Time Escape (Currently Editin...

By CamsAnn

513K 12.8K 1K

I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanatio... More

Note
Prologue
Fantasy #1: Time to Escape
Fantasy #2: Driving Me Crazy
Fantasy #3: Childish
Fantasy #4: Don't Stare
Fantasy #5: Look at Me
Fantasy #7: Destiny
Fantasy #8: I'm Sorry
Fantasy #9 : Only A Month
Fantasy #10 : I Love You
Fantasy #11 : Contentment
Fantasy #12 : Kind of Love
For You
Fantasy #13 : Playful Fate
Fantasy #14 : Might Be The End
Fantasy #15 : Miracle
Fantasy #16 : A Dream?
Fantasy #17 : Hasmin
Time Escape
Epilogue

Fantasy #6: Pain of Reality

18.8K 515 7
By CamsAnn

Fantasy #6: Pain of Reality

///

Sa maraming sandali ng buhay ko rito, madalas kong kinukwestyon kung tama ba 'yung mga desisyon ko. Dapat ba, ang una kong puntahan o hanapin ay 'yung muntik makasagasa sa 'kin? Para kumpirmahin mismo mula sa kanya 'yung version niya ng totoong nangyari? Kung nakita niya 'yung mga humahabol sa 'kin? At higit sa lahat, kung nakilala niya 'yung tumulak sa 'kin? Paano kung nasa taong 'yon 'yung sagot sa misteryo na 'to?

     "Nandito na tayo." Natigil 'yung pag-iisip ko nang sabihin 'yon ni Tita Gracia o Graciela. Tumigil na kami sa paglalakad at napatingala agad ako sa may kalakihang bahay na 'yon.

     Gustong-gusto ko nang makita si Mommy pero makikilala niya ba 'ko? Hindi siguro. Lukso ng dugo? Pero kung talagang hindi ako nanggaling sa kanya... hindi niya ba mararamdaman na ako 'yung anak na pinalaki at minahal niya?

     Paano rin kung nagbago 'yung mga pangyayari dahil sa pagkakapunta ko rito? Then what happened to my existence here?

     "Nandyan ba si Señora Trinidad sa loob?" tanong ni Tita Gracia sa tagabantay ng bahay.

     Nandito na kami sa labas ng bahay ng Mom ko at siguro nandito rin si Dad, sana. I miss them... so much.

     Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan. Ano'ng sasabihin ko? Paano ko sisimulan? Maiintindihan ba nila 'yung sitwasyon ko samantalang ako nga hirap nang tanggapin 'to?

     "Wala naman pong sinabi si Señora Trinidad na may bisita siya ngayong araw," sabi ng lalaking tagabantay.

     "Mahalaga ito manong."

     "Hindi ho talaga pwede... Mahigpit si Señora ngayon."

     Napalingon ako kay Tita Gracia na ngumiti sa 'kin at mukhang hindi pa sumusuko.

     Hinawakan ko 'yung braso niya. "'Wag na lang po kaya muna Ate Gracia? Baka po mapasama kayo 'pag ipinilit natin?"

     Sa panahong ito, Ate ang itinatawag ko sa kanya at hindi Tita dahil nasa early 30's pa lang siya ngayon.

     Umiling siya at in-assure ako na ayos lang. Nilingon niya ulit 'yung tagabantay. "Tungkol 'to sa sanggol," seryosong sabi niya ro'n.

     Tila nag-usap naman sila sa tingin at may alam na ayaw nilang marinig ko.

     "Pasok po," sabi ng lalaki ilang sandali.

     Pagkapasok, namangha ako sa ganda ng mga gamit at ng disenyo ng bahay. Mas nakakaakit ang loob kaysa labas.

    Gayunpaman, mas lalong lumalakas 'yung tibok ng puso ko.

     "Señora Trinidad, nandito po ang kumadrona na si Graciela," sabi ng kasambahay sa may tapat ng isang kwarto.

     Bumukas ang pinto at nagulat ako nang makita ang dalawang tao.

     Si mommy na may kasamang ibang lalaki at mukhang... mukhang kakatapos lang nilang magtalik. Magulo parehas ang mga buhok nila. Walang damit pang itaas ang lalaki. Si Mommy may pagka-daring sa tila kasusuot lang na manipis na sando at short.

     "Sa labas lang ako," mabilis na pagpapaalam ng lalaki kay Mommy na tinanguan lang ng huli.

     Mabilis na nanggilid 'yung luha ko sa magkakahalong emosyon. Marami pa siguro talaga 'kong hindi alam sa buhay na 'to. Nagkasala si Mommy kay Daddy. O pareho ba sila?

     "Ate Gracia... nanganak ba siya?" naitanong ko sa mahinang boses. Malayo pa naman ang distansya nila mula sa 'min.

