Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 44

727 52 1
By nakalimutankoe

Kabanata 44.

HINDI AKO MAKAPANIWALA habang pinagmamasdan ang kaibigan ko sa loob ng kabaong. Isa lang itong masamang panaginip. Masaya pa kaming nagbibiruan noong nakaraan.

"Hoy, tayo na riyan . . . Hindi bagay sa iyo iyang suot mo, magbihis ka na. Hinihintay ka na namin ni Buknoy," nangangatal kong sabi. Nakasuot siya ng puting barong at nakasara ang mga mata. Ang buhok naman ay maayos ang pagkakasuklay at namumutla ang kulay niya. "Hoy, wilab, hindi mo ba kami naririnig? Bakit nakahiga ka pa rin? Gising na."

Marahang pinisil ni Buknoy ang balikat ko. Ipinikit ko ang mga mata para sana pigilan ang pagluha pero nabigo ako. Nang lumapit ang magulang ni Buboy, sinikap kong kumalma at umusod para ibigay sa kanila iyong puwesto.

"Wala ba talagang ibang nakakita kung ano iyong totoong nangyari?" tanong ko ng mabawi ang sarili.

"Hindi ko alam, Son," sagot ni Buknoy.

Napatingin naman kami pareho sa biglang sumulpot na si Reggie.

"Nakita ko kung ano iyong totoong nangyari . . . pero hindi ako makapagsalita . . . Natatakot kasi ako na baka gawin din nila sa akin iyon," aniya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Naniningkit ang mga mata naming magkaibigan na nagkatinginan.

Napalunok siya.

"Pagkagaling ko sa tindahan ni Aling Minda, nakita ko si Buboy na naglalakad. Pauwi na yata pero biglang nilapitan ng tatlong pulis. Hinila papunta roon sa eskinita . . . Dahil pakiramdam ko ay may hindi tama, sinundan ko sila at doon ay naabutan ko ang mga pulis na pilit siyang pinapaamin kung sino iyong supplier niya at ilabas ang dala niyang shabu . . . ."

Supplier? Shabu?

"Tanggi nang tanggi si Buboy . . . Paulit-ulit niyang sinasabi na hindi niya alam iyong tinutukoy ng mga pulis. Akala ko nga papaalisin na nila kasi pinatakbo . . pero no'ng tumakbo, bigla na lang siyang pinaputukan. Dahil sa sobrang takot ko n'on, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko kung paano nila kapkapan si Buboy pero mukhang wala yatang nakuha kasi narinig ko iyong isa na nagsabing negative. Hindi ko na alam kung ano iyong sunod na nangyari . . . Pinilit ko iyong sarili ko na makalayo bago pa nila ako makita."

Nag-igting ang panga ko dahil sa ikinuwento niya. Nagpupuyos ang loob ko at mga kamao ay mariin ang pagkakakuyom. Hindi ko matanggap iyong nalaman ko!

Pinatay nila ang kaibigan ko dahil lang sa napagkamalan? Ganoong klase ba ng pulis meron ang bansa?

Nang magpaalam siya, naiwan kaming dalawa ni Buknoy na parehong tahimik.

"Son," tawag sa akin ni Buknoy. "Alam na alam ko iyang ganiyang ekspresiyon." Tumingin ako sa kaniya. "Pakatatag tayo . . . Huwag mo na uulitin iyong ginawa mo noong mawala si Ate Janeth . . Hindi iyon gusto ni Buboy." Hindi ako nakaimik. "Nawala sa atin ang kaibigan natin pero kailangan nating magpatuloy. Sasamahan niya naman tayo e. Hindi na natin siya makikita pero siguradong nandiyan lang siya at binabantayan tayo." Tinapik ako niya ako sa balikat.

"Ang hirap lang tanggapin," saad ko. Pilay kami kasi wala na iyong isa.

Pagbalik ko sa Manila, sinikap kong libangin ang sarili ko para takasan ang lungkot sanhi ng pangungulila gaya ng gusto ng mga kaibigan ko.

"My deep condolences," ani Jordan matapos niyang malaman ang nangyari kay Buboy. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti. "Kain tayo."

Kahit anong bagay, gusto kong gawin para lang malingat . . . Huwag lang iyong makakapagpaalala sa akin sa kaibigan ko dahil baka hindi ko na magawa pang pigilan ang emosiyon ko. Pagdating namin sa kainan ni Nanay Beth, siya ang humarap dito. Habang naghihintay kami, tumunog ang cell phone ko. Dinukot ko iyon mula sa bulsa ng suot kong pantalon para tignan kung sino ang nag-text—si Patricia.

Patricia

Jackson, I've heard what happened to Buboy. I saw it in news last time. My deep condolences. Just know that I'm still here for you.

Salamat.

Naalis ang atensiyon ko sa cell phone ng ilatag na sa harap namin ang umuusok pa sa init na special mami pares.

"Kumain na tayo," wika ni Jordan.

"Sige," sagot ko na lang.

Habang kumakain kami, pinilit ko ang sarili ko na umisip ng kung ano-ano lang na puwedeng pag-usapan. Hangga't maaari, ayaw kong mabalot ng katahimikan.

"May klase ka pa pagkatapos natin dito, hindi ba?" saad ko.

