Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

124K 1.4K 224

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Sixteen

2K 29 10
By adihiraya

Jai received another call earlier while we were having lunch. Dahil sa tawag na 'yon ay napansin ko ang pagkawala niya sa mood. Tahimik lang siya at kapag kinausap mo naman ay tipid sumagot.

I feel like I want to comfort him, but I don't know how. Alam ko namang tungkol na naman sa trabaho ang natanggap niyang tawag kanina base sa mga sinabi niya.

He looks really stressed pero ayaw niyang ipahalata sa akin.

Nasa loob ako ng cabin dahil ang sabi ko sa kaniya ay may aasikasuhin lang ako. He doesn't know that I'm just watching his back habang nasa labas siya at nakatingin sa malayo. His feet are hanging on the deck. Nasa magkabilang gilid niya ang mga kamay niya, saka ko lamang napansin na suot niya pala ang kulay sky blue kong scrunchie sa kanliwa niyang kamay.

I smiled while staring at it. Bagay sa kaniya huh? Parang ayaw ko na lang tuloy kunin at sa kaniya na lang.

Hindi ko alam kung gaano ko na siya katagal tinititigan. Ang payapa niyang tingnan. Limang minuto pa bago ko napagpasyahan na lumabas at tabihan siya.

Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman niya ang paglabas ko.

"Careful," he said and held my hand as I was sitting beside him.

"Thank you." I smiled.

The wind breeze hugged my skin which made me close my eyes while feeling it.

"Let's wait for the sunset," he mumbled.

Tumango ako. Mas okay na siya ngayon kaysa kanina. Perhaps, the view calmed him. Kagaya ng paligid, payapa na rin siya.

"Sana naging isda na lang ako. Palangoy-langoy lang," aniya habang nakatingin sa fish pond.

"Sometimes do you wonder if other life forms have problems, too?" he asked seriously.

I was silent for a minute, enjoying the breathtaking scenery in front of us.

"We won't know it unless we become them," sagot ko saka sumulyap sa kaniya. "Hindi natin maiintindihan ang isang bagay maliban na lang kung mararanasan natin. For us, they look just like normal life forms who live in their usual habitat. Minsan nga sinasabi pa natin na ang swerte nila dahil hindi nila naranasan kung gaano kahirap ang buhay ng isang tao. But the world is cruel to them, too."

He moved a bit to raise his left foot and rest his chin on his knee. "I guess you're right about that, and merciless people are the one to blame. They abuse animals, beat dogs and cats, do dynamite fishing, hunt the wilds in forests . . . they even shot the birds who flew freely." He chuckled sarcastically.

Nalungkot ako bigla sa usapan namin. I glanced at him again and smiled. "Gusto mo pa ba maging isda? Bahala ka, gagawin kang ulam. Depende kung prito, paksiw, o ihaw."

He laughed. Nang marinig ko ang tawa niya ay parang nawalan ng bigat ang dibdib ko . . . na kahit papaano ay napapagaan ko ang loob niya kahit ang corny ko mag-joke.

A couple of minutes pass by and we are just silent, staring at the view that nature is serving us. The silence between us isn't bothering; it's comforting and peaceful.

Sometimes, we all need this. The comfort that it gives just by being together. 'Yong kahit walang magsalita, panatag ang loob mo at hindi nakakabahala.

I heard him sigh. "This is what I really need," he then said and looked at me. "To be far away from people who keep on belittling me and my capabilities."

There he said what's the problem. Kung ano ang kanina ang gumugulo sa isip niya at kung bakit siya nawawala sa hulog.

"Anong problema? Makikinig ako," sabi ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya.

Hindi siya sumagot agad. He's just staring intently at me using his soulful eyes. Mababasa mo lahat sa mata niya because his eyes are expressive.

"My seniors . . ." he trailed off. "Let's say para silang mga high school students na feeling cool para katakutan. Parang bata mang sabihin pero binu-bully nila ako sa trabaho. They say architecture isn't for me. Wala ako sa linya ng pamilya ko, bakit ko pa raw sinubukan ang arkitektura? Hindi naman daw ako magaling. Bakit daw hindi na lang ako tumulad sa pamilya ko o sumunod sa yapak nila? Maybe in that way, I'll be successful too. Hindi raw ako bagay sa industriya nila. Wala akong puwang."

Habang sinasabi niya 'yon ay ramdam ko ang hinanakit niya . . . it's like I'm feeling his sentiments. Pain was heard in his voice. And even though he's not saying it, I know he's slowly believing his seniors. Pinanghihinaan siya ng loob.

"Do you think I should quit?" He glanced at me.

I shook my head. "Kapag nag-quit ka, para mo na ring pinatunayan sa kanila na hindi ka talaga magaling," sagot ko. "Their words? Make them as your motivation to do better. Nagsisimula ka pa lang, Jai. Hindi madaling makarating sa tuktok. Marami kang pagdaraanan, kasama 'yan sa baitang na dapat mong tapakan. Galingan mo lang lalo sa trabaho mo. You love your profession, right? Then make them see it."

