Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

135K 1.5K 232

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Fourteen

2.3K 40 13
By adihiraya

After a month and a half, I'm done with my business plan, and I am very excited about it. Ang dami nang pumapasok sa utak ko after planning everything. From the products, packaging, logo, and up to the brand's name.

Sa brand ako pinaka-excited pero kailangan ko munang dumaan sa legal requirements bago ako magsimula sa lahat. Jai knows an excellent manufacturer na ni-recommend sa kaniya ni Tita Meryll dahil kilala niya ang may-ari no'n.

It feels good that I'm enjoying what I'm doing. No'ng una ginawa ko lang 'to dahil wala akong choice, ngayon ginagawa ko na siya dahil choice ko na. I just hope that everything will go as planned . . . at kung hindi, p'wede pa rin namang sumubok.

Life has a lot of trials and errors. Parang sa love. You'll meet a guy, get to know each other, love him, and end up being strangers again until you meet the right man for you.

Susubok para makasiguro . . . hindi lang para manalo kundi para na rin matuto. May oras na madadapa ka at kailangan may lakas ka upang tumayo at magpatuloy ulit dahil kung hindi ka lalaban, matatalo ka.

Just believe that every obstacle that God has thrown in front of you is His way of making you stronger, so that the next step you take, you won't fall anymore. You have a good stand on the ground and a firm grip in life.

But I also believe that you're not always going to win all your battles. You should also accept failures because they are part of our lives. Hindi palaging panalo sa buhay pero ang mahalaga ay lumalaban.

"Wanna unwind?" tanong sa akin ni Jai nang makapasok sa driver's seat.

Katatapos lang namin sa unang legal requirement at napagod na agad kami sa prosesong ginawa kaya naman naisipan naming bukas na lang ulit magpatuloy.

Ang plano ko sana ay uuwi na rin pagkatapos pero mukhang may iba pa siyang gustong puntahan.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Laguna," sagot niya saka tumingin sa akin matapos buksan ang makina ng kotse.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. "Ngayon na?"

Tumawa siya at umiling. "Sa weekend."

Napahinga ako nang maluwag sa sagot niya. Akala ko ngayon na dahil hindi ko naman alam at isa pa, hindi pa ako ready.

I badly want to go out for a trip too, because these past few weeks have drained me. Para akong natuyuan ng utak kakaisip sa mga dapat kong gawin though I enjoyed it.

Nakakatukso ang alok niya kaya sa tingin ko ay wala namang mali kung lumabas kaming dalawa.

"But if you don't want us to be alone, p'wede naman nating isama sila Mil. Wala namang problema," dagdag niya.

I smiled at him and shook my head lightly. "Medyo busy si Mil ngayon dahil sa mga pending projects niya for upcoming ball ng mga artista. I'm fine naman kahit tayong dalawa lang."

"Sila Raya ayaw mo bang isama?"

"Ikaw yata ang may gustong magsama tayo ng iba, e," natatawa kong sabi.

Natawa rin naman siya at humindi. "Baka lang hindi ka komportable na lumabas tayo nang walang kasama."

I just laughed. The truth is, I admire how he thinks that maybe I am not comfortable with it, but I am not. I am completely fine with a setup like this. Walang issue because we're just friends.

Walang problema dahil magkaibigan kami. I don't even care what other people think of us. Hindi naman namin 'yon mapipigilan. Isa pa, wala rin naman dapat silang pakealam.

"Okay lang," sagot ko sa kaniya. "Our friends are kinda busy rin naman. G ako sa weekend. Magpapaalam lang ako sa parents ko."

He smiled genuinely at me . . . na para bang sa sinabi ko ay nanalo siya ng jackpot prize sa lotto. His smile was so bright that it was good to stare at it. Nakakahawa ang ngiti niyang 'yon kaya unti-unti ay sumilay rin ang ngiti sa labi ko.

Nasasanay na akong ganito kami. Laging magkasama and we're helping each other. Our usual conversations are about our crafts. I enjoy his company, and I guess he enjoys mine too dahil kung hindi ay bakit naman hindi, 'di ba? Ako na 'to, e! May dapat pa ba siyang ireklamo?

"May chika nga pala ako," aniya bigla sa gitna ng traffic.

Kanina pa hindi umuusad ang mga sasakyan at kanina pa kami walang mapag-usapan. Naubos na yata ang daldal niya kanina at ngayon ay nakapag-recharge na siya ulit at mag-uumpisa na naman.

"Ano 'yon, sis?" I asked casually, like we're best friends and we used to be like this.

He chuckled. "Kanina when I was on my way out of our subdivision, I saw kids."

"Then?"

"Nagbabatuhan sila." Tumawa na naman siya kahit wala naman dapat tawanan sa sinasabi niya.

Nagsalubong lang ang kilay ko dahil hindi ko siya maintindihan.

"Bumaba ako ng kotse para sana awatin sila kaso nagulat ako bigla akong tinamaan."

This time he was serious kaya bigla akong nag-alala. "Saan ka tinamaan?" alala kong tanong habang tinitingnan siya para i-check.

"Nagulat ako kasi bigla akong tinamaan sa 'yo."

Nahampas ko siya bigla sa braso dahil biglang natunaw ang pag-aalala ko at napalitan ng inis . . . o kung inis nga ba talaga 'tong nafi-feel ko ngayon.

"Kung wala kang matinong sasabihin tumahimik ka na lang, parang awa mo na," naiirita kong sabi sa kaniya saka nag-iwas ng tingin.

Narinig ko na naman ang tawa niya kaya lalo akong nainis. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi siya nililingon dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko na akala mo may magagawa 'yon ngayon sa pagwawala ng puso ko.

Hinaplos ko ang dibdib at pinakiramdaman 'yon. Mabilis na tila nawawala na ako sa ritmo ng pagsunod sa pintig no'n.

Siya . . . siya ang may gawa nito.

He's unaware he can affect me like this. He doesn't know that his words can freely scatter in my system like poison that's ready to kill me. It doesn't make me feel numb; it was otherwise. He's awakening my system wildly, like a monster. And after so many years, binuhay niya ulit ang takot kong magmahal.

"Are you okay?" he asked nang mapansin niyang hawak ko ang dibdib ko.

Seryoso na talaga siya at hindi na nababakas sa mukha niya ang pagkatuwa kanina na para bang tunay siyang nag-aalala. Hindi 'yon katulad kung paano siya nag-alala kay Raya. That was sibling-like care. This is way gentler.

And I don't know why I am comparing us.

Basta ang alam ko lang bigla akong natuwa.

"I-I'm okay," nauutal kong sagot at muling nag-iwas ng tingin.

Umusad na ulit ang mga sasakyan kaya napahinga ako nang maluwag dahil malapit na akong makauwi. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhang mapalayo sa kaniya ngayon.

Kailangan ko munang huminga.

"Thank you sa paghatid," sabi ko sa kaniya matapos niyang ihinto ang sasakyan medyo malapit sa bahay.

"No worries. I like driving you home," he uttered while smiling at me.

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. Bumaba na ako habang minamanduhan siyang umalis na pero sa halip na sundin ako ay umiling siya at binaba ang windshield.

"Aalis lang ako kapag nakapasok ka na sa bahay n'yo," aniya.

I breathed heavily and rolled my eyes at him. "Ang dami mong alam," kunwaring naiinis kong sabi sa kaniya. "Fine, papasok na 'ko."

"Good girl," rinig ko pang winika niya nang makatalikod na ako.

Malapit na lang naman ang bahay at nang nasa gate na ako ay muli akong humarap sa kaniya upang kawayan siya paalis.

Bumaba pa pala siya ng kotse. He still has his beautiful smile on his lips. He saluted me before hopping in his car again. Pinanood ko siyang makaalis at nang mawala siya sa tanaw ko ay pumasok na ako.

I sighed in relief. Sa wakas ay nakawala na rin ako sa presensya niya. Tumigil na ang paghuhuramentado ng puso ko. Payapa na ulit ito.

"Who's that?"

Nagulat ako nang biglang sumulpot si Mommy sa harap ko. She's just normally asking. Walang bakas ng pang-iintriga roon kaya kahit papaano ay hindi naman ako kinakabahan.

"A friend," sagot ko saka humalik sa pisngi niya bilang pagbati.

"Bakit hindi mo pinapasok?"

Umiling ako sa kaniya. "May pupuntahan pa siya."

Totoo 'yon. He mentioned to me that he would attend a reunion of their batch in college. Nagrereklamo pa nga dahil ayaw niya naman daw talaga pumunta kung hindi lang siya napilit ng mga ka-teammate niya sa basketball noon na matagal niya na ring hindi nakikita.

"Lagi ka niyang hinahatid dito, 'di ba?" tanong niya pa, nakasunod sa likuran ko papasok ng bahay.

Napalingon ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Ngumiti siya sa akin nang matamis.

"Reneil told it to me. There's nothing to worry about. Wala namang problema 'yon sa akin. Mabuti nga at safe ka niyang naihahatid pauwi."

Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Sa kaniya ay ayos lang pero kay Daddy ay hindi ko alam. He's strict. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang halos araw-araw ay may naghahatid at sundo sa akin dito sa bahay lalo na at hindi niya kilala.

He knows all my boyfriends. Okay siya sa mga 'yon basta't nakilala niya na nang mabuti. I can't blame him. He's just being protective of his only daughter kaya naiintindihan ko siya sa bagay na 'yon.

"How did my brother know? Lagi siyang wala," taka kong tanong kay Mommy.

"He talked to him once and asked. Ang sabi ng kapatid mo ay okay naman daw kausap at mukhang disenteng tao naman kaya ipinagkatiwala ka niya sa kaniya."

Natawa ako sa mukhang disenteng tao. Hindi naman mukhang gagawa ng masama si Jai, but I appreciate my brother's care for me. Kakampi ko talaga siya sa lahat. I know he won't be like the other boys out there.

"Loko talaga 'yon." Tumawa ako.

"Nagmeryenda ka na ba?" tanong niya kaya naman umiling ako. "Magpalit ka na ng damit pagkatapos ay bumaba ka ulit. I'll prepare something for us. Doon tayo sa garden."

I smiled at her and nodded. I missed typical moments with her like this. Back when I was still in high school, she would wait for me to come home from school pagkatapos ay maghahanda siya ng pagkain sa garden at magpapakwento tungkol sa nangyari sa araw ko.

No'ng college naging bihira, hindi ko na namalayan kung kailan tumigil. She's also my best friend and I miss her so much.

Excited akong umakyat ng k'warto upang magpalit. Tinatanggal ko ang suot kong blazer nang makita ang cellphone ko sa kama na nawala na sa isip kong naiwan ko nga pala. Ni hindi ko na nga napansin na hindi ko pala 'yon dala kanina. Napagtanto ko lang nang may sagutin na tawag si Jai kanina no'ng magkasama kami.

I took it to check my social media accounts. Baha na naman ako ng messages. As usual ang iba roon ay galing sa mga lalaking nangungulit na gusto raw ako ligawan kahit ilang beses ko nang ipinaliwanag na hindi nga ako open for relationship ngayon.

I'm just not ready yet, and they're not my type.

Messages mula sa mga kaibigan lang ang tangi kong binuksan. Meron sa gc namin nina Mil at Raya. May pinag-uusapan na naman ang dalawa na kadalasan ay hindi ko masabayan dahil inaabot ng ilang araw bago ako mag-seen doon.

Alam naman nila at naiintindihan nilang busy ako nitong mga nakaraan kaya hindi rin nila ako kinukulit. Kapag may oras naman ay nagagawa kong mag-back read sa mga chikahan nilang tungkol sa mga artistang nakasalamuha na nila at may mga bad attitude daw.

Natatawa na nga lang ako minsan sa mga pinagsasabi ni Mil dahil puro talaga siya kalokohan. Muntik niya pang hindi tanggapin ang request ng isang artista na nagpapagawa ng gown kung hindi lang daw malaki ang in-offer na bayad.

Sobrang dami raw demand at akala mo raw ay nag-uutos lang sa kasambahay. Akala mo raw pinalalamon siya simula pagkabata.

Milgrace Avery na may Cairus Mael:

Kung hindi lang talaga ako mukhang pera baka sinupalpal ko na 'yon. Ang kaso nga lang ay baka ma-bash ako. I don't deserve fame. Baka ma-discover pa ako at gawing bida-kontrabida. I never dreamed of being an actress 'no!

Nag-seen lang muna ako roon at binuksan ang message ni Jai na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ina-accept ang friend request. Lagi niyang binabanggit sa akin 'yon at tinatawanan ko lang naman siya.

"Kaya siguro ayaw mong i-accept ang friend request ko kasi gusto mo more than friends tayo," aniya. "Sige, accept mo muna ako tapos mag-request ako ng married status sa 'yo para okay na."

Ang palagi kong sagot ay ayaw ko talaga siya maging friend sa facebook dahil makalat siya. Puro siya shared post.

Jairus Mikael Villaverde:

You left your scrunchie in my car.

Jairus Mikael sent a photo.

It's cute. I'll wear it.

Sa picture ay nakasuot sa kamay niya ang paborito kong ipit. Ginamit ko 'yon kanina nang nainitan tapos ay naglugay ulit. Hindi ko napansing hindi ko pala nailagay sa bag ko.

Jairus Mikael sent a photo.

The next photo made me smile because of his cuteness. Inipitan niya ang buhok niya na medyo may kahabaan na at nag-picture ng nakanguso.

He looks like Taehyung of BTS there, and he's freaking cute.

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mag-react ng heart sa picture niya.

Jairus Miakel Villaverde:

Na-inlove na naman siya sa akin :)

Bigla kong binawi ang react ko. Imbis na re-reply-an ko pa siya ay nademonyo ako at bigla ako na lang siyang binlock.

I'm not ready for this yet.

Continue Reading

You'll Also Like

27.2M 672K 31
I watched as it suddenly stopped its eyes continuing to stare into mine as if it was looking directly into my soul. I couldn't look away from its bro...
2.9M 61.4K 19
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
29.3K 900 46
Title: 奶糖罐里的宝贝[星际] Author:未未不知眠 Status: Completed Description: Unable to refuse the family marriage, Fu Qiyan reluctantly married the young prince Zh...
1.2M 21.5K 35
[in which two starstuck teens team up to take revenge on their shitty exes.] "lets go upstairs." "what?" "for the sake of revenge of course." the tra...