Shadow Lady

Sweetmagnolia द्वारा

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... अधिक

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 15

10.6K 562 99
Sweetmagnolia द्वारा


****


Ayaw matanggal ang animo'y binabarenang sakit na nararamdaman ni Amerie habang pinagmamasdan niya sina Bradley at Pheobe na naglalambingan sa mesa ng mga ito.


Kinapa niya ang dibdib at pasimpleng diniinan ng mga daliri. Bakit nagkakaganito siya? Dati nama'y hindi siya apektado anuman ang gawin ng magkasintahan sa harapan niya. Noo'y nakikita niya pa nga sa pangitain pati mga pribadong bagay na ginagawa ng dalawa ngunit wala naman itong kakaibang epekto sa kanya. Pero bakit ngayo'y ang simpleng bagay na ito ay may hatid ng kirot?


Baka naman dulot ito nang di paggana ng kanyang kapangyarihan. Siguro'y katulad ng mga ordinaryong babae, naging sensitibo na ang kanyang damdamin lalo na para sa lalaking sinasandalan niya at walang ibang pinakita sa kanya kundi kabaitan. Natututo na siyang ipagdamot ito, isang kadalasang ugali ng mga normal na tao.


O baka naman sadyang nagbago na ang antas ng pagtingin niya sa direktor? Hindi kaya may espesyal na siyang nararamdaman para sa lalaki. At ang kirot sa kanyang dibdib ay dulot lamang ng selos? Pero bakit mukhang napakabilis naman yata? Yung tipong kumurap lang siya't nagbago na ang pagtingin niya dun sa tao.


Naguguluhan siya. Hindi gumagana ang kanyang abilidad kasabay nito'y binabagabag pa siya ng nararamdaman. Mas lalo pa siyang nalilito dahil sa lakas ng musika at nakakalulang pagkislap ng patay-sinding mga ilaw.


Tiningnan niya si Hector. Gusto niya itong kausapin tungkol sa nangyayari sa kanya. Baka sakaling may nalalaman at maipapayo ito. Ngunit halatang nagi-enjoy ito sa pakikipag-usap sa mga babaeng nakapaligid dito kung kaya't di na siya nag-abalang lapitan pa ito.


Lumabas siya ng sayawan para maghanap ng pansamantalahang katahimikan. Subalit imbes na mag-isip isip ay nakuha agad ang atensiyon niya ng magandang lungsod. Ang nagtataasa't puno ng iba't ibang ilaw na mga gusali. Ang nagagandahang mga desinyo't palamuti ng bawat harapan ng mga establisyamento.


Muli na naman siyang namangha.


Natatandaan niya ang lungsod na ito. Dito siya unang ipinasyal ni Bradley at dito rin siya unang nabiktima ng karisma ni Hector. Panandalian niyang nakalimutan ang dahilan ng paglabas ng sayawan at natuksong maglakad-lakad muna.


Patuloy siyang naaliw sa mga nakikita hanggang sa bigla siyang natigilan. Nagkaroon muli ng ingay sa loob ng kanyang isipan. May nasasagap na ulit siyang mga boses.


Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala namang kumakausap sa kanya at wala ring ibang taong nakakasabay sa paglalakad.


Bumalik na ang kanyang abilidad.


Itinuloy niya ang paglalakad ngunit tanging nasa dinadaanang tabing kalsada na lamang nakatutok ang kanyang mga mata. Bumalik siya sa pag-iisip ng malalim. Takang-taka siya. Ngayon lang nangyari na pansamantalang nawalan siya ng kapangyarihan.


Huminto siya at tumingin sa paligid. Nais niyang subukan ang kakayahan kung kagaya pa rin ba ito ng dati. Pumikit siya at isa-isang pinakinggan ang mga boses na nagmumula sa bawat nakapaligid na establesimiento. Ang mga tawanan, bangayan, bulungan at mga matatamis na salita. Lahat ay nasasagap ng kanyang isipan.... maliban sa isa. Ang lugar kung saan ginaganap ang kanilang kasayahan.


Napamulat siya nang may nanlalaking mga mata. Anong meron sa lugar na yun na hindi nagpapagana sa kanyang kapangyarihan?