     "Hindi. 'Yung kaibigan ni Señora Trinidad ang pinaanak ko rito noong nakaraang linggo. Kung kakilala mo siya, wala naman sigurong kaso kung nasabi ko 'to sa 'yo."

     Bigla na naman akong natigilan sa nalaman. Alam ko namang hindi, pero habang mas lumilinaw na, mas masakit. Unti-unti, may nare-realize ako. At parang... parang hindi ko pa yata matatanggap.

     "Graciela ano'ng mayro'n?"

     Napatingin naman sa 'kin si Ate Gracia na tila pinaghahanda na 'ko. Pero para 'kong nanigas sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang bumuo ng mga salita kung paano ko kakausapin si Mommy. I missed her, but I'm afraid of the truth.

     Napatingin ako kay Tita Gracia at nahiya sa pag-iiba ng desisyon ko. Sorry Tita.

     "A-ate Gracia, m-maling tao po pala. Hindi po siya 'yung hinahanap ko," nasabi ko na lang.

     "Naku. Gano'n ba. Siya lang kasi ang kilala ko rito na may pangalan na sinabi mo," sabi niya at halatang naguguluhan.

     "Hey. May kailangan ka ba? Sino 'yang kasama mo? Hindi ko pala nasabing 'wag magpapapasok ng hindi ko kilala."

     Parang nadurog 'yung puso ko sa kaalamang mukhang hindi ako matutulungan ni Mommy sa panahong 'to.

     "Ah kaibigan ko, mamamalengke kasi kami kaso naisip kong dumalaw muna. Okay na ba ang lagay ng sanggol? Nag-aalala lang ako kung nagkaro'n pa ba ng komplikasyon?" tanong ni Ate Gracia.

     "Wala naman, maayos siya. Tawagan mo na lang muna ako kung may kailangan ka sa susunod. Mahigpit ako ngayon sa bahay dahil alam mo naman..."

     Saglit silang nag-usap sa 'di kalayuan. Nang bumalik sila malapit sa 'kin, nagpapaalam na si Tita Gracia.

     "Sige, tutuloy na kami, pasensya na sa abala."

     Seryoso namang nakatitig si Mom sa 'kin bago ako inakay ni Tita palayo. Lumabas na kami at nawala na nang tuluyan si Mommy sa paningin ko.

     "Pasensya na po talaga sa abala Ate Gracia," sabi ko pagkalabas namin ng gate.

     "Ayos lang. Napansin kong nagulat ka kanina, maari bang siya talaga 'yung hinahanap mo pero hindi mo pa lang talaga siya kayang kausapin? Pero kung hindi naman, hiling kong makita mo sana 'yung hinahanap mo Lei. Pa'no, mag-iingat ka a, iba ang direksyon ko dahil may pupuntahan ako sa kabilang bayan."

     "Salamat po..." sabi ko at magaan naman siyang ngumiti. Tumalikod na siya at naglakad palayo.

     Malayo na siya nang naisipan kong gusto kong magtanong.

     Gusto kong mag-usisa kung nasaan ang mag-asawang Estrella. Pero inunahan na naman ako ng kaba, ng takot na baka hindi ko matanggap 'yung totoo. At kung ang iniisip kong totoo ay totoo ba talaga?

     Tumalikod na 'ko at nagsimulang maglakad pauwi.

***

"Anak, I want you to meet the son of my friend... Frederico. And Frederico, here's my daughter Jasmine," masayang pagpapakilala ni Mom sa lalaking 'yon na mas matanda lang ng isang taon sa 'kin.

     Unang semester ko pa lang sa college at mukhang may nagugustuhan na si Mom para sa 'kin. Gusto niya kasing maaga akong maghanap ng lalaking tapat at hindi ako pababayaan, 'yung aalagaan ako kahit na may iniinda akong komplikasyon sa puso na hindi pa naman gano'n kalala.

     "Nice to finally meet you," sabi ng lalaking 'yon at nakipagkamay sa 'kin.

     "Don't be ridiculous, nagkita na tayo noon."

     Ngumisi siya at ayaw pang bitawan ang kamay ko kahit binabawi ko na.

     "Your hand," saway ko.

     "Oh yeah, I'm sorry," sabi nito at ngumisi.

     Natuwa lalo si Mommy, hindi ramdam 'yung tensyon sa 'min. "Schoolmate nga pala kayo noong high school. Pero ang sabi nitong si Frederico, hindi kayo naging close noon."

     Napatitig ako sa lalaking 'yon. Mukha siyang disente at tingin ko maraming nahuhumaling sa mukha niya. Pero kilala ko siya... Hindi ko gugustuhing magkaro'n ng anumang koneksyon sa kanya.

