Time Escape (Currently Editin...

By CamsAnn

513K 12.8K 1K

I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanatio... More

Note
Prologue
Fantasy #1: Time to Escape
Fantasy #2: Driving Me Crazy
Fantasy #3: Childish
Fantasy #4: Don't Stare
Fantasy #5: Look at Me
Fantasy #6: Pain of Reality
Fantasy #8: I'm Sorry
Fantasy #9 : Only A Month
Fantasy #10 : I Love You
Fantasy #11 : Contentment
Fantasy #12 : Kind of Love
For You
Fantasy #13 : Playful Fate
Fantasy #14 : Might Be The End
Fantasy #15 : Miracle
Fantasy #16 : A Dream?
Fantasy #17 : Hasmin
Time Escape
Epilogue

Fantasy #7: Destiny

19.2K 518 14
By CamsAnn

Thank you @AyeGelyn sa napaka-awesome mong comment sa previous chapter.

Fantasy #7 : Destiny

///

Ang saya sanang isipin kung lahat ng tao sa mundo, nabubuhay ng may kabutihan sa puso. Pero bakit nga kaya parang hindi pwede? Mula pa noong unang panahon, mayro'n nang tama at mali. Parang kahit masakit, pinapaintindi ng kapalaran na nandyan ang kasamaan para malaman natin kung ano ang kabutihan.

     "'Wag mo namang gawin sa 'min 'to Fred."

     "Bakit ba hindi na lang kasi kayo pumayag na bilhin ko 'to?"

     Nagising ako sa malalakas na boses na tila mula sa labas ng bahay. Nagkusot ako ng mga mata at nang bumangon, dumungaw sa may bintana.

     Ilang tao 'yung nakita kong nando'n. At sa mga ayos pa lang nila, mukhang may hindi magandang nagaganap. Nag-ayos agad ako ng sarili. Bago lumabas, inilagay ko sa bulsa 'yung rosaryo ko.

     "Kayang-kaya kong bilhin ang lupang 'to para sabihin ko sa 'yo Francisco!" malakas at may diin na sabi ng isang lalaki sa harap ni Mang Isko.

     Habang naglalakad palapit sa kanila, napansin ko kung gaano kaiba 'yung paraan ng pananamit nilang dalawa kahit na mukhang hindi nagkakalayo 'yung edad nila sa isa't isa. Bakas 'yung simpleng pamumuhay sa suot ni Mang Isko, habang ramdam naman 'yung karangyaan sa siguradong mamahaling damit ng isa. Patunay na mayro'n talagang iba't ibang estado sa buhay, pero kahit gano'n, hindi 'yon magiging batayan ng respeto sa lahat ng oras.

     "Alam ko, Frederico. Pero hindi ko naman 'to ipinagbibili, inaalagaan ko 'tong lupain dahil ibinigay ito sa 'kin ng amo ko. Iniregalo niya 'to sa 'kin at iniingatan ko 'to. Nandito rin ang kabuhayan ko," sabi naman ni Mang Isko. Hindi man pasigaw gaya ng sa kausap, ramdam ko 'yung diin at emosyon sa pagkakasabi no'n.

     Maraming kasamang naka-uniform na tila mga bodyguard 'yung lalaki. Sa banda naman ni Mang Isko, nandoon sina Tacio at Dolores na nakatalikod mula sa kung nasaan ako. Tingin ko, delikado 'to kung magkakagulo. Wala kaming laban kung gagamit ng dahas, ng armas.

     "Hindi na dapat humahaba pa itong usapang 'to. Ang kailangan ko lang naman mula sa 'yo ay isuko mo na sa akin 'to. Bibilhin ko naman. At kaya ko pang doblehin ang presyo. Ayaw mo pa ba no'n?" Natawa pa nang nakakainsulto 'yung lalaking 'yon.

     "Huwag mo naman kaming maliitin Fred. Hindi gano'n karangya ang buhay namin pero nakakaraos pa naman kami kahit wala 'yung dobleng sinasabi mo. Alam kong marami ka nang lupain at negosyo Fred, 'wag naman sana pati ito. Pakiusap lang."

     Napahilot sa sentido 'yung lalaki bago sumagot. "Isko... Baka nakakalimutan mong itong lupa lang ng bahay niyo ang iyo. Pero ang pinagsasakahan mo, nabili ko na sa amo mo. Kaya nga gusto kong bilhin na rin 'to. Pero nasa iyo raw ang desisyon dahil sa 'yo na 'to. Oh Lord... bakit ba napakatitigas ng mga mahihirap?"

     Napahinto ako sa paglapit. Kinilabutan ako kung gaano kalakas ang loob niyang isama ang "Lord" sa mga salitang sinabi niya.

     Nakita ko kung paano tumabi si Dolores kay Mang Isko at nagsalita. "Ginoong Frederico... sana hayaan niyo na sila rito at irespeto 'yung desisyon nila. Ito na ang tirahan nila nang maraming taon kaya hindi niyo sila pwedeng basta-basta paalisin dahil lang gusto niyo 'tong bilhin. Isipin niyo na lang ho kung sa inyo gagawin 'tong ganito. At kung may kabutihan pa rin sa inyo... sana hayaan niyo pa rin silang magsaka sa lupain na nabili niyo na pala. Masipag at maaasahan si Mang Isko kaya hindi kayo magsisisi... Please po."

     Nadala ako sa mga sinabi niya. Ramdam kong galit siya pero nakuha niya pa ring makiusap para lang kina Mang Isko. Hindi mo talaga makikilala ang totoong lalim ng isang tao sa unang pagkikita pa lang. Kahit na palaban siya, pinipilit niyang kontrolin 'yung sarili. Alam niya rin... na hindi 'to magiging madali.

     "Maganda ka hija, pero ibang usapan na 'to..." Natawa pa 'yung lalaki pagkasabi no'n. Agad namang hinarang ni Mang Isko 'yung kamay niya at umalalay para mapunta ulit sa likod niya si Dolores, sa tabi ni Tacio.

     "Buo na ang desisyon ko hija. Kapag hindi sila pumayag, edi wala na silang trabaho. Gano'n lang naman 'yon. At paplanuhin ko pa rin ang itatayo kong bahay rito. Unti-unti, alam kong isusuko niyo rin 'to."

     Nakakalungkot na may mga taong ayaw intindihin 'yung paghihirap ng iba dahil hindi nila nararanasan ang sitwasyon, dahil may kapangyarihan at may kakayahan silang manghamak ng iba. Pero kahit hindi man nila nauunawaan, sana kahit 'wag na lang silang maging instrumento para makapanakit. Nakakalungkot.

     Dahan-dahan akong naglakad ulit. Sa ganoong sandali ko nakita 'yung nakakuyom na kamao ni Tacio. Seryoso 'yung mga mata niyang nakatingin sa nasa harap ni Mang Isko habang inaalalayan din si Dolores na pumunta sa likod. Hinawakan niya 'yung balikat ni Mang Isko na tila may pinapahiwatig. Walang bakas ng matinding galit sa mukha niya, pero alam ko... Alam kong galit siya sa loob niya.

     Huminga ako nang malalim. Sa buhay ko, ang dalas kong pigilang gawin 'yung mga bagay na gusto ko para lang siguraduhin na ligtas ako, 'yung kalusugan ko. Playing safe kumbaga. Pero siguro sa ilang punto sa buhay, kailangan talagang umalis sa comfort zone. Hindi mo malalaman kung ano pang kaya mong gawin kung hindi mo susubukan. Baka sakaling makapagligtas ka naman ng iba.

     "Minamaliit niyo ho ba kami?" tanong ko nang makalapit na nang tuluyan. Huminto ako sa mismong tapat niya.

     Naramdaman ko agad na may tumabi sa 'kin. "Lei..." Napalingon ako kay Tacio na hinawakan ako sa braso para pigilan sa gagawin ko. Tinitigan ko rin siya nang seryoso, may ipinapahiwatig na sana maunawaan niya.

     "Sino naman ang magandang dilag na ito? Ngayon lang kita nakita sa lugar na 'to..."

     Dahil hindi naman talaga para sa panahong 'to ang edad ko ngayon. Sagot ko sa isip ko.

     "Hasmin," sabi ko sabay lahad ng kamay ko.

     Hindi niya 'yon agad binitawan nang inabot niya. Sa gilid ko, tinignan ko si Tacio na bakas na 'yung galit sa titig sa lalaki. Pinilit ko nang kumalas sa hawak no'n at saka ko lang nakitang huminga nang malalim sa Tacio, tila nagpipigil at kinokontrol 'yung sarili.

     Tinitigan ko rin ang nasa harap ko hanggang sa ma-realize na tama 'yung naiisip ko kanina. Kilala ko siya...

     "Gusto niyo po ba ng isang napakagandang hula?" tanong ko.

     "Hindi ko kailangan niyan hija. Lupa ang sadya ko rito."

     "Mukha nga pong kayo 'yung tipo na hindi naniniwala sa gano'n. Pero malaki ho ang mapapala niyo sa hula ko," sabi ko.

     "At ano naman 'yon? Itong lupain ba? Mapapasaakin din 'di ba?"

     Hindi ko naiwasang mapangisi sa confidence na mayro'n siya. "Pero bago ho 'yon, may deal na kailangan niyo namang pagbigyan 'yung magiging pabor ko," sabi ko.

     Siya naman ang napangisi.

     "Hindi kita maunawaan sa totoo lang pero nae-entertain ako sa ginagawa mo. Makikita natin hija, kung pagbibigyan kita," sagot naman niya.

     "Mag-usap po tayo ro'n," sabi ko sabay turo malapit sa may duyan.

     "Lei... Hindi mo kailangang gawin 'to. Ayokong problemahin mo 'to," sabi ni Tacio na hinawakan ako ulit sa braso. Mahigpit pero hindi naman sobra.

     "Tacio, pumasok na kayo ni Lei at Dolores sa loob ng bahay," seryosong utos ni Mang Isko.

     Nauna nang maglakad 'yung nasa harap namin papunta sa may duyan, tila naaaliw lalo sa mga nasasaksihan.

     "Susubukan ko lang ng isang beses, kung hindi kaya, titigil na 'ko," sabi ko sa kanila. "Hindi ako mapapahamak, magtiwala ka sa 'kin," sabi ko naman kay Tacio. Sa totoo lang, alam kong baka ikapahamak ko, pero gusto ko pa ring subukan na tulungan sila.

     Bago pa nila 'ko pigilan, naglakad na 'ko papunta sa may duyan.

     Narinig kong pipigilan nila 'ko pero mukhang kinausap sila ni Dolores base sa narinig ko.

     "Magtiwala muna tayo kay Lei..." sabi niya.

     Huminga ako nang malalim nang nasa tabi na 'ko ng lalaking 'yon. Nakatingin kami pareho sa malawak na lupain.

     "Masaya ho ba kayo sa buhay niyo?" tanong ko.

     Natawa naman siya saglit. No humor though. "'Wag mong hayaang maisip kong sinasayang mo ang oras ko, hija."

     "Hindi ho kayo totoong masaya pero mukhang hindi pa kayo aware... Nakukuha niyo man ang kung anumang luho niyo, pero sa loob niyo, may kulang... na pilit niyong pinupunan sa pamamagitan ng hindi mabubuting mga gawain. Pero balang araw, pagdating ng panahon na kaunti na lang ang oras sa mundo, doon mare-realize lahat," sabi ko.

     Nasabi ko 'yon, dahil bago ako dumating sa panahon na 'to, kilala ko na siya.

     "Huwag kang umasta na parang mas maalam ka kaysa sa 'kin. Masyado ka pang bata para pangaralan ako..." Hindi pasigaw pero ramdam kong namumuo na 'yung galit niya.

     Hindi sa lahat ng oras, edad ang basehan ng pagiging maalam sa buhay. Nagma-mature ang isang tao sa mga pinagdaanan niya na nakapagpabago at nakapagpabuti sa kanya. Kaya kung mas marami mang karanasan ang iba, pero hindi naman natuto mula ro'n, dapat pa rin ba 'yong ipagmalaki?

     "Frederico Moya Sr. Tama ho ba 'ko?"

     "Alam ng lahat ang pangalan ko. Maraming taon na 'ko sa gobyerno at marami pa rin ang naniniwala sa 'kin. Ang dali talagang paikutin ng mga tao," sabi niya.

     Pinilit kong 'wag magpadala sa galit. "Frederico Moya Jr. At sunod naman... May apo ka na ho 'di ba? Frederico Moya III?"

     Ang apo niya ang mas nakilala ko sa panahon ko, na hindi nalalayo sa edad ko at siyang gustong ipakasal sa 'kin ni Mommy noon. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makasalamuha ang Lolo niya rito. Ayokong manghusga pero ngayon ko napatunayan, na sa ganitong edad, sakim na 'yon.

     Naisip ko, kung sa ibang pamilya kaya lumaki ang Frederico sa panahon ko, hindi kaya siya magiging gano'n? May matindi bang dahilan kung bakit nagkagano'n ang pamilya nila? Sa pamamaraan ba ng pagpapalaki sa kanila o impluwensya ng ibang tao? Maraming pwedeng rason, pero ano pa man 'yon, alam ko na may batas sa buhay na hindi mapipigil ng kahit na sino... Na babalik sa 'yo ang anumang gawin mo, mabuti man o masama. Depende rin kung gaano katindi. Pero naisip ko ring sana balang araw magbago pa rin sila. Dahil kahit nakakagalit lahat ng mga ginawa nila, nakakalungkot pa rin bilang kapwa tao.

     Nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon niya. Tinitigan niya 'ko pero bakas ang pangamba.

     "P-paano mo? Kamag-anak ka ba ng ina niyang mahirap? O tauhan ka ng mga kaaway ko?"

     Hindi siya magaling magtago. Mukhang sikreto pa ang pagkakaro'n niya ng apo. Umaayon ba ang tadhana sa gagawin ko? Pwede ko ba siyang takutin gamit 'yung mga alam ko sa pamilya nila? O kasamaan na rin 'tong maituturing?

     "Hula po siguro... at hindi ako anuman sa nabanggit." Napatingin siya sa paligid na tila tinitignan kung may nakarinig sa usapan namin. "Naiisip niyo ho bang tumakbong senador sa hinaharap?" tanong ko pa.

     "P-paano mo? Siguradong may taksil sa mga tauhan ko!" frustrated niyang sabi at naglalakbay na ang utak sa kakaisip.

     Ang hirap mabuhay ng gano'n... Na pinagdududahan lagi ang mga tao sa paligid.

     "Mananalo ka naman po... kahit hindi dapat. Pero ilang taon ang lilipas, unti-unting lalabas 'yung mga katiwalian niyo, kayo ng magiging gobernador mong anak. Mahuhumaling naman ho sa droga ang apo mo," sabi ko.

     Napatingin na siya sa 'kin. Alam kong galit na galit na siya at base sa ekspresyon niya, hindi 'yon dahil naniniwala siyang hula 'yon, kundi dahil may nakaalam ng sikreto niya.

     "Sino ka ba sa palagay mo?" tanong niya.

     Nakita kong kanina pa sinusubukang lumapit nila Tacio pero hinaharangan sila ng mga tauhan ng lalaking kausap ko.

     "Ako ang karma ng mga Moya," nakangisi kong sabi.

     Pinag-usapan namin ang deal. May ilan pa 'kong sinabi na nalalaman ko, para mas masiguro kong papayag siya sa pabor ko. Hindi na niya kukuhanin ang lupaing ito. Nagulat naman ako nang sabihin niyang hindi na rin niya bibilhin ang sakahan, mukhang panakot lang niyang sa kanya na 'yon pero hindi pa naman pala. Sinabi kong oras na may mapahamak sa kung sino man sa 'min na nandito, may makakaalam ng mga sikreto niya, hindi man mula sa 'kin o sa 'min.  Walang ibang makakaalam pero may paraan na masisiwalat 'yon. 'Yun ang huli kong sinabi.