Naglakad siyang muli nang napapakutkot sa kanyang kuko. Bigla siyang kinabahan. Hudyat ba ito na merong bagay na panangga sa kanyang kapangyarihan o makakapagpahina sa kanya?


Pero ilang sandali lamang ay unti-unting napalitan ng pag-asa ang kanyang takot. Kung totoo ngang may makapagpapahinto sa kanyang mga abilidad, ibig sabihin ay bukas na ang pagkakataon para mamuhay siya ng isang normal.


"Bakit ka umalis ng club?"


Nagulat siya nang mamalayang nasa tabi niya na si Hector.


Umarte siya nang natural. "Gusto ko lang magpahangin. Masyado akong naiingayan doon."


"Dapat matuto kang makisalamuha. Iba ka sa kanila pero hindi kinakailangang ipamukha't iparamdam mo yun sayong sarili. May karapatan ka pa ring makihalubilo ng normal at makipagkaibigan," payo ng lalaki. "Yan ang resulta kapag lumaki kang akala mo ay nag-iisa ka at walang katulad. Baguhin mo na ang ganyang pananaw ngayong alam mo nang naririto lamang ang mga kagaya namin," dagdag payo nito nang may tono pa ring pangungumbinsing sumama na siya dito.


"Kita ko ngang ang saya-saya mo sayong pakikisalamuha na yan," may kasarkastikuhang sambit ni Amerie at tiningnan niya ang kausap nang bahagyang nakataas ang isang kilay. "Bakit mo iniwan ang napakasayang pakikipag-usap mo?" may pait pang dagdag niya.


"Dahil basta ka na lang nawala sa mga paningin ko," diretsong sagot ni Hector sabay tawa ng mahina. "Tayo na nga lang dalawa ang magkauri dito, pababayaan pa ba kitang mapag-isa."


"Kaya pala mag-isa lang ako sa mesa at hamak na tagapanood lamang sa paglalandi mo... At isa pa hindi tayo magkauri! Hindi ko alam kung ano ako pero tiyak kong hindi ako isang Gadians. Walang lahi ng anumang bathala na nanalantay sa aking ugat," dismayadong tono ng dalaga.


"Pero sa lugar na ito, magkauri tayo sapagkat tayo lang ang hindi normal na naririto."


Natahimik si Amerie. Tama ang lalaki na sila lang ang naroroon na nagtataglay na mahirap ipaliwanag na abilidad. At si Hector din lamang ang pinakaangkop na nilalang na pwede niyang pagsabihan ng kasalukuyang pinagdadaanan.


Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng ilang lakas ng loob. Seryosong hinarap niya ang binata para ipagtapat ang nangyayari sa kanya.


"H-Hector-"


"EEEEEEEEIIII!!!"


Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng tili.


Mabilis na tumakbo si Hector upang hanapin ang sigaw at hinabol siya ni Amerie. Tumigil siya sa tapat ng isang madilim na eskinita. Natanaw niya sa gitnang bahagi ng makipot na daan na sinasaktan ng isang lalaki ang isang babaeng nakasandal sa pader.


Madilim ang eskinita. Natatamaan lamang ang ilang bahagi nito ng ilaw mula sa poste na matatagpuan pa sa dulo ng naturang daan.


"Bitawan mo ako!"


Lumapit si Hector para iligtas ang babae.


Sumunod si Amerie ngunit pagkatapos ng ilang hakbang ay bigla niyang pinigilan sa braso ang binata. May dumaang pangitain tungkol sa dalawang taong naroroon sa eskinita.


"Bakit?" taka ng binata.


"S-Sila yung mga mabibilis na aninong nakita ko sa shooting nung kinukuhanan ang eksena mo," nalilitong bulong niya.


"Anong anino ang sinasabi mo?" kunot noong wika ni Hector.


"EEEEEIIII!"


"Mamaya ka na magpaliwanag Amerie. Kailangan muna nating iligtas yung babae."


"Nagpapanggap lang sila!"


Napahinto si Hector sa sigaw ni Amerie. Nilingon niya ang dalaga at ilang sandali lang ay biglang nagkaroon ng malaking katahimikan. Tumigil sa paggalaw ang lahat maliban sa kanila ni Amerie... at ang estrangherong lalaki't babae.