"Sounds easy but it isn't . . ." He chuckled. "Do you know how many projects I lost because they talked a lot of bad things about me to the client? They were big clients, pero sa huli hindi ko nakuha ang loob nila dahil siniraan ako."

Hindi na talaga siguro nawawala sa isang working environment ang ganiyang uri ng mga tao. Parang bata, mahilig manira, mapangmata.

"You know what? Parents mo nga walang nasabi sa napili mong profession tapos sila meron? Sino sila para pakinggan mo, Jai? Your parents are so proud of you."

"I guess you're right." He gave up, and I'm glad he did. "Hindi ko nga dapat silang pakinggan. I should focus on my craft and not on their imbecile remarks."

I smiled at him sweetly. "Just keep believing in yourself that you can do it. Who knows you'll have your own firm one day?"

Nang sabihin ko iyon ay ngumiti na siya. Dahan-dahan siyang tumango saka lumingon sa papalubog na araw. "One day . . ." he whispered. "One step at a time."

Muli kaming natahimik at pinagmasdan lang ang nag-aagawang kulay ng langit . . . saka ko naman naramdaman ang kirot sa puso ko.

He shared and somehow, I want to share mine too.

"Bakit?" tanong niya bigla sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Anong bakit?"

"Bakit ka tumahimik?"

Hilaw akong napangiti. "Alam mo maswerte ka pa nga dahil hinayaan ka ng mga magulang mo piliin kung anong gusto mo, that despite being a family of entrepreneurs, they let you be an architect. Hindi ka nila pinigilan."

I saw the sudden realization on his face that made him smile.

"I don't want to compare our parents. Sinusuportahan din naman nila ako sa lahat ng gusto ko. There's this one thing that my dad doesn't want me to pursue," I added.

"What is it?" he asked, curiosity can be seen in his eyes.

"Ayaw niya akong maging katulad niya."

"Katulad niya?"

"He doesn't want me to be an attorney. Simula pa noong maging decided ako na iyon ang gusto ko, ipinipilit ko na 'yon sa kaniya pero ayaw niya."

Hindi siya agad nagsalita. Animo'y pinoproseso niya pa ang sinabi ko. Sa huli ay isang mabagal na tango ang kaniyang ginawa.

"Your dad loves you so much and I think one of his reasons is he's protecting you," he uttered. "Alam mo naman siguro kung gaano kahirap ang profession na 'yan."

I smirked. "Sa tingin mo ba hindi ko kaya? Minamaliit mo yata ako?"

"That's not what I mean. Hindi madaling trabaho ang pag-aabogado." Inayos niya ang upo niya at tuluyan nang humarap sa akin. "In every court trial, you should know who you are trying to oppose. Who knows baka paglabas mo ng korte, bigla na lang may bumaril sa 'yo."

Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Tama rin naman 'yon. Hindi lingid sa kaalaman ko na minsa'y dumarating sa punto na pinapatungan sa ulo ang isang abogado, lalo na kapag malakas ang nakalaban.

But still, that will not stop me from doing what I want. Gusto kong magbigay ng hustisya sa nangangailangan because I believe that justice should be served for everyone who's oppressed. Hindi lang para sa mayayaman ang hustisya. Para 'yon sa lahat ng naagrabyado.

Walang aping matatalo sa 'kin, 'yon ang sisiguraduhin ko.

"Wala akong pakialam sa mga iyan. I can sacrifice myself for their justice," I said surely.

He gave me a warm smile and an acknowledging nod. "Anything you want to do, I'll support you. Kung iyan talaga ang gusto mo, wala akong karapatang pigilan ka."

"Si daddy meron," natatawa kong sabi.

"Just continue fighting for it. If he sees that you're really eager to become an attorney, maybe he will finally open his eyes and heart for it."

"Sana nga . . ." mahina kong sabi.

"May our 'hopes' turn into 'finally, we made it!'"

Ngumiti ako nang matamis sa kaniya gaya nang ibinibigay niya sa akin ngayon.

We stayed there until we're both hungry. They served us a bucket of seafood and different flavors of chicken wings. Talaga namang sinigurado nilang masisira ang diet ko. Hindi ko rin naman kayang ayawan dahil gusto ko rin naman.

After eating, we went to the hammock. Nauna siya roon but then he noticed that I want to sit there too kaya naman tumayo siya para pagbigyan ako.

Kung titingnan, pang-isang tao lang ang duyan.

Ngumiti ako sa kaniya. "Maupo ka na," sabi ko.

"Ayaw mo?" kunot-noo niyang tanong.

Umiling ako sa kaniya. Bakas pa rin ang pagtatakha sa mukha niya habang bumabalik sa pag-upo. Without saying anything, I sat beside him. Mistulang nanigas na siya roon dahil ramdam ko ang pagpipigil niya ng hininga at hindi paggalaw.

"Let's count the stars," I joked for him to loosen up.