     "Kung papayag ka anak at kung magkakamabutihan kayo, siya ang mapapangasawa mo," sabi ni Mom. "Payag na ang pamilya niya at willing siyang mas makilala ka. Pero nasa inyo pa rin ang desisyon."

     Napangisi ako. Alam ko namang ito 'yung balak niya kaya hindi na 'ko nagulat. Hihikayatin ako ni Mom na kilalanin 'yung lalaking 'to pero hindi naman niya ’ko pipilitin kung ayaw ko talaga. Isa pa, masyado siyang bulag sa mga masasamang balita tungkol sa pamilya no'n dahil magkaibigan si Mommy at ang mga magulang no'n.

     Ilang sandali lang, iniwan na kami ni Mom. Naupo ako sa sofa at nagpatuloy magbasa ng librong binabasa ko bago sila dumating.

     "You're into teaching huh?"

     "Yes. You?" simpleng sagot ko.

     Naupo siya sa tabi ko at ramdam ko 'yung titig niya. "Political science. Ayos ba?"

     Tuluyan ko nang isinara 'yung libro at inilapag sa lamesa saka ko siya nilingon. "High school pa lang, iba na ang reputasyon mo. Gano'n din ng pamilya mo... Your father and your grandfather. Alam ng marami na ginagamit nila ang kapangyarihan nila sa gobyerno para manlamang at... well ikaw ang nakakaalam kung gaano katindi ang ginagawa nila."

     Ngumisi siya at tumuwid ng upo. "Sabi-sabi lang 'yon. 'Wag mong paniwalaan."

     "Maaaring kaibigan ni Mom ang parents mo pero si Dad, alam niyang hindi kayo makakabuti sa 'min. Alam ko rin na may interes ang pamilya mo sa business ng mga magulang ko. Hindi sila nakukuntento?" Napailing ako. "Wala siguro kaming magawa kahit na may alam kami, pero 'wag mo sanang kalimutan na mayroong karma sa mundo, mabuti man o masama. Kaya pwede mo nang itigil 'to, may boyfriend na rin ako para sa kaalaman mo," sabi ko pa, kahit manliligaw pa lang ang mayro'n ako noon.

     "Woah scary. Playing hard to get?"

     Huminga ako nang malalim. Naniniwala akong lahat may pagkakataong magpakabuti pero alam kong siya 'yung tipo na hindi agad-agad magbabago. Nakakalungkot na katotohanan pero umaasa 'kong sana pagdating ng panahon, ma-realize pa rin nila 'yung mga kamalian nila sa buhay.

     "Nevermind." I sighed.

     Bigla naman siyang tumawa nang nakakaloko. Nakakatakot pero ayokong panghinaan ng loob dahil lalo siyang matutuwa. Ayoko ring maliitin niya 'ko dahil sa babae ako at mas malakas siya. Iba na ang henerasyong ito.

     "Are you... still into drugs?" tanong ko nang ma-realize na hindi na normal 'yung mga reaksyon niya. High school nang kumalat sa school ang katotohanang 'yon, pero dahil may katungkulan sa gobyerno ang mga kamag-anak niya, napagtakpan halos lahat ng kalokohan niya. Pero hindi 'yon makakalimutan ng mga nakasama niya sa eskwelahang 'yon.

     Tumayo siya at ramdam ko 'yung takot at galit na naghahalo sa kanya. Mukhang naapektuhan pa rin siya ng kaalamang may pwedeng sumira ng pangalan niya.

     "Pasalamat ka at may koneksyon rin ang pamilya mo..." sabi niya, nakangisi na, bago tuluyang umalis.

     Nakakalungkot na 'yun ang pananaw niya. Na palalagpasin niya 'to dahil nakaaangat din sa buhay ang mga magulang ko. Dahil kung gano'n ang nasa isip niya, makakapanlamang at makakapanakit siya ng mga tingin niyang mahina at walang laban sa kanya.

     Sinabi ko kay Mom na hindi ko pakakasalan si Frederico. Noong una, nagtampo siya, pero tinulungan ako ni Dad na magpaliwanag at ipaintinding hindi sila makakabuti sa pamilya namin.

     Hindi sila perpektong magulang at minsan nagkakatampuhan kami, pero ramdam kong mahal nila 'ko.

     Si Dad, hindi siya masyadong expressive sa pagmamahal niya pero mas nauunawaan niya 'yung nga emosyon ko. Masyado siyang busy sa trabaho pero naglalaan pa rin naman siya ng panahon para sa 'min. Naiintindihan ko rin naman na nagsisikap siya para sa medications ko.