Tama ang dalaga na nagpapanggap lang ang dalawa. Umayos ang mga ito ng tayo at naglakad papalapit sa kanila nang nakangisi't may matatapang na mga tingin. Mga nakasuot ito ng hapit na itim.


Namumukhaan niya ang babae sa malapitan. Minsan niya na itong nakita sa labanan. Mga labindalawang taong gulang pa lamang siya noon at nagtatago sa isang makapal na halaman. Nasaksihan niya kung paano nito paslangin ang kapatid ng kanyang ina at ang iba pang mga Gadians. Siya si Salma, ang kanang kamay at pinakamagaling na mandirigma ni Heigro.


Dumating na ang pinangangambahan ni Hector. Natunton na nga siya ng mga kalaban.


Hinarang niya ang sarili kay Amerie at ikinubli ito sa kanyang likuran. Pagkuway nginisian niya ang dalawang kaharap.


"Kayo lang ba ang kayang ipadala ng lider niyo?" mayabang na wika niya.


Biglang may apat pang nagbagsakan mula itaas. Sabay-sabay ding humakbang ang mga ito papalapit sa kanila.


Bago tuluyang mapaligaran ng mga kalaban, itinulak niya si Amerie patungo sa isang gilid kung saan hindi ito mapagtutuunan ng atensiyon ng mga Reformus.


"Sinusundo na namin ang pinakamagandang pasalubong na maibibigay namin sa aming pinuno," ngingisi-ngising bigkas ni Salma habang titig na titig sa kanya.


"Yun ay kung kaya niyong hulihin ang tinutukoy niyong pasalubong!" Lumukso siya nang mataas at lumapag sa kabilang bangketa ng malawak nang kalsada. Pagbagsak niya sa lupa ay mabilis pa sa ihip ng hangin na sinundan siya ng mga kalaban. Agad din siyang napalibutang ng mga ito.


Tumigil ang oras ng ng mga karaniwang nilalang. Walang kamalay-malay sa nagaganap na paghaharap ng Reformus at ng anak ng lider ng mga Gadians.


Bumuo sa palad ng isang bolang enerhiya si Salma. Itinapon ito sa binata.


Muling tumalon si Hector upang iwasan ang ibinato sa kanya subalit hinahabol siya ng bolang puti. Binalandra niya ang sarili sa dingding ng isang gusali at bumagsak siya sa likuran ng isang kalaban. Mabilis na pinansangga ang katawan nito. Tumama dito ang bolang enerhiya at agad itong nanigas. Sinuntok niya ito't tumilapon sa marmol na harapan ng isang malapit na gusali. Pagbagsak nito'y wala na agad itong ulirat.


Nangalit ang mga panga ng mga natitirang kalaban. Batid niyang susugod na ang mga ito. Lumuhod siya at buong lakas na sinuntok ang sementadong daan. Nayanig ang bahaging kanilang kinaroroonan. Tumalon ang takip ng imburnal at pagkuway iminuwestra niya ang kamay sa butas. Nakita niyang magpapakawala na naman ng bolang puti ang babaeng Reformus kung kaya't agad niyang inutusan ang tubig na kumawala sa isang malaking tubo. Inangat niya ang kamay at kasabay nito'y ang paglabas mula sa butas ng imburnal ng isang animong isang malaking ahas na gawa sa tubig. Hinampas nito ang enerhiyang bola na papalapit na sana sa kanya at agad itong nilusaw.


Gumalaw ang tubig at inikutan nito ang mga kalaban. Sinasangga ang bawat bolang pinapakawalan ni Salma at hinahampas ang sinumang magtangkang lumapit sa kanya.


Isa sa mga Reformus ang nagbuka ng itim na pakpak. Lumipad ito't mabilis na nilaktawan ang mala-ahas na tubig na humaharang sa kanila. Dinagit nito ang binatang Gadian.