     "Hindi ko na kayo guguluhin. Maging ang sakahan, hindi ko na pakikialaman," sabi ng lalaki sa harap nina Mang Isko at Tacio nang matapos na kaming mag-usap.

     Tinitigan ako ng lalaki, hindi ko alam kung ano'ng iniisip, bago naglakad palayo, napapaligiran ng mga tauhan niya.

     Sana maniwala siya sa mga sinabi ko... Baka sakaling magsisi na siya nang mas maaga at magbago ngayong nalaman niya kung ano'ng mangyayari balang araw. Pero kung hindi na mababago ang mga pangyayari, huli na kaya ang lahat?

     Huminga ako nang malalim at hindi na muna nag-isip. Nasa kanya pa rin ang desisyon kung ano'ng kahahatungan ng buhay niya.

     Halos mawalan ako ng balanse sa biglang panghihinang naramdaman.

     "Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Tacio na inalalayan agad ako.

     Nahihirapan akong huminga at mabigat ang pakiramdam ng puso ko. Ngayon bumalik sa 'kin lahat ng ginawa ko. 'Yung takot na pinipigil ko kanina.

     Mali kaya 'yung ginawa kong pagsabi sa lalaki sa mga mangyayari sa hinaharap? Pinaparusahan na ba 'ko? Siguro.

     Sorry... Kung malaking kasalanan po 'yon, patawad po.

     "Pagpahingahin mo sa kwarto niya anak," dinig kong sabi ni Mang Isko.

     Bigla naman akong binuhat ni Tacio. Nagulat man, hinayaan ko na lang dahil sa panghihina at dinala na niya 'ko sa kwarto.

     Ibinaba niya 'ko sa higaan ko. Kahoy lang 'yon na pinatungan ng banig, pero walang kaso sa 'kin. Ibang-iba sa malambot kong kama sa panahon ko. Sa gano'ng sandali, naisip ko pa kung paanong hindi materyal na bagay ang lubos na nakakapagpasaya sa isang tao kundi 'yung masasayang relasyon... pag-ibig. At hindi lang 'yon tumutukoy sa dalawang tao.

     "Okay ka lang ba anak? May sinabi ba siyang hindi maganda sa 'yo? Sa totoo lang ayoko itong isuko pero kung mapapahamak naman tayo, hindi ko rin kaya..." si Mang Isko na pumasok din sa kwarto kasunod si Dolores.

     Pagod akong ngumiti. "Ayos lang po kahit may nasabi siyang hindi maganda. Pero 'wag po kayong mag-alala, magiging ligtas lang tayo," sabi ko. Hiling kong maging maayos lang ang lahat sa kanila.

     "Anong naging usapan niyo?" tanong ni Dolores.

     "Mind game? Mga natutunan ko sa larangan ng psychology," simpleng sagot ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapaliwanag 'yung totoo na hindi ko sinasabing galing ako sa ibang panahon.

     "Saka na natin pag-usapan 'yan. Magpahinga ka na Lei," sabi ni Tacio sa 'kin.

     "Tama. Ang mahalaga, guminhawa na ang pakiramdam mo Lei anak. Magluluto ako nang marami at nang maya-maya ay masarap ang pagkain natin," nakangiting sabi ni Mang Isko.

     Huminga nang malalim si Dolores at ngumisi. "Bibisita ulit ako rito mamaya. Magdadala ako ng gitara, kantahan tayo," nakangiti na niyang sabi.

     Hindi ko napigilang mapangiti rin. Alam kong curious pa rin siya, pero parehas lang kami ng gusto, 'yung maging maayos ang lahat para kina Tacio at Mang Isko. Pinalampas na muna niya 'yung mga tanong sa isip niya at umalis.

     Naiwan kami ni Tacio. Nakasandal siya sa gilid ng bintana. Ilang sandali siyang naging tahimik bago nagsalita.

     "Alam kong may kakaiba kang ginawa para mapapayag 'yon," sabi niya.

     Umahon ako para makaupo. "Nag-benefit na galing ako sa ibang panahon kaya ayon, medyo nagamit ko." Pero kahit inamin ko 'yon, hindi ako naging proud sa sarili ko.

     "Hindi mo kailangang gawin 'yon para sa 'min kung hindi ka komportable. Paano kung may hindi magandang mangyari sa 'yo dahil do'n? Pwedeng magbago 'yung hinaharap."

     Napaisip ako...

     "'Yung katotohanang nandito ako ngayon, hindi ba nabago na ang mga pangyayari? Pero hindi ko rin sigurado, paano kung wala rin naman palang epekto 'yung ginawa ko? Naisip ko..."

     "Ano?" tanong niya, sa malumanay pero curious na boses.

     Napangiti ako nang malungkot. "Baka kapag umalis na 'ko sa panahon na 'to. Baka... malimutan natin ang isa't isa. Lahat ng 'to. Ewan. Ano sa tingin mo?"

     "Malimutan?" Nakakunot ang noo niyang tanong. Hindi ko alam pero parang galit siya na malungkot. Ang hirap ipaliwanag ng ekspresyon niya.

     Dumungaw siya sa labas, hindi na 'ko tinignan, kaya mas nagkaro'n ako ng lakas ng loob magsalita.

     "Naisip ko lang naman, siguro para bumalik sa balanse ang mundo? Kailangang malimutan ang lahat. Ewan. Hindi ko sigurado. Hindi natin alam. Pero siguro, pwedeng hindi rin. Kasi nakatatak na kayo sa puso ko."

     "Kung gano'n bakit ka napunta sa panahon na 'to kung malilimutan mo rin naman?" tanong niya. At sa hindi maipaliwang na dahilan, sobra akong nalungkot nang sabihin niya 'yon.

     Napayuko ako at naghanap ng rason. "Siguro kasi ang dami ko pa sanang pangarap, pero ang daming naging limitasyon sa buhay ko. Siguro ito 'yung binigay na pagkakataon para bago ako mawala sa mundo, sumaya muna 'ko nang sobra. Ikaw... Si Mang Isko... Kayo 'yung nagpasaya sa 'kin dito. At 'yung katotohanang ipinagkait sa 'kin ng mga itinuring kong magulang. Para malaman 'yon, kaya rin siguro ako nandito. Pero kung sakaling makalimutan man 'to ng isip ko, 'yung puso ko kontento na. Makakaalis na 'ko nang malaya," sabi ko.

     "Destiny 'to..." sabi niya, nakatitig na sa 'kin nang nag-angat ako ng tingin.

     Ano'ng ibig niyang sabihin?

     "Ha?" tanong ko.

     Huminga siya nang malalim. "Hindi 'yung tinuro mo sa 'kin ang ibig kong sabihin. Tinanong ko si Dolores at sinabi niya 'yung tunay na kahulugan ng salitang 'yon."

     Lagot. Naalala ko 'yung itinuro ko sa kanya na mali at sa hindi maipaliwanag na dahilan, gumaan na 'yung pakiramdam ko. "Ah eh sinabi ko lang naman 'yon kasi baka iba ang maging dating sa 'yo," sabi ko.

     "Ayos lang... Pero naniniwala akong 'yon ang tamang tawag dito. Nakatadhana. Nakatakdang mangyari," nakangiti niyang sabi pero hindi umabot sa mga mata niya 'yung saya. May lungkot sa likod no'n.

     Ano nga kaya ang pinakadahilan kung bakit ako napunta rito?

     Siguro masyado nang mabigat para isipin pa 'yon. Ipinagkakatiwala ko na sa Kanya 'yung rason.

     Hindi ko alam kung tama 'yung nararamdaman ko pero masaya akong nakarating ako rito sa kabila ng lahat. Pero malungkot din dahil alam kong hindi 'to magtatagal, kagaya ng buhay ko, matatapos din lahat. Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.

///

Continue Reading

You'll Also Like

7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...
115K 6.2K 64
Ikalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta a...
191K 6.9K 39
Esta Vez. Mga salitang ipinagwalang-bahala ni Selry. After all, it was just a part of a weird dream. Weird, dahil sa paulit-ulit na lamang niyang nap...
4.3M 58.8K 55
Happy Four Million. Book 2: Black Heiress I am thankful for the people who have read this story from it's beginning as a rookie's story. But this sto...