"I'll excuse myself. Mukhang mas kailangan mo ako e."

Natawa ako. "Seryoso ka ba riyan? Si Jordan, hindi papasukan ang klase niya dahil sa akin?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Am I that heartless to you? Of course, if my friend needs me, I'll make time for him . . . And remember what I told you before noong nakiusap ka sa akin? I won't leave you."

Namilog ang mga mata ko saka ngumiti. "Salamat."

"Just eat." Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa school dahil magpapaalam daw si Jordan. Pagbalik niya sa akin, sinalubong niya ako ng tanong. "Saan mo gustong pumunta?"

"Baywalk?" patanong ang sagot ko. Wala rin akong ibang maisip na lugar.

"Tara na."

Habang nasa biyahe kami, nakapako lang ang tingin ko sa labas para aliwin ang sarili sa pagtingin sa mga sasakiyan. Nang may makita akong pulis, nawala ang ngiti sa labi ako. Alam kong hindi sila pare-pareho pero hindi maiwasan ng isip ko na lahatin sila ngayon. Masisisi niyo ba ako? Nakauniporme ang bumira sa kaibigan ko. At dahil doon, sa tuwing makakakita ako ng parak, ang pangyayaring iyon na ang papasok at papasok sa isip ko.

"Swim. Tinatangay ka na naman."

Napakamot ako sa batok ko. "Ha? Hindi naman a."

Naupo kami sa isang gilid at pinagmasdan ang dagat.

"Bakit maalat ang dagat?" wala sa sarili kong tanong.

"Gusto mo sagutin kita?" Napatingin ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung u-oo ba ako o hindi. Hindi ko naman talaga intensiyong malaman. Ni hindi ko nga alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko e.

"Huwag muna. Baka hindi ma-process ng isip ko. Sa susunod na lang."

"It's your choice."

Hanggang sa naggabi, nandoon lang kaming dalawa.

"Wala ng masiyadong tao, gusto mong umiyak? Puwede rin akong tumalikod kung gusto mo."

Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Pero sa ginawa kong iyon, hindi ko namalayan na sumabay na pala ang luha ko kaya nauwi iyon sa pag-iyak.

"Tiyanggala, nakakahiya," wika ko at pinigil ang sarili kahit gusto ko pa talagang ilabas iyon.

"Ano ang nakakahiya roon?" patanong niyang sagot sa akin. "Men are humans too. Of course, they have feelings. Kung natural sa inyo ang pagtawa, ganoon din ang pag-iyak. Pareho lang naman iyong emosiyon. And besides, crying isn't a sign of weakness at all." Humarap siya sa akin. "Just cry. Let the heavy feeling of yours come out. Don't mind the society."

* * *

Araw ng libing ni Buboy. Kahit may pasok, umuwi ako sa Bulacan. Marahang umaandar ang sasakiyan kung nasaan ang kinahihimlayan niya at nakasunod kami roon. Tumutugtog ang Kaleidoscope World dahil iyon ang pinakapaborito niyang kanta. Iyak lang nang iyak ang mama at papa niya habang hawak ang picture niya. Samantala, kaming dalawa namam ni Buknoy ay nakayuko lang at pinipigil ang paghagulgol. Hindi ko pa talaga kayang tanggapin. Hindi ako makapaniwala na wala na talaga ang isa kong kaibigan. Parang kahapon lang masaya pa kami tapos ngayon wala na siya sa amin.

Nang makarating kami sa mismong paglilibingan, halos maglumpasay na ang mama ni Buboy lalo na noong ipasok ang kabaong. Kahit ako, hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko—pareho kami ni Buknoy. Kulang na lang, pigilan namin ang taong nagpapasok at alisin si Buboy sa loob saka pilit na gisingin at patayuin.

"Buboy!" hiyaw ng mama niya.

Nababalot kami ng iyakan, lalo na noong tuluyan ng selyuhan ng lapida ang libingan ng kaibigan namin. Wala na. Wala na talaga. Hindi na talaga siya babangon at babalik sa amin. Pag-alis ng mga tao, lbumuhos ang luha namin ni Buknoy dahil sa pagbalik ng masasayang ala-ala kasama si Buboy. 'Yung paglalaro namin ng DOTA, pagtambay sa ilalim ng puno ng mangga, iyong kuwentuhan, tawanan, kulitan . . . 'Yung pangarap niya, hindi niya na matutupad pa.

"Pupunta pa tayo sa graduation ni Jackson . . ." Umiiyak na wika ni Buknoy. "At saka magiging pinakamagiting na pulis ka pa, hindi ba?"

Ang sakit talaga kasi iyong mga tao sa gusto niyang propesiyon, iyon pa ang bumawi sa buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

410K 21.8K 45
In an alternate universe, Maine Mendoza fails to make it as a talent in Eat Bulaga, and pursues her other dream to be a Flight Attendant. In one of h...
16.8K 163 44
FREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kw...
14.6M 253K 31
Normal lang may CRUSH. Ang crush ay parte sa buhay natin. Dito nagsisimula ang pagibig sa isa't isa. Sabi nila, ang walang crush abnormal. Pero, toto...
1.4K 104 46
Tala, Tula, Tinta at Tayo | Poem Collection Mga salitang hindi ko masambit sa iyo ng deritso.