"A-Ah babalik nalang ho ako dun at hihingi ng paumanhin. " Magalang na suhestyon ko pero napailing lang ito. Napakamot pa ito ng pisnge nang sumulyap kay damian.
Di ko akalain sa gwapong duke na tatay kong to ay gagawin ang bagay na ginagawa ng mga hampaslupang kagaya ko dati.
Napatakip ako ng bibig dahil mukhang matatwa ako pero nung nang tama ang mata namain ni damian na kanina pa pala naka masid sakin ay agad akong umayos ng tayo at tinarayan sya.
Nag iwas naman agad ito ng tingin sakin at tinakpan ng kamao ang bibig nito na para bang parang natatawa, o baka natatae tch!
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, hindi kailangan ng isang babaeng gaya mo na humingi ng paumanhin sa kanila. Wag mo kalimutan ang iyon katayuan. " Mahinahongbsaad nito pero ramdam ko ang seryoso.
Ngunit parang di ata ako pabor dun. At ano ang kinalaman ng katayuan ko para basehin ang pag galang sa mga taong naka palibot sakin?
Parang di tama.
Napasulyap ako kay damian na parang wala lang iyon sa kanya. Na para bang ang sinabi ng ama ay sadyang normal. O sadyang TAMA.
Wala sa sariling napatango na lang ako dito.
Ngumiti ito sakin at hinimas ang buhok ko, sarap
"Bueno, at ano itong sadya nyo saakin at mukhang importante nga ito? " Dagdag nito kaya agad na yumuko si damian at inabot mula sa ilalim ng sleeve nito ang isang silver case mukhang lalagyan ng papel.
Di ko tuloy maiwasang maisip kung may bulsa ba talaga sa ilalim ng sleeve at parang hindi ito nahuhulog.
Napanood kona to e. Ilang beses na sa mga anime at ibang western movies.
"Ipina paabot ng Punong Guro ang liham na ito sa inyo senior. " Magalang na saad nya at inaabot naman ito ni ama.
Biglang lumiwanag ang lalagyan sa oras na mahawakn ito ni ama at biglang lumutang sa ere ang papel na naglalaman ng liham.
Di ko nanaman maiwasang di mamangha.
Ngunit ang nakapagtataka ay parang wala naman akong nakikitang mga letra dito tangin blankong papel lang na lumulutang ang nasa ere.
Ngunit tila nagbabago na ang expression ni ama at patunay na may nababasa sya.
Posible bang ang mismong pinadalhan lang ang maarang maka gamit at mabasa ang liham na naka lagay sa papel? , napaka convenient naman grabe maka Privacy.
"Yan ay isang "Gucci" Ginagamit ang bagay na itan para mag hatid ng liham para lamang sa mga importanteng tao sa emperyo." Biglang bulong sakin ni damian, Irita akong tumingin sa kanya.
"A-Alam ko! " Pabulong na singhal ko sa kanya.
Napangiwi naman ito at binalik ang tingin sa senior.
"Sabi mo e." Sagot nya pa, na sadyang nagiwan sakin na naka nganga. Bastos na lalaki.
Sa uri ng pagkasabi nya nun ay sadyang nakaka inis , napara bang mang mang ako at sisinungaling pero pinaniwalaan nalang nya. Pinagbigyan.
"Nais ng yung paaralan na magbukas ng paligsaan sa pakikipag espada habang gumagamit ng mahika?" Serysong tanong nito.
"Opo senior, ang titingalain at kikilanin na mananalo ay makakatangap ng salapi't karangalan at isang pagkakataon na mapabilang sa royal knights. " Mahinahong paliwanag nito.
Wow royal knights? Ito ba yung diriktang nag sisilbe sa hari?
"Royal knights? Hmmm. napaka galante nga nang inyong pabuya ngunit tutol ako sa plano ninyo mahal na prinsepe. " Mabilis na saad ng ama na nagpatigil saamin.
Ako man ay nagulat at takang napalingon dito. Nanatiling walang imik naman ang prinsepe at hinihintay ang susunod na sasabihin.
Ang paligsahan ito ay sadyang napaka gandang ideya lalo nat sa kayo ay mga knights, hinahasa kayo sa pakikipaglaban at iyon ang katotohanan. Malaking pagkakataon nga ito upang ipakitang ang kakayahan at kaalaman na natotonan ng bawat estudyante. Ngunit napaka peligro ng plaigsahan na ito, maaring may mabawian ng buhay sa processo at mawawalan pa tayo ng lakas militar dahil lang sa paligsahang ito. Lalo nat naging biktima pa ang anak ko sa pagsimula ng pabugso ng kasamaan. Nag sisimula na sila, Sana maintindihan mo ito prinsepe,...bueno at ihatid muna ang balita ko. " Mahinaong pagpapaliwanag ng senior.
Mukhang naintindihan naman ito ng prinsepe at ganun din ako, dito ko narrealize ang kapangyarihang na hawak ng isang kagaya ng anak ko. Akalain mo yun ang punong guro pa mismo ng paaralan ay humihingi ng permiso sa aking ama? At ang kapal ng fess ng daddy ko para tanggihan ang susunod na hari ng emperyo.
Grabe. Pero sabagay , ako nga namamalditahan ko sya e kahit na pweding ikaputol ng leeg ko yun.
"At ikaw Clara Aysel, ano naman ang sadya ng aking dalaga saakin?" Malambing na saad nito saakin dahilan para concious akong napatingin kay damian. Agad kong binawi ang tingin ko at tumingin nalang
ng diritso kay ama.
"Ah nais ko po sanang papasukin ang mga taong nasalabas nang maka silong man lang. "
"Ngunit presenta silang dyan lang maupo dahil sa mga aristokratang sa loob. " Saad nito
"Gusto ko lang tumulong ama, hindi dahil sa naawa ako kundi dahil ay yun ang nararapat. "
"Ngunit pag titinginan ka ng mga tao sa loob? "
"Kahit na..Ako nga nilalamig sila pa kaya, mahandogan ko manlang ng pagkain at maiinom o daluhan sa pagluluksa ang mga taong nagmamahal sa aking lolo. " Saad ko. Napatigil ito ng bahagya at maya maya lang ay nangiti.
"Gawin mo kung ano ang iyong nais. " Naka ngiting saad nito at nagpaalam na umalis.
"Oh bat nandito ka pa? " Pagtataray ko ulit kay damian ng mapansin hindi ito umaalis sa kanyang kinatatayuan at nag tatakang tumingin saakin.
"Hindi mo naman kailangan gawin iyon? "
"Sa tingin mo? Okay bahala ka jan. " Sabi ko at tinalikuran sya.
"Teka nga Binibini, hindi kaba natatakot sa sa
sabihin ng iba lalo nat isa kang tanyag na babae? Yun ang kinababahala ng iyong ama ngunit parang wala lang sa iyo iyon. " Naguguluhang saad nito.
"Wala akong pake sa kanila o sasasabihin nila O kahit pa sa mararamdaman nila sakin." Sabi ko habang nagpatuloy sa paglalakad.
Napansin kung sumunod ito kaya hinayaan ko nalang.
"Nakasaad sa batas ng simbahan na bawal natin ipantay sa mababa ang sarili dahil tayo ang nagbabalanse sa gawa ng dyos "
"Hindi ba nakasabe sa nabasa mo na tayong may kaya at naka angat ang dapat tumulong sa mga nagngailangan? "
"Hindi mo naiintindigan binibini, tiyak na ikay magkakasala." Saad nito dahilan para mapahinto ako at hinarap sya.
"Kung ang Ibig sabihin ng pagmamahal sa dyos ay pag tanggi O iiwas ako sa bagay na gusto at mahal kong gawin ay.. Ayoko nalang maniwala sa dyos! Hindi ako hangal o mangmang para di matukoy kong ano ang nararapat sa hindi at mas lalong hindi ko hahayaan na baguhin ang aking prinsepyo sa pagtulong dahil lamang sa batas ng simbahan na sinusunod nyo." Inis na saad ko dito at tinalikuran sya.
Napansin kong hindi na ito naka sunod kaya dali dali akong naglakad palayo. Bwesit na naman.
Pero nagulat nalang ako ng may humigit sa kamay ko at sapilitan akong hinarap ngunit nandon ang pag alalay.
Hinarap ako sa nagtatakang mukha ng prinsepe, na mukhang naguluhan na ang isip. Napatingin ako sa mata nitong parang nangungusap. Sa pangalawang pagkakataon ay parang hinigop na naman ang kaluluwa ko at diko na pansin na parang lumalapit ata ang mukha ko.
Pero bago paman iyon ay naitayo na ako nito ng maayos at parang gulat rin sa kanyang ginawa.
Di ako maka paniwala na may balak akong halikan sya , ang landi ko pot..
"Sasamahan kita. " Nahihiyang saad nito habang nagkamot sa tungki ng kanyang ilong.
"H-Ha? "
"Tutulong ako sayo sa pagpasok ng mga tao. " Diritsong saad nito na talagang ikina gulat ko.
Kaya ko naman mag isa bat sasama pa sya. Madadagdagan na naman ang atensyon sakin.
Hindi hindi maari, malalagot ako.