Threads of Tapestry

By ayeribliss

2.1K 494 6

Different stories, different fates, different lessons. This is a series of short stories, one-shots, and flas... More

THREADS OF TAPESTRY
The Couple
The Girl Who Loves Tragic Stories
Don't Stay Because Of Sympathy
She Ran Away
Paper Plane
Huwag Nang Kumontra
The Girl Who Can't Cry
Shotgun Wedding (Part 1)
Shotgun Wedding (Part 2)
Soul Searching
Those Eyes Of Pain And Joy
My Husband Took Me To A Mental Hospital
The Sweetest Girl To Me
Eye Donor
When The Right Time Comes
Time-Tested People
The Man And The Kid
Dana
She Always Want To See Me
Ocean Memories
1...2...3...
At least She Loved Me
Sudden Fiction
Aso't Pusa
Promise
Insecurities Of A Girlfriend
I Made A Right Descision
Drabble or Microfiction
Heirloom Wedding Gown
I Just Wanna Ask You - Part 1
I Just Wanna Ask You - Part 2
He's Adopted
See You In Next Life
I Want Her To Have A Happy Ending
Never Abuse Yourself
Sudden Fiction
Love Isn't Blind
To Find My Biological Parents
The Different Me During Night
His Father Was A Pilot
Let Us Fall In Love
Eyes Of Innocence
To My Favorite Painter
Why Do People Cheat?
Abandoned
Broke Up
Proposal
Sky Every Sunset
Sudden Fiction
Gusto Ko
I Failed To Protect My Girl
Before It's Too Late
Memories From The Future
My Power Is A Curse
Take For Granted
Patient. Lonely. Pained.
Our Story That Never Started
Edward's Gone
Chain Letter
She Wants To Die
Sudden Fiction
Summer Of 2005 - Part 1
Summer Of 2005 - Part 2
Summer Of 2005 - Part 3
Summer Of 2005 - Part 4 - last part
Pick A New Direction
Once Upon A Time, There Was 'Us'
Validation Seeker
Deal I Wanna Break - Part 1
Deal I Wanna Break - Part 2
Deal I Wanna Break - Part 3
Deal I Wanna Break - Part 4
Deal I Wanna Break - Part 5 - last part
The Reason Why
The Reason Why - Part 2
The Reason Why - Part 3
The Reason Why - Part 5
The Reason Why - Part 6
The Reason Why - Part 7
The Reason Why - Part 8 (the end)

The Reason Why - Part 4

41 6 0
By ayeribliss

THE REASON WHY

Part 4

Jeanesse @urfavejean
omggg! kinikilig ako! ang ganda din ni ate girl! cristan, alam kong pogi ka at maganda ang boses mo, pero itabi mo, ako na kay ate!

Trisha @shaisshy
Replying to @urfavejean
sakto lang face niya pero grabe! ang swerte niya! i wish i was her! imagine cristan as your bf!

Cheesemiss @thisischeerise
Balita ko bago pa lang sila, relax guys, baka maghiwalay pa yan emz.

Brokenhearted @cristanfangirly
Guys, stop it. Respect ate girl naman! Oo alam ko naiinggit kayo kay ate girl pero guys, siya na ang girlfriend ni Cristan, sana maging masaya nalang kayo para sa kanila! Grow your ass up!

"You reading comments?" napapitlag ako nang marinig ko ang boses niya mula sa aking kanan.

Nakaupo ako sa sofa at nagbabasa ng comments at ang akala ko ay nasa kwarto siya na tulog pa rin. Nakasulyap pala ito sa aking mga binabasa!

Kinuha niya ang cellphone na hawak ko at tinignan ang mga iyon. He sat beside me and boringly scrolled down on my phone.

Napabuntong hininga ako at napaayos ng upo. Hindi ko naman gawain magbasa ng comments gaya niya dahil madalas ay halos pare-pareho lang yon pero ewan, tinry ko lang.

Sinubukan ko kasi akala ko ang lahat ay nirerespeto at rerespetuhin ang relasyon namin, hindi pala talaga. May mga taong in-denial pa rin pero tanggap ko naman 'yon.

Medyo kakaiba lang sa pakiramdam. I feel so lucky to be Cristan's girlfriend but somehow I feel pressured, even though I know I don't have to.

Feel ko ang daming nakaabang sa amin.

"They don't mean them, don't worry, baby." Cristan turned off my phone and put it on the coffee table before touching my cheeks.
 
It's already afternoon at kakagising lang nito.  His dark brown hair is kind of messy but looks fine, and he wore a plain brown sweatshirt and brown pants. Wala siyang lakad, kaya halos maghapon lamang itong natulog sa kanyang kwarto.
 
We're currently in his apartment at dahil wala naman akong pasok at napag-isipan kong pumunta. This is, I think, my third time coming here as his girlfriend. Madalas kasi at nagkikita na kami sa labas o sinusundo niya ako sa bahay.

Wala pa naman kasi kaming plano magstay sa iisang apartment. We trust ourselves, but we decided for me to just move when I already turned twenty-one. Wala din kasing kasama sila Mom and Dad sa bahay. They can hardly let go of me because I am their only child.

Medyo dramatic pa naman sila!

Kakatwenty ko lang nakaraang linggo this May kaya malapit na rin naman siguro.

"I know. Nakakatuwa nga lang kasi mas marami pa din ang natutuwa sa relationship natin," napangisi ako ng maalala ang mga comments nilang nakakainggit daw kami. "Most of them say I was so lucky to be your girlfriend...they don't know how right they are."

I consider looking at his 'just woke up' face a blessing. Mukhang inaantok pa rin ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

Halos isang dangkal lamang ang pagitan ng mukha namin at sapat na iyon para agad na bumilis ang tibok ng aking puso. I wonder kung ganoon din ba sa kanya? Why does it look so natural to him?

Hindi ko ba alam kung kailan ako masasanay kahit na halos dalawang taon na niya ginagawa ang paglapit ng kanyang mukha ng ganiyan sa akin.

I did the same thing to him, I touched his bare face. I even rubbed his cheeks at hindi ko ko maiwasang mapangiti dahil doon. He's real. He's really mine!

He started shaking his head. He pouted. "No, I was so lucky to be your boyfriend...so damn lucky..." he said, kind of opposed to a fan's comment. "Baby Wendy na yan, e. Blessings kaya yung hampas niyan kada tawa."
 
Nakangiti pa rin, napatango nalang ako dahil may ilan naman talagang nagsabi no'n. At kahit wala naman ay swerte naman talaga siya sa akin.

"Tama! Ako na 'to, e! Si Wendy na mahal na mahal ka." Dahil maharot ako ay inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Feel ko nahahawaha na ako sa kalokohan at kalandian niya!

Ang koya hindi napigilan ang pagngisi. Saglit pa ay agad namang namula ang tenga at natawa  ako doon dahilan bumaba ang mga kamay niya sa aking mga balikat, napayuko siya sa hiya. Still, I didn't remove my hands from his face. I just adjusted it.
 
God, he melted!

"I'm not even joking!" tawa ko pa.

"I know!" namumula pa rin ito nang umangat ng tingin sa akin. Now, he's biting his lower lip to keep his cool, making him form a downward smile.

Kilig na kilig yan?

His smile...I wanna gatekeep it, but it's already all over the internet! Kainis lang! Masyado 'yung maganda para ipakita sa lahat. Kaya ang daming nahuhulog sa kanya e.
 
Sa sobrang ganda ng kanyang mga ngiti ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapatigig doon...sa kanyang mga labi. His thin and naturally pinkish lips...It's like it's pulling me to kiss him every time.

Kinikilig na siya, sulitin ko na...

Hawak ko pa rin ang kaniyang magkabilang pisngi. I moved a little closer to him and planted a kiss on his lips.

God, he has soft lips! In an instant, I felt those insane butterflies in my stomach. This...this is the first time I kissed his lips.
 
"Did you ask my mother if I am now allowed to kiss?" I suddenly asked. Gulat na gulat pa rin ito at hindi agad nakagalaw sa aking ginawa. "I'm twenty years old now." I bit my bottom lip.

"You...stole my first kiss!"

Halos malaglag ang panga ko sa response niya! Saglit pa ay natawa na din ako. He's acting more like a kid when he's flustered.

"Oh? Dapat ba ibalik ko?" lalapit na sana ako muli pero siya na ang maingat na humigit sa akin para tuluyang ibigay ang bagay na ninakaw ko mula sa kanya.

It's not just a peck!

I felt his hands on my shoulders and pull me a little closer. He gently moved his lips over mine. I responded to it lovingly. And when I felt like it was getting better, I started becoming thirsty for it, as did he.
 
It turned faster and deeper until I felt him shoving his tongue on my mouth like those in eighteen-rated movies.

