Kaya Ko Ba?

By nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... More

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 43

750 50 0
By nakalimutankoe

Kabanata 43.

CHINESE NEW YEAR NA. Dumating ako sa lugar na napag-usapan namin ni Jordan pero wala pa siya kaya naghintay ako. Mayamaya, may nakita akong palapit sa kinaroroonan ko pero hindi si Jordan—si Patricia. Nahihiya siyang ngumiti sa akin at bumati.

"Ako ang pinapunta ni ate kasi may gagawin daw pala siya," sabi niya.

"Ganoon ba . . . ." tanging nasabi ko. Tumango lang siya.

Halatang hindi siya mapakali kaya ako na ang gumawa ng paraan para mawala ang ilang na nararamdaman niya. Kinausap ko siya nang kinausap hanggang sa pareho na kaming mapalagay ulit sa isa't isa—gaya ng dati. Maliwanag pa pero ang dami ng tao; mga foreigners, naka-costume, nagtitinda ng street foods, prutas at kung ano-ano pa. Pero kung may isang bagay silang ipinagkakapareho, iyon ay ang mga ngiti sa mga mukha nila.

Ang dami ring mga paninda at bagay na puro may kinalaman sa paniniwalang intsik; mga pampasuwerte, mga nagsisindi ng pulang insenso, tapos iyong dalandan na pinaikot gamit ang alambre at sa gitna ay may pinya. Akala ko nga puwedeng kainin ayun pala pansabit lang daw sa pinto.

"Bakit ka pala nakapang-Chinese na damit?" Nakasuot kasi siya ng kulay pula na Cheongsam tapos iyong buhok niya parang kay Pucca.

Bahagiyang nanlaki ang mga mata niya. "H-hindi ba okay? Ano—"

"Okay na okay. Bagay na bagay nga sa iyo e, ang cute mo," putol ko sa sasabihin niya. "May lahi ba kayong Chinese?" Ang tagal na pero ngayon ko lang natanong. Kung hindi pa nag-Chinese New Year, hindi ko pa maiisip.

"Meron. 'Yung dad namin is half-chinese." Ah. Kaya pala.

Sa paglalakad namin, may nakita kaming grupo ng mga nagtatambol at sumasayaw-sayaw. May mga bata rin na ginagawa ang dragon dance pero karton at tela ang gamit. Nang sulyapan ko si Pat, kitang-kita ko sa mukha niya na nag-e-enjoy siyang panoorin iyon.

"Uy," usal ko ng makita ko ang dalawa pang grupo na naglalakad at kapuwa nakasuot ng kulay pula at may sulat intsik; iyong isa, nagtatambol, at iyong isa naman ay may bitbit na dragon na may stick na siyang hinahawakan nila. "Gusto mo magpa-picture?" tanong ko. Nahiya pa siya no'ng una pero kalaunan ay pumayag din.

"Ikaw naman," aniya kaya ako ang pumalit sa kanina lang ay kinatatayuan niya.

Paalis na kami ng may lumapit sa aming babae at nag-alok na kukuhaan niya raw kaming dalawa ni Pat ng picture na magkasama dahil natutuwa siyang tignan kami. Naalala niya raw na noong kabataan niya, ganito rin daw sila ng asawa niya . . . magkasamang pumupunta sa Binondo tuwing Chinese New Year. Kaso lang yumao na raw iyon ngayon kaya siya na lang mag-isa.

Matapos ibigay ang pasasalamat namin, nagpatuloy kami at sandaling huminto dahil sa mga paputok. Nang makita namin ang mga taong may hawak na dragon costume, lumapit kami roon.

"Puwede ko po ba iyang subukan?" Tinuro ko ang ulo ng dragon.

"Oo naman," masayang sagot sa akin ng babaeng may edad na, maiksi ang buhok at nakasuot ng salamin.

Malawak ang ngisi kong humarap kay Patricia. "Picture-an mo ako, Pat." Excited siyang tumango.

Naisuot ko iyon sa tulong ng babae. Siya ang nag-ayos para maayos ko iyong maipasok.

"Ready," hudiyat ni Patricia kaya sandali muna akong huminto at nag-posing. "Done."

Pagkatapos niya akong picture-an, sumayaw-sayaw ako dahilan upang marinig ko ang tawanan ng mga taong nasa paligid ko. Hindi ko alam kung tama ba ang pinaggagawa ko dahil pakiramdam ko, imbis na dragon o leon, pa-unggoy ang sa akin. Pero hindi bale, mukha namang natutuwa sila at ganoon din ako.

"Maraming salamat po," hingal kong ibinalik ang costume na sinuot ko. Nagpalakpakan ang mga nakapanood sa akin kaya feeling ko tuloy ang galing ko.

Sunod naman naming nakita ang mga kabataan na hawak ang stick ng dragon at umikot-ikot. Pumasok kami sa isang restaurant para kumain. At siyempre, gaya ng inaasahan, puro pagkaing intsik ang inihain para sa amin. May siopao, siomai, pati iyong noodles na may sabaw pero hindi lucky me. Kulay puti lang, walang flavor. Parang organic yata.

"Grabe, nabusog ako," saad ko habang hinihimas-himas ang tiyan paglabas namin. Natigilan naman ako at namangha ng makita namin ang ilang grupo na nagpe-perfrom ng lion at dragon dance. "Ang galing," parang wala sa sarili kong komento.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapunta sa Binondo at Chinese New Year pa. Ibig sabihin, ngayon lang din ako nakakita ng live performance na ganito.

Pagsapit ng gabi, mas lalong dumami ang tao para abangan ang makukulay na fireworks. Halos magdikit na ang balat namin ni Patricia dahil sa siksikan. Karamihan sa mga kapuwa namin naghihintay, nakahanda na ang camera at ganoon din naman ang kasama ko. Nang marinig ko ang countdown, alam kong paparating na ang hinihintay namin.

"The long wait is over," bigkas ko sa pamosong salita na hindi ko naman alam kung saan nanggaling. Basta, naririnig ko lang.

"Ten! Nine! Eight!"

Lahat kami, nakatingala na sa madilim na kalangitan.

"Seven! Six Five!"

Inayos na ni Patricia ang hawak niyang camera at ipinosisyon.

"Four! Three! Two!"

Isang bilang na lang ang hinihintay namin. Handa na kaming lahat.

"One!"

Kasabay ng pagputok ng fireworks sa taas ay ang masayang sigawan ng mga taong nanonood at nagvi-video nito.

"Wooh!" Pati ako nakisigaw na rin. "Pat! Bumalik ulit tayo rito sa susunod!" saad ko.

Malawak ang ngiti niyang bumaling sa akin. "Sige!"

Ilang saglit ang lumipas, ibinaba na niya ang camera at mismong mga mata niya ang ginamit niya pang-nood. Kapuwa lang kami nakatingala at nakangiti. Inalis ko ang tingin ko sa langit at ibinaling sa kaniya. Kung paano ko siya huling nakita, ganoon pa rin siya ngayon . . . mas maiksi lang ang buhok. Hindi ko alam kung gaano ko na siya katagal na tinititigan pero natauhan lang ako ng humarap din siya sa akin at halos magdikit ang mukha namin.

Paano, bigla na lang may nagtulakan sa bandang likod ko. Malamang aliw na aliw sa pinanonood nila. Hindi namin maialis ang mga gulat naming mata sa isa't isa, nakapako lang iyon at animo'y imposibleng mabunot. Pero paglipas lang ng ilang sandali, bigla na lang kaming nagtawanan habang nakaharap pa rin sa isa't isa. Na-miss ko ang ganito. Hindi ko akalain na makakasama ko pa siya ulit lumabas. Ang huling date namin ay iyong nagpunta kami sa parke at ibinigay ko sa kaniya ang porseras na hanggang ngayon ay nakikita kong suot niya pa rin.

* * *

Magkasama kaming dalawa ni Jordan sa kainan ni Nanay Beth. Dalawang araw na simula noong natapos ang Chinese New Year pero hanggang ngayon may hang-over pa rin ako. Hindi pa rin nawawala sa akin ang saya. Kaya ko pa rin iyong balikan at maikuwento nang maayos. Malinaw pa sa isip ko ang mga nangyari.

"You enjoy your date with Cleo?" tanong ni Jordan.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang inaalala ang mga nangyari. "Sobrang saya!" sagot ko. "Sabi ni Pat hindi ka raw makaalis dahil busy ka kaya siya na lang ang pinapunta mo."

"Oo.

Bukas ang TV pero wala rin namang masiyadong pumapansin dahil kaunti lang ang customer. At dahil puro negatibo na ang naririnig namin sa balita, hindi na rin namin iyon pinapansin. Nakakagalit lang. Ilang sandali ay pinatay na ni Nanay Beth iyon at paunti-unti ay naglinis dahil hapon na at mayamaya lang ay magsasara na siya.

"Ano ang oras ng sunod na klase mo?" tanong ni Jordan.

Natigilan ako. Nang may mapagtanto, nagmamadali kong hinigop ang sabaw bago sumagot, "Male-late na pala ako!" Kung hindi pa siya nagtanong, hindi ko pa maaalala.

"Umalis ka na," aniya. "Umuwi ka na rin diretso. Wala ako sa library at garden dahil kukunin ko ang lab result ko."

"Sige." Nagmamadali akong umalis para umabot sa oras ng klase.

Pagdating ko sa room, hingal na hingal ako. Mabuti na lang din at wala pa ang prof. Binawi ko muna ang hininga ko bago pumuwesto sa upuan ko at naghintay. Mayamaya lang, dumating na si ma'am at kaagad na sinimulan ang discussion. Nakatutok ako sa ginawa niyang pagtuturo habang nagte-take down ng notes. Bawat salita na sa palagay ko ay importante ay isinusulat ko para hindi makalimutan. Pagkaraan ng tatlong oras, nag-dismiss na siya. Pagdukot ko sa cell phone ko para sana tignan ang oras, nakita ko ang tadtad na missed calls at text galing kay Buknoy.

Hopiang Buknoy

Son nasaan ka?
Son
So.
Son
Nandito na ako sa labas ng eskuwelahan nyo
May pasok ka pa ba??
Ano ang oras ng tapos ng klase mo????
Son
Son
Si Buknoy to
May importante akong sasabihin sa iyo

"Mukhang ito yata iyong sinasabi nilang surprise visit." Nag-reply ako.

Palabas pa lang ako ng school, wilab.

Kita tayo sa tapat ng gate. Yung exit

Malawak ang ngisi kong naglakad. Hindi pa man ako tuluyang nakalalabas, natanaw ko na si Buknoy na nagpapalakad-lakad at mukhang hindi mapakali.

"Wilab!" tawag ko sa kaniya. Napahinto siya at humarap sa akin. Pagkalapit ako sa kaniya, sumalubong sa akin ang namumula niyan mga mata. "Ano'ng nangyari sa iyo, nakahithit ka ba?" biro ko pero hindi siya tumawa; nanatili lang ang malamlam na ekspresiyon sa mukha niya.

"Son . . . ." nanginginig ang boses niya. Nabura ang ngisi ko at napalitan ng pangungunot ang noo. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin. "S-si Buboy natin . . . wala na."

Continue Reading

You'll Also Like

440K 6.8K 82
read the prologue^___^ enjoy reading!!
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
251K 17K 81
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
11.5K 578 123
Short Compilation of Different Spoken Poetry