Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 50

944 59 2
By nakalimutankoe

Kabanata 50.

PAGKATAPOS NG KLASE KO, dumiretso ako sa hospital kung nasaan si Jordan at naabutan ko naman siyang nasa hospital bed at nagbabasa ng libro. Nakaka-trauma ang hospital. Sa tuwing iaapak ko ang mga paa ko sa building na ito, bumabalik sa akin iyong panahon na naka-confine si mama . . . hanggang sa mawala siya sa amin. Natatakot ako.

Noong sinabi sa akin ni Jordan ang kondisyon niya, kaad kong sinearch kung ano ang ibig sabihin no'n. At ayon sa nabasa ko, hindi nag-respond nang maayos ang cancer sa unang treatment, o kaya ang treatment ay hindi naalis lahat ng leukemia cells at may mga cancer cell din na kumalat na sa ibang parte ng katawan at dahil masiyadong maliit, hindi na nakita sa mga test.

Ayaw ko ng may mawala pa sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung sakali. Tama na iyong dalawa. Bukod sa masiyado na iyong masakit, hindi ko pa rin iyon natatanggap. At hindi ko sigurado kung matatanggap ko ba talaga iyon. Mabigat iyon e. 'Yung sakit na dala no'n ay hindi lang gaya ng makirot na sugat na paglipas ng ilang araw ay mapapawi. Hindi na iyon mawawala. Palagi ko iyong dala kahit nagpapatuloy ako na para bang ayos lang ang lahat. Huwag na sanang madagdagan.

"Nagdala ako ng pares mami na luto ni Nanay Beth. Hinahanap ka na nga niya e." Umupo ako sa gilid niya. "Kainin mo na habang mainit-init pa."

Mayamaya ay dumating si Patricia kasama si Simon. Nagsalit-salit ang tingin ko sa kanila saka bumati at ngumiti.

Inilapag ni Simon ang dala nilang prutas sa lamesa. "Hindi na ako nagulat na nakita kita rito. Naikuwento sa akin ni Cleo ang mga nangyari . . . Ang liit talaga ng mundo, 'no?"

"Oo nga e," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. "Ang liit talaga."

Mayamaya lang, dumating na rin si Tita Margarita. "O, it's nice to see you here," bungad niya sa amin. "Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman po, halos kararating lang din namin." At nagkuwentuhan kami patungkol sa iba't ibang bagay.

Lumipas ang mga araw at linggo, nanatili sa hospital si Jordan samantalang ako naman ay nagpapatuloy sa pagpasok at pagsagot sa walang katapusang exam na halos sunod-sunod ibigay ng mga prof. Hindi ba sila napapagod mag-check?

"How's school?" tanong niya.

"Kinukumusta ka no'ng mga kaibigan mo roon. Kung mahahanapan daw nila ng mahaba-habang oras, bibisita sila ulit."

Lalong bumagsak ang katawan niya at nakalbo na rin dahil sa muling pagsailalim sa chemotherapy. Gusto kong umiyak. Bukod sa nasasaktan ako para sa kaniya, bumabalik talaga sa akin ang situwasiyon noon ni mama. Hindi ko maiwasan. Hindi ko mapigilan. Paulit-ulit. Araw-araw sa tuwing binibisita ko siya. Hindi ko gustong makita siya sa ganiyang kalagayan . . . At lalo namang hindi ko gustong sapitin niya ang katapusan na sinapit ni mama.

"Wala na ako sa tabi mo para alalayan ka," kapagkuwan ay nagsalita siya sabay sandal sa higaan niya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil ang mga mata niya ay nakapako sa labas ng bintana. "Better do your best in everything."

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Gagaling ka pa naman ulit. Kung nanalo ka noon, siguradong mananalo ka ulit ngayon." Hindi lang siya ang pinalalakas ko ang loob. Pati na rin ang sarili ko.

Humarap siya sa akin. "Is that what you think?"

"Oo." Nawala na sa akin si mama at si Buboy. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung pati siya. Hindi pa rin naaalis sa akin ang sakit ng mga iyon, huwag na sanang madagdagan.

"Pero paano kung hindi na?" Pumintig ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Paano kung hindi na?

Pinilit ko ang sarili kong tumawa para ikubli ang takot. "Hindi puwede iyon. May usapan tayo na sabay tayong ga-graduate, hindi ba? Ikaw si Jordan kaya siguradong makakahabol ka kaagad paglabas mo rito."

"But you have to be ready. You have to prepare yourself." Tuwid na naman ang mukha niya. Hindi ko talaga gusto kapag ganiyan ang ekspresiyon na ipinapakita niya sa akin e. "You need to promise me na magiging successful ka."

Ayaw kong um-oo. Kung gagawin ko iyon, parang tinanggap ko na rin na mawawala siya sa amin. "Ewan ko lang. Mukhang imposible."