I felt his hand on my hair on my back, guiding me to lie on the sofa. He's on top of me now. There, we continued kissing deeply and wildly. I couldn't help but let out a moan in the middle of it.
 
God, who knows he's a good kisser? Isn't this his first time? Or he's reading romance novels too, like me. Thank God, I do, 'cause I'll hate myself if my first kiss doesn't turn out well.
 
After those wild kisses, the side of his lips rose. "Funny because I literally asked her before."
 
I laughed. "Really?"
 
"Really?" he nodded once and smiled again.
 
-

"Nak, nagpaulan ka ba? Ilang araw na 'yang sipon mo a! Ang init mo na! Tapos nakaharap ka pa din diyan sa laptop mo!" nag-aalalang wika ni Mama na hinipo ang leeg ko. Sinubukan kong umiwas pero alam kong wala naman akong kawala.

"Ma, konti nalang po 'to, tapusin ko na." muli akong humugot ng tissue paper at suminga doon.

Napasinghot pa ako bago muling bumalik sa pagtipa sa keyboard.

I'm obviously lying. Kapag nagpahinga ako, hindi ko ito matatapos at wala kaming mapapasa bukas.

Kainis kasi! I already told my research partner I was sick, but she didn't care! In-expect pa rin niya na ako ang gagawa lahat! Ni ang hirap na nga i-edit ng mga magulo niyang gawa e!

"Itigil mo muna 'yan, kahapon ka pa diyan sa laptop mo! Magpahinga ka muna, may sakit ka na o!" saway sa akin ni Mama na obviously napipikon na sa akin.

Kanina pa nga siya pabalik-balik sa aking kwarto e.

I was just sitting in front of my study desk, facing my laptop, and typing on a keyboard, trying my absolute best to write our academic paper, when she entered my room to remind me again, bringing me some Calamansi Juice, thinking it would help me.

I'm willing to pull an all-nighter for this one, but it's really hard since gahol ako sa oras!
 
Bwiset ka talaga, Mica! Ikaw papasagutin ko sa defense na punyeta ka!
 
"Makinig ka nga sa'kin, Wendy! Alam kong kailangan mong tapusin 'yan pero aba! May plano ka bang magstay sa ospital?!"

"Ma, need ko kasi tapusin. Bukas na din po!"

"Ang akala ko ba ay partner kayo diyan! Nakaraang linggo pinagpuyatan mo 'yan!"

"Ma, kasi—"

"No, you'll rest. That's final."

Ugh! Paano na! Tomorrow na 'yon!

As much as I wanted to sneak, lock my room, and force myself to finish it, I really can't. My body is giving up on me. I messaged Mica about it, but she only 'seen' it.
 
 
I know she'll do it, though. She's competitive as fuck.
 
"Ma, I'm not doing it, okay? You can stop checking on me!" sigaw ko nang marinig ang katok mula sa aking pintuan.
 
Magtatanghali na ngunit nakayakap pa rin ako sa makapal na kumot na nakabalot sa akin.

Pakiramdam ko may malaking bato na nakadagan sa ulo ko sa sobrang bigat. Pagod na rin ako sa kakaubo at singhot.

"Can I enter, babe?"

Kusang bumukas ang inaantok kong mata ng marinig ang pamilyar na boses sa malapit.

Woah. Totoo ba 'to? I thought he has a loaded schedule this week!

"Y-yes!" I was nervous.

Ibinalot ko ang sarili sa makapal na kumot at tanging mukha ko lamang ang kita. As much as I wanted to open my door for him and hug him, I am afraid that he might get the flu too.
 
Darn, I miss him so much.

"B-babe, don't come any closer to me please!" nagpanic ako kasi sobrang bilis niya humakbang papunta sa akin. "M-may sakit ako, e." pilit ngiting sabi ko.

Pilit akong kumuha ng tissue dahil pakiramdam ko ay malalaglag na naman ang sipon ko. I sniffed after a sneeze.
 
"But I wanna hug you, babe." he's standing a meter away from me. Bumaba ang labi nito na nakatingin sa akin, nag-aalala. "Paano kita susubuan niyan? Ako pa naman nagluto ng porridge na 'to!"

Parang bata pero cute.

Napatingin ako sa hawak nito. May tatlong vaccum pot na nakapatong sa isa't isa at nakakagay sa iisang transparent handbag.

"Just watch me eat, babe."

I watched him pull my desk chair over and sit in front of me. Nakanguso pa rin ito. "Eeeeh. Nakakahawa ba talaga 'yan? Gusto ko talaga subuan baby ko, e."
 
Napangisi ako. In love na in love sa akin amputcha!

"Eeeh, ayaw ko magkasakit baby ko, e." I gave him the same response and he smiled because of it, melting. Hanggang sa natawa na lang kami pareho.

But really. I don't want him to get sick, lalo na sa mga panahon ngayon. Sobrang siksik ang schedule niya at alam kong bagama't nakakapagod ay gusto niya ang ginagawa at pinapahalagahan ang mga opotunidad na ibinibigay sa kaniya ng mundo.

Ayos lang kahit na ako ang magkasakit kakahintay dahil wala siya. Kakahintay sa kanya nong umuulan kahit na alam kong hindi niya naman kaya humabol.

"M-masarap ba, babe?" nag-aalangan na tanong niya.

Takot na takot majudge ang mukha niya! Pag-tripan ko nga.

Peke akong nagpilit na ngumiti at bahagyang pumakla ang mukha. "M-masarap yung mga prutas tas tinapay." sabi ko na ikinadikit ng mga kilay niya.

"Eh, binili ko lang yan, e!" nakangusong reklamo niya, medyo pikon na. "Sabi ko yung lugaw!"

Tumawa ako. "Alam ko!"

Hindi ko mapigilan. Ang kulit ng mukha niya! Mabuti nalang ay hindi na makati ang ilong ko. Jusko nakakailang singhot na ako sa harap niya.

Uminom na rin naman ako ng gamot kanina kaya kahit papaano ay sandaling gumaan ang pakiramdam ko.

"Gusto mo yung totoo?" hindi ko na siya hinintay sumagot. "Maalat."

Natatawa pa ako para asarin siya lalo pero hindi lumungkot ang mukha nito, instead he stared at my eyes for seconds. Then to what I am eating and to my eyes again. And he smirked after.

"Maalat pero mauubos mo na!" he said, smiling.

Natawa nalang ako at tumango-tango. Okay, okay. I'm giving to him.

Ayaw ko namang umarte na hindi masarap hanggang sa huling tatlong subo. Masarap kasi talaga! How thoughtful of him to add my favorite, tofu!

"Babe, kapag ba kasal na tayo willing ka magluto para sa mga anak natin?"

The thought makes the butterflies in my stomach sick and wild. Lalo na nang makita ko ang agad na pamumula ng kaniyang tenga. His lips formed a downward smile, kinikilig.

"Oo naman! Para sa inyo ng mga anak natin!"

Him cooking for our children because I was a horrible cook. It sounds cute!

"You can also teach me because you also deserve someone who could cook delicious food for you!"

That dream is just so good that I want to fast-forward the time so we can achieve it sooner. But I know we can't yet because we still have to work hard for our future selves, future lives, and future family.

Medyo matagal pa talaga iyon dahil after ng kaniyang first ever domestic tour ay saka lamang siya maguumpisa mag-aral for college. Naging biglaan ang pagsikat ng kaniyang talent at music na pinaghirapan niyang i-cultivate ng ilang taon.

Napaaga ba naman ang pangarap niyang kumanta ng live sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Nakakagulat nga dahil nagawan niya pa ng paraan na makita ako sa mga oras na 'to kahit na alam kong possible pagalitan siya mamaya ng manager kapag nalaman. Hindi ko na rin siya pinagtagal pa dahil doon.

We exchanged cheesy flying kisses and I love yous before I slept well.

Kinabukasan ay ayos naman na ang pakiramdam ko pero mukhang magkakasakit ako muli dahil kay Mica.

"What?!" sigaw ko sa kanya, hawak ko ang siko nito dahil pinilit ko siyang ipinaharap sa akin. "Ulitin mo nga ang sinabi mo! Medyo bingi kasi ako e! Hindi ko narinig!"

Magkasalubong ang kilay nito na pwersahang binawi ang braso. "Ang sabi ko, puro ka kasi landi kaya hindi mo nagawang tapusin ang research paper natin! Ako pa ang pinatapos mo! Nasa bahay ka na nga lang 'di mo pa natapos. Porque kasi kilala ka na dahil sa boyfriend mo feeling mo celebrity ka na na dapat pagsil—" sobrang bilis ng bibig niya at hindi ko na napigilan patigilin siya gamit ang palad ko!

Everyone in the room gasped. Naramdaman ko pa ang paghila ng isa sa mga classmate ko bago ko maramdaman ang maiinit na tubig sa gilid ng mga mata.

As much as I don't want to cry in front of her, what she said offended me to the bone! D-did she just say, I was enjoying the fact that my relationship was in public? 
 
Tanga ba siya? Oo, natutuwa ako na successful ang boyfriend ko pero hindi niya ba naisip na ang kapalit no'n ay mga oras na nawawala sa amin para magkasama?

I bit my bottom lip, still glaring at her. Tangina.

"Alam mong may sakit ako, Mica!" I gritted my teeth. "At alam mong kahit na mas marami kang ginawa this time ay alam mong kaunti lang do'n ang maayos at halos inulit ko pa rin lahat!" galit na galit na sumbat ko sa kanya. "Stop acting like you're the victim! You know you're mediocre, yet you're not changing!"
 
Mas namula siya sa galit sa aking nasabi. "I'm not mediocre! Everyone knows I can perform well! I'm a consistent dean's lister!" Yeah, dahil sa bulok na sistema. "You two-faced bitch, go ahead, show your true colors!" she said, chin up, crossed arms.
 
"Go ahead and enjoy your public relationship, baka kasi mawala isang araw, e."

That night, I cry myself to sleep. Ilang beses ko tinawagan si Cristan pero hindi siya sumasagot. Inabot pa ata ng dalawang araw bago ako nakatanggap ng tawag mula sa kanya.

That saved my dying heart because of the fear that Mica's words would be true.

"B-babe!" desperadang wika ko nang sagutin.

[Babe, I know you're mad at me, I am so sorry.] malungkot na sabi niya sa kabilang linya. Tama naman siya, galit na ako. Pero nang marinig ko ang boses niya ay napalitan lahat iyon ng pangungulila.

[I know how understanding you are but I feel so bad. I feel so bad. I should be there right? Pero, love, hindi ako makaalis.  The moment I realized that my manager, the staff, and all the people working for me have families to fee—]

"Babe, I'm okay. Really..." pilit na ngiti ko kahit hindi naman niya nakikita. Kahit na tuloy-tuloy ang pagtula ng mga luha sa pisngi ko. "No, yes, I admit, nagalit ako. Yes. Pero dahil iyon sa miss na kita at hindi ko narinig ang boses mo ng ilang araw. Sabi ko naman sa'yo, kahit marinig ko lang ang boses mo ay okay na sa akin." I was trying to assure him.

Alam ko namang sobrang hirap din sa kanya. Ang sakit pero wala, e, I don't want him to give up his dreams because of me.

"I miss you so damn much, too. Miss ko na ang baby ko..." paglalambing ko pa.

[Babawi talaga ako after nito, babe.]

"Talaga lang! Last time may sakit ako, we didn't kiss!"

[Ano ba gusto mo? French kiss?]

Doon na ako napangiti. Ilang minuto lang ay gumaan na agad ang usapan at ang pakiramdam ko.

"Bakit bibigay mo ba?"

[Sino ba namang hindi? Ikaw na 'yan, e! Falco, Wendy H. na baby ko na 'yan, e!]

Binawi namin ang mga araw na hindi nagusap at halos inabot ako ng hating gabi. When I finally felt sleepy, I asked him to sing a lullaby for me at ibinigay niya naman iyon sa akin.
 
His voice...I wish I could hear it forever. It's my favorite music. Music that I know I will never get rid of.
 
[You really like my voice hmm?] mahina at malumanay ang pagkakasabi niya noon pero medyo malalim pa rin ang kaniyang boses.

Kahit magsalita lamang siya ay ang sarap na sa tenga pakinggan. I wonder what other girls feel when they hear his voice. I wonder how many girls have fallen in love with his voice.
 
"I love you more but, yeah, I love it. I love it so...so, so, so much." inaantok na sabi ko.

"That I think I'll get sick if I don't hear that each day, so please...let me hear it every day."

Ayeri's note:

If you're wondering what Cristan's voice sounds like, I imagine him with Zack Tabudlo's voice.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 46.2K 57
Welcome to The Wattpad HQ Community Happenings story! We are so glad you're part of our global community. This is the place for readers and writers...
252K 3.8K 100
Tang Nuan is a cannon fodder female supporting role in a sweet pet novel. As a well-known straw vase in the circle, she has a fiancé of a top-notch w...
1.2M 57.7K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
1.1K 150 25
Paano kung nagkagusto ka sa taong walang pagkakilanlan? Ni pangalan o mukha hindi mo alam. At paano kung ang taong ito ay nakapaligid lang sayo?