     Noong kabataan ko, naisip kong magrebelde dahil sa kakulangan nila ng oras para sa 'kin. Masyado silang busy sa iba't ibang bagay. Pero sa huli ako lang din ang nasasaktan. Na-realize kong hindi sila perpekto pero kailangan naming unawain ang isa't isa, maging open sa bawat isa. Mahirap na proseso pero kung hindi ka mawawalan ng pag-asa, baka balang araw... magkakaro'n ng magandang pagbabago.

     I realized back then that I must live fully so I can leave with no regrets, or atleast with few.

***

"Lei..." Natigil ako sa pag-alala nang tabihan ako ni Tacio.

     Nakauwi na ako sa kanila at nakaupo ngayon sa duyan sa labas ng bahay.

     Nilingon ko siya at magaang ngumiti. "O bakit?"

     "Ang sabi mo noon, may nobyo ka?" tanong niya.

     Naalala ko kung paan ako iniwan ni Lawrence noong gabing 'yon. Nagsisi kaya siya? Huminga ako nang malalim. "Oo, kaso hiniwalayan niya 'ko ng dahil sa sakit ko."

     "Paano kung magsisi siya at mapagtanto niyang mahal ka pa rin niya sa kabila ng sakit mo, tatanggapin mo pa ba?" tanong niya pero nakatingin lang siya sa tanawin sa harap.

     "Kilala ko siya. Marami pa siyang pangarap sa buhay at ayoko siyang hilahin pababa. Hindi ko alam kung nagsisisi siya pero hindi ko rin magugustuhan kung mananatili siya dahil lang nakokonsensya siya o naaawa sa 'kin. Mas mabuti na rin siguro na naging malaya na siya... Kaya siguro, hindi na."

     Pagkasabi ko no'n, napansin kong tinitigan na niya 'ko. Parang may gusto siyang sabihin pero nahihirapan siyang ilabas.

     "Tara na sa loob," pag-aaya ko kasi pakiramdam ko lalalim pa 'yung usapan namin tungkol sa bagay na nagpapalungkot sa 'kin.

     "Ano 'yung sakit mo? Pwede ko bang malaman?" tanong niya, gaya ng inaasahan ko.

     Tumayo na 'ko. "'Wag mo nang isipin 'yon. Tara kain na lang tayo," pag-iiba ko sa usapan at nagsimula nang maglakad.

     "Mahal mo pa ba siya?" bigla niyang tanong.

     Napahinto ako bago ko siya nilingon.

     "Oo. Pero hindi na sobrang tindi. Concern pa rin ako sa kanya pero hindi na 'ko umaasa," sagot ko at napansin ko 'yung lalong pagseseryoso ng ekspresyon niya. "Bakit? Gusto mo ipakilala kita sa kanya? Gwapo 'yon," pang-aasar ko para mas gumaan 'yung usapan.

     "Tss." Tumayo na siya at naglakad.

     "Teka, ang lesson of the day natin ngayon ay," nag-isip ako sandali. "I love you. I L-O-V-E Y-O-U, I love you. Ibig sabihin---mahal kita. Sasabihin mo 'yan sa iniibig mong lalaki, este babae."

     "Alam ko na 'yan," natatawa niyang sabi.

     "Ay sorry," sabi ko at nag-peace sign. "Masyado nga palang karaniwan 'yon, wala kasi akong maisip."

     Ngumisi lang siya at nauna nang maglakad nang biglang may naramdaman akong kakaiba.

     Natigilan ako nang parang sumikip 'yung dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Pumikit ako at nagdasal.

     Ang saya sana kung kahit man lang sa panahon na 'to, wala akong iniindang sakit.

     "Ano'ng nangyari?" tanong ni Tacio at hinawakan ang dalawang balikat ko.

     Sa isang iglap naman, unti-unting guminhawa 'yung pakiramdam ko. Thank You...

     "W-wala, tara na?" Gayunpaman, kumapit ako sa braso niya habang bumabawi ng lakas.

     Naramdaman kong huminga siya nang malalim nang makitang okay naman ako pero bakas pa rin 'yung pag-aalala.

     "O kumain na tayo mga anak," masayang aya ni Mang Isko nang makita kami.

     Lalong guminhawa 'yung pakiramdam ko. Siguro dahil na rin sa simpleng buhay rito, nakakalimutan ko pansamantala 'yung mga problema.

     Kung bangungot o panaginip man lahat ng 'to, itong pagdating ko sa nakaraan, nagpapasalamat pa rin ako.

     Because somehow...

     I escaped from the pain of reality.

///

Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 487 38
Kit Jaynes is one of the strongest students in the academy for her known magic and rare ability. Then, there's this one mission that will surely cha...
328K 3.8K 65
She's broken, He's broken. He's in pain, She's in pain. Who will be the REAL Angel in Disguise?? (Book 1) (Editing)