Kabanata 38

1.8K 158 25
                                    

Kabanata 38.

NAGKITA KAMI SA TAPAT ng school bago dumiretso sa isang park. Bitbit ang laptop niya, pinanood namin ang The Fault In Our Stars. Wala akong idea kung ano iyon pero ang sabi niya, maganda raw kasi nabasa na niya sa libro. Tahimik lang kaming nanonood habang magkasandal ang ulo ng isa't isa hanggang sa natapos ang palabas. Pareho kaming nakaramdam ng gustom kaya nagdesisyon kaming pumunta sa isang kainan, at siya ang nag-order.

"Kainin mo lahat ng gusto mo. Ako ang magbabayad," saad niya.

"Sigurado ka ba? Nakakahiya naman."

Nangunot ang noo niya. "Ikaw, may hiya? Stop joking."

Habang kumakain, pinag-uusapan namin ang palabas na katatapos lang naming panoorin. Nung nalaman kong cancer din ang sakit ni Hazel, hindi ko maiwasang maalala na naman ang araw na na-diagnose si mama na merong lung cancer. Damang-dama ko 'yung kirot dahil na rin siguro isang tao na sobrang mahalaga sa akin ang nawala dahil sa sakit na iyon.

"Ano sa tingin mo?" tanong niya.

"Ayos din, maganda naman," tugon ko. "Pero nakakalungkot . . . Masakit iyong kuwento," pag-amin ko.

"At mas masakit iyan kung babasahin mo ang book," sagot niya. "But you know, I like Hazel's mom. She's so strong. Having a child with cancer is not easy."

At ganoon din kung ma-diagnose ang mama . . . o ang kahit sino sa pamilya mo.

"Ilang taon ka noong nalaman mo na may leukemia ka?"

Sandaling nanlaki ang mata niya. Nagulat yata. "Hindi ko akalain na interisado ka palang malaman."

Sumagot ako, "Hindi ako nagtatanong kasi iniisip ko na baka ayaw mong pag-usapan."

Matagal na kaming magkasama pero hanggang ngayon kaunti pa rin ang alam ko tungkol sa medical history niya. Basta may idea lang ako na nag-u-undergo pa rin siya sa mga test para ma-monitor ang condition niya.

"Twelve years old ako noon . . . Para akong laging pagod, nilalamig, at nahihilo. Minsan, kinakapos din sa paghinga. Akala nga namin normal na sakit lang pero after akong ipa-check-up at isa ilalim sa mga test, doon nalaman na may leukemia ako," kasuwal lang iyong pagsagot niya.

"Hindi ka ba natakot noong nalaman mo iyon?"

"Natakot ako, siyempre . . . Takot na takot. I even had a depression, but not because of my sickness, but because of the thought of dying. Noong time kasi na iyon, kawawala lang sa amin ni daddy. And if mom and Cleopatra would lose another family, I don't think na makakayanan nila." Totoo iyong sinabi niya. Isa nga ang hirap ng tanggapin tapos masusundan pa? "Pero tignan mo naman ako ngayon, alive and kicking. Gusto mo sipain pa kita e."

* * *

Tinanghali ako ng gising kaya hindi ako nakapasok sa first subject. Pagdating ko sa room, wala ng tao kung kaya dumiretso ako sa garden para sana magpalipas ng oras at magpahangin pero nakita ko roon si Jordan na nakaupo at nagbabasa ng libro.

"Michael," tinawag ko siya at walang reaksiyon ang mukha niyang tumingin sa akin. "Ano iyang binabasa mo?" Umupo ako sa tabi niya.

Sinara niya ang librong hawak niya. "Bakit hindi ka pumasok sa first subject?"

"Tinanghali ako ng gising," pag-amin ko. Wala rin namang saysay kung magsisinungaling pa ako.

"Bakit ka napuyat?"

"Hindi ako nakatulog kaagad."

Tumayo siya. "Thirty minutes break lang ang meron ako bago ang next class ko." May mga subject kasi siya na hindi ko pa makuha. Kung papalarin, baka next year.

Kaya Ko Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon