako sa pader na pinag tataguan ko. Nakita ko siyang humithit ng sigarilyo niya saka bumuga ng usok.

"Sayang, maganda pa naman ang babae. Flawless pa. Dapat, ginahasa muna natin bago pinatay ni boss," saad ng isa pang lalaki na ikina-init ng ulo ko lalo.

Walang ibang pwedeng magnasa kay August kundi ako lang. Kahit hindi nila sabihin, alam kung si August ang tinutukoy nila.

Walang ingay akong lumapit sa dalawang lalaki na nakatalikod sa gawi ko saka ko itinaas ang hawak kong katana saka pinutol ang ulo ng lalaki. Nagulat pa ang lalaki ng makita niyang tumalsik ang ulo ng kasama niya sa lupa.

Hindi ako nag aksaya ng oras at agad sinaksak ang leeg ng lalaki kaya tumulo ang dugo nito papunta sa katana na hawak ko hanggang sa kamay ko.

Hinugot ko ang katana na hawak ko saka ko pinutol ang ulo ng lalaki.

"Kingina ka! Bakit mo pinutulan ng ulo?" biglang sulpot ni Lorcan sa likod ko.

"Dapat lang sa kanila yan," walang buhay kong sagot kay Lorcan saka ako naglakad ulit para pumasok sa sirang bodega.

Tahimik akong naglalakad ngunit ang gagong Lorcan ay sumisipol habang sinasabayan akong maglakad.

Bumungad samin ang tatlong lalaki na naglalaro ng baraha habang tumatawa. Napahinto sila ng makita nila kami kaya agad silang nagsitayuan. Bumaba ang tingin nila sa hawak kong katana kaya sabay-sabay silang bumunot ng baril.

Inunahan na namin ni Lorcan bago pa nila kalabitin ang gatilyo ng mga baril nila. Mabilis ang kilos namin ni Lorcan na inatake ang tatlong lalaki. Pinutol ko ang ulo ng isang lalaki na agad bumagsak sa sahig. Sumigaw pa ang isa niyang kasama sa takot ng makita niyang nangingisay ang kasama niya sa sahig na wala ng ulo.

Habang si Lorcan naman ay inaatake niya ang lalaki ng hand to hand combat. Hinawakan ni Lorcan ang lalaki saka niya 'to pinayuko at hinila papunta sakin.

"Pugutan mo na," naka ngisi niyang sabi sakin kaya agad kong inangat ang hawak kong katana saka pinutol ang ulo ng lalaki.

"Nice!" naka ngising sabi ni Lorcan saka binitawan ang katawan ng lalaki sa sahig.

Natataranta namang tumakbo ang isang lalaki palayo samin ni Lorcan. Mahina kong tinapik ang balikat ni Lorcan dahilan para mapalingon siya sakin.

"Habulin mo yun. Wala tayong ititirang buhay," utos ko sakanya saka ako naglakad ulit para hanapin ang lalaking sumaksak ng ilang beses kay August at Xanth.

Tumapat ako sa isang kwarto at may naririnig na boses ng lalaki. Dahan-dahan kong pinihit ang siradura ng pinto saka ako sumilip sa loob. Nakita ko ang lalaki na naka upo habang may kausap sa cellphone.

"Yes, dad. Malamang patay na ngayon ang babae at ang anak nito. Pinatahimik ko na pati narin ang kasambahay nila," saad niya sa kabilang linya.

Walang ingay akong pumasok sa loob ng kwarto kaya wala 'tong malay na nasa likuran niya ako. Winasiwas ko ang hawak kong katana para putulin ang braso niya na may hawak ng cellphone.

Sumisigaw ang lalaki sa sakit ng tumalsik ang kamay niya na may hawak ng cellphone sa sahig. Tumayo 'to sa kinauupuan niya habang hawak-hawak ang braso niyang naputol saka tumingin sakin.

"S-sino ka??" sigaw niya sakin habang umaatras 'to palayo sakin.

Inikot-ikot ko ang katanang hawak ko habang walang emosyong nakatitig sa putanginang sumakasak sa mag-ina ko.

"Masyadong madali ang kamatayan para sa'yo," saad ko.

