Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 16

25.4K 633 79
By xxriegozzxx

BUMANGON AKO SA kama ng makaramdam ako ng uhaw. Nakatulog pala ako ng maaga na may kasamang sama ng loob sa ginawa sakin ni Atticus.

Lumapit ako sa lamesa saka kumuha ng baso para maka inom ako ng tubig. Habang uniinom ako ay napadako ang tingin ko sa orasan at nakitang 8PM pa pala. Hindi na din ako kumain ng hapunan dahil tinamad na akong bumaba para bumili ng pagkain.

Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso ko saka ko 'yon ininum. Ngunit, muntik na akong mabilaukan ng may narinig akong kumakanta. Boses ng lalaki 'yon at hindi ko alam kung kumakanta ba 'to o umuulong na parang aso.

Naglakad ako papunta sa may bintana habang hawak ko parin ang baso at pitchel. Dumungaw ako sa bintana at halos mapa-mura ako ng makita ko si Atticus na kumakanta. May dala pa talaga itong guitara kaya hindi ko tuloy malaman kong sino ang sintonado, ang guitar ba o ang nag gu-guitara.

Binuksan ko agad ang bintana ko saka ako nagsalita. "Hoy!! Ang ingay mo!" sigaw ko sakanya kaya napa hinto siya sa pagkanta.

Ang iba kong mga kapitbahay ay nanonood din at halatang kinikilig kay Atticus. May mga babae din na naka tambay sa kalsada at kinikilig din ang mg ito kay Atticus.

"Moya Iyubov," sambit niya sa lagi niyang tinatawag sakin. Na search ko na sa google yang kaya alam ko na ang meaning.

"Itigil mo na yang ginagawa mo, Atticus. At baka ihampas ko pa ang guitara sa ulo mo," sigaw ko sakanya saka isinara ang bintana ulit.

Ngunit hindi pa ako nakaka hakbang ng kumanta na naman si Atticus ng ipag patawad mo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita dahil ang pangit ng boses niya. Ang lakas ng loob niyang haranahin ako pero hindi naman pala marunong kumanta.

Binuksan ko ulit ang bintana kaya napa ngiti si Atticus. Kumanta pa siya ulit kaya kinilig na naman ang mga babae at mga binabae sa paligid.

"Itigil mo na nga yan!" sigaw ko sakanya. Ngunit ang loko, mas lalo pa talagang kumanta.

Sa sobrang inis ko ay binuhosan ko siya ng tubig mula sa pitchel na hawak ko. Sumakto pa talaga 'to sa mukha ni Atticus kaya napa pikit siya.

Akala niya siguro ay madadala niya ako sa mga ganyan. Mainit pa ang ulo ko sakanya kaya dapat wag muna siyang mag pakita sakin.

"Umalis kana rito! At wag ka ng babalik pa!" galit kong sigaw saka isinara ang bintana.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na narinig pang muli ang pag kanta ni Atticus.

Humiga nalang ulit ako sa kama at agad ipinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil mag pa-patrol na naman ako.

Sa banyo narin ako nag bibihis simula ng makita ko ang device na inilagay ni Atticus sa kwarto ko. Kung dati ay tinatanggal ko ang saplot ko malapit sa kama ko, ngayon ay sa banyo na ako nag huhubad. Mahirap na at baka may device pa pala na hindi ko nahahanap dito sa apartment ko.

Lumabas ako ng apartment ko at siniguradong naka lock 'yon. Kinausap ko din ang caretaker ng apartment na walang papasukin na kahit sino sa apartment ko. Naka usap ko kasi siya kahapon at tinanong kong may pumasok ba sa apartment ko nong nakaraan. Pilit pa niyang inaalala kong meron ba, hanggang sa naalala niya na may pumunta daw na lalaki at nag pakilala sakanya na tubero. Ang sabi pa daw kay ate ay ako daw mismo ang nag papunta sa tubero. Sinamahan naman daw niya don sa apartment ko at hindi daw niya iniwan ang lalaki.

Kaya nagtataka ako kung pano na ilagay ni Atticus ang device na 'yon.

Paglabas ko ng apartment ay agad nalukot ang mukha ko ng makita ko si Atticus. May dala itong trapulin kaya binasa ko ang naka sulat.

I'm sorry, my love!

Matutuwa na sana ako kaso nakita ko ang tarpulin niya na may mukha ko at ang background n'on ay mga ulap. Shuta, para tuloy akong namamaalam sa mundong ibabaw. Babarilin  ko na talaga 'to si Atticus.

"Umalis ka nga sa harap ko!!" sigaw ko sakanya saka ako naglakad papunta sa kotse ko na nakaparada sa gilid ng kalsada.

"Sorry na, moya Iyubov. Patawarin mo na ako," malambing niyang sabi habang naka sunod sa likod ko.

"Ang kulit mo talaga eh no? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wag ka ng babalik dito!" saad ko saka ko siya pinandilatan ng mata ko.

"Hindi bagay sayo ang magalit, moya Iyubov. Nag mumukha kalang anghel sa paningin ko," seryoso niyang sabi.

"Ikaw din.. nag mu-mukha ka ding si satanas sa paningin ko," naka ngisi kong sabi saka ko siya tinulak palayo sakin. Binuksan ko agad ang pintuan ng kotse ko at agad na pumasok sa loob ng sasakyan.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi umandar ang sasakyan ko. Bumukas ang pintuan ng passenger seat at mula doon ay sumilip ang ulo ni Atticus.

"Hatid na kita sa work?" tanong niya.

Masama ko siyang tinignan saka ko siya tinuro. "Sinira mo ang sasakyan ko no?!" sigaw ko sakanya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon, moya Iyubov? Porket nasira lang ang sasakyan mo ako na agad ang pinag bibintangan mo," madrama niyang sabi.

"Tigilan mo kong hinayupak ka!" inis kong saad sakanya.

"Nakakasakit kana ng damdamin, moya Iyubov," madrama niyang sabi.

"Mas lalo kang masasaktan kapag sinagasaan kita. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ako." saad ko saka binuksan ang pintuan ng driver seat saka lumabas. Pisteng sasakyan 'to lagi nalang nasisira.

Naglakad ako palayo sa kotse ko saka tumawid sa kabilang kalsada. Sumunod naman sakin si Atticus pero hindi ko nalang siya pinansin.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep habang si Atticus naman ay naka sunod parin sakin. Saktong may dumaan na jeep kaya agad akong pumara na agad namang huminto ito.

Sumakay ako sa jeep at sa kasamaang palad ay sumakay din si Atticus habang dala-dala parin ang tarpulin.

Pinag titinginan siya ng ibang mga pasahero ngunit wala man lang pakialam si Atticus don. Kumuha ako ng pamasahe ko at akmang iaabot sa katabi kong pasahero ng biglang nagsalita si Atticus.

"Bayaran mo din ang pamasahe ko moya Iyubov," pa-cute niyang sabi.

"Bakit ka sumakay kung wala ka naman palang pamasahe!" inis kong sabi saka kumuha ulit ng pera sa wallet ko.

"Naiwan ko wallet ko sa kotse eh, ayaw mo kasi akong pansinin," naka nguso niyang sabi.

"Wag mo nga akong ngusuan.. tadyakan ko yan eh,"
saad ko saka inabot ang pamasahe naming dalawa. Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka mas lalo lang masira ang umaga ko.

Huminto ang jeep dahil may sumakay na pasahero. Isang sexy na babae ang sumakay at talagang sa tabi pa ni Atticus umupo kahit meron namang bakante sa unahan. Ngumiti pa siya kay Atticus at kunwaring inaayos ang buhok niya at hinawi yun papunta sa kaliwang balikat niya at pinapakita ang collarbone niya sa kabila.

Masama kong tinignan si Atticus na ngumiti din sa babae. Ang bwesit na 'to, sa harap ko pa talaga mismo nakikipag landian.

"Anong name mo kuya?" tanong ng malanding babae at kunwaring kumapit sa uluhan niya ng umandar na ang jeep.

Tumingin sakin si Atticus kaya inirapan ko siya at agad umiwas ng tingin. Ang landi-landi niya, ipalunok ko kaya sakanya ang tarpulin niyang hawak.

"Sorry miss, magagalit ang misis ko kapag sinabi ko ang pangalan ko sa'yo," rinig kong sabi ni Atticus dahilan para mapa-lingon ako sa gawi niya.

Tinuro niya ako saka ngumiti ulit sa babae. "Dragon pa naman magalit ang misis ko pero love na love ko parin naman. Kaya kung ako sa'yo, miss, lumipat ka nalang sa unahan dahil hindi e-epek sakin yang pakita mo sa cleavage." saad ni Atticus sa babae kaya agad yumuko ang babae dahil sa kahihiyan. Nagtawanan pa ang ibang pasahero kaya mas lalong napahiya ang babae.

Tumingin sakin si Atticus sabay kindat sakin saka kinagat ang ibabang labi niya. Umiwas nalang ako ng tingin saka tinignan kong malapit na ba ako.

Nang makita kong malapit na ako sa police station ay agad akong pumara sa jeep kaya huminto ito. Bumaba ako agad habang si Atticus naman ay naka sunod na naman sakin.

"Pwede ba, Atticus, tigilan mo na nag kaka-sunod sakin," inis kong sabi sakanya.

"Ayaw ko! Hindi kita titigilan hanggat hindi mo binabawi ang sinabi mo na bawal na akong manligaw sa'yo," seryoso niyang sabi.

"Hindi ko babawiin 'yon," saad ko.

"Okay. Hindi kita titigilan, August. Kung kinakailangan ay pumasok ulit ako sa kulungan masundan lang kita," pursigedo niyang sabi.

Napabuga nalang ako ng hangin saka ko tinalikuran si Atticus. Malalaki ang hakbang ko hanggang sa maka pasok ako sa presento.

Napahilot ako sa sentido ko ng makita ko si Atticus sa harap ng police station na winawagay-way ang tarpulin niyang hawak.

"My love!!! Patawarin mo na ako!!" sigaw niya sa labas kaya nagtawanan ang mga kasama ko, maging ang hepe namin ay tumawa din at tinutukso ako.

"PO1 August Suãrez, my love!!! Handa akong mag pa alipin sa'yo. Pangako sayo lang ako kakaldag," dagdag pang sigaw ni Atticus sa labas ng police station kaya napa hilot ako lalo sa sentido ko.

Halos mamula ang mukha ko sa hiyang nararamdaman ko sa mga pinagsasabi ni Atticus.

"Patawarin mo na kasi, Ma'am August," tuksong sabi sakin ni sir Chavez.

Bwesit talaga 'tong Atticus na 'to, ang sarap niyang sakmalin sa leeg. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko siya pinayagang manligaw sakin dati. Kainis, talaga siya.

Wala akong choice kundi lumabas ng presento para patigilin si Atticus sa kalokohan niya.


A/N: Hi

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 26.1K 34
||🔞R-18|| [✅Complete| ⚠️Matured Content ||Under editing] "I will find you no matter what happened, woman.. and I will give you punishment for leavin...
1.6M 33.3K 41
Dahil sa hirap ng buhay ay napilitan akong huminto sa pag aaral at lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi nakapagtapos ay nahi...
383K 9.2K 20
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019