-ZENDAYA POV-
"Sino ka ba talaga?" Unang tanong ko agad sa kanya.
Nandito kami ngayon sa dagat, Hindi ko din alam kung paano kami Bumagsak ditong dalawa, Nagpahila nalang ako sa kanya kung saan saan basta makakuha lang ako nang sagot sa mga tanong ko. Pasalamat sya at sumama pa ako sa kanya! Kahit absent na ako sa school namin!!.
Nakaupo kami sa isang bench malapit sa dagat, Naka paa lang din kami dahil nasa lupa kami, Kami lang dalawa, Tanghali na kasi, Wala na masyadong nadaan. Ang sarap din sa pakiramdam dahil malakas ang hangin, Natatakluban din kami nang puno sa gilid kaya hindi kami masyadong naaarawan.
"Clark Harry Vargas" simpleng sagot nya bago tumingin sakin.
"Alam ko!...Paano mo nakilala sina nicholas?,I mean, buong section A?,
Wala kang sinasabi sakin?" Tanong ko agad, pa mysterious pa kasi eh, alam kong gwapo ka!pero hindi uubra sakin yan.... Charot.
Tumaas ang kilay ko nang lumapit pa sya sakin bago ako tingnan sa mata. "Nag aaral ako sa Section A, Kaibigan ko silang lahat, Napunta ako doon dahil sa mga records ko noong dati kong school, Pero hindi naman ako nag sisi dahil mababait sila, Lalo na si milan" pag kukwento nya sakin habang derektang Nakatingin sakin.
Itinulak ko sya palayo."talaga?Eh Bakit hindi ka napasok?alam ba nilang nandito ka?" Tanong ko pa sa kanya. Mag tatapos na ang third quarter pero hindi pa sya napasok!Aba aba!Bagsak aabutin mo!, pero kahit naman ganun,basta malakas ang kapit mo, Makakagawa ka nang paraan.
Umiling agad sya bago tumingin sa unahan. I left to go to the USA for our company, but what I know is that they don't know that I'm here, maybe only Tristan knows...Ayoko din ipaalam sa kanila muna, Gusto ko muna mag pahinga " sabi nya sakin. USA?Bakit kasi mag kokompanya kayo!, Sa ibang bansa pa?, Kami din naman, wag kayo!.
"Pahinga?,Lagi ka bang pagod?Ang alam ko gala ka lang nang gala" pang ba-bash ko sa kanya tapos malakas na tumawa. "Minsan makikita nalang kita nasa harap kona" dagdag ko pa.
"I don't even know, When I see you I always want to follow you" hindi ko narinig ang sinabi nya, Ang hina kasi, Pero hindi ko nalang yun pinansin at inisip ang lahat nang gusto kong tanungin. Gusto ko lang mag pahinga dahil sa sunod sunod na problema...This is my only happiness" dagdag pa nya sakin.
Nang tingnan ko ang dagat, Sobrang kalma, Napapikit ako dahil sa lakas nang hangin, Sobrang sariwa na akala mo nasa probinsya ka. Gusto ko na lang ata mag ka amnesia para mawala na ang lahat nang to, Sumasakit lang ang ulo ko. Isama mopa si Nicholas, Pinoprotektahan?Sa dami kong tanong puro sarili nya iniisip nya.
Pero sa lahat nang yun..... Isa lang ang nasa isip ko...
"Sino ba talaga si dita?...Kilala mo ba sya?" Maingat na tanong ko sa kanya.
Mahina naman syang tumawa, sabay tumango. "Of course, I know that bastard... Kabigan ko sya, namin, Dati" sagot pa nya sakin, Bakit wala naman akong nakikitang galit sa kanya?. Parang normal na sa kanya ang lahat.
"Ganan din ang sinabi sakin ni milan" sabi ko pa. "May namatay,Kaya nagalit kayo, Sabi nya sakin na Malaki ang kasalanan ni dita sa inyo, Hindi ko alam pero ang sabi nya, pinatay daw ni Nicholas ang ibang angkan ni dita" lahat nang yan sinabi ni milan. Naniniwala ako, dahil sa pagkain lang nag sinunghaling ang batang yun.
"Kung ano man ang sinabi sayo ni milan....Lahat nang yun ay tama" kalmadong sabi nya sakin, sa harap pa din Nakatingin. Sinusuklay nya anh kamay nya dahil napapawi nang hangin. " You don't need to tell me what milan said because it's all true, milan is with us too, we're all friends so I know he knows a lot"
"Sino yung namatay?" Tanong ko sa kanya.
Huminga sya nang malalim bago seryosong tumingin sakin. "isa sa mga pinaka tinuring naming kapatid,Lahat kami, Ang turing namin dati sa isa't isa ay mag kakapatid, Buong section A, Sya ang pinaka namumuno,Hindi pa si Nicholas noon, Mabait, At wala kang masasabi" pag kukwento nya sakin. Hindi ko alam kung nasasaktan sya, Inaalala nya yung mga nakaraan nila.