Pagdating sa ere'y nanlaban pa rin si Hector. Inihampas siya ng kalaban sa gusali ngunit nagawa niyang iiwas ang katawan sa halip ay tumakbo siya dito ng papahalang at pagkuwa'y tumalon pabalik sa ibaba. Nawala ang konsentrasyon niya sa inuutusang tubig kung kaya't nawasak na ito ng mga kalaban. Nagpakawala ulit ng bolang puti si Salma. Sumirkos siya sa ere upang iwasan ito ngunit hindi pa man siya nakakalapag sa lupa'y biglang may tumama sa kanya na isang buong-buo at napakalakas na hangin.


Tumilapon siya papabalik ng eskinita. Bumagsak siya sa tapat mismo ni Amerie na noon ay nasa isang tabi pa rin, nakaupo't nanginginig habang nakayakap sa kanyang mga tuhod.


Tumayo agad siya bago pa man mapansin ng mga kalaban ang dalaga. Pagkabangon niya'y nasa harapan niya na agad ang mga Reformus. Tumalon si Salma patungo sa kanya upang bigyan siya ng isang malakas na sipa subalit tumalon din siya at nagpakawala ng sipa. Nagsalubong ang kanilang mga paa sa ere at sinangga ang sipa ng isa't isa. Sabay silang tumilapon sa itaas ngunit pareho din namang nakahanap agad ng balanse kung kaya't lumapag pa rin sila sa ibaba nang nakatayo.


Ramdam ni Hector ang kakaibang lakas at galing ng mga kalaban. Aminado siyang napakalakas na ng puwersa ng mga ito. Naipamahagi na nga sa kanila ni Heigro ng mga kapangyarihang pinagnanakaw nito sa mga Gadians.


Tumapang ang kanyang mga mata. Naging kulay berde ito. Maaring malagay siya sa panganib pero nakahanda siyang lumaban hanggang kamatayan. Mas pipiliin niyang mamatay kaysa maiuwi ng mga kalaban ng buhay para lamang nakawin ni Heigro ang kanyang kapangyarihan.


Naglakbay muli ang kanyang isipan patungo sa ilalim ng kanal. Muli niyang inutusan ang tubig mula sa nawasak na tubo. Bumuo siya ng mga bolang lumilipad patungo sa mga kalaban subalit bago pa man makalapit ang mga tubig ay hinarap ang mga ito ng kalabang may kapangyarihang komontrol ng hangin. Ikinumpas nito ang kamay at may napakalas na hanging sumalubong sa mga tubig sanhi para magkawatak watak ang mga ito.


"Wala kang laban sa amin kaya sumama ka na lang," may bahid ng tagumpay na ngisi ni Salma.


"Nakatayo pa ako kaya huwag muna kayong magdiwang."


Napatingin siya kay Amerie. Gustuhin man niyang protektahan ito subalit batid niya na sa pagkakataong yun ay kailangan nilang magtulungan para mailigtas ang isa't isa. Panahon na rin para malaman niya kung ano nga ba ang kayang gawin ng babae pagdating sa pakikipaglaban. Hindi niya ito kayang utusan kung kaya't gagawa siya ng paraan para kusa itong lumaban.


Sinugod siya ng mga kalaban at walang takot ring siyang sumugod dito.


"YAAAAHH!"


Nakapikit lamang si Amerie habang mahigpit ang pagkakaakap sa kanyang mga tuhod.


Hindi siya pwedeng makisali sa away ng sinuman. Ipinangako niya na sa kanyang sarili na kahit kailan ay hindi na muling gagamitin ang kapangyarihan sa anumang karahasan. Kinakalma niya ang isipan at paulit-ulit na pinaaalalahanan ang sariling wala siyang kinalaman sa nagaganap na away.


"Arhg!"


Napaigtad siya nang marinig ang nasasaktang daing ni Hector. Ipinikit niya pa lalo ng madiin ang mga mata.


"Argh!"


Pilit niyang tinitikis ang punyal na tumatarak sa puso niya sa tuwing naririnig ang sakit na natatamo ng binata.


Napamulat siya nang may malakas na bumalibag na katawan sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang duguang mukha ni Hector. Napatingin ito sa kanya na animoy nanghihingi ng saklolo. Nadagdagan ang panginginig ng kanyang katawan habang unti-unting nangingilid ang kanyang mga luha.


Natatakot rin siya sa mga nilalang na nanakit kay Hector. Hindi niya rin alam kung kaya ba ng kapangyarihan niya ang mga kapangyarihan ng mga ito.


Binuhat si Hector ng isa sa mga lalaking kalaban. Inihampas ito sa pader sa kung saan sa mismong tabi niya. Pagkuway ang babae naman ang lumapit dito at sinakal ito sa leeg.


Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha habang nanginginig sa takot ang mga kalamnan.


Tiningnan siya ng babae at pagkuway ngumisi ito kay Hector.


"Sino ang babaeng ito? Kasintahan mo? Mukhang kalahi niyo rin sapagkat hindi naapektuhan sa pagpapatigil ko ng oras para sa mga taong normal. Siya ba ang dahilan kaya iniwan mo ang mga Gadians sa Laguerto?"


Hinigpitan pa lalo nito ang pagkakasakal sa lalaki. "Tama ngang magpasailalim na lamang sa mga Reformus ang mga Gadians kesa mapamunuan ng mga iresponsableng lider na gaya mo!"


"G-Gamitin mo ang k-kapangyarihan mo...." hirap na hirap na sambit ni Hector. "T-Tulungan mo ako...tulong..."


Humalakhak ang babaeng Reformus. "Papaano ka matutulungan ng isang hamak na babaeng nanginginig lamang sa takot!" sabay sakal pa lalo nito.


"Arkkh! A-Amerie..." tila malalagutan na ng hiningang wika ni Hector.


Bumilis ang pagpatak ng mga luha ni Amerie. Napapikit siyang muli habang binubuhay ng naririnig na halakhak ng babae ang galit sa kanyang dibdib. Nagpahid siya ng mga luha hanggang sa hindi niya na makayanang pakinggan ang nagsasabay na tawa ng kalaban at daing ni Hector.


Pagmulat niya'y may taglay na siyang purong puting mga mata. Kasabay nito ay ang pagbuhos ng isang malakas na ulan. Tumayo siya at hinarap ang mga kaaway ni Hector.


Bumalik sa normal ang paligid. Gumagalaw na ulit ang lahat. Umaandar ng muli ang mga sasakyan at tuloy na sa kanilang mga ginagawa ang mga taong kanina lamang ay pansamantalang mga naging estatwa.


Napangisi si Hector kahit hirap sa paghinga. Samantalang gulat na napatingin ang mga Reformus sa estrangherang dalaga na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay nililipad paitaas ng hangin ang mahabang buhok.


Nagpakawala ng malaking bilog na hangin ang kalaban at itinapon ito sa dalaga. Subalit pagdating sa kalagitnaa'y itinapat dito ni Amerie ang kanyang kamay. Huminto ang hangin at bumuwelta ito sa lumikha nito nang may dobleng lakas.


Kinaladkad ng hangin ang nasabing Reformus sa kahabaan ng eskinita. At nang bumangon ito'y umangat ang mga paa nito sa lupa. Napasandal ito sa pader at kusang sinakal ang sarili.


Nagulat si Salma sa nasaksihan. Binitawan niya si Hector at umakmang gagamit ng kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap lamang ay di na niya maigalaw ang katawan. Kasama ng iba pang mga Reformus ay lumutang siya sa ere. Hindi makontrol ang mga katawan at pagkuway sabay-sabay na kusa nilang binalibag ang mga sarili sa pader.


Lumapit si Amerie sa hindi makagalaw na babaeng Reformus at tinitigan ito nang animo'y may umiilaw na mga mata.


'Pagsisihan niyo ang pananakit sa kaibigan ko!'


Di lubos makapaniwala ang mga Reformus nang marinig sa kanilang isipan ang boses ng dalaga. Pagkuway may malakas na puwersang tumama sa kanilang leeg. Biglang nanikip ang kanilang dibdib at unti-unti silang nahirapang huminga.


'Iparating niyo sa inyong pinuno, lubayan niya si Hector kundi isa ako sa mga makakalaban niyo!'




पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

126K 7.5K 87
(On-Going)
2.9M 67.4K 32
"Too much love and power can kill you." Laurice Fireilline Gwyneth Apostle. A cold-blooded woman who never knew what love is. She knew everyone, but...
4.2M 194K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...