"Sino kaba? Wala akong naalala na may atraso ako sa'yo," saad niya. Bakas sa mukha niya ang takot habang nakatitig parin sakin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya saka ako lumapit sakanya. "Wag kang lalapit!!" sigaw niya sakin saka kumuha ng kutsilyo na nakatago sa cabinet.

Itinutok niya yun sakin habang tumutulo ang dugo niya sa sahig dahil sa pag putol ko sa braso niya.

"Para 'to sa anak ko!" sigaw ko saka ako mabilis na tumakbo papunta sakanya saka ko pinutol ang binti niya. Dumagongdong ang daing niya sa loob ng kwarto habang naka handusay sa sahig at hawak-hawak ang naputol niyang binti.

"Uy, ayos 'to ahh, maka panood nga!" biglang sulpot ni Lorcan sa kwarto habang bitbit ang ulo ng lalaki na pinahabol ko sakanya kanina, nakabuka pa ang mata ng lalaki na halatang gulat na gulat.

"Sino ba kayo!!" sigaw ng lalaking naliligo na ng sarili niyang dugo.

"Kita mo 'to? Magiging ganito din ang ulo mong hayop ka. Kaya kong ako sa'yo, magdasal kana habang naka konekta pa ang ulo mo sa katawan mo," natatawang sabi ni Lorcan saka hinagis ang hawak niyang pugot na ulo sa sahig.

"Isusunod ko din ang ama mo," malamig kong sabi habang nakatitig sa lalaki na pilit bumabangon sa sahig.

Itinaas ko ang hawak kong katana saka ko sinaksak ng paulit-ulit ang tagiliran niya katulad ng ginawa niya kay August. Hindi pa ako nakontento kahit dumadaing na ang lalaki sa sakit. Kulang pa 'to sa ginawa niya sa mag-ina ko. Pati ang anak ko na nga mamakaawa na wag siyang saktan ay dinamay niya. Kaya bakit ako maawa sa hayop na 'to.

Hinihingal akong nag-angat ng tingin sa kisame ng matapos ako. Punong-puno ng dugo ang damit ko pati narin ang mukha ko dahil sa dugo na tumalsik sa mukha ko.

"Tangina! Para kang nag katay ng baboy ahh," saad ni Lorcan na halos maduwal-duwal pa. Kunwari pa 'tong gagong 'to eh mas malala siya sakin pumatay.

"Kailangan ko yata ng cornetto. Saan kaya ako makakabili," saad niya saka nag mamadaling lumabas ng kwarto.

Tinitigan ko muna ang lalaking wala ng buhay saka ko sinaksak ang mukha nito ng paulit-ulit. Nang makuntento na ako ay tumayo ako saka ako naglakad palabas ng kwarto. Ngunit laking gulat ko ng may makita akong batang babae na nakatayo sa sulok. Yakap-yakap niya ang isang stuff toy habang nakatitig sakin.

Umiwas ako ng tingin sa bata saka ako nagsimulang maglakad palayo sakanya. Dinig na dinig ko pa ang iyak ng batang babae habang sinisigaw ang papa.

Lumabas ako ng building at nakita ko si Lorcan na nasa loob na ng kotse at nag hihintay sakin.

Sumakay ako sa driver seat saka ko kinuha ang tissue na inabot sakin ni Lorcan. "Bumalik kana sa hospital. Ako na ang bahala sa drug lord na nasa kulungan. Pangako, ibibigay ko sa'yo ang ulo niya," saad ni Lorcan saka niya pina-usad ang kotse.

Hindi na ako suamagot sakanya at ipinikit nalang ang mga mata ko. Iniisip ko ang mag-ina ko kung kamusta na kaya ang kalagayan nila.



A/N: Katatapos ko lang maglaba kaya ngayon lang ako nakapag ud. Kung may ilog lang sana dito baka kanina ko pa pina-anod mga damit ko🙄🤦‍♀️

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 1.7K 30
Voxx had once told himself that experiencing love once was enough when he lost his first love. Over the years, he allowed himself to move on, focusin...
99.4K 2.3K 31
Warning: 🔞 (This is a dark romance and is not suitable for young readers.) In all of Val's life was the only woman in his heart. Tiniis niya ang lum...
11.8M 60.2K 14
Attractions lead them in One Night together ❤
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...