Pero naguguluhan ako sa part na nawala si dita. "Isang araw na pumunta kami sa bahay nila, Nakita nalang namin syang duguan sa sahig...Habang nasa tabi nya si dita, Na may hawak na baril.." pahina nang pahina ang boses nya. Nakita ko na parang kumikinang ang mata nya, Na parang iiyak. "Doon kami nagalit, Hindi namin nalaman ang dahilan, Hindi nag sasalita si dita hanggang sa mapuno si kole at Nicholas sa kanya... wala kaming Kaalam alam hanggang ngayon"
Mabilis na lumapit ako sa kanya nang biglang may tumulo sa mata nyang luha. Mabilis na kinuha ko ang bimpo sa blazer ko at inabot sa kanya yun.
"Hindi na kita pipilitin clark, Alam kong masasaktan ka din--"
"Pinatay din nya ang lolo ni kole dahil sa galit, Lagi nyang sinasabing wala syang kasalanan, kahit kita na namin ang lahat!"
"Ni kahit isang minuto ba?... pinakinggan nyo ang side nya?" Mahinang tanong ko. Kasi parang iyun ang nakikita kong problema.
Hindi sya sumagot at umiwas lang nang tingin. "Para sakin, Kahit anong mali nang tao, May side din sila, dapat pinakinggan nyo din ang side, Ang opinyon nya, Umamin o hindi, dahil hindi lahat nang nakikita ay totoo, Nakikita nyo lang, pero hindi nyo nakikita ang totoong ginawa nang taong yun"
Tumaas ang kilay nya agad bago tumingin sakin. "Why do you seem to be saying that we are doing something wrong? That we are wrong" Na disappointed na tanong nya.
Umiling agad ako bago inayos ang pag kakaupo ko. "Wala akong sinabi, ang ibig kong sabihin, Subukan nyo syang kausapin ay tanungin ang totong nangyari, Dahil masama ang mag tanong,... Inuulit ko, umamin o hindi, basta Napakinggan nyo ang side nya, nagiging maayos ang lahat" mahinang sabi ko. Kahit ako relate, dahil ang ibang nasa paligid ko, hindi ako pinapakinggan, Hindi nila nararamdaman nararamdaman ko.
Hindi sa kinakampihan ko si dita, Alam kong may mali lang talaga sa nakikita nila. Yun ang hindi ko alam.
"Kahit anong mangyari, Hindi magiging maayos to" madiing sabi nya sakin.
Tumango nalang ako. Baka magalit pa sya sakin, sayang kagwapuhan nya.
"Kaano ano nyo naman si sky at Xavier?, bakit parang may galit sila sa inyo?" Pag iiba ko nang tanong. Isa pa ang dalawang yun, Lagi ko din iniisip yung grupo at boss na lagi nilang binabanggit.
"Kasamahan namin sila dati, mag kapatid silang dalawa..pero dahil sa nangyari, Nagalit sila samin, at kumampi sila kay dita" pag sagot nya sakin, hindi na sya umiiyak. Nakatingin na sya sa malayo,habang huminga nang malalim. Kampihan?ano to? groupings?.
"Boss" panimula ko sa kanya, Humarap ako sa kanya at ganun din sya. "May nabanggit silang boss nila, Grupo at kung ano ano, Sino yun? Bakit parang hinahanap nya si Nicholas?" Tanong ko pa, seryoso na ngayon, Gusto ko din malaman yun, Hindi ko alam bakit gusto ko din malaman yun, Pero baka makatulong lang din ako.
"Zen" ngumiti sya sakin. Ginulo pa nya ang buhok ko. "That's the question I can't answer for you, i also have a limit zen, Makakasama sayo kapag nalaman mo"
"Hindi!,Hindi makakasama sakin to, Basta sagutin mo--"
"Zen" putol nya sakin bago tumayo. "umuwi na tayo" sabi nya at naunang mag lakas pabalik sa kotse namin.
Malakas na napabuntong hininga at tumingin muna sa dagat. Iiyak na ba ako?wag na muna siguro, Siguro may mga bagay na hindi kopa talaga kailangan malaman, masyado kong sinisiksik ang sarili ko sa mga sagot na hindi talaga para sakin. Baka isang araw, Sa nalaman ko,.madamay din ang mga loko, Ang pamilya ko.
Wala akong nagawa kundi ang tumayo, pag harap ko ay bigla akong napaatras nang makita ang lalaking nasa harap ko, Nakaharang sa dadaanan ko..... Bigla akong nakaramdam nang kaba nang makita ko ang mukha nyang sobrang seryoso.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Nicholas, Maluwag ang necktie habang bukas ang dalawang butones dahilan para makita ang tshirt nya sa loob.
"Z-zen" biglang humina ang boses nya. Nabigla ako nang makita ang mukha nya, Parang iiyak na hindi ko maipaliwanag. "Umuwi na tayo"
*****
SUNSHINEWEB3178:)
HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😁
ENJOY:)