Nalukot ang mukha niya. "Of course, that's possible! You went through me, have you forgotten?" Hindi ako nagsalita. "Kumbaga sa life cycle ng paruparo, you're the caterpillar and I'm the metamorphosis. After you went through me, you've become an astounding butterfly. Spread your wings and fly. Show the world how sublime you are."

"Oo kaya magpagaling ka, panoorin mo ko."

Umayos siya ng higa. "Inaantok na ako. I want to rest."

Parang ayaw ko siyang patulugin kasi baka hindi na gumising pero buti na lang hindi ganoon ang nangyari dahil pagsapit ng sumunod na araw, nakakapagkuwentuhan pa naman kami.

"Thank you, Jackson, for not leaving my ate," pasasalamat ni Patricia. Kapuwa kami nakaupo sa labas ng kuwarto ni Jordan dahil pumasok ang mga nurse rito para sa gamutan.

Ipinaliwanag niya na rin sa akin ang dahilan kung bakit pati siya ay hindi sumasagot sa mga text at tawag ko noon. Request daw iyon ni Jordan na sobrang devastated noong nalaman niyang nag-relapsed ang sakit niya.

"Wala kang dapat ipagpasalama," sagot ko sa kaniya. "Siguradong gagaling din si Jordan." Ngumiti siya sa akin pero bakas ko ang magkahalong lungkot at takot sa mga mata niya.

"I love her, Jackson. I want her to live and be happy," puno ng sinseridad niyang sabi. "I'm willing to give up everything for her."

Naaawa ako kay Patricia. Natatandaan ko, nagpunta kami noon sa simbahan para ipagdasal niya ang mabilis na pag-recover ng kapatid niya. Hindi ko akalain na sa ganitong bagay pala iyon. Malamang, iyong takot na naramdaman nila noon, umuusbong na naman ngayon. Paglabas ng mga nurse, nauna siyang pumasok sa akin.

"Ate," bigkas niya pero mukhang hindi naman siya naririnig ni Jordan dahil tulog na ito. Yumuko siya at sumiksik sa gilid nito. "Please, fight again. We're waiting for you." Halos kalahating oras ang lumipas, nagpaalam na si Patricia dahil may klase pa raw siya. "Stay beside her until she wakes up," pakiusap niya na pinagbigyan ko naman.

Umupo ako sa pinag-alisan niya at doon ay naghintay ng oras hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng maramdaman kong may humihila sa buhok ko.

"Michael," usal niya. Gising na pala siya. "Malapit na ang sunset, dalhin mo ako sa rooftop," utos niya.

"Puwede ba?"

"Puwede kung hindi nila malalaman."

"Pero . . . ."

"Sometimes, you should do something prohibited. Following the rules all the time is boring," bagot niyang sabi.

Natawa ako. "Sige, hahanap lang ako ng wheelchair."

Nang makahanap ako, bumalik ako sa kuwarto at doon ay nadatnan ko siyang hawak ang DSLR niya. Pag-akiyat namin sa rooftop, inayos niya ang camera para kuhaan ang langit na nagkukulay kahel na. Sandali niyang pinagmasdan ang kuha niya bago tumingala para pagmasdan ang kalangitan.

"How's your relationship with Cleopatra?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya.

Hindi ako nakasagot agad. "Ano ang ibig mong sabihin?" Pero inangatan niya lang ako ng labi.

"Maang-maangan?" aniya. "Magpakatotoo ka nga sa sarili mo. Sarili mo na nga iyan pagsisinungalingan mo pa? Anong klaseng nilalang ka ba?" Paano ko ba aaminin? Inalis niya ang tingin sa akin at ibinaling sa langit bago muling nagsalita, "Naisip ko lang . . . Baka siguro instrumento lang ako na ginamit para mapalapit ka ulit sa kapatid ko. Hindi natin alam kung paano nagwo-work ang universe . . . Masiyado iyong . . . magical . . . And I also believe na lahat ng tao ay may purpose. And as for me, it is to developed you para matanggap ka ni mommy at pagtagpuin ulit kayong dalawa ni Cleopatra."

Hindi ko alam kung biro lang ba ito o ano pero pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Mama noon.

"Paano kung may makilala na kaming iba?"

"Kung kayo talaga, kahit gaano pa katagal ang lumipas, hahatakin at hahatakin kayo ng tadhana pabalik sa isa't isa."

"And now that I fulfilled my purpose, it's my time to go." Itinaas niya ang kamay niya na para bang inaabot ang langit. "I want my end to be as beautiful as the sunset." Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. "Don't worry." Muli niya akong tinignan bago inabot ang camera sa akin. "From wherever I am, I'll oversee you. I'll watch you soar high."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 153 26
Welcome to my poetry world! These are random thoughts, and sometimes memories that makes me just wanna write. -- 5.31.2020
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
16.8K 163 44
FREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kw...
54.2K 2K 56
Step Into My Arms (Completed)