Love Me Harder

By JFstories

46.3M 1.2M 486K

Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Mon... More

Prologue
KYO MONTENEGRO
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
// Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
//Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
EPILOGUE
Just a Bonus Chapter: After The Weddings
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 2

1.1M 29.7K 9.7K
By JFstories

Chapter 2

It's hashtag YMMD. 

You Made My Day daw ang ibig sabihin niyon at hindi ito mawala sa isip ko.

Bakit ba ang saya ko nang sabihin nya ito? Bakit ba sya lagi ang laman ng mga panaginip ko? O baka na-trauma lang ako sa mga nangyari?

At nakakapagtaka lang na madali kong natanggap ang pagkawala ni Jayson. Though may mga times na tuliro pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sya. Tinatanong ko pa sa isip ko kung totoo nga bang nangyari iyon.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang mga nakakakilig na pangyayari. Nakakakilig? Hindi ba dapat nakakahindik?

Pagkatapos niyon ay hindi ko yata mabilang kung ilang beses akong nagsuka. Hindi na rin ako makausap nang maayos nila Amang. Lamang din ang oras na tulala at madalas binabangungot. Naging magugulatin na rin ako mula non.

Imagine na masaksihan mo ba naman ang pagpaslang sa harapan mo, sino bang hindi. Isa pa, kamuntik na rin akong mapatay. I'm still lucky dahil buhay pa rin ako. 

Pero masaya ako, dahil makakasama ko pa ang pamilya ko. Tatlo kaming magkakapatid, ang ate ko na si Ate Rosenda, ako at ang bunso na si Dangdang. Puro kami babae. Kami na lang ni Dangdang ang nag-aaral, ako ay college, si bunso naman ay Grade 7. Ang ate ko ay sales lady sa Gaisano Mall. Masasabi ko na sa aming magkakapatid ay ako ang pinakapasaway. Ako ang hindi makaintindi sa mahirap naming buhay. At dahil sa pagrerebelde ko ay ito ang napala ko, muntik na akong mamatay. 

Mabuti na lang talaga at hinayaan ako ni Lord K na mabuhay muna ngayon, at least makakasama ko pa sina Mama, Amang, Ate Rosenda at Dangdang. Salamat na lang talaga kay Lord K.

Virginity saved my ass!

Pero nakapagtataka lang na sinakyan ako ni Lord K gayong kung hitsura ang pagbabatayan ay malabo niya akong pagkaabalahan. Hindi naman kasi ako kagandahan.

Mahaba nga ang aking hair pero hindi naman straight. Kayumanggi lang ang kulay ko ngunit pantay naman ito sa kulay ng singit ko at kili-kili. Ewan ko ba kung bakit namana ko ang kulay ko kay Amang. Puwede namang kay Mama na maputi noong kadalagahan nya. Siguro malas lang talaga ako.

Maliit ang aking mukha at hugis puso. May hitsura naman ako pero depende sa anggulo.

I have an ordinary beauty. But there's one thing na maipagmamalaki ko sa aking sarili. Iyon ang lakas ng loob na meron ako. Kahit sino ang makasalamuha ko ay pinagkakamalan akong rich kid dahil malakas ang kumpyansa ko sa sarili. Kahit hindi ako katalinuhan ay madiskarte ako.

At kahit di ako kagandahan ay maganda at proportion naman ang aking katawan. Hindi man ako kasing-tangkad ng ate ko ay cute size naman ako. 

"There you are, Ruby Castillo!" tinig ng isang babae sa aking likuran.

Hindi ko na ito nilingon dahil sa boses pa lang ay kilala ko na sya. My BFF since the first grade. Her name is Chie-chie.

Siya lang ang BFF na tumagal sa akin. Pareho kasi kaming maarte, ang kaibahan lang ay may kaya sina Chie-chie at ang pamilya ko ay wala. Pero palagi niyang ishini-share sa akin ang kung ano mang meron siya, kaya gusto ko siya. At siya lang din ang nakakaunawa na mas madalas ay masama ang aking ugali. Pero sa kabila ng closeness namin ay hindi niya alam ang tungkol sa gusot na pinasok ko kasama ang ex-boyfriend kong si Jason. Hindi alam ni Chie-chie ang tungkol sa nangyari sa akin, at hindi niya kilala si Lord K.

"I've been looking all over but I can't find you!" palatak niya habang papalapit sya sa akin. "Why you're so... so..."

There she goes again.

"So... so... blah! blah! blah! What you call that?"

Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Distant."

"That's it! Distant." Sabay upo nya sa aking tabi. Narito kami ngayon sa university na pinapasukan namin. "Why you're so distant this past two days? Ano bang nangyari? Why are you being... being... blah! blah! blah!"

Ganito sya. Kapag hindi nya mapunto ang nais sabihin ay dinadaan nya sa blah... blah... blah...