He chuckled. Inilagay niya ang braso niya sa likuran ko kaya naman sinandalan ko iyon. I slowly put my head on his shoulder while looking at the night sky.

I don't feel uncomfortable. In fact I feel restful . . . with him beside me while looking at the shining stars.

Maya-maya'y naramdaman ko ang dahan-dahang pagsandal ng ulo niya sa ulo ko.

"Thank you, Ky . . ." he mumbled.

I moved my head a little to glance at him. "For what?"

"For coming with me. . ." he trailed off and looked at me too. "Your presence saves me from all my worries because when I'm with you, I feel at ease."

I smiled at him. My heart felt so much joy, and my stomach is currently filled with butterflies. Thousands of bolts running in our system shared through our touching skins.

The side of his lips rose. "Tapos 'yang ngiting 'yan? Putcha! Nakakawala ng pagod!"

The next morning, masaya akong gumising. Last night felt so special. Nakatulog na nga ako habang nakasandal sa kaniya. Ginising niya lang ako no'ng lumalamig na at baka raw mahamugan ako't magkasakit. Mas inalala niya pa talaga ako kaysa sa sitwasyon niya kagabi. Ni hindi na makagalaw nang maayos sa pwesto niya.

"Ayos ka na?" tanong ko sa kaniya pagkapasok ng cabin.

Naabutan ko siyang nag-i-stretch ng kaliwa niyang braso kaya agad akong na-guilty dahil iyon ang sinandalan ko kagabi.

"Ayos ka lang?" alala kong tanong at lumapit sa kaniya. I held his arm and massaged it gently. "Sorry . . . dapat kasi ginising mo ako agad. Nangawit ka tuloy."

"I'm fine. Sanay kaming mga lalaki sa ganiyan," aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin at iwinakli ang braso niya. "Sanay ka pala, e. Edi h'wag kang umarte nang ganiyan ngayon!" singhal ko saka tumayo.

Tatawa-tawa siyang sumunod sa akin. "Ito naman! Nagbibiro lang ako . . ."

I rolled my eyes at him. He pouted. Kahit na cute siya ay hindi niya ako masusuyo sa ganiyan.

"Let's just go and feed the chicken," I uttered.

Nauna ako sa paglalakad kahit hindi ko naman alam kung saan. Gladly, Ate Irene came to assist us. Hindi ko pinapansin ang kasama ko kahit anong pagpapapansin ang ginagawa niay. Kung ano-ano pang tinuturo kahit nakita ko naman na.

Saglit na lakad lang din naman at nakapunta na kami sa manukan. Sobrang daming manok ang nasa paligid ngayon at naghahanap ng pagkain. Binigyan kami ni Ate Irene ng feeds kaya naman tuwang-tuwa akong nagsaboy no'n sa paligid.

I've already tried feeding cows and horses kahit medyo nakakatakot dahil malalaki ang mga 'yon, but they're harmless as long as you won't do anything that would trigger them.

Jai fed the chickens, too. Nakita kong yumuko pa siya para latagan ng pagkain ang isang manok na lumapit sa kaniya. Gumaya ako sa kaniya at yumuko rin para bigyan ang mga manok na nasa harap ko. Unfortunately, tinuka ako ng isa kaya napaadaing ako sa akin no'n.

"Why?" Lumingon ako kay Jai na mabilis na dumalo sa akin ngayon at hinawakan ang kamay ko. "What happened?"

"Tinuka ako," sagot ko nang mahina.

Unti-unting natunaw ang inis ko sa kaniya nang makita ang pag-aalala sa mukha niya ngayon. Hindi naman grabe ang nangyari sa akin pero parang mamahaling bagay ang kamay ko kung paano niya haplusin iyon ngayon.

"Bad chicken!" sigaw niya sa manok na nasa harapan niya kahit hindi naman siya sigurado kung iyon nga ang tumuka sa akin.

I burst into laughter. "Ang oa mo, Jai! Ayos lang ako."

He just threw a short glance at me and looked at my hand again. Namumula na ang bahaging natuka ngayon. He's still caressing it gently na para bang sa paramng 'yon ay maiibsan ang sakit at mawawala ang pamumula.

"Your skin is precious. Hindi ka dapat nasusugatan," seryosong sabi niya. "Hindi sa kahit anumang bahagi ng katawan mo ang dapat masaktan. Just like a fragile glass, you should be taken care of guardedly."

Continue Reading

You'll Also Like

17.2M 373K 200
A collection of not so short, short stories featuring your favourite characters and some characters you might not know much about. Slow updates in p...
36.5K 802 23
"JUST LET ME HELP YOU (Y/N)!" Ron shouts "You cant! my whole life was a lie!." --------------------------- Third year. the best or worst year. that'...
1.6M 93.9K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
62.7K 2.1K 42
𝐒𝐋𝐎𝐖 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒 - 𝐉𝐀𝐂𝐊 𝐇𝐀𝐑𝐋𝐎𝐖 𝐗 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐄 𝐁𝐀𝐈𝐋𝐄𝐘