I Got Reincarnated as Daughte...

By Pentelpenn

235K 10.6K 798

Si Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila s... More

Prolouge
Copyright
Kabanata 1: Accident
Kabanata 2: Binibining Clara
Kabanata 3: Grand Lolo
Kabanata 4: Potential
Kabanata 5: Duke William Grosvenor
Kabanata 6:Pangungulila
Kabanata 7: Ehersisyo
Kabanata 8: Pagbagsak
Kabanata 9: Prinsipe Damian
Kabanata 10: Ang Mga Kaharian
Kabanata 11: Milktea In Another World
Kabanata 12: Pagsusulit.
Kabanata 13: Resulta.
Kabanata 14: Kuya
Kabanata 15: Cale Elijah Grosvenor
Characters
Kabanata 16: Ang Tinuro Ng Lolo
Kabanata 17: Ang Payo.
Kabanata 18: Viscount Jones
Kabanata 19: Kaguluhan
Kabanata 20: Yakap Ng Ama.
Kabanata 21: Magandang Balita
Kabanata 22: Marka Ni Clara
Kabanata 23: Akademya De Magnostadt
Kabanata 24: Liham Ng Paaralan.
Uniforms
Kabanata 25: Maestro Adam
Kabanata 26: Unang Pagsubok
Kabanata 27: Cid William Grosvenor
Kabanata 28: Salot Sa Emperyo
Kabanata 29: Kasaysayan
Kabanata 30: Syn Draguel
Kabanata 31: Palaro Ng Maestro
Kabanata 32: Fanalis
Kabanata 33: Red District
Kabanata 34: Katangian Ng Reyna
Kabanata 35: Dating Kilala
Kabanata 36: Inbitasyon
Kabanata 37: Knight Order
Kabanata 38: Parangal
Kabanata 39: Piging
Kabanata 40: Salitang Matalas
Kabanata 41: Mysteryosong Babae.
Kabanata 42: Practical.
Kabanata 43: Determinasyon!
Kabanata 44: Estranghero
Kabanata 45: Hidden door.
Kabanata 46: Mas Siga.
Kabanata 47: Bayan
Kabanata 48: Mga Batang Pobre
Kabanata 49:Bahay Ampunan
Kabanata 50: Alaala.
Kabanata 51: Ryoiki Tenkai.
Kabanata 52: Malungkot Na Ngiti.
Kabanata 53: Liwanag
Kabanata 54: Kabog ng puso.
Kabanata 55: Ang pagdating ng prinsepe
Kabanata 56: TUTULUNGAN
Kabanata 57: Ang mga nakikiramay.
Kabanata 59: Libra

Kabanata 58: Unang tagpo.

2.7K 134 23
By Pentelpenn

LUNES, kasama si lena ay naka balik na kami sa aking dormitoryo.

Maraming naganap kahapon, nang matapos naming pag silbihan ang mga nakikiramay at ang  mga nag sidatingan pang iba ay napansin kong nag  mamadaling  umalis ang prinsepe, nakita ko itong kausap ang kapatid ko at di man lang nag abalang mag pa alam sakin.

Ngunit sa pwesto ko ay tanaw ko  itong nagmamadaling umalis at nakaka pagtaka ang balot na bitbit nito.

Hmm Ano naman kayang laman nun?

Bumalik na rin sa kanya kanyang pwesto ang mga maid at may dumating daw na mahalagang panauhin. Another paimportante na naman.

Di na ako nag abala pang salubungin ito at nag paalam nalang na aakyat dahil sa totoong napagod talaga ako.

Nakaupo ako ngayon sa aking kama at napag disiyunang di lang muna papasok ngayon at kailangan ko ng pahinga, unang klase lang naman at papasok na ako sa susunod.

Habang si lena ay linilinis at inaayos ang mga vase at ilang dekorasyon sa loob ng kwarto.

"Binibini, alam nyu po bang ang panauhin kagabi ay ang arsobispo? " Na nababhalang saad ni lena sakin, at nagtaka naman ako kung bakit.

"Oh? " Kunwaring walang interes sa sinabi nya.

"Binibini naman. Hinahanap kapa nga nito sa inyong ama. " Saad nito

"Ano naman sabi ng ama? " 

"Maaga daw ho kayo umakyat para magpahinga." Saad nito

"Oh ano namang problema e sa Totoo naman i'yon" Sagot ko dito at inayos ang pagkalugay sa buhok.

"Yun na nga ho ang problema dahil mukhang nainsulto ito at masama ang pinukol na tingin sa iyong ama" Saad nito na talagang ikinalingon ko.

Di ko namalayan na Naka taas na pala ang aking kanang kilay dahilan para mabilis na nag iwas ng tingin si lena at nagkunwaring naglakad palayo.

Di ko maiwasang di mapaisip sa sarili habang kunot noong naka masid sa labas ng bintana.

Ano namang kaya ang  nakaka insulto dun? Di lang sinibat nag tampo na, Nakanampucha kailangan ba talaga na naka harap ako sa kanya at dilat na dilat ang mata?

At Ang kapal nya naman para samaan ng tingin ang aking ama.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang katayuan ng isang arsobispo gayong nakasaad sa libro ay kapantay raw nito ang emperor na namumuno sa isang emperyo lalo nat ito ang nag gagabay sa sinumang hari sa ano mang desisyon parte kabanalan at kaayusan dahil kinikilala itong kanang kamay ng dyos na sinasamba dito.

Kaya malaki ang respeto na natatanggap nito mula sa mga tao.

Hmm Banal na tao?

Agad na kumilos ang mata ko ng may maramdaman akong pamilyar na aura ng isang tao.

Di ko mapigilan ang hindi mapangiti.

Grabe ilang araw karin hindi nag paramdam medyo na miss kita.

Tumayo ako sa higaan at naglakad palapit sa bintana, linahad ko ang kamay sa harap at sininulan ang natutunan ko sa mga libro ng akademya.

'Ang Eria' sa pamamagitan ng pagpalabas ng manipis na aura ay magagawa mong mabilis na masuri at maimbistiga ang ano mang may buhay sa paligid mo. (Area search magic, Support type)



SOMEONE POV:

Kagaya ng naipag utos ng panginoon ko ay minamanman ko lamang ang kilos ng binibining nag ngangalang clara kapalit ang isang supot ng ginto at aether para sa aking pamilya.

(Ang aether ay isang uri ng elixer na kung saan ay mapapalakas nito ang yung katawan at kapangyarihan sa maliit na bilang ng oras. )

Isa akong Ruby knight at tiwala akong di mapapahamak dahal hamak na mas malakas naman ako dito.

Ayon nga sa mga nalalaman ko ay sadyang matalino nga ang babaeng ito. Dahil naging mabilis ang kanyang progresso at nangingibabaw sa bawat takdang aralin ngunit gayun man ay  wala akong ibang espesyal na nararamdam upang kagalitan o kainggitan ito ng aking amo.

Ako ay isang babae rin naman ngunit para sa akin ay mas nakakalamang ito sa kahit na ano pang aspeto na pinapamalas ng binibini o baka naman meron pa akong hindi nalalaman sa kanya.

Di ko naman mapasok pasok ang tahanan ng grosvenor lalo nat kilala ang ama ng tahanan na gumagamit ng Waido Eria isang malawak na kakayahan na napaka stable at mukhang hindi na ata napupunda. Tunay na nakaka takot ang duke na iyon.

Kailangan ko pang pag igihan sa aking trabaho ng mapuri ako ng panginoon.

Ngunit.. Ganun nalang ang pagtataka ko ng bilang dumilim ang kalangitan, taka akong pinagmasdan langit at mukhang may nararamdaman akong di maganda.

Tinanaw ko muli ang binibini at ganun nalang ang pagtataka ko ng umiilaw na ang bintana nito, bigla akong kinabahan dahil kasabay ng mabilis na pag ihip ng hangin ay  ang biglang pagdagundong ng kalangitan at isang pamilyar na kapangyarihan ang mabilis na bumulosok sa aking deriksyon.

Mabilis akong lumayo sa puno na aking pinagtataguan at totoong iba ang kaba na naramdamanko ng makitang nawasak ang isang boung puno na pinagbagsakan ng kidlat.

Tanging abo nalang ang natira at ilang pag bitak ng lupa sa baba dahil sa pwersa.

Laking pasalamat ko at sinunod ko ang aking haka.

Nang maka apak ako sa katabing puno ay bigla nalang nakaramdam agad ako ng isang presensya ng tao, at saktong paglingon ko ay sumalubong saakin ang isang malakas na sipa sa leeg.

Agad akong tumilapon sa ere at nag mukhang bilang sinipa.

Kahit masakit man ay pilit kong inaninag ang sinumang nilalang ang sumipa saakin at laking gulat ko ng makitang , ito ang binibini na minamanmanan ko,si Binibing Clara at nakasoot lamang ito ng bestidang pangtulog at tila bay pinapalibutan ng kuryente ang buong katawan.

Napainda ako sa oras na huminto ang pwersa ng pagtilapon sa isang malaking puno, dahil sa mana skin ay nagawa kong di mabalian ng buto sa katawan.

Agad agad akong tumayo ngunit huli na ang lhat dahil sa isang mabilis na sipol ng hangin ay narating nya agad ang deriksyon ko at naka tutok ang isang espada.

Agaw hininga akong nag angat ng tingin sa kanya at pilit na tinatago ang pagka mangha at takot mula rito. Isa itong matatas na level ng kapangyarihan, at sa murang edad ay nagawa na nya ang ilang nagagawa namin.

Kumalma na ang kapangyarihan nya ngunit nanatiling naka tutok sakin ang espadang nakakamanghang pinapalibutan ng kapangyarihan.

Sa likod ng maamo nitong mukha ay isang mabangis na tigre ang naka kubli. Kailangan kong ipaalam na ang binibini ay sadyang delikado!

"Sabihin mo ang iyong ngalan at sino ang iyong pinag sisilbihan kapalit nang pagka awa ko sa iyong buhay... " Malamig na saad nito na talagang nagpataas ng aking mga balahibo.

Habang iniinda ang sakit ay kunot noo kung pinagmasadan ang kakaibang ugali na personal kung nakakaharap.

Minsan ay nakita ko na itong magalit  at pareho lamang ito sa ibang bata na may pagka babaw at mukhang sensistibo pagdating sa emosyon, ngunit ito ang  kaunaunahang pagkakataon na narinig ko itong mambanta.

Bakas sa mata nito ang walang pag dududa sa sinabi, nangingibabaw ang awtoridad sa bawat salita na binibigkas at ang simbolo ng kanyang pulang mata ay tila ba'y isang Hurado para sayong hahantungan na kamatayan.

Di ko mapigilan na panginigan at mapa inda sa kirot nung bigla nitong diniin ang espada at mas linapit ang sarile sakin.

Ramdam ko ang gigil at kontrol sa pagtusok nito sa leeg ko, kay di ko maiwasang di mapaluha sa sakit, at isang malalim na diin pa ay matatamaan na nya ang koneksyon ko sa kabilang buhay.

"Ang tagal mo naman mag salita. Nakalimutan mo atang maliit lang ang pasensya ko , Sige Alaisa Isaiaa....isang magiting na Ruby knight.. " Seryosong saad nya at biglang ngumiti ng sarkastiko na nag iwan sa akin sa pag ka gulat.

Balit nya alam ang aking ngalan. Impossible wala sa anyo nya ang kakayahang mag imbistiga. Kampante ako sa level ng pagtago ko ng aura sa kanya.

"P-Paanong-" Pinutol nito ang sasabihin ko ng nagsalita ito tungkol sa pinag sisilbihan ko.

"Ang pinag lilikuran moba ay nag mula pa sa kaharian ng Demacia?" Tanong nito na nag iwan sakin sa pagkakaba. Mabilis ang tibok ng aking puso at tila bay tambol ito sa lakas.

Wala sa sariling napa titig ako dito.

Kailangan ko na talagang makatakas sa babaeng to.  Hindi ako komportable sa bawat salita na  lumalabas sa kanyang bibig.

Bahagyang tinagilid pa nito ang ulo at bigla nalang ngingiti na mas lalong nagpakilabot sakin.  Isang ngiting sarkastiko, at nakaka insulto.

Tumayo ito at nakapamewang na pinag masdan ang paligid.

"May paparating, sa susunod nalang natin ituloy ang laro. " Masayang saad nito na talagang ipinag taka ko. Wala naman akong nararamdaman na paparati- teka..imposible bang nasa-ulo nya ang Eria?  Napaka-Imposible! Gayong kilala itong pinaka mahirap na mahika na inaaral ng mga salamangkira.

"Ngunit sa sususnod na laro natin ay wala nang susunod pa. Tatapusin kita at ni kahit Aray ay hindi mona kayang isigaw pa! Hindi ko inaasan na ganyan kahina ang isang ruby knight tch. " Pan insulto nito sakin an talagang ikina kulo ng dugo ko.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya habang hawak sa kaliwang kamag ang leeg na nagdurugo ngayon.

CLARA POV

Ilang minuto bago sya umalis ay papalapit na ang madaming bilang ng tao at sa pagkaka hula ko ay mga guardya ng akademya.

Agad kong pinailaw ng kamay at isa isang pinabagsak ang boltahe ng kidlat sa mga nagkakalapit na puno na agad din namang natumba.

"Binibini, Ano ang iyong ginagawa!?"

Bigla akong sumigaw na parang nagulat sa kanilang pag dating. Mabilis akong naupo kunwari nahihiya dahil naka soot lang ako ng bestidang pantulog.

Naalarma naman agad ang mga gwardya at nagdadalawang-isip na lapitan ako lalo nat mukhang nakikilala na nila ako.

"Hindi bat ikaw si Binibining Clara, Ano ho ang iyong sadya dito sa kagubatan? May nangyari ho bang masama? Napano ho kayo? " Nag aalalang tanong ng gwardya bago ito lumapit at inabot sakin ang isang kapa na sinoot ko naman agad.

"Nag eensayo lamang ako rito para sa paparating na patimpalak ginoo, paumanhin kung kayo ay aking naabala, pangako at Hindi na ho mauulit. " Magalang na saad ko ag mukhang paniwala naman sila.

"Napaka lakas nga naman ng inyong enerhiya binibini, naiintindihan ho namin. Kahit ilang estudyante ay dito rin nag eensayo." Saad nito matapos nilang pagmasdan ang paninira ko sa gubat.

Di naman dapat kapangambahan nyan kasi kusang tutubo agad ang puno dito dahil sa mga salamangkira ng akademya.

Hinatid nila ako sa dormitoryo ng hindi nakikita ng maraming tao. Pag dating namin ay muli akong nag pasalamat. Hinintay ko muna itong umalis bago ako napa yesss!

Sumulyap ako muli sa gubat na ginanapan ng aming unang opisyal na pagtatagpo kanina.

Isang katatawang pagtatagpo dahil basi sa reaksyon nya ay kinumperma lang nito ang hinala ko.

Tch!

Hayaan mong makilala pa kita ng lubos, Syn.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
486K 34.8K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...