"What you call that?" pumitik pa sya sa hangin.

Yamot akong tumugon. "Weird?"

"Iyon, nadali mo!" umayos sya nang upo. "Why are you being weird?" pumangalumbaba sya dahilan para tumalbog ang kanyang baba.

Malaking bulas kasi si Chie-chie at may bilugang mukha. Mayroon syang matabang katawan at malalaking hita, pero makinis siya at maputi. Madalas syang kutyain ng mga kaklase namin dahil may pagkaweird siya at shushunga-shunga, hindi siya katulad ko na kayang magpanggap na matalino kahit shunga rin. At kapag may nang-aapi kay Chie-chie, ako ang nagtatanggol sa kanya. Kilala kasi akong mataray sa university namin kaya walang sino man ang nakakapalag sa akin.

Sumimangot ako sa kanya. "Wala. Masama lang siguro ang pakiramdam ko."

Lagot ako kay Lord K kapag may ibang nakaalam ng mga nangyari. Gustuhin ko man isuplong sya sa kapulisan ngunit sigarudong pag-iinitan naman nya ang pamilya ko. Sa klase kasi ng hitsura nya ay kaya nyang gawin ang lahat. Kung ang pumatay nga ay wala lang sa kanya, iyon pa kayang ipapatay ang mga mahal ko sa buhay. Halang ang kaluluwa ng hot na iyon.

Hot?

Repeat.

Halang ang kaluluwa ng lalaking iyon. Ang pagkitil sa kanya ng buhay ay parang laro lang.

Nagpatuloy si Chie-chie. "I think you should take medicine. Iyong para sa lagnat. Iyong... iyong... blah! blah! blah!"

"Paracetamol?"

"That's it!" hinihingal pa sya. "Take paracetamol para hindi matuloy ang lagnat mo."

Hell! She's nonsense!

Akma pa lang akong tatayo nang hawakan nya ako sa kamay. "Where are you going?"

"Uuwi na."

Kumislap ang mga mata nya. "Sama ako."

I sighed. Parang alam ko na kung sino ang pakay nya sa amin.

"Please, isama mo ako. Miss ko na kasi ang... ang... blah! blah! blah! Nya..."

"Killer smile."

"Yown! Iyong killer smile nya!" napapalakpal pa sya.

Killer smile talaga? Let see.

Umiling-iling muna ako bago ko sya hinila sa kamay. "'Lika na nga!"

...

Si Pektong.

Payat at walang ngipin. Nasaan ang katarungan? Nasaan ang killer smile?

Heto namang si Chie-chie ay parang kinikiliti sa aking likuran habang pinagmamasdan ang lalaking ipinanganak yata ng hanggang gilagid na lang talaga. Ayon sa aming mga kapitbahay, hindi na raw ito tinubuan ng ngipin. Wala tuloy akong ideya kung paano ito nagustuhan ng BFF ko.

Maitim si Pektong at may kapayatan pero kahit paano may itsura rin naman, 'wag ka lang hihingahan!

Hayun si Pektong at nakangiti ilang hakbang ang layo sa amin. Sigurado akong si Ate Rosenda na naman ang pakay nya. Kunwari ay bibili sya sa'ming tindahan pero wag ka, eh, sumisilay lang naman.

Nalamukos ni Chie-chie ang aking braso na nasa aking likuran. "Oh, Lord, he's so gorgeous."

Seriously?

"I want him, Ruby." Napakagat-labi pa ang biik. 

Napatirik na lang ang mga mata ko. Hanggang ngayon talaga ay hindi ko magets kung anong nagustuhan ni Chie-chie dito sa kapit-bahay naming tambay.

Nagpatiuna na ako sa kanya at pumasok sa bahay naming walang pinto. Si Mama agad ang hinanap ko ngunit wala sya. Wala rin si Dangdang at si Bayug. Si Bayug iyong aso naming pandak. Si Amang ay baka nasa sabungan na naman. Si ate Rosenda naman ay paniguradong nasa trabaho pa.

Tinungo ko ang kusina upang uminom ng tubig. Nang makakuha ako ay agad kong sinalinan ang baso. Ngunit panandalin ko lang itong nahawakan. Sa isang iglap kasi ay dumulas ito sa aking kamay nang mabigla ako sa aking nakita.

Isang lalaki kasi ang prenteng naka-upo sa aming sofa. Nakasuot sya ng black longsleeve na fitted kaya hubog ang malapad nyang dibdib. Mapipintog din ang kanyang mga hita dahil sa suot nyang jeans na masikip. Kahit malayo sya ay naamoy ko ang mamahalin nyang pabango. At tulad dati, he's wearing a black masquerade on his face. Napaatras ako dahil nasalo ko ang bughaw nyang mga mata.

OMG!!!

Si Lord K!

What the hell is he doing here? Paano nya nalaman ang tinitirhan ko? At saka teka, wala pang three days, ah. Ni hindi pa nga ako nakakapagpaalam kila Mama na mamamatay na ako.

Tumayo sya at pumamulsa. Kalmado pa rin ang pagkilos nya na para bang pag-aari nya ang buong mundo. At kahit natatabingan ang kanyang mukha ng maskara ay kitang-kita naman ang matangos nyang ilong at mapupulang mga labi. Ito marahil ang dahilan kung bakit bumibilis ang pagtibok ng aking puso.

He took steps slowly papalapit sa akin. Sa bawat paghakbang nya ay para nitong ginigiba ang aking dibdib.

Sinikap kong ngumiti sa kanya. "H-hi, Lord K... hehe..." namumutla ako. "nandi-dito ka pala?.."

Pero madilim ang kanyang mukha. Tiningala ko sya nang makalapit sya sa akin. Badtrip kasi ang tangkad nya.

Kahit nanginginig ay pinilit kong kumalma. "Ah... eh... nga pala..."

Hindi sya umiimik. Nakatitig lang sa akin ang banyaga nyang mga mata.

"D-dito nga pala ako nakatira... hehe..." kandautal ako. At ano ba itong mga nasasabi ko?

"I wouldn't be here if I didn't know." Sagot nya. Napaka-husky talaga ng boses nya. Nakapirmi ang mga mata nya sa akin.

Pinamulahan tuloy ako at pinili na lang na umiwas ng tingin sa kanya. "Ah... kumain ka na ba?"

Shet! Wala na kasi ako masabi.

Nahihiya rin pati ako sa kanya especially sa ginawa nya sa akin two days ago. Nilantakan nya lang naman ang gitna ko!

Kumawala ang isang kamay nya mula sa kanyang bulsa at humawak sa aking baba. He lifted my chin na dahilan para mag-hurumentado ang aking puso sa kaba.

"'Just want to remind you that you have only a day."

Iyon lang ba ang dahilan? Bakit kailangan nya pa akong puntahan? He's the leader of gangsters at hindi sya ordinaryong mamamayan lang na puwedeng mamasyal.

Napalunok ako nang mariin. "H-hindi ka na sana nag-abalang pumunta dito... S-sana tinext mo na lang ako..."

Sumimangot si pogi.

Lagot! Baka bigla na lang nyang pilipitin ang leeg ko!

Pinisil nya ang aking baba. Nalaglag ang kanyang mga mata sa aking mga labi. "Because... I wanted to say it to you in person..."

Huminto ang pag-inog ng aking mundo and I don't know why.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may kung anong kumikiliti sa mga kalamnan ko? The way he speaks and the way he touches me. Tila nya nilalagyan ng puwang ang puso ko. Hindi ko sya kilala at estranghero pa rin sya para sa akin subalit bakit parang may pagkakaunwaan na kami.

Nanatili lang syang nakatitig sa aking mga labi. Gumalaw ang kanyang panga at umalon ang kanyang Adam's apple.

Hindi ba sya nangangawit?

"A-ahem..." tumikim ako. "B-balak mo ba akong halikan?"

Naman! Ano ba itong naitanong ko? Eh, gasino lang iyong sakalin nya ako kapag napikon sya sa akin.

Bumalik ang kanyang mga mata sa mata ko. "Not more than I want to." Pagkasabi nya'y bumitaw sya sa akin. Pumamulsa syang muli at tinalikuran. Pagkatapos ay naglakad sya palayo sa akin na para bang kanya ang lupang tinatapakan. But all of a sudden ay bigla syang lumingon sa akin. "I can't wait to kill you tomorrow."

Kusang bumuka ang aking bibig. "A-ako rin..."

Yay! Ano itong nasabi ko? Iba kasi ang nasa isip ko.

Pumaling tuloy ang ulo nya.

Napakamot ako. "A-ang ibig kong sabihin..." umaapuhap ng sasabihin ko. "A-ano... kasi..."

Humakbang muli sya papalapit sa akin gamit ang mabibigat nyang mga paa. But this time ay hinihingal sya at nagmamadali.

Hala! Napikon na yata sya!

Umatras ako hangga't kaya ko. Pero sadyang malalaki ang kanyang biyas kaya nakalapit agad sya sa akin. At bago pa ako nakapagsalita ay naingat na nya ang aking mukha. Bago pa ako makapalag ay siniil na nya ako ng halik.

Sumosobra na ang isang ito, ah.

Subalit hindi na ako pumalag. Kasi ang sarap!

Mabilis lang iyon ngunit binago nito ang buong araw ko. Habol nya ang sariling hininga nang kumalas sya sa mga labi ko. "You really always made my day."

OMG.

It's hashtag YMMD!

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

830K 26.9K 100
Khaizer Alex Montenegro
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
25.9